Chapter 20
Peace. Who doesn't want peace in their life? I'm sure we all want it in every aspect of our lives. We don't want to think too much about complicated things because we are the only ones who always suffer, so we should avoid things that we know will cause pain sooner or later as much as possible. Pero anong magagawa natin kung ang gulo na mismo ang lumalapit sa atin, intentional man o hindi? That no matter how hard we try to avoid it, it clings to us even more.
Because it is what it is. We have no control over the tides of fate.
"Nilalandi mo ba si Inus?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Binitawan ko rin agad ang kamay ni Mab matapos ko siyang hilahin paalis sa crowded na sala at papunta sa likod-bahay.
Alam kong puwede pa itong palipasin pero hindi ko masikmura ang ginagawa nila sa harap ko mismo at ng ibang bisita na inimbitahan nila sa pag-welcome at congrats sa akin kasi nakauwi na ako at successful ang surgery. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Mab kaya hindi siya nakapunta sa ospital kanina. I really appreciate it, even now that I'm in rage and jealousy. Pinaghirapan pa rin niya ito kahit papaano.
"Ano?" Mab's brows immediately creased. "Gaga, bakit naman ako makikipaglandian sa boyfriend ng best friend ko? Ayos ka lang ba, Lu?" Tumatawa-tawa pa siya habang hawak niya pa rin ang isang kopita na may lamang champagne.
"Bakit ganoon kayo?" I tried to hold back as much as possible. "Iba ang tinginan niyo. Parang nagkakailangan pero mukha namang komportable sa isa't isa. I... I know there's something in those stares because I also experienced it. Hindi niyo ako maloloko. I'm not that shallow."
"Puta?!" Mab exclaimed. "Nagpapatawa ka talaga. Bakit naman may ibang laman ang tinginan namin ni Inus? It's normal, Lu. Nag-o-overreact ka lang tapos hindi ka pa mababaw sa lagay na 'to?"
"No, Mab! Tell me the truth!" Nangilid ang mga luha ko. "Aksidente ko pang nakita ang convo ninyo sa phone ni Inus. Babae rin ako, Mab. Alam ko kung paano i-distinguish ang landi sa casual lang as friends."
"Talaga lang, ha?" Nilapitan niya ako't matapang niyang inubos ang laman ng kopita. "Bakit ako ang kinakausap mo kung sa phone naman pala ni Inus mo nakita?"
"My God, Mab. You're involved. Kung wala naman talaga ay mabilis mo lang itong itatanggi sa akin. Bakit parang defensive ka?"
"Hindi, Lu. Gumagawa ka ng dahilan para sa akin ipasa ang kasalanang hindi ko naman ginagawa. Kung nilalandi nga ako ni Inus, napansin mo naman siguro ang paraan ng pag-reply ko sa mga message niya. Alam mong hindi ako ganoon kabilis makuha, lalo na kapag hindi ko naman bet ang tao. Alam mong magkaiba ang gusto natin sa isang lalaki."
Hindi agad ako nakasagot. My body stiffened as I realized I shouldn't be doing this in the first place. Sensitive lang talaga ako pero kapag hinayaan ko lang din, paano ako? Ako rin lang naman ang mahihirapan. Hirap din akong pigilan lalo na kung ang dalawang taong involve ay mahalaga sa buhay ko.
"Please, Mab. Just... just tell me something. The truth... I need it."
"Tangina lang! Hindi naman kasi kailangang umabot sa ganito. Sasabihin ko naman pero mali ang approach mo, Lu." Mabilis niyang pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya. Iniwas niya rin ang mukha niya sa akin.
"I'm sorry, Mab." Medyo humupa ang nararamdaman ko. "Nadala lang talaga ako. Hindi ko agad natiis."
"Ganoon? Paano kayo tatagal niyan kung lahat ng galaw ni Inus ay binibigyan mo ng malisya? Ano, gusto mo lang siyang kulungin sa 'yo?" Hinarap niya ulit ako. "Sorry din, Lu, kasi tama nga yata si Inus."
I stared at her with a heavy heart.
"Ako ang nilandi, Lu. Siya ang lumapit sa akin, hindi ako. Pinagsabihan ko pa siya na kung determinado siyang mapasagot ka, magfo-focus lang siya sa 'yo. Hindi rin ako kumagat kasi kaibigan kita at ganoon lang din ang turing ko sa kanya. Walang malisya roon. Alam mo namang marami akong lalaking kaibigan. Kaibigan lang, Lu, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay jinojowa ang mga lalaki."
Natutop ang bibig ko. Mab's words are making my heart heavier. Para bang ilang beses niyang kinimkim ang mga bagay-bagay and now, I pushed her. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito maaayos. Ito na yata ang magiging pinakamabigat na away namin.
"Mab..." Yumuko ako at hindi na pinigilan ang pagluha.
"Hindi ko alam na ganoon mo lang ako kabilis sabihan na malandi ako, at ang dahilan... boyfriend mo pa talaga. Napapaisip tuloy ako kung kailan pa naging ganito ang tingin mo sa 'kin."
"No, Mab. Nadala lang talaga ako kanina. I'm sorry."
I wasn't supposed to be apologizing. It was supposed to be her. Hindi ko rin kasi maitatanggi na mali ako pero hindi ba't may kasalanan din siya? She didn't tell me. Noon pa pala kaya pala sa tuwing napag-uusapan namin si Inus ay umiiwas siya, lalo na kapag tinatanong ko na kung nakakausap niya siya.
"Gusto mong malaman kung bakit niya ako sinubukang landiin?"
I faced her once again.
"Kasi ayaw niyang mahulog sa 'yo." Tila ba nabasag ang mundo naming iniingatan ko. "So, he diverted his attention to me. Ang funny lang. Bakit sa akin pa, 'di ba? Iyan din ang tinatanong ko kay Inus pero mukhang wala talaga siyang pinipili na lalandiin. Oo, ganoon kalandi ang boyfriend mo. Hindi mo alam?"
"Don't say that, Mab. Napatunayan niya na ng ilang beses ang sarili niya sa akin."
"'Yon na nga, Lu. Hindi niya napigilang mahulog sa 'yo. Ikaw pa rin ang pinipili niya, 'di ba? Tapos heto ka't naninira ng friendship natin."
"No, I'm not. I just want to know the truth. Okay, fine, nakailang sorry na ako pero sorry ulit kasi kusa lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi ka magre-react?"
I'm trying not to add another fuel to the fire, but I don't want Mab to keep saying hurtful words to me. Para bang minamaliit niya ako. Oo na, ako na ang mababaw pero alam ko sa sarili ko na valid pa rin ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon.
"Eh, kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko, Lu? Ano rin ba ang mararamdaman mo? Huwag kasi puro lang sarili, 'di ba? Subukan mo ring alamin ang sitwasyon ng iba. Akala mo ba gusto ko ring maipit sainyo? Tangina, Lu. Kaya ko nga iniiwasan dahil nakikita kong masaya ka na. Ayokong masira ko iyon." Nakita kong kinakapos na siya sa paghinga pero hindi niya ako pinapalapit sa kanya. "Sinabi niya sa akin na masyado ka raw mataas para abutin pero kita mo namang patuloy siyang sumusubok, 'di ba? He's been admiring you from afar for years now, Lu. Ngayon mo lang siya napansin pero parang inaabuso mo naman. Ngayon lang siya naglakas-loob na panindigan ang nararamdaman niya sa 'yo. Sana naman respetuhin mo, ano? Huwag mong hayaang mapagod at magsawa 'yong tao. Hindi mo rin kailangang pumili between me and him. Huwag mong iparamdam sa akin na mas importante siya kaysa sa akin."
She left me befuddled, hurt, and regretful. Malinaw ko namang naintindihan ang mga sinabi niya pero ayaw matanggap ng utak ko kaya hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga salita pabalik. Sa simpleng pag-confront ko sa kanya ay nauwi sa mas malalim na dahilan ng hindi pagkakaintindihan.
I regret it now.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Nagalaw ko sana ang mga paa ko para sundan si Mab pero hindi ko pa rin nagawa. Lubog na lubog na ang tapang ko. All I have now is regrets and pain.
"I'm sorry, Mab." Patuloy akong humagulhol. Nanlambot din ang mga binti ko kaya napaupo na ako sa lupa. "I'm sorry..."
I punched my chest several times, hoping it would ease the pain. Kahit na sumasabay na ang sipon sa pagtulo ng mga luha ko, hindi ko pa rin magawang tumigil. Habang tumatagal kasi ay mas tumataas at dumadami rin ang regrets ko. Napapasabunot na rin ako, nawala sa isip ko na may tahi pala ako. Nang may makapa akong basa ay nanginig agad ang mga kamay ko. Napasigaw na ako sa pag-iyak nang makita ang dugo.
"Lu!"
Tiningala ko agad si Inus na dumating.
"I-I-Inus..." Napasigaw ulit ako sa iyak. Lumuhod naman si Inus kaya hinayaan kong matumba ang katawan ko sa katawan niya. "Ang sakit, Inus!" Pati mga labi ko ay nanginig.
"Fuck!" Maging si Inus ay naiyak na rin. Sinusubukan niya akong buhatin pero pinipigilan ko siya.
I deserve to suffer more.
"I'm so-sorry I doubted you, I-Inus..."
"No, no, no. I'm sorry I kept on hurting you. I'm sorry, baby. I'm sorry." He hushed me, but my sobs grew louder and louder. Kahit na gaano kahigpit pero kaingat ang bawat akap ni Inus ay hindi ko na makontrol ang sarili ko.
"Please forgive me," was all I could say before my entire body shut down.
Nagising akong nasa ospital na naman ako. When I started to lose myself again, saying sorry for countless times, Inus hugged and kissed me. Todo pigil pa rin siya sa akin kahit na maging siya ay nasasaktan ko na. Wala silang choice kundi ang turukan ako ng pampakalma at pampatulog, lalo na't tumagal akong ganito ng ilang araw.
Humupa lang nang magkausap ulit kami ni Mab. When we got along again, I began to work on improving our friendship and my relationship with Inus. Mas sumaya ako when Mab and I, without even realizing it, became more open with each other because we knew we couldn't afford to break this friendship.
"Bruha ka! Huwag mo na ulit gagawin 'yon!" Kanina pa kami magkayakap ni Mab habang umiiyak kaya nagmumukha na kaming tanga.
"I'm sorry."
"Sorry din. I love you, girl."
"I love you too!"
I expected things to continue to be a mess, but as time passes, we're gradually growing. Noon ko pa napapansin na nagbabago si Inus pero ngayon, grabe na ang pinagbago niya. Pakiramdam ko hindi ko na siya deserve, but he continues to prove that we both deserve each other. Mas tumaas ang respeto ko sa kanya. Wala siyang ibang pinakita at ginawa kundi ang malalim na pagmamahal niya sa akin. Hindi lang din ako ang patuloy niyang nililigawan, maging ang mga magulang ko rin kaya mas gumaan ang loob nila.
"Ma, Pa, si Lu, girlfriend ko po."
Yes, Inus introduced me to his family after I had fully recovered from brain tumor surgery. I'm not sure how to interact with them at first, but I didn't expect them to be as warm as Inus. They never once made me feel like a different person. I also didn't have a hard time getting close to his three siblings and nephews.
"Where are you?" tanong ni Inus sa kabilang linya, halatang nag-alala rin sa biglaan kong pagsigaw. Kanina pa kami nag-uusap sa video call when my Mom's water broke. Hinanap pa namin si Dad kaya medyo natagalan bago isugod si Mom sa ospital. Lahat iyon ay narinig at nakita ni Inus sa kabilang linya dahil nakalimutan kong patayin.
My little brother is coming!
"Still in the house," I said, picking up my phone and showing Inus my room. "I'm packing things." Sunod ko namang pinakita ang bag na inaayos ko.
"I'll drive you."
Ilalapag ko na sana sa lamesa ang phone ko nang mapatingin ulit ako sa kanya. Hindi ko na siya makita. Nakaharap na sa kisame ang phone niya.
"Hindi na, Inus. Nandito naman si Kuya Peter."
Nang itapat niya uli sa mukha niya ang camera ay nakabihis na siya.
"End mo na. Pupuntahan na kita." Ngumiti siya kaya napabuntonghininga na lang ako.
"Eh, 'di ba may gagawin ka pa?"
"Mapapagpaliban naman iyon, Lu."
Nagdalawang-isip pa ako kaya nagsalita ulit siya.
"I love you." He waved his hand.
"Alright. Ingat ka. I love you." I smiled as I ended the video call. Ilang segundo akong natulala sa phone ko. Walang palya talaga ang pagpapakilig ni Inus sa akin. Araw-gabi kahit na maging sa school ay palagi kaming magkasama.
Nakarating agad si Inus. Tinakbo ko ang pagitan namin bitbit ang bag. Kinuha niya naman agad iyon sa akin. Yinakap ko agad siya at hinalikan sa mga labi.
"She'll be fine."
"I know."
Matapos niyang ipasok sa backseat ang bag ay pinagbuksan niya na rin ako ng pinto sa unahan. Habang nagmamaneho rin siya ay magkahawak-kamay pa kami. He would occasionally glance at me and smile, assuring me that the delivery would be safe.
"Hello there, Luke!"
The world, not just our family, welcomed the healthy and beautiful baby boy, Luke Gonora.
"Kamukha mo, Lu." Tinawanan ko lang si Inus. "Sana pati ng mga magiging anak natin."
"Inus!" Namimilog ang mga mata ko. He walked up to me and supported me with a back-hug while I was carrying baby Luke.
Marahan kong inilapat ang ilong ko sa noo ni Luke since bawal pa raw halik-halikan, but I can't help it! He's just so cute and fragile. Hindi na ako nagulat nang gawin din iyon sa akin ni Inus. I just grinned and rolled my eyes.
Mas napadalas pa ang pagpunta ni Inus sa bahay namin dahil nawiwili na rin siya sa pag-aalaga kay Luke kaya kami rin palagi ang napag-iiwanan ni Mom at Dad kaysa sa babysitter at katulong. Mabilis kasi akong na-attach kay Luke kaya sa room niya na rin ako natutulog. Feel ko ganoon din si Luke sa akin since ako palagi ang kasama niya, maging sa pag-review ko. Nakakalungkot lang na naghihiwalay kami kapag papasok na ako sa school, but it's okay though because I have another baby to spend my time with.
"Happy birthday, my baby!" Inus hugged me and gave me his gift.
Pinalakpakan kami ng mga bisita. Niyaya niya na rin ako sa unang sayaw namin ngayong gabi. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa 'kin dahil mas pinili kong yakapin si Inus habang sumasayaw. It's more comfortable for me. It's not just physical contact; our hearts are becoming one as well.
Thank you, August, for making my age legal in the presence of my loved ones.
This is the second time we celebrated birthdays together. The first one is his birthday on January. We even had our first Christmas and New Year's Eve together. Pinagtatawanan nga nila kami dahil hindi na raw kami mapaghiwalay, kulang na lang daw talaga ang kasal kahit na hindi pa kami umaabot ng isang taon. Wala naman kasi iyon sa haba ng oras na in a relationship kayo, it's the bond that you've managed to create and mold together.
"Happy anniversary!" Hindi ko tinigilan na tawagan si Inus ng madaling araw hanggang sa sagutin niya. Medyo napansin ko rin na yamot siya pero tinawanan ko lang iyon. Nang tuluyan siyang magising, he also greeted me back. He even posted our photos on social media.
"I love you, baby. Thank you for always making me the happiest." His voice is hoarse, making it sound a little sexier and romantic.
"I love you, Godvynus Tansley." Lumawak lalo ang ngiti ko. Biglang nawala 'yong antok ko, gising na gising na ang buong diwa ko ngayon. "Ayoko mag-thank you dahil hindi iyon magiging sapat. Ayoko ring mag-sorry since you're always validating my feelings."
Mahina siyang napatawa, dahilan nang pagpungay ng bagong gising niyang mga mata. Tumagilid ako sa kama para mas maging komportable.
"Basta ang swerte ko sa 'yo."
"Nope, Lu. I'm the one who's lucky. Hindi ba't nakakabilib lang na magkagusto ka sa 'kin?"
"Ewan ko sa 'yo! Puro ka lang naman kaplastikan! And why would you think about that?"
He laughed once again, ignoring my question. Kahit ako ay sunod-sunod din ang naging tawa nang magtagal pa ang usapan namin. Nang magising ulit ako ay on going pa rin ang video call.
"Good morning!" natatawang bati ni Inus na nasa banyo na't nagto-toothbrush. Samantalang ako ay nakailang hikab pa bago naproseso na may pasok pala kami ngayon. "You're late. I've tried to wake you up, but you just keep on snoring."
Mabilis akong bumangon hawak ang phone. "I don't snore." I yawned. "Bakit hindi mo pa rin in-end kahit na nakatulog na ako? May dagdag na naman sa mga pang-aasar mo sa 'kin."
"Alam mo namang ikaw palagi ang hinihintay ko na mag-end ng call. Besides... ang ganda mo kapag tulog. Baby na baby ang dating mo."
"Naks, salamat, ha?" I rolled my eyes as I hungup the phone, but eventually smiled before going straight to the bathroom.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro