Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

I'm in my first year of college and studying for Bachelor of Science in Nursing. I honestly have no idea why I chose this path. What I only know is that...

Maybe because I used to see a lot of nursing students and registered nurse who were always clean, cautious, and professional. Baka nadala ako sa hanga ng pagdala nila sa uniporme at pag-aalaga sa mga pasyente kaya gusto ko ring ipakita sa kanila na kaya ko rin iyang gawin.

Puwede ring naimpluwensiyahan lang ako ni Mab since I'm so close to her to the point na ayaw na naming mapaghiwalay pa. Pitong taon na rin kaming magkaibigan kaya masyado nang nasanay. And guess what? Madiriin kaming tao. Medyo takot din sa dugo si Mab, buti na lang ako hindi naman. So, tell me, how are we supposed to survive the whole four years? Naka-survive naman sa first sem, pero paano sa mga susunod?

Naisip ko rin na baka gusto kong makuha ang atensyon ng mga magulang ko. Their job is business-related, which is draining, so I want to take care of them.

That's just it. I tried to look for another reasons, something deeper to which I can connect to. I'd like to tell myself that I'm doing this for myself, that I'm just having fun with it. Pero hindi, eh. It's for something else. It's for proving my capabilities and knowledge to others, not for my own benefit.

"Anong nangyari sa 'yo last week? Bigla kang nawala't ngayon lang ulit nakapasok," salubong agad sa akin ni Mab pagkapasok ko sa room. Sinundan niya ako hanggang sa upuan ko, hinihintay ang magiging sagot ko.

I stared at her, pondering if I should tell her about it.

"I needed to go home and... rest," tanging nasabi ko.

"Anyare? Share naman." Umupo siya sa katabi ko. "Pero bakit ang putla mo?"

"Ngayon ka pa nagtaka," marahan akong napatawa. "Eh, palagi mo ngang sinasabi sa akin na maputla ako."

"Gaga, iba ang dating ng putla mo ngayon. Parang mas pumutla pa lalo."

Akala ko kukulitin niya na naman ako, buti na lang dumating na ang instructor namin para sa unang subject ngayong araw. Kahit nang mag-lunch time na ay hindi ko pa rin nasabi kay Mab 'yong tungkol last week, maybe not now. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin. And the paleness she noticed earlier is probably the effect of the therapy and medication the past week. Mab is a keen observer, so soon enough, she'll notice what's wrong with me.

"You're going out tonight, right?" tanong ko kay Mab habang nag-aayos na kami ng mga gamit para makauwi na. Kakatapos lang kasi ng last subject namin for today.

"Tinatanong pa ba 'yan? Alam mo namang every friday ang labas namin."

Napatingin ako sa kanya. "Can I join you?"

Napatigil siya bigla at dahan-dahang napatingin sa akin.

"Tama ba ang rinig ko?" Her eyes narrowed.

I merely nodded and chuckled. It took her a minute to properly comprehend what I had just said.

"Pakshet!" Her hands flew up to cover her mouth. Kalaunan ay tuwang-tuwa siyang napatayo. "Totoo na ba talaga 'yan? Hindi prank?"

I nodded again. Tumayo na rin ako matapos masukbit ang bag sa balikat ko.

"Magpapaalam ako. I'll try to use Kuya Io and Iz to cover me."

"Sa wakas! Lalabas na si Elu Gonora sa comfort zone niya! Tara, tara, tara!"

Hinila niya na ako palabas ng room. 'Yong lawak ng ngiti niya hindi na maalis sa mga labi niya. It's kind of OA, but yeah, sino ba naman ang hindi magugulat kapag isang araw bigla na lang pumayag sa gala 'yong taong hindi nakakalabas ng bahay? This is only the first time. I just hope that it goes well. Ito na rin siguro ang simula sa pagbibigay kulay sa mga nilista kong gusto kong gawin.

"Pano kung hindi gumana excuse ko?"

Mab suddenly halted and so am I.

"May tiwala ako sa kakayahan mo. Ngayon ka lang kusang sasama sa akin, papalagpasin mo pa ba?"

"Well... we don't know what could possibly go wrong. Kilala mo naman ang mga magulang ko."

"Kung magpasama ka na lang kaya sa dalawa mong pinsan? May tiwala naman siguro ang magulang mo sa kanila."

"Good suggestion. Susubukan ko talaga, Mab."

"Bakit biglaan yata? Okay ka lang ba?"

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Biglaan kasi. Nakakapanibago. Akala ko nakadikit na 'yang buong pagkatao mo sa bahay niyo, eh."

"Grabe ka naman!" Napatawa na lang kami. "I guess it's time for a change naman."

"Sus, dami mong alam."

When we got at the school's parking area, we parted ways after saying our goodbyes. Nandoon na rin kasi ang sundo ko pero siya wala pa. Pinapasabay ko na nga sana pero ayaw niya kasi may dadaanan pa raw siya.

"Naghihintay na po sa ospital ang mga magulang mo," sabi ni Kuya Peter nang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Binalingan ko siya saglit.

"So, doon na po tayo didiretso?"

"Opo, Ma'am."

"Okay po." Pumasok na ako sa loob.

Not that I am complaining, but do we really need to do this? Nahihirapan akong mag-adjust sa schedule na ginawa nila para sa akin. Mas nakakadagdag sa mga iniisip ko. But I guess I don't have a choice. Ayoko namang i-neglect ang studies ko para lang sa pagpapagamot ko, at ayoko namang itigil ang pagpapagamot ko para lang maka-focus sa studies ko. Wala bang mas effective na paraan diyan o kaya kahit alternative lang?

Grabehan! First week palang nga may pareklamo na agad ako dahil sa pagiging emosyonal ko. What more kung tumagal pa?

Gusto ko pa sanang magtagal ang biyahe pero nakarating agad kami sa ospital. Binati ko ang mga magulang ko sa pamamagitan ng pag-beso. They led me to the treatment area. But before we began, the doctor gave us some instructions. Nagpaalam din ang mga magulang ko na lalabas na sila.

This is my second time therapy. The first one was completed as soon as I was taken to the hospital due to fatigue, headache, and nosebleed last week. Binigyan agad nila kami ng priority since isa ang mga magulang ko sa mga nag-do-donate every year sa ospital na ito. I know life is always not fair.

"Tell your parents that they may enter again."

Sinunod ko naman ang sinabi ng doctor.

"Okay, so here are the complementary medications to help your daughter cope up with the stress of the tumor. I also listed some things she should follow and avoid. After the initial treatments, we will be able to proceed with the surgery. Make sure your daughter is ready when the time comes. Also, take note that she needs to do the therapy every week." The doctor gave us a weak smile. "If we notice a rapid change, the treatment will be once a day or three to five days a week."

My parents thanked the doctor assigned to me. Tahimik lang ang naging lakad namin palabas ng ospital. Kapag ganito kami, questions that I want to ask them are encircling inside my head. Sa sobrang dami, hindi ko magawang maisatinig sa takot na rin na magkamali.

"How's school?" Napatingin ako kay Dad. Diretso lang ang tingin niya sa unahan.

"I'm doing well po. Thank you for asking."

"Good. Avoid thinking too much."

"Yes, Dad."

How am I supposed to do that?

"Do you take your medication on time, even at school?" si Mom naman ngayon.

"Yes, Mom."

She didn't respond.

Maging sa biyahe ay walang nagsasalita sa amin kaya nilakasan ko ang loob ko na magpaalam sa kanila.

"Mom, Dad..." panimula ko. "Can I go out tonight?"

"Reason?" si Mom.

"Finals na po namin. May project po kaming hinahabol at kailangan din po naming makapag-review."

Abot tahip ang tambol ng puso ko. I said those without any stutters that it somehow calmed me a little. Sinanay ko kasi ang sarili ko na 'wag mautal sa kanila at dapat pili rin ang mga salitang gagamitin. But... this is the first time I lied to them about going out.

"You can do that in the house without anyone's help. I thought you're intelligent?"

Natameme ako roon. Cornered agad ako pero alam kong may pag-asa pa.

"I'll go with Kuya Io and Iz."

It took them minutes to answer.

"We'll decide once we see them at home."

"We'll talk to them first," singit naman ni Dad.

"Okay po."

Okay, I guess this will went smoothly. Malakas sina Kuya Io at Iz sa kanila, eh. Sigurado akong papayag sila.

Palihim kong nilabas ang phone ko at binuksan agad ang messenger para i-update si Mab.

Mabry Perez
Today 7:42 PM

What's the address, Mab?

Kaka-send ko palang ay na-seen niya na agad. Hindi naman halatang inaabangan niya ang sasabihin ko, ano? Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. When she sent me the address, I just reacted with a heart to it and turned off my phone again.

Nang makarating sa bahay ay nagpaalam ako na pupuntahan ko saglit sina Kuya Io at Iz sa kanila pero ito lang ang sinabi ni Mom...

"Just wait for them to come pick you up."

Para akong binagsakan ng ilang patong-patong na semento. Why? Kasi hindi ko pa nasasabi sa kanila ang plano ko ngayon. Hindi ko pa sila na-instruct kung ano ba dapat ang gawin o sabihin nila. Gosh, sana naman ay online sila.

Genes of the Best Pips
Today 7:43 PM

LUh ganda ka?

Mga Kuyaaa

I need your help!!!

Pls seen kayooo

Hooyyy

Online naman kayo, ah?

It's ee-oh

bakit?

Oh, ee-zeh ka lang!

siguraduhin mong hindi kami mapapasama riyan

LUh ganda ka?

Kuya Iz naman! Siyempre hindi!

Ngayon nga lang ako magpapatulong, eh

Oh, ee-zeh ka lang!

anong ngayon lang? sure ka na riyan?

It's ee-oh

Just say it, Lu.

LUh ganda ka?

Punta kayo rito.

Later at 8.

Tell Mom and Dad we're going to the library with Mab.

Bukas naman 24/7 ang lib, right?

It's ee-oh

No. Hindi ka naman lumalabas lalo na kapag gabi.

LUh ganda ka?

Just this once, Kuya Io. Pls pls pls

Ibabalik ko naman ang favor sainyo.

Just tell me what you want.

Seen 7:45 PM

Kuya Iz, help!

Oh, ee-zeh ka lang!

Kuya Io said no.

LUh ganda ka?

Ayaw niyo man lang bang iparanas sa 'kin ang mga nararanasan niyo?

Seen 7:46 PM

For once, favor me naman, oh.

Hindi ako papayagan kapag wala kayo.

Nasabi ko na kayo kila Mom and Dad, eh.

Pls, just come here.

It's ee-oh

For god's sake, Lu, stop using us to cover for you.

Oh, ee-zeh ka lang!

sign na 'yan na hindi talaga, Lu

pasensiya na

LUh ganda ka?

Bakit kayo ganyan?

I thought you're the best cousins?

Seen 7:46 PM

I thought you love me?

Kayo na nga lang ang palagi kong nalalapitan.

Plsss

Huwag niyo na ipagkait sa 'kin 'to.

Kuya Io, Kuya Iz???

Pumayag lang kayo, babawi ako ng todo.

I promise.

Seen 7:47 PM

Napabuntonghininga ako. My tears are about to burst while I was typing pero pinipigilan ko lang. Ngayon lang ako nagmakaawa sa kanila and I'm sorry if I sounded so desperate. It's just that... I want to do this. Right now.

Seen lang. I waited for at least thirty minutes, but they didn't respond. Nang makita kong nag-offline na sila ay doon na ako pinanghinaan ng loob. I guess tonight is not meant for me.

Nahiga ako sa kama habang hawak pa rin ang phone. I contemplated on what should I tell Mab. Siguradong ma-di-disappoint 'yon. Binigay ko na kasi ang salita ko tapos aatras din naman pala.

Mabry Perez


Mab

Seen 8:18 PM

I'm sorry. Next time na lang siguro...

Pipindutin ko na sana 'yong send button para sa pangalawa kong chat nang mahagip ng mga mata ko 'yong journal notebook ko. Nilapag ko sa kama ang phone ko't inabot 'yong journal. Binuksan ko sa pahinang nakaipit pa ang ballpen.

Ten things to see the hopes in life:

One, going places to places. Let's see the outside beauty of the world. Alamin natin kung ano nga ba ang naghihintay sa akin sa paglabas ko sa kinasanayan kong mundo.

Two, meet new people. Of course, as I discover new places, I'll also meet new people. Isn't that thrilling? I can see people's diverse aspects and become one with them.

Three, experience something new. Wala namang mawawala kung gawin ko rin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa, 'di ba? This is the life I keep on ignoring because I'm afraid of going beyond my parents' capabilities and limitations for me. But now... it's "my" capabilities.

Four, face and overcome fears. Oh, I badly need this one.

Five, do not limit yourself. Yeah, this one could be an advantageous to my growth as well.

Six, have faith. Hindi dapat ito mawala dahil hindi naman pagrerebelde ang mga gagawin ko. I need to do this to avoid regrets and emptiness. Ayoko nang magpahuli sa mga bagay-bagay at sayangin ito.

Seven, graduate college. I have always imagined life after college. Three years na lang makaka-graduate na ako kaya hindi puwedeng ngayon pa ako susuko.

Eight, collect memories. Memories will always be one of our driving forces to stay alive, so the more memories I get, the more fulfilled I'll feel.

Nine, stay happy. Panahon na rin siguro para sundin ko ang sarili ko at maging masaya nang walang kahit na anong iniisip. Just freeing myself... na matagal ko na dapat ginawa.

And...

Ten, fight.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro