Chapter 19
Time flies by so fast when you're so happy that you're always looking forward to how you're going to spend the day with your favorite person. Kahit na wala naman kayong ibang ginagawa kung hindi ang mag-usap lang tungkol sa mga bagay-bagay ay namamalayan niyo na lang na natatapos na naman pala ang araw. For me, that was the sweetest thing a couple could do to get closer, and that's what Inus and I do all the time while I'm still in the hospital.
"Kailan 'to?" Holding his phone while lying on the bed with Inus' arm as my pillow, I zoomed in on his topless mirror selfie. Napahagikhik ako.
"Hmm, I don't know. Mas napadalas ako sa gym simula nang maospital ka. Magpapapawis muna ako bago ka bisitahin dito." Hinalikan niya ang ulo ko bago ako hinawakan sa baywang. Patuloy niya ring isinisiksik ang sarili niya sa akin. I can even feel his manhood against my back, pero hindi na lang ako nagre-react. Mas gusto ko pa itong nakikita ko sa phone niya, tamang laway lang na parang hindi ko pa nahahawakan in person. "Ano ba 'yan, Lu. Wala atang picture ko na hindi mo z-in-oom, kahit na pagkain lang, papel, o daan."
"Eh, ikaw ang kumuha, eh. Ang gaganda, puwede ka na maging photographer." I swiped next and zoomed in on it again.
"Iniinsulto mo na naman ako. Wala ngang kaangle-angle ang mga kuha ko."
"Anong wala? Totoo kasi, Inus." Tumawa ako. "Ayaw mo ba maging photographer? Tapos ako lang ang model mo?"
"Hindi na dapat iyan pinag-iisipan pa. Magpapatayo na agad ako ng studio na may pangalan mo. Saan mo gusto?"
"Sira ka talaga!" Tumagilid ako para mayakap din siya, hindi pa rin binibitawan ang phone. Sinandal ko rin ang paa ko sa may legs niya.
"Puwede ring katabi lang siya ng clinic mo kapag naging doctor ka na."
"Ang taas naman ng pangarap mo. Nursing student palang nga ako. Ang dami ko pang pagdadaanan."
"Walang mataas na pangarap sa pursigidong tao. Besides, I'll be there for you through the ups and downs. We'll always find a way to uplift ourselves while fulfilling our life goals."
"Weh? Sure ka na niyan sa 'kin?"
Kiniliti niya agad ako kaya nabitawan ko na 'yong phone niya. "Bakit ikaw hindi?"
"Gago ka! Tumigil ka nga!" Napahalakhak ako. Para na akong uod na binudburan ng asin dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagkiliti sa akin habang kinukulong niya ako sa mga braso niya. Ang hirap tuloy gumalaw! "Ang suero ko, Inus! Pag ito dinugo na naman, magpapalit na naman! Ikaw tusukin ko riyan, eh!"
"Ayaw mong ako ang tumusok sa 'yo?"
Sinapak ko agad siya. "Pasmado na naman 'yang bibig mo!"
Ganito kami palagi. Maya't maya lambing at asaran. Hindi na nahiya sa mga taong pumapasok dito. Pinipigilan naman namin, lalo na kapag nandiyan ang parents ko, pero nagiging natural na kasi ang dating. Wala na kaming magagawa pa roon. Tanggap na rin naman nila si Inus kahit na anong mangyari, which seems to be a miracle.
"Bibisita raw ulit 'yong mga ugok." He's pertaining to Elio and Kenneth. Nakailang punta rin sila rito sa loob ng isang buwan pero ang madalas talaga ay si Mab tapos itong ugok din na ito ay halos gawin niya nang bahay dito. Pano ba naman, dito uuwi after class tapos umaga na uuwi sa kanila para naman makapaghanda sa panibagong klase, then the cycle goes on. Kapag weekend naman ay buong araw talaga siyang nandito, puwera na lang kung may gusto siyang gawin o asikasuhin, gaya ng pag-gym niya. I know, mas priority niya pa ata 'yon kaysa sa 'kin. Kidding! Mas marami pa rin ang oras niya sa akin kaysa sa ibang bagay.
"Kailan? Baka kasi pauwiin na rin ako ng doktor within this week." I pouted my lips and he immediately gave it a swift kiss. "Isa pa." Sinunod niya naman. "Isa pa." At sinunod niya ulit suot ang isang ngisi.
"Baka mamaya o bukas."
"Oh, okay! Baka magdala na naman iyon ng mga inumin, gawin na namang club o bar dito."
It's true! One time nagulat talaga ako kasi may dala silang ilang bote ng alak, 'yong ang mamahal pa talaga tapos dito talaga nagpakalasing. Hindi naman kami sinisita ng mga nars at doktor na pumapasok since naitatago agad nila. Bilis ng mga kamay, eh 'no.
Ilang beses din nila akong niyaya at pinilit dahil miss na raw ako ng alak pero nandiyan si Inus para pigilan ako. I'm still a patient daw at bawal pa raw ako sa mga ganoon, lalo na't inoperahan ako. Pinagtabuyan niya rin sila pero nakakailang balik pa rin tuwing weekends. I can't help but think these are sad boys; are the acads or fam the reason, or do they simply lack a sensible love life?
Of course, palagi silang nalalasing! Halos sa kama ko sila natutulog, nag-aagawan pa 'yan. Nahiya naman ako, 'di ba? Well, I think I'd rather be on the sofa with Inus. Mas komportable kasi kayakap ko lang siya buong gabi.
"Elio! Kenneth!" sigaw ko pagkagising na pagkagising ko 'nong isang umaga. Tulog pa sana si Inus pero hindi ko na napigilan ang sarili ko, napabalikwas tuloy siya sa sofa. Natawa pa ako pero nangibabaw pa rin ang inis ko.
"What is it, baby?" Nilapitan ako ni Inus.
"Look what they did to my bed!" Sumama agad ang timpla ng mukha ko nang maamoy ko ulit ang amoy-alak nilang suka. Yuck! "Ang lapit lang ng banyo, oh! Humanda talaga sila sa 'kin!"
"Tanginang hayop!" Mabilis na naghanap ng panlinis si Inus. Pinaalis niya naman ako roon pero kahit ata saang anggulo ng kuwarto ako tumingin, ang kalat at ang tapang ng amoy ng alak. Ngayon lang ito nangyari. "Hindi na sila makakaulit. Puta. Abusado. Pasensiya na, Lu."
"I'll help."
"No!"
When he yelled, my eyes widened. He even groaned before continuing to clean up his friends' messes. Wow, what a scenario. Dito pa talaga? Mga walang respeto! Pinagbibigyan ko sila palagi since once na matauhan sila kahit na may hangover ay naglilinis pa rin naman sila pero ngayon, iniwan nilang ganito ang kuwarto? Mga buwisit!
He cleaned everything up before my morning nurse arrived, which was a huge relief. Nagtanong din ang nars pero ano pa nga bang sasabihin ko? Of course, I told her that I had diarrhea after vomiting what I had eaten last night. Hindi ko lang alam kung bumenta na naman iyon sa kanya. Gosh, it's so embarrassing!
"Huwag mo na pala silang papuntahin pa." Bumangon ako. Bumalik ang inis ko nang maalala ko na naman iyon. "It's time for my evening routine. Aabutan na naman nila tayo sa ganitong ayos. Alis na."
Minsan naaawa ako kay Inus. Pakiramdam ko kasi iba ang nagiging dating ng pagtataboy ko sa kanya, kahit na in a joke way, or kapag umaatake ang pagiging moody ko. Hindi naman madalas since palagi kong nakikita kung gaano siya ka-effort at mapag-pasensiya sa akin.
Ang simpleng pagbabantay niya sa akin tuwing gabi ay malaking impact na sa akin. Minsan nagigising ako hawak-hawak niya lang ang kamay ko o kaya tinatapos niya ang mga gawain niya sa school o tamang ligpit lang siya ng mga gamit. I even saw him crying in the middle of the night, and I'm not sure why, but it makes my heart ache too. Alam ko kasing hirap na hirap na rin siya sa akin pero ni minsan ay hindi niya iyon pinakita sa akin.
"Do you want to live with me?" I couldn't help but ask early in the morning after he cried so much that night. Ramdam na ramdam ko 'yong sakit at bigat, eh. I wanted to hug him so tight that night but it seems like he doesn't want me to do that. He wants to keep it a secret from me, especially since I saw him smiling widely again the next morning.
Pansin kong natigilan siya roon, halatang hindi inaasahan na itatanong ko iyon.
"O-of course! Tinatanong pa ba 'yan?"
I examined his expressions. "You hesitated."
"What?" Nilapag niya agad sa lamesa ang hawak niyang tasa. Naglakad siyang nakakunot ang noo palapit sa akin. "No, Lu. I..." He held my hand. "I'm just surprised."
"Why? You think I can't say it?"
He smiled.
"Marry me, Godvynus Tansley."
"For christ's sake, Elu Gonora!" I gasped the moment he claimed my lips.
It was a different kiss. Malalim, mapusok, sabik na sabik. Pinakawalan niya lang ako nang kapusin kami ng hininga. Hindi pa siya nakuntento ay sinakop niyang muli ang mga labi ko hanggang sa mapahiga na kami sa kama. Akala ko magpapatuloy pa iyon pero binitin niya na naman ako.
"Ako dapat ang magsabi ng mga iyon sa 'yo, Lu."
"Inus!" maktol ko.
He chortled. "You will be Mrs. Tansley. This is the beginning of my never-ending vow."
Sakto namang pagbangon ni Inus sa kama ay bumukas ang pinto.
"Good evening, Ms. Gonora." It's my doctor together with his nurses.
Umayos ako ng upo. Inalalayan naman agad ako ni Inus.
"Your recovery is fast, which is good. Bukas ay puwede ka nang umuwi." The doctor smiled. Nagkatinginan naman agad kami ni Inus at napahawak sa kamay ng isa't isa. "Know that brain tumor surgery is your primary treatment and is proven to be effective. Your home care should consist of taking your medication at the proper dose, route, and time. Hangga't maaari, huwag ka po muna magbuhat ng mga bagay na mabibigat. However, I recommend that you gradually increase your activity or exercise. Kapag maliligo ka naman po, make sure to keep your incision dry. Gumamit ka lang po ng mga mild soap, huwag oils, powders, lotions, or creams. Dahan-dahan lang din po sa pag-pat dry since sensitive pa po ang sugat mo."
"Yes, Doc." Naging attentive talaga ako sa mga sinasabi ng doktor, lalo na't ako na lang din ang mag-aalaga sa sarili ko once na ma-discharge na ako. Hindi pa rin dapat ako makampante kahit na totally nang naalis 'yong tumor.
"Magbisita ka pa rin po sa amin para sa follow-up check-ups. If anything goes wrong; if you have any queries about what you can and cannot do, or if you have any concerns about the symptoms, please contact us right away."
"Okay po."
"You're doing well, Lu. Thank you for fighting alongside us. Please notify your parents that I will also be talking with them tomorrow."
"Yes, Doc. Thank you."
Umalis na ang doktor pero naiwan ang ilang nars para sa regular routine nila sa akin. Tahimik namang nanonood sa amin si Inus pero hindi ko maiwasang kulitin siya. I kept on mouthing 'I love you' to him, but all he did was smile at me. Pangit talagang ka-bonding! Kahit na ang mga nars ay pansin iyon pero siya parang wala lang.
Kinabukasan, kung kailan discharge na ako ay saka naman pinuno ng bisita ang kuwarto ko. Nga lang, 'yong taong hinihintay ko, si Mab, ay hindi raw makakapunta kaya diretso na lang daw siya sa bahay namin mamaya.
"Bakla ka! Miss na miss ka na namin!" Yinakap agad ako ni Sas. "Ayaw ka naming dalawin dahil baka hindi namin makayanan na makita ang kalagayan mo. Pero ngayon, aahhh, makakauwi ka na! Iinom agad natin 'yan!"
"Hindi puwede," tanging nasabi ko.
"Nasa labas sina Ate Ana kasama 'yong mga bitches na pinsan mo sa father's side." Umikot agad ang mga mata ni Sas na siyang tinawanan ko lang. "At oo nga pala..." Mas lumapit pa siya sa akin para bumulong. Nakita ko naman agad ang pagkunot ng noo ni Inus habang nakatingin sa amin kanina pa. "Kasama si Heath at 'yong jowa niyang plastik!"
Kumabog ang dibdib ko. "Bakit naman?"
Matapos akong kausapin ni Sas ay nilapitan naman agad ako ni Inus. Sinabi ko naman sa kanya kung ano 'yong sinabi ni Sas. Kapansin-pansin agad ang paglukot ng mukha niya. Hindi na rin siya umalis sa tabi ko hanggang sa matapos akong makipag-usap sa mga common friends at classmates na pumunta rin.
Nakaayos na naman ako para diretso na kaming uwi mamaya. Tinanggal na rin 'yong suero ko kaninang umaga kaya feel ko mas mabilis akong mapagod ngayon kahit na nakikipag-usap lang naman ako. Akala ko kasi mabilis lang ang proseso sa pag-discharge pero medyo tanghali na rin kasi dumating ang mga magulang ko at hanggang ngayon na past noon na ay kausap pa rin sila ng doktor ko.
"Sabi ko naman kasi na huwag na mag-entertain ng bisita," reklamo ni Inus nang bigyan ako ng tubig.
"I'm okay, Inus. Sinadya pa naman nila ako rito tapos hindi ko sila papansinin?"
Nang pumasok ang mga pinsan ko ay mas tr-um-iple ang kaba ng puso ko. Inus immediately held my hand kaya ilang beses akong napapisil doon para kumuha ng lakas.
"Lu!"
After they hugged me, we only exchanged a few pleasantries. When Heath and his girlfriend stood in front of me, I could hardly move. Glad to know that my parents came in and told everyone to leave the room. Before they left, I couldn't take my eyes off Heath. Tila may ibang ipinapahiwatig ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Bakit ba pumunta pa 'yon dito?" Binitawan ni Inus ang kamay ko bago pa man makapalit ang mga magulang ko sa akin. Nakaalis na rin sila Heath. They just greeted me and gave some words of encouragement for my recovery. Not that much of a talk. Ayoko na rin pahabain pa.
Bumagsak ang mga balikat ko habang sinusundan ko ng tingin si Inus. Based on what I recall, I tried to make Heath sound like a nice guy as well. I had no intention of tarnishing his image or reputation for them. Pero hindi ko alam kung saan nahuhugot ni Inus ang inis niya ngayon. May alam pa ba siya tungkol kay Heath na hindi ko alam?
Habang naglalakad palabas ng ospital ay nilapitan ko si Inus. I silently entwined our fingers. He only gave me a look, so I smiled and rested my head on his shoulder. Just like that, our relationship was instantly refilled with warmth again.
Silence, rather than the words yes or no, can convey a lot of meaning at times. Alam kong hindi namin matitiis ang bawat isa. We also don't want to fight over such petty reasons.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro