Chapter 16
"What happened to your face?" Hinawakan ko agad ang pisngi ni Inus na may pasa. He also has a cut on his lower lip and nose. "Akala ko ba hindi ka nakikipagbasag-ulo? Anong nangyari sa babae lang ang tinitira mo?"
"Lu naman. Saan mo na naman 'yan narinig?"
I shrugged. "Famous ka sa mga babae, hindi mo alam?"
"Paano naman ako magiging famous sa kanila?"
"Malandi ka, eh." Inalis ko ang kamay ko sa pisngi niya't umiwas ng tingin.
"I didn't even know them!"
"Sus!" I rolled my eyes before going out of the car. Naglakad ako papunta sa kabilang side at agad binuksan ang pinto. "I'll drive."
Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo bago kusang lumabas at tahimik na pumunta sa kabilang side. Napangiti na lang ako't pumasok na kasunod niya. We fastened our seatbelts before I started the engine.
"How did you learn to drive?" basag ni Inus sa katahimikan.
"From my cousins. Kaya lang hindi pa ako pinapagamit ng sasakyan dahil hindi pa raw ako legal—"
"Ano? Stop the car, Lu. I'll drive." Naramdaman kong napaayos siya ng upo kaya mabilis ko siyang binigyan ng tingin.
"They wouldn't know. Besides, it's late night. I doubt there will be any police officers inspecting."
"Not at all, Lu. Itigil mo na lang."
"I'll be eighteen soon. Kusa ka namang pumayag, eh."
"I forgot about it for a moment."
I groaned. "Malapit na naman ata tayo. Just this once, Inus."
"Stop the car, Lu."
I ragely stepped on the brake. Muntik na kaming mauntog sa may dashboard. Narinig ko naman agad ang mura niya pero tinarayan ko lang siya bago ko inalis ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Nagkasalubong kami sa may likod kaya tinarayan ko lang ulit siya. Padabog kong sinara ang pinto na siyang ikinagulat niya dahil napamura na naman siya. I put on the seatbelt once again and crossed my arms against my chest.
Ang arte! Wala namang makakaalam! At hindi ba't ako dapat ang magsabi ng 'stop the car'? Ganoon ang nangyayari sa mga napapanood at nababasa ko, eh. When the couple is arguing in their car, the girl will say it to avoid the burning heat of the situation. Pero bakit parang baliktad yata ang nangyayari sa amin ngayon? Nakakainis! Ang babaw niya talaga masyado!
"I heard from Mab."
Lumiko agad ang mga mata ko sa kanya. Sakto namang nakatingin pala siya sa akin kaya bahagya kaming nagkatitigan. Umiwas agad ako.
"About what?"
"About your... scandal."
"Anong scandal?" I scoffed. "Paano naman naging scandal ko 'yon kung hindi naman ako 'yong nasa photos at video? Pati ba naman ikaw ay naniniwala roon?" Agad akong nanlumo pero hindi ko iyon pinahalata. Instead na sa harap dapat ako nakatingin, sa may side ng bintana na lang ako tumingin. I even rested my head on the headrest.
"Hindi ko sinabi na naniniwala ako. May tiwala ako sa 'yo. Besides, I know you. It's easy for me to tell if it's you, but it's not," seryoso niyang sabi. "Kaya huwag mong lunurin ang sarili mo sa mga ganyang bagay. They'll push you even harder because of the evidence they have, but I want you to just laugh at it. Prove to them that you are not guilty of anything. Ngumiti ka lang at lumaban ayon sa maayos na paraan. This will be over before you know it."
It's just a simple piece of advice that I usually wanna hear since I know it already. There's nothing special in it. Pero bakit kapag si Inus na ang nagsasabi, palaging may ibang laman? It's also unusual for him to say such things. Puro lang siya mga biro at kulit palagi kaya hindi ko maiwasang magulat kapag lumalabas ang ganitong side niya.
"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko at sa issue?" Afraid of getting vulnerable with him again, mas pinairal ko na naman ang pride ko. "I already know how to handle it kaya huwag ka nang magsalita tungkol doon."
"Okay. I just want you to know that you can lean on me. Hindi man halata pero mapagkakatiwalaan naman ako kahit papaano. Wala man ako sa sitwasyon, I can still relate by trying to understand it."
Mabilis kong pinunasan ang luhang biglang lumandas sa pisngi ko. Napasinghot din ako. Hinarap ko siya.
"Inus..."
He gave me a quick glance before stopping the car to give me his full attention. Inalis niya ang seatbelt niya para mas makalapit siya sa 'kin. Hinaplos niya agad ang pisngi ko dahil hindi ko na maawat ang mga mata ko na lumuha.
"You can share your heart with me." He smiled, and another set of tears rolled down my cheeks.
Naramdaman ko kung paano niya naalis ang seatbelt ko. Napatigil ako saglit para lang titigan ang mga mata niya. I unconsciously clung to him. Namalayan ko na lang na kandong niya na pala ako habang nakayakap ako sa kanya, subsob ang mukha sa may leeg niya. I closed my eyes as tears continued to flow. Marahan niya ring hinahaplos ang likod at ulo ko that it feels like he's also caressing my heart.
"I hope we can always stay like this." Garalgal ang boses ko nang ibulong ko iyon sa kanya. Ramdam ko ang malalalim na hininga niya sa may leeg at batok ko, sending electricity sparks throughout my entire body.
"I hope so too." He stopped caressing me. "But Lu..."
Dahan-dahan akong kumalas sa yakap.
"If we continue to stay like this, I will die virgin." He cupped my cheeks.
Namilog ang mga mata ko. Napalunok din ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Gosh, bakit ba ang hilig niyang isingit ang biro sa mga seryosong sitwasyon?
"It's because of the heart attack." He chuckled.
Kusang bumuka ang bibig ko nang mas ilapit niya ang mukha niya sa akin. Binigyan niya ako ng huling tingin sa mga mata bago iyon bumaba sa mga labi ko. I gasped the moment his lips touched mine.
Habang namimilog ang mga mata ko ay pansin ko naman ang nakapikit niyang mga mata. When he moved his lips, doon lang ako natauhan ulit. Bumitaw ako sa halik at tinitigan siya. Lumapat din ang mga kamay ko sa may dibdib niya para hindi na siya makalapit pa sa mukha ko. Nabasa ko rin sa mukha niya ang pagkagulat at confused at the same time. Then, it's suddenly turning into an apologetic look. Oh, my God!
"Inus," I whispered.
Dala ng pagkataranta ko ay sinubukan kong buksan ang pinto pero bakit ayaw?! It had only opened when Inus opened it. Mas kapansin-pansin na tuloy ang panginginig ko. Sumabit pa 'yong paa ko kaya medyo nahirapan akong makalabas. Sino ba kasi may sabing ikandong niya ako?! Ang sikip na nga ng driver's seat!
Napahilamos ako ng mukha pagkalabas ko. I even bit my lower lip where he had just kissed me. When I felt him come out of the car too, my heart pounded even faster. I quickly walked to the passenger seat without looking back. Nga lang, hindi ko pa nga nahahawakan ang pinto, hinigit niya na ako. My back collided with the car door, but his hand supported it while his other hand held my cheek and neck.
We exchanged glances before he reclaimed my lips. I couldn't help myself this time. Naramdaman ko na lang din na sumasabay na ako sa agos. I even grabbed his nape to bring him closer to my body.
As time passed, the kiss became more intense. Kung saan-saan na rin nakakarating ang mga kamay namin sa bawat katawan namin. We simply came to a halt when we ran out of breath. My cheeks were flushing red, so I had to hug him to hide it. He returned the hug and kissed the top of my head.
"I want to be your boyfriend."
I tightened the hug. "I also want to be your girlfriend."
Bigla siyang napalayo sa akin. He wants to confirm it, so I just laughed at him with teary eyes. When I think he finally processed it, binuhat niya ako na parang bagong kasal kami. Napahawak naman agad ako sa batok niya, hindi pa rin matigil sa pagtawa dahil sa reaksiyon niya. Umikot-ikot pa siya. Tumigil lang siya nang mapagod na, I think.
"Thank you." He kissed my forehead once again. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses niya na itong ginawa habang buhat ako.
"Put me down already, Inus."
"Dumiretso na lang kaya tayo sa simbahan?"
Marahan ko siyang binigyan ng sapak habang tumatawa-tawa pa rin. I'm not sure why I find it so endearing. Even though he joked about it, I'm sure he has plans to date to marry. Jokes are made to express feelings that we are afraid to express. It's the excitement we feel when we're happy with someone.
"I'll make it happen for you, Lu."
My smiles gradually faded.
"Be patient."
Oh, he's not joking.
Ang kamay kong nakahawak sa batok niya ay nalipat sa balikat niya nang buksan niya ang pinto ng sasakyan. Akala ko sa may passenger seat ang binuksan niya ng pinto pero nalaman kong sa backseat pala. I shifted into a more comfortable position right away.
"Quit staring at me, Inus." Umiwas ako ng tingin dahil bigla akong nailang. Gosh, hindi ko alam kung saan nagsimula ang tinginan na ito. We just get used to it without even realizing it, but it can be quite annoying at times because my heart doesn't know how to calm down.
"I just love your eyes and the way they express your emotions."
My phone rang just as he was about to kiss me again. Palihim akong napangiti bago tumayo para abutin iyon sa unahan. Hindi ko pa nga na-unlock ay hinigit na naman ako ni Inus pabalik sa pagkakaupo.
"Inus naman! I need to answer it. Baka importante."
Hindi niya na ako binitawan. Sinara niya rin ang pinto bago ako sinimulang halikan ulit. Sinubukan kong pigilan siya pero nakarating na sa leeg ko ang mga halik niya habang ang kamay niya ay nasa loob na ng damit ko.
"Inus..."
Binalik niya sa labi ko ang halik. Hindi naman ako nakatanggi. I let him take the initiative and do whatever he wanted. Of course, who am I to refuse? I like it too. I've been wanting to do this with him. However, I am also aware that there will always be limitations.
"Inus." I touched his hand, trying to unzip my brassiere. "Let's stop. It's not yet time to do it."
Napapikit ako ng mata nang maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko. He gave my neck a peck before letting me go. Umayos naman agad ako ng upo.
"I'm sorry," mahinang sambit niya matapos niyang maisuot ang shirt niya. "I got lost for a moment. Hindi na mauulit."
"It's fine. I understand." I smiled and fixed my clothes too.
"No, Lu. I'm really sorry." Hinawakan niya ang kamay ko't hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Ayokong isipin mong iyon lang ang habol ko sa 'yo. Kakasagot mo lang sa akin kanina pero nangyayari na agad ito."
"Ano ba, Inus. Hindi ko iyan iniisip o iisipin. Umayos ka nga!" Tinapik ko ang kamay niya. "This is a normal thing to do for a couple. Kontrol lang, Inus, ha? Masyado pang maaga."
"Yes."
"Isa pa, huwag kang mag-sorry kung ginusto mo naman. You will just crave for it more." It's my turn to plant a sudden kiss on his lips. Aba, mukhang hindi niya iyon inasahan. "Bad breathe ka pero ang sarap mo pa ring halikan." Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Ganoon kita kagusto." I pinched his nose and laughed before getting out of the car.
"Lu!"
"Just kidding, babe!" Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at agad pumasok. Kinuha ko ulit 'yong phone ko para ma-check na kung sino ba 'yong tumawag ng tatlong beses.
"Babe?!"
Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Inus sa driver's seat. Napailing na lang ako. I dialed Mab's number. Ano kayang nangyari?
"Ano bang gusto mo?" Nilingon ko siya.
"Ikaw!" Sumingkit agad ang mga mata niya nang bigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Gago! Ano ang tanong, hindi sino. Ganito pala talaga kapag in love, ano?" Humalakhak ako. "Bobo mo naman, Inus!"
"Kanina lang babe, tapos ngayon gago at bobo na?! Parang hindi—"
"Oh, Mab. Okay ka lang ba?" Binelatan ko si Inus bago umiwas ng tingin. Narinig ko na lang din ang tawa niya bago pinaandar ang sasakyan. "Ano? Can you repeat what you just said?"
"Nasa presinto 'yong dalawang lalaking may gawa ng scandal mo!"
Nanlamig ako.
"Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan! Papunta na rin ako roon. Sunod ka, ha? Makikita talaga ng mga gagong iyon ang resulta ng maling ginawa nila! Aba, buti naman naisipang sumuko! Eh 'di mas napadali ang paghahanap natin sa kanila!"
"S-Sumuko?" I licked my lips. Napakagat kuko rin ako at mas bumilis ang paghinga ko. Naging malikot din ang galaw ng mga mata ko.
"Oo! Ang kakapal ng mukha! Pagkatapos isiwalat ang mga litrato at video na iyon ay susuko naman pala sila! So, ano? For the show lang lahat? Pataasan ng ego? Bwisit sila! Nanggigigil ako, Lu! Masasapak ko talaga ang mga iyon!"
"I'll see you there. Kasama ko si Inus." Lumingon ako kay Inus. He mouthed 'anong sabi?' but I just stared at him.
"Bruha ka! Kaya naman pala! Parang ako pa ang mas nabiktima dahil ako ang tinawagan ng mga magulang mo!"
"Ano?!"
Mas dumoble ang kaba ko.
"Ay shit! Oo nga pala! Hindi dapat malaman nina Tita! Ang bobo! Hala, Lu, sorry! Pero mas mabuti na ring malaman nila para malutas agad 'to. Sorry, ha? Medyo nasabi ko ang kuwento. Medyo lang naman. Hindi pa lahat, ha? Sorry talaga, Lu!"
Napabuntonghininga ako. "It's okay, Mab. Wala kang kasalanan. Hintayin mo na lang kami sa presinto."
"Sige, Lu. Bye! Ingat kayo!"
Nang maibaba ko ang phone ko, nagtanong agad si Inus.
"Sinong nasa presinto?"
"'Yong nagpakalat ng mga photoshopped photos at video ko."
He looked at me with a worried expression on his face. Habang nagmamaneho pa rin ay hinawakan niya na naman ang kamay ko. Pinisil-pisil niya pa iyon para mapakalma ako kahit papaano.
"Isn't that good, right?"
"Yeah, but... Inus, ayoko ng gulo."
"Hindi ito gulo, Lu. Isang gusot lang ito sa buhay mo na kailangang plantsahin. It's gonna be okay. I'll be here."
Napangiti ako. Isang buntonghininga ay pakiramdam ko mas tumapang ako. Thank you to this person for always uplifting my emotional state. Akala ko pang-gago lang talaga ang pagmumukha niya pero may silbi pa rin pala kapag ngumiti na, lalo na kapag lumabas na rin ang emosyon mula sa puso niya. It even makes him sound intelligent, which makes him more appealing.
Nakarating kami sa presinto. Muntik pa akong matapilok nang pagbuksan ako ng pinto ni Inus. Naalalayan niya naman agad ako. Hanggang sa makarating kami sa loob ay hindi niya na binitawan ang kamay ko.
We immediately noticed Mab conversing with the police officer while the two suspects were in front of her. Nilapitan namin sila.
"Lu!" Niyakap agad ako ni Mab. "It's them!" Turo niya sa dalawang lalaking nakayuko, iniiwasang makipagtinginan sa akin.
"Ikaw ba 'yong biktima, Miss?" Tumayo ang pulis mula sa kinauupuan niya.
"Opo." I tried to approach the suspects, but Inus' grip tightened. Napatingin naman ako sa kanya. Marahan siyang napailing. I just smiled to reassure him that everything's okay. Sinabi niya palang iyon sa akin kanina.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi niya pa rin iyon binitawan hanggang sa makalapit na ako sa dalawang lalaki.
"Bakit niyo ginawa 'yon?" Uminit agad ang mga mata ko. "Look at me!" Inangat naman agad nila ang mga tingin nila sa akin. Pero agad iyong lumiko sa katabi kong si Inus. Nag-iba agad ang ekspresyon nila sa mukha kaya kumunot naman ang noo ko. "Tinatanong ko kayo. Bakit niyo ginawa 'yon? Anong naging kasalanan ko sainyo? Hindi ko kayo kilala pero bakit sinisira niyo ang buhay ko? You both know how people react in situations like this!"
"Lu."
I ignored Inus.
"Tell me! I need to know your reasons! Valid reasons!"
Ayoko ng gulo pero gusto ko lang naman malaman ang rason kung bakit umabot sa ganito, but they aren't saying anything that might compensate the pain and rage I'm feeling right now. Ganoon ba talaga kahirap umamin ang mga kriminal sa kasalanang ginusto naman nilang gawin?
"Elu Gonora!"
Nalipat agad ang tingin ko sa tumawag sa akin.
"Mom... Dad..."
When my parents' eyes landed on our hands, Inus let me go. He also moved away from me and stood quietly beside Mab. My shoulders sagged.
"Why..." I feel like only pure air comes out of my mouth. Suminghot ako't ipinagsawalang bahala na lang iyon. Hinarap ko na lang ulit ang dalawang lalaki at naghintay ng magiging sagot nila, but they aren't showing any signs of talking. Kung hindi lang nagsalita si Inus.
"Wala ba talaga kayong sasabihin?"
Napatalon ako sa gulat nang bigla silang lumuhod at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin. They even touched my feet na siyang iniwas ko naman. What? They're talking now, huh? Sa sobrang inis ko, hinarap ko si Inus at sinapak siya. Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko.
"Ikaw wala ka rin bang sasabihin sa akin?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro