Chapter 14
"It's her."
When I arrived at school, I overheard some murmurs. As soon as I stepped out of my car in the parking area, I was met with odd glances from the students. Curiosity got the best of me, but I attempted to brush it off and go about my own business too. I pretended that everything was normal until someone made a mistake.
"Hindi siya 'yon. Wala naman siyang dede. Sa puwet, puwede na."
"Gago ka, importante pa ba 'yon? May litrato at video kaya."
Kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad ay siya ring biglaang pagtahimik ng paligid. Tinapangan ko ang sarili ko na tingnan sila isa-isa. May ibang sinuklian din ako ng tingin na tila ba nandidiri o nagagalit sila pero mostly sa kanila ay umiwas at umalis na lang. So... they really are talking about me.
"Siya 'yon. Walang duda."
When I turned around, I spotted two guys conversing while looking on their phones. Lumapit ako pero agad nilang tinago ang phone nila sa mga bulsa nila. Ang isa ay ayaw akong tingnan samantalang ang isa naman ay naka-pokus sa akin ang tingin. Sinuri niya pa ako mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay napangisi siya.
"Anong problema mo sa akin?" Tumaas ang kaliwang kilay ko.
Before responding, he cleared his throat. "Wala naman. May nalaman lang kami."
"Ano? Tell me."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki, tila nangungusap.
"Ano na?"
"Sigurado ka?" He grinned again, which bothers me even more. "Sa isang kondisyon..." Namilog ang mga mata ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Umatras naman ako.
"What do you think you're doing?"
"Pagbigyan mo rin kami."
Kinilabutan ako sa bulong niya. Pagkatapos ay tiningnan niya na naman ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal lang ang tingin niya sa private parts ko. I was about to slap his ugly face when he gave me his phone. Kinuha ko naman agad iyon.
Kunot-noo kong pinanood ang video. Muntik na akong masuka kaya hindi ko man lang nakahalati ang video. Masyado iyong malaswa.
"Ano namang connect nito sa akin? Are you trying to insist that..."
Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko nang dugtungan agad iyon ng may-ari ng phone. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiirita sa kanya. Buti pa 'tong isa niyang kasama kanina pa tahimik simula nang harapin ko sila. Ano naman dapat niyang ikatapang dahil lang sa video na ito?
"Huwag mo na i-deny. Swipe right to view the photos as well."
I did what I was told, but I quickly regretted it.
"This is not me." Natawa ako. "You're being duped by my photoshopped face. Hindi ba kayo marunong tumingin kung edited o hindi?"
"Paano 'yong video?"
"What?" Binigay ko na sa kanya 'yong phone pero tinanggihan niya.
"Tingnan mo 'yong huling picture."
"Talagang naniniwala kayo? Gosh, sino ba nagkalat nito? He or she is making a big mistake in..." Natigilan agad ako nang makita ang huling picture. Biglang bumalik sa alaala ko ang gabing iyon.
"Pasensiya na, Miss!"
I looked at that person. Kumunot naman agad ang noo ko pero mas pinili kong hindi siya pansinin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang pigilan niya ako.
"Uh, excuse me?"
I faced him with a faint smile on my lips. "Yes?" Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Puwede po kami magpa-picture sa 'yo? Kanina ka pa po kasi namin nakikita sa table niyo at masyado po kaming nagagandahan sa 'yo."
Nabitawan ko agad ang phone. I stiffened as soon as I heard it hit the floor. Ilang beses akong napakurap. The guy who owned the phone kept on talking, but all I could do was gaze at him, my mind still racing back to the sight of that night. Naghahalo rin ang mukha niya sa dalawang lalaki na nagpa-picture sa akin noon.
I stopped from walking when I heard a ringing in my ears along with the dizziness. Tila biglang tumigil ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabibigat na hininga ko. Slowly, I touched my head and closed my eyes when I felt a pang of pain in my head again. Pinakiramdaman ko iyon, at sa pagmulat ko ulit ay bigla akong nalito sa kakaibang sakit na ito. Tumambol ang puso ko sa pag-aakalang magtatagal pa iyon pero nang may malakas na bumunggo sa akin na muntik na akong matumba ay doon palang ulit ako natauhan.
"AAHHH!" I unconsciously pushed the guy in front of me. Unti-unti akong napaatras palayo sa dalawang lalaki. Nanginig ang mga kamay at tuhod ko. Sinubukan ko ring tumingin-tingin sa paligid pero mas lumala lang ang taranta ko nang makitang nakatingin pa rin sila sa akin.
Napahawak ako sa ulo ko. Mariin akong napapikit nang umikot-ikot sa utak ko ang gabing iyon kung saan may nagpa-picture sa akin na dalawang lalaki at ang videos at pictures na nakita ko kanina lang. Pakiramdam ko kinukulong ako sa isang senaryong binubuo ng utak ko sa mga oras na ito. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bigla akong kinapos sa paghinga kaya sa dibdib ko naman ako napahawak. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.
"Lu!"
Medyo natauhan lang ako nang marinig ko ang boses ni Mab. Agad niya akong dinaluhan nang makalapit siya sa akin.
"Huwag kang paapekto. Hindi naman ikaw 'yon."
That helped to calm me down. It's enough for me if only one person continues to believe in me.
"Umayos ka. Nagmumukha kang guilty kahit hindi mo naman iyon ginawa."
Ilang beses akong napabuntonghininga para tuluyang mapakalma ang sistema ko habang nakahawak sa mga kamay ni Mab, inaalalayan akong maglakad. Gosh, bakit napakasuwerte ko sa kanya? Kung kailan kailangan ko siya ay talagang dumadating siya. Nakarating kamkng CR nang hindi ko man lang namalayan.
"Pano... pano mo nalaman? Saan mo nabalitaan?"
Lumukot ang mukha niya kaya nabahala na naman ako. "Naka-post sa school website natin pati sa Facebook. Ang dami nang nakapanood, Lu. Mas mabuting mag-deactivate ka na muna."
"A-ano? B-bakit?" Nanghina ako pero agad akong naalalayan ni Mab.
"Sabi ko umayos ka. Mas gusto mo bang palalain ang issue?"
Mab's right. Hindi naman dapat ako matakot o ma-guilty sa kasalanang hindi ko naman ginawa. They only photoshopped it. I'm not the one who's in the video and nude photos. But... but the last one... that's definitely me. I even told Mab about it.
"Deny it."
Napatitig ako kay Mab.
"Simple. Deny it, Lu. Mas lalong magiging issue kapag inamin mong totoo ang isa sa mga pictures. Isa pa, wala ka naman talagang kasalanan. Nagpa-picture lang naman sila sa 'yo."
"Iyon na nga ang kasalanan ko, Mab, eh." I brushed my tears away before approaching the sink. "Hinayaan ko na magpa-picture sila sa akin. Of course, this is equivalent to granting permission to use my photo in any form. Iyon ata ang naisip nila."
"Eh 'di bobo sila. Pinayagan lang magpa-picture, same na sa scandal? Ang tatanga naman nila. Saan ba sila nag-aaral? Kilala mo ba?"
I sighed and leaned my back against the sink to face her again. Bumuhos na naman ang mga luha ko. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko magawang makatingin ng maayos kay Mab.
"Isa pa 'yan sa problema. Hindi ko sila kilala. I don't even know their names. Pumayag lang talaga ako na magpa-picture sila sa akin. That's... that's all." My voice cracked. "I didn't even do anything after that. We just go on our separate ways."
"Lu naman!"
Ramdam ko rin ang frustration ni Mab. Oo, ang tanga-tanga ko rin. Basta na lang ako pumayag nang hindi man lang sila kinikilala. Also, I shouldn't really be talking to strangers, but that night made me look like a total idiot. It's as though I'm a completely different person. It's also stupid to blame the booze because I know I was still in my right mind at that moment. Mahina lang talaga ang katawan pero bakit?
Why?!
Why did I let it happen?!
Sa pagyakap palang ni Mab sa akin ay sunod-sunod na naman ang naging agos ng luha ko. We stayed like that for a few minutes. Mab allowed me to express all of my feelings while calming me with words and soft touches. She even proposed certain actions to prevent the problem from growing or to punish those responsible.
"Hahanapin natin ang dalawang gago na iyon," aniya nang kumalas kami sa yakap. She smiled as she helped me wipe away my tears. "Hindi na muna tayo lalabas after ng araw na to. Masosolusyonan natin ito, Lu. Tutulungan kita."
"Thanks, Mab."
"Mali sila ng tinatapakan kaya humanda sila. Hindi ka dapat nila ginaganito."
Everything Mab spoke soothed me in some way. It's wonderful to have someone on whom you can always rely. It's wonderful to have a best friend.
"Alam na ba ni Inus?"
When Mab just gave me a look, my heart skipped a beat. I wiped away my tears one last time before picking up my phone to check whether Inus had messaged me. I only got disappointed when I saw his last message yesterday.
Inus Tansley
Yesterday 9:09 AM
Good morning
Nag-reply naman ako pero hindi niya na ako sini-seen hanggang ngayon. Sa tingin ko ay medyo mahaba-haba na rin ang message ko sa kanya. Delivered naman pero bakit hindi niya ma-seen? Nakikita ko pa siyang palaging online.
Kumusta, Inus?
Saan ka?
It's ironic to check on someone when you're the one who has a problem. But we'll never know, right? What if that person is also experiencing some problems? So, it's better this way. I'll never give up on believing that Inus would open up more of his heart and soul.
Narinig ko ang malakas na buntonghininga ni Mab kaya napatingin ako sa kanya.
"Mas nagmumukha kang kawawa, Lu. Isipin mo na muna ang sarili mo. Nakita mo namang wala pang balak mag-reply 'yong tao. Saka na 'yang issue mo kay Inus."
That discouraged me even more.
"I'm just worried. He's not the type of person who will unbox my messages without any reason. Pero sa gc natin nagcha-chat naman siya. I wonder if iniiwasan niya ako."
"Nagcha-chat nga pero puro oo o hindi lang. Minsan tamang react lang."
"It's better than this, Mab. Baka may pinagkakaabalahan ulit siya. Ikaw? Kailan mo siya huling nakausap?"
"Ha? Bakit naman sa akin napunta? 'Nong camping pa ang huling chat namin."
Hindi ko na siya tinanong pa. I should be more concerned about my situation. Ano na lang ang mangyayari kapag makarating ito sa parents ko? Of course, they would blame me since it would harm their business reputation. But I'm more concerned about the person who did this.
Throughout the day, I was exposed to nothing but physical and emotional harassment. They never stopped bullying me, especially when Mab wasn't around, so I tried my hardest to stay with Mab even though circumstances were driving us apart. Kagaya na lang 'nong uwian na kung saan, as usual, nauna nang umalis si Mab and I'm left alone in the parking area waiting for my driver.
"What is it that's taking you so long, Kuya Peter?" I don't know why I keep on looking at my phone and wrist watch at the same time. This is also to keep myself occupied in order to escape people's stares. Pero kahit na gaano ako katahimik at umiiwas sa kanila ay napapansin pa rin nila ako.
Gosh, isn't it frustrating when you became an instant celebrity because of one mistake? They don't know me personally, yet their perception of me has shifted to the negative. Bakit kaya ganoon ang mga tao? Makitaan ka lang nila ng pagkakamali, tatatak na iyon sa kanila at uulit-ulitin pa nila hanggang sa ikaw na mismo ang ma-guilty.
I kept telling myself that it was only a photo. I did nothing wrong except giving the consent to take the photo, and I had nothing to do with the scandal. I'm not in the video, certainly not in the naked photos. Hindi ako iyon. Pero kahit na anong pagtatanggol ko sa sarili ko, sadyang bulag ang mga tao sa kagagawan ng makabagong teknolohiya. What they see is what they will believe. They are uninterested in getting to the root of the problem. They only want to see you cornered, which is sort of unfair.
"Uy, Lu! Malaki ba? Masarap?"
Lumingon ako sa may kanan ko at nakita ang isang grupo ng mga kalalakihan. Oh, this is what disappoints me more. Where's the respect?
"Wala na 'yong dapat mong iregalo sa asawa mo."
"Hindi ka na santita."
"Isn't it cool? Hindi lang pala ang pag-aaral ang nakakahatak ng interest mo."
Bumagsak ang balikat ko nang makisali na rin ang isang grupo ng mga kababaihan sa kanila. Well, instead of working together to lift each up, bakit mas pinipili pa ring maghilahan pababa? Maging sa panaginip ko ay hindi ko man lang magawang mapabago ang mundong gusto kong maranasan natin.
Why does it need to be so cruel? Bakit kapag ang babae ang nalagay sa ganitong sitwasyon, grabe ang epekto? Pero kapag lalaki na, parang wala lang? Why? Because it's their nature? What about our nature, then? Bakit nila binabase ang halaga ng isang babae sa virginity nito? Eh, ang lalaki?
I gasped when someone cupped my butt. Napadpad agad doon ang dalawa kong kamay. Hindi pa nagtatagal nang bumungad sa harap ko ang pagmumukha ng lalaking may gawa 'non. Mas lalo akong na-conscious kaya napatingin ako sa paligid, umaasang hindi nila iyon nasaksihan pero huli na pala dahil nagtatawanan na sila. They are all laughing at me again. Wow. Great.
"Does that help you feel better?" I scowled at the person who had touched me inadvertently.
"Tumatapang." He gave me a perplexed expression. Nilapitan niya ako kaya bahagya akong napaatras. Gayunpaman, hindi ko nilubayan ang mga mata niya. "Ano bang pinaglalaban mo? 'Yang wasak na puki mo?"
Biglang nandilim ang paningin ko kaya nasapak ko ang pagmumukha niya. Umalingawngaw ang tunog 'non na siyang nakapagpatahimik ng paligid. But that doesn't take away the hurt and rage I've been suppressing since the morning. Pakiramdam ko mas lumalala pa nga iyon.
"Putangina!"
I squeezed both of my hands and gritted my teeth. He was about to slap me as well, but his hand halted before it could even reach my left cheek. Pero pakiramdam ko tumama pa rin iyon nang biglang bumuhos ang luha ko. Ayoko sanang makita nila iyon pero hindi ko na napigilan.
"Ah..." Tiningnan niya ang kamay niya at hinipan iyon. "Hindi ako humahawak sa mga marurumi." Bahagya niya pang pinunasan ang pisngi niyang nasampal ko.
"Paano ka pala nagma-masturbate? Kinikiskis mo sa pader?"
Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. It's just that I feel like I'm going to burst at any moment and I need to say something for the sake of it.
"Anong sinabi mo?"
Lalapitan niya sana ulit ako nang tumigil ang sasakyan na kanina ko pa hinihintay sa harap ko. Napatigil din sila kaya pumasok na agad ako sa sasakyan. Pagkasara ko palang ng pinto ay tuloy-tuloy na ang pagragasa ng mga luha ko. Hindi ko iyon pinigilan, bagkus ay mas nilabas ko pa ang lahat ng nararamdaman ko dahil sa issue na ito.
"Bakit kailangan niyo pang palalain?" Humagulhol ako.
Tahimik lang si Kuya Peter na siyang na-appreciate ko naman. Lumipas na ang ilang minuto na umiiyak lang ako habang nagmamaneho lang din si Kuya Peter, which is the peace I've been looking all day, pero napatigil ako nang bigla niya ring itinigil ang sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang pinto sa gilid ko. Yumuko siya't namilog agad ang mga mata ko. It's not Kuya Peter pala.
"Ang pangit mo umiyak."
"I-Inus..." Napasinghot ako.
Umatras lahat ng luha ko nang binigyan niya ako ng ngiti. Isang ngiti na talaga namang nakakapagpakalma ng loob. Isang ngiti na kanina ko pa hinahanap-hanap. Isang ngiti na nagbibigay liwanag sa malabong paningin, at nagbibigay ng haplos sa malamig na katawan.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at marahang pinunasan ang pisngi ko. Samantalang ako ay hindi ko pa rin maalis-alis ang tingin ko sa mukha niya. Am I dreaming?
"They aren't worth your tears. Save it for me."
I blinked a few times. It took me a long time to make a smile out of a frown. Ramdam ko ang panginginig pa rin ng kamay ko nang sinubukan kong hawakan ang pisngi niya. Bahagya niya naman iyong ikinatigil.
"Inus." It was almost a whisper. "Bakit ngayon ka lang? Bakit... bakit hindi mo na ako chinachat?"
Isang singhot ay nagsiunahan na naman ang mga luha ko. Hinila ko siya papasok sa sasakyan at agad yinakap. Naramdaman ko rin naman agad ang mararahan niyang haplos sa may ulo at likod ko.
I closed my eyes to feel it more. With him, I will never run out of life's hopes, which will always comfort my heart and soul. He will always be part of those reasons. Nothing more, nothing less.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro