Chapter 12
"Ang romantiko ng tinginan niyo kanina pa," dagdag pa ni Elio.
I had no idea someone was watching us — or maybe just me — and he is Inus' close friend. Well, I consider him a friend as well, but we're not close enough to have a one-on-one talk about anything personal.
Ito yata nag kauna-unahang pinansin ako ni Elio kahit na sinusubukan ko naman siyang kausapin kapag kasama namin ang iba. Makuwento naman siyang tao pero kapag kausap mo na siya ay napakatipid ng salita niya kaya much better na maghintay ka na lang na siya mismo ang kumausap sa 'yo. Though masiyahin naman siyang tao gaya ni Inus pero may kakaiba pa rin sa ugali niya na hindi ko makuha-kuha.
"Well..." I cleared my throat before looking away to avoid his curious look that makes me wanna tell him everything. Wala akong choice kundi gamiting excuse ang pagkuha ko ng pagkain. "Iba yata ang pagkakaintindi mo. I mean, I'm just enjoying the song. Ang kalmado kasi at ngayon lang ako... uhm... nakaranas ng ganito." Napapikit ako ng mariin. Hinarap ko siyang muli. "Just..."
"Okay, okay." Napatawa siya at napapamulsa sa bulsa ng shorts niya. "I'm sorry I put you in an awkward situation. I... I should've never ask that question. Sorry."
I didn't know what to say.
"Sige, balik na ako 'don." Turo niya sa may campfire gamit ang kamay niyang may hawak na bote ng beer.
Napangiti ako kaya ganoon din siya. Nang talikuran niya ako ay ako naman ang hindi makaiwas na magtanong.
"Why... why did you ask, by the way?" I took steps forward. Glad to see that he immediately turned his back to me again.
"Napansin ko lang na..." He looked through my eyes. "Ah, wala. Wala."
I sighed disappointedly. "Elio, tell me."
Unti-unti siyang mas lumapit sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin bukod sa pagtanong niya 'non. Malakas ang kutob ko kaya mas lalo akong naintriga.
"Advice ko lang... hindi sana dumating sa punto na may masisira dahil sainyo." He tapped my shoulder, making it a signal that something will happen tonight.
Kumunot agad ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? I already–"
"Lu!"
Agad inalis ni Elio ang kamay niya sa balikat ko nang marinig namin ang boses ni Inus na papalapit sa puwesto namin. Saglit pa kaming nagkatinginan na para bang nag-uusap pa rin hanggang sa tumabi sa amin si Inus.
"Inus." I gave him a smile.
"Sige, iwan ko na kayo." Itinaas ni Elio ang bote ng beer sa amin bago ito tinungga.
I didn't want to stop my conversation with Elio yet, so I remained gazing at him even after he sat in his chair and began chatting with others. Ayan na naman iyong tawa niya na parang wala siyang nasabing masama sa akin. It's simply a piece of advise from a friend, but my instincts tell me differently.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"It's nothing." Nanatili ang tingin ko kay Elio.
"Okay. Did you like the song?"
Nalipat agad ang tingin ko kay Inus nang harangan niya ang tinitingnan ko. So, I had no choice but to look at him too.
"Uh, yes. It's a... uhm... it's a soothing song."
"Binago ko lang naman ang tono. Alam mo ba kung tungkol saan ang kanta?"
I blinked. Mula sa mga mata niya ay nalipat ang tingin ko pababa sa mga labi niyang nakangiti. Masyado iyong nakakahawa kaya kahit na nawala na ako sa mood ay nagawa ko pa ring ipakita sa kanya na nag-e-enjoy ako.
"Alam ko. It's about a deeper meaning of love, patience, and hope, or perhaps about making memories together, because the person in the song is nothing without it. May maaalala siya kahit na maglaho at magbago man ang lahat."
"Is that it?"
"Meron pa ba dapat?"
Tumawa siya. "Akala ko pa naman makukuha mo na."
"Ang alin?"
"Secret!"
Napabuntonghininga ako. Tinalikuran ko siya't nilapag ang plato sa lamesa.
"E 'di don't!" Before leaving him, I stuck my tongue out and laughed.
"Hoy! Hindi pa ako tapos!"
"Bahala ka! Secret din kung ano ang pinag-usapan namin ni Elio!" Patuloy lang ako sa paglalakad nang hindi na siya nililingon pa.
"Sabi mo wala?!"
I shook my head while grinning at Inus' yell. Nang makalapit na ulit sa may campfire ay tinapik ko ang balikat ni Mab bago naupo sa tabi niya.
"Si Sas?"
"Naghahanda ng inumin."
"May dala kayo?" manghang tanong ko.
"Ngayon ka pa talaga namangha. Parang hindi kaibigan, ha?"
This is natural for extroverts, not all of them, but some of them. But for me, an introvert who got trapped in between, this is like a dream where you never dreamed it would happen in real life. Akala mo mananatili ka lang sa isang lugar, not until you attempted to do something out of your comfort zone for the first time that your life was entirely transformed.
Bata pa man ako ay hindi na talaga ako magaling sa pakikipagkaibigan. I tried but I kept on failing. They also tried but they've got short patience and understanding in me. Pakiramdam nila pabigat lang ako sa mga buhay nila, but still tinuturing ko silang kaibigan no matter what. Not until Mab came. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa bigyan niya ako ng rason para mas maging open ako sa ibang tao.
It's effective. Gayunpaman, pili pa rin ang mga talagang pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko pa rin mahanap sa sarili ko na mag-commit ng fully sa isang tao. It's truly difficult for me, and I don't know why. Human emotions and lives are complex, aren't they?
I couldn't blame myself either. That is the path I chose. For the sake of the people I care about. So, rather of attempting to earn people's trust and connection, I immersed myself in studies and figuring out how to strengthen my relationship with my family and relatives. Mab, on the other hand, will always have a special place in my heart.
"May minahal ka na ba, Lu?"
"Oh!" I didn't expect such question from Inus. It's much okay if we're the only ones talking about it in private.
I first took a shot to gain more courage. Kapansin-pansin din na tutok sila sa magiging sagot ko. Now, this is awkward. All of their eyes are now focus on me. Tiningnan ko si Mab kung mahahalata ba sa mukha niya kung ano ang iniisip niya since I always tell her some stuffs like this. She's smiling. Tinataas-baba niya rin ang dalawa niyang kilay. What, she's excited? She can even answer it for my sake. Please, help me, Mab.
"I... uh..." Kay Inus naman ako tumingin ngayon. "I don't think it's love. I think it's more of... like? I mean, I enjoyed talking with him."
"Ay ang landi!" komento ni Sas. Napatawa lang ako.
"Kuwento mo pa sa kanila."
Mabilis akong lumingon kay Mab.
"Dali na! Share mo na para naman may mapag-usapan tayo."
"Oo nga naman. At para malinaw mo rin sa amin 'yong haka-haka sa school," si Elio naman.
"Anong haka-haka?"
"That you're obsessed with Heath," mabilis na sagot ni Inus.
"Oh, my God!" I laughed, nervously. "Hindi! Grabe naman sa obsess. I'm not like that."
"Eh, bakit ganoon ang naging issue?"
Elio has been friends with Heath based from what I know. Sinabi iyon sa akin nina Gia at Trish, mga pinsan ko sa mother's side. Nga lang, nagkaroon ng hindi pagkakaunawan na siyang naging resulta sa pagkasira ng pagkakaibigan nila. That's when he got close to Inus, they said. I'm guessing na napag-uusapan din nila ako kapag sila lang ding mga boys ang magkakasama kaya ngayon iniipit nila ako. Gosh, bakit ang liit ng mundo? Connections are easy to trace.
"Eh, bakit hindi mo na lang tanungin ng direkta sa best friend mo 'yan, Elio?"
Bigla silang natahimik. I didn't mean it in a rude way. Intensiyon ko na asarin lang siya pero iba yata ang kinalabasan ng tono ng pananalita ko.
I swallowed and cleared my throat. "I'm gradually building hopes... for us. But I'm not sure where it went wrong. I don't know why I was such a coward, ignoring him like he was a total stranger to me, as if nothing had happened, as if we never had any moments together."
"Gaga ka. Kung gusto mo naman pala, eh bakit lumayo? Arte-arte ha!"
"Shut up, Sas! Actually, there's another reason. Nabalitan ko na may nililigawan pala siya habang parang may something sa amin. I mean, I know I'm not the only one who felt something special was happening between us. Natakot at nasaktan lang ako na harapin iyon. Pakiramdam ko ako ang nasa maling sitwasyon at oras. Pakiramdam ko nakakasira ako ng ibang relasyon."
"Ako lang ba ang nakakaramdam na hindi lang basta pagkagusto iyan, Lu?"
Tinarayan ko si Mab. Pinapahamak talaga ako ng babaeng ito. Balak talaga nilang pagkaisahan ako, ano?
"Love is a deep feeling, Mab."
"Talaga ba? Kumusta naman ang puso mo ngayon? Sigurado kang hindi ka na nagmamahal?"
Gosh, Mab! Don't put Inus into this, please!
"Nagmamahal? Ay bet! Don't me, Lu!"
Oh, Sas! Isa ka pa!
"In love 'yan!"
Isa pa 'tong si Elio! Ano ba namang meron sa kanila? Nagkasundo ba sila para asarin ako?
"Ganoon din si Heath sa 'yo. Baka puwede pa?"
"It's been years, Elio. Huwag mo na iyong buhayin ulit." I smiled. "Eh, ikaw? Ano naman 'yong issue sainyo?"
"Tangina naman niyan! Si Inus na lang tanungin niyo sa love life niya! Hindi pa nga niyan nade-delete sa socmed mga pictures nila. Sus!"
Nalipat naman ngayon kay Inus ang atensyon namin. Hindi ko alam kung bakit bigla ring kumabog ng malakas ang dibdib ko. Maybe I just need answers too. Hindi namin napag-uusapan ang mga past lives namin, puro kulitan at asaran lang kaya wala man lang nabubuong matino o seryoso.
"There's nothing to tell. Just the typical breakup reasons of a couple."
"Ay? Ang pangit! Kuwento mo in details!"
That's right Mab! Push his limits too!
"Wala nga. Sadyang hindi lang kami para sa isa't isa."
"Taray!" si Sas. "Huwag kang mag-alala, Lu, mas maganda ka naman doon. Winner na winner ka."
Nang sabihin iyon ni Sas ay nagkatinginan ulit kami ni Inus. Kalaunan ay nakisabay na lang din sa tawa nila.
Nagpatuloy ang kuwentuhan pero hindi na ako masyadong nakasunod. Biglang bumalik sa isip ko ang nakaraan. I mean, 'yong konting oras na pinagsamahan namin ni Heath.
I was always wary of people. But Heath... he's just so different. Bukod kay Mab, mabilis niyang nakuha ang tiwala ko. Yes, ayoko nang maulit ang mga nangyari noon dahil masyado iyong naging mabigat sa akin, but knowing that only rare people are like that, I think I will still choose him if we were given a chance. It's the person that matters to me, but he's changed. We both changed in a good way. It's already too late. And Inus is already here. Walang-wala ang kung ano mang naramdaman ko noon kay Heath sa nararamdaman ko ngayon kay Inus.
I know, feelings differ from person to person. Still, I couldn't help to compare. Because if not, I will still stand on the same ground as I am before. I will never be this open to new experiences and people if it wasn't for Heath.
"Mab," bulong ko. "I want to be with myself for a moment."
"Hindi ka na matutulog?"
"Hindi na siguro. Dalawang oras na rin naman sisikat na ang araw."
"Sige. Ingat ka."
Tanging ngiti lang ang iginawad ko sa kanya bago tumayo't umalis. Nang makalayo-layo na sa kanila ay rinig ko pa rin ang usapan at tawanan nila. I couldn't help to smile. Kami na lang ata ang gising at maingay dito. Buti na lang ay wala namang nagrereklamo.
I think I saw an area here where the sunrise might be more visible and closer. Doon ako pupunta. Lumingon muna ako sa likod para matansya ang layo bago nagpatuloy sa paglalakad. Medyo nasa may side ito ng wooden house pero hindi rin ganoon kalapit. Bahagya itong tago dahil sa decors at puno.
Dire-diretso na sana ang lakad ko nang wala nang maapakan ang isa kong paa. My heart quickly responded to that.
"Ops, dahan-dahan lang kasi."
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Hindi ko napansin na nasa tuktok na pala ako. Oh, my! Pakiramdam ko naunang nahulog sa baba 'yong puso ko. Bakit ba kasi kung saan na delikado ay saka naman walang ilaw? Well, I'm such a stupid for ignoring how dark it is.
"Hindi mo nakita 'yong sign?" Bahagya niya akong hinila palapit sa kanya.
It's Kenneth.
"Sign?" Umayos ako ng tayo at inalis na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Bawal daw dito."
"Hala, hindi!" Mas lalo akong kinabahan at nataranta doon.
"Huwag kang mag-alala, nandito na ako." Natawa siya.
"Hindi. Bumalik na lang tayo."
"Nandito na rin naman tayo, why not, 'di ba?"
"I didn't know na bawal pala. Kaya tara balik na tayo." Nilagpasan ko siya.
"Akala ko gusto mo mapag-isa?"
Tapos nandito ka't tinatanong iyan?
"I'm sorry it came out wrong." Natawa ulit siya. "Iniisip mo na siguro na alam ko naman iyon pero sinundan pa rin kita."
Kind of, Ken.
"Manatili muna tayo rito. Sa tingin ko maganda ang kalalabasan ng sunrise dito."
That's also the reason why I'm exactly here. Lumayo lang kami sa puwesto namin kanina at naupo sa nakatumbang mahabang kahoy. For the first minutes, we stayed quiet. Akala ko magtatagal iyon nang mapansin niya ang panginginig ko.
"Nilalamig ka ba? Shit, wala pa naman akong dalang jacket."
No, I'm not cold.
When he was about to touch me, I dodged to wipe the drip of my blood from my nose.
"S-Sorry."
Napapikit ako ng mariin, patuloy pa ring pinupunasan ang dugo sa paraang hindi niya mahahalata. This will probably cause a stain on my cardigan. Bigla akong tumayo para sana bumalik na pero agad akong nanghina.
"Lu!" Nahawakan agad ako ni Ken sa dalawang balikat. Hinarap niya ako sa kanya pero yumuko ako para makaiwas. "Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?"
"I'm okay," I responded with a shaky voice.
Naupo na lang ulit kami habang nakaalalay pa rin siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko para mailagay iyon sa balikat niya habang ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa balikat ko, tila yinayakap ako.
I didn't protest. I even closed my eyes since I can now clearly feel the pain in my head. It was bearable earlier and I'm trying hard not to show to everyone that something is wrong with me. And obviously, it's the symptoms. Isa rin sa rason kaya umalis ako roon. To ease the pain and calm my raging heart.
"I don't want to ruin the fun." It was almost a whisper, but Ken heard it.
"Bakit mo naman 'yan nasabi? Kailangan mo lang ng pahinga. Kita ko rin na masaya ka kaya iyon ang huwag mong hayaang masira."
Unconsciously, my lips started to create a faint smile while my eyes are closed.
"What a comforting words, Ken. Thank you."
"Gigisingin kita kapag unti-unti nang sumisikat ang araw."
Sa tuwing nararanasan ko ang mga sintomas ay hindi ko magawang matulog ng kusa, puwera na lang kung nahihimatay na talaga ako. I'm afraid I will never wake up again. I'm afraid everything will turn out a dream. I'm afraid relationships will be gone.
"Gusto kita, Lu."
So, this is what Elio meant when he talked to me. Nagulat ako dahil wala man lang akong naramdaman sa biglaan niyang pag-confess. Ang nakaka-guilty pa ay mas inisip ko pa si Inus, ang kung anong mararamdaman niya. But what shocked me more is Ken's additional confession.
"Pero hindi kita liligawan. Gusto ka rin ni Inus. Sapat na sa akin ang manatiling kaibigan niyo. Mas magtatagal pa iyon."
Kung sa iba sweet ang dating ng mga sinabi niya, sa iba nama'y bitter. Pero bakit natatawa ako? It's because Ken has a lot more courage and confident to confess his heart than Inus. Dahil sa sobrang tapang niya, siya na rin mismo ang nag-confess sa nararamdaman ni Inus.
This is not something I should be doing. I like Inus. I shouldn't make comparisons. Every person you like has distinct behavioral tendencies of how they will express their care and affection for you. There's just this one person who appeals to you no matter how hard you attempt to resist it or how hard the other people try to take your attention. That once you start it, you will never know how to end it.
Hope. Even though you know what is going to happen, what you must do, and why you must experience challenges, hope is the one thing in which you can always cling to soothe your mind and console your heart. It's a sad word, yet it makes people happy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro