Chapter 11
Inus Tansley
Today 9:45 PM
Nasaan na kayo?
Ang tagal niyo naman.
Kalmahan mo lang hahaha
Papunta na kami
Sure na? Kanina pa 'yan, eh!
Oo nga, Lu!
Galit na 'yan?
Para namang tanga hahaha
'Yong totoo kasi, Godvynus!
Nawiwili ka ata sa pangalan ko
Maling desisyon talaga na sabihin iyon sa 'yo
Hahaha
So, maling desiyon na rin na i-chat mo ako?
Gago hindi
Mas gago ka!
Lahat na lang kasi sa 'yo issue
Luh? Baka ikaw ang issue!
Basta papunta na kami
Hindi na ako nag-reply pa. Nilapag ko sa bedside table ang phone suot ang malawak na ngiti. I hummed as I fixed my clothes, cardigan and jeans, for tonight. Of course, pares ito sa boots. Napatingin din ako sa bag na nasa lapag. Yes, we're heading out again. On the mountain, most likely a campaign site.
We were supposed to do this last week, but it didn't happen due to personal reasons, so I've been looking for it for a week. It excites me to the point that I'm unable to concentrate on my studies. Kahit na gabi-gabi naman kaming lumalabas ay hindi pa rin mawala ang excitement ko tuwing magkakasama kami. Kampante na naman ako kasi malapit na matapos ang finals.
Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit, sabay higa sa kama. Oh, Inus, hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya. I simply hope it lasts until we no longer desire it. May we always find a hope to pull each other up, even in the darkest and most difficult of times.
When the door creaked, I panicked and instantly opened my eyes. Mabilis pa sa oras ang pag-ayos ko ng higa at pagtalukbong ng comforter hanggang leeg. Nang tuluyan itong bumukas ay agad akong napapikit ulit. It's unusually quiet, and my heart continues to race.
The footsteps did not go any closer to my bed. Pakiramdam ko nanatili lang ito malapit sa may pinto. Hindi ko rin mahulaan kung magulang ko ba ito o ang mga katulong lang. Nevertheless, I still need to do this. Ayokong masira na naman ang plano namin ngayong gabi.
Napabuntonghininga ako nang sumara ulit ang pinto. Bumangon ako't kinuha agad ang phone. I was going to compose a new message for Inus when I received a message from Mab and Sas.
Mabry Perez
Today 10:05 PM
Nandito na kami!
Okay. I'll be there in a minute.
Sasithorn San Jose
Today 10:05 PM
Bakla
Labas na
Oo, saglit lang!
Gusto mong pumasok pa kami?
Gago 'wag! Atat lang, bakla?
Pakibilisan kasi duh
I rolled my eyes while grinning. Sinilid ko na sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko bago lumapit sa vanity area para i-check ulit ang ayos ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa may kama para kunin 'yong bag na dadalhin ko.
I approached the door. I took another big sigh as I grasped the door handle. This is it!
Para akong spy o ninja habang palabas ng bahay, checking every corner of it if someone's still awake. Dim ang lights kaya mas naging pabor ito sa akin. Sa pagkataranta ko ay tumama ang tagiliran ko sa isang bagay. Napapikit agad ako nang maramdaman ang kirot. I even bit my bottom lip to prevent myself from causing any noise.
Nang makarating sa may front door ay tumingin ulit ako sa likod ko. I smiled. Pinihit ko na ang door handle at tuluyan na akong nakalabas. I immediately greeted them.
"Hi!" Isa-isa kong tiningnan si Mab, Sas, Elio, Ken, at Inus. "Bakit ang tagal niyo?"
"Ito kasing si Inus nakaka-tangina. Parang babae kung maligo sa sobrang tagal," reklamo ni Sas.
"Bakit ako?" Tumawa lang si Inus.
"Puta ka! Ewan ko sa 'yo!"
Napailing-iling na lang ako't napatawa na lang din.
"Anong paalam mo?" si Mab.
"Uhh..." Hindi ko alam ba't nalipat agad ang tingin ko kay Inus. Lumapit naman agad siya para kunin ang bag na hawak ko.
"Tara na. It's almost midnight."
"Duh, alas diyes palang, Inus!"
"Ano, Lu?"
I grinned broadly as I clutched to Mab's hands. "Basta! Halika na!" Iginiya ko na siya papunta sa sasakyan.
"Gaga ka? Ano nga?"
"It's okay, Mab. Nagpaalam ako ng maayos, huwag kang mag-alala."
It's a lie! I just sneaked out! Hindi ko yata alam kung ano ang ipapaalam ko lalo na't hindi ko naman kasama sina Kuya Io at Kuya Iz. They wouldn't let me go without them, of course. I'm sure they'll chastise me, but pag-uwi ko pa naman 'yon.
Gaya ng palaging nangyayari kapag magkakasama kami sa isang sasakyan ay wala kang ibang maririnig kundi ang kulitan, kantahan, asaran, at tawanan. Mababaw man ito sa paningin ng ibang tao but for me, it's full of life, hopes, and happiness na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay. It's a beautiful moment that needs to be kept within us. Yes, mistakes are unavoidable, and consequences must be faced, but as long as I don't regret it, I'm okay. Everything is going to be okay.
"We're here."
Bigla agad umingay ang dalawang nasa likod nang i-anunsiyo iyon ni Inus habang nakatingin sa bintana, sinusuri ang paligid na siyang ginagawa ko rin. Inus looked for a parking spot for the car. May mga bumps kaming nadaanan kanina pa kaya medyo hirap din sa pagmaniobra si Inus. Even so, he managed to keep us safe.
Nang patayin na ni Inus ang makina ay binuksan agad nila ang pinto saka lumabas. Meanwhile, I fixed my things first. Sinabihan ko si Inus kanina na huwag na niyang ihalo ang gamit ko sa kanila at ako na lang ang hahawak.
"Uy, kayo na muna bahala sa gamit, ah? Confirm lang namin ni Sas 'yong reservation." Narinig kong sabi ni Mab. I looked at them, nagbabakasakali na maisipan din nila akong yayain. Hello, ano, iiwan nila ako along with the boys?
I was about to shout for their names when the door on my side burst open. I instantly glanced over and saw Inus. We gazed at one another for a few seconds before I could even react.
"Thanks," tanging nasabi ko bago bumaba. Isinara niya naman agad ang pinto at tumungo na sa likod, kung nasaan sina Elio at Kenneth, para tumulong sa pagbaba at pagbitbit ng mga gamit na dala namin.
I simply prepared one bag, which was sufficient for camping necessities and hygiene. I never had the chance to ask them earlier about what else they packed because, as far as I know, the camping site we booked already included a full set of camping supplies we need.
Inayos ko sa balikat ko ang bag. Naglakad ako patungo sa unahan para mas makita ang kabuuang lugar. Napansin ko agad sa peripheral vision ko ang paglapit ni Inus sa may gilid ko. Hindi na ako naghintay na makalapit pa siya sa akin, nilingon ko na agad ang gawi niya't binigyan siya ng ngiti.
"Ako na," tukoy niya sa bag na dala ko.
Nagdalawang-isip pa ako na ibigay sa kanya pero... "Sige. Salamat... ulit."
He just gave me a chortle.
Tinalikuran ko na ulit siya at nagpatuloy na sa pagsuri ng lugar. To enliven the site, there are small and large tents, modest cabins, set of hammocks, campfires, candle lanterns, and string lights. A solitary wooden house and several tree dwellings are also provided. The environment is not as bright and gloomy as it might be, but the beauty and cleanliness are instantly evident. The camping site is not that big. Perhaps enough to accommodate fifty people, but it's a good thing just a few are here. Mas maganda sana kung napaaga pa ang dating namin dito. Marami sana kaming magagawa.
"Tara na?" biglang yaya ni Inus.
I just smiled as a response. Kalaunan, sumabay na ako sa paglakad nila.
"Buti pinayagan ka?"
Bumilis agad ang tibok ng puso ko. "Uh, yeah." I don't know what else to say.
"Nursing ang kurso mo, 'di ba?"
I appreciate that he is always attempting to communicate with me. The only issue is that I'm still not used to us. I'm referring to something like this. Even though we're usually together, talking casually in person is so... foreign to me.
"Oo. Pangarap ko kasi. Puwede rin na stepping stone ko siya to be a doctor."
"Wow. That's... so cool. It suits you well."
I smiled. "Pano mo naman nasabi?"
"Well... palagi kitang nakikita sa school. Ang professional at talino mong tingnan sa uniporme niyo. Parang ganoon." He laughed. "I don't know. I just find it amusing that it suits you so well. Kailangan talaga palaging may rason?"
"Oo naman! Don't give me the opportunity to question your sincerity. Gusto mo 'yon?" Bahagya akong napatigil nang mapagtanto ang mali sa sinabi ko. "Anyway, ikaw?" I stammered as I caught up his walking phase.
"Alam mo... reasons are not always the only reason. You just need to feel it in your heart." It was ironic how we both stared at each other in the same approach. I blinked. He burst out laughing. "Financial management po." He flashed me a wink, which made my heart skip a beat.
I looked away. "Oh, I see. Mukha ka kasing pera."
"Ay, grabe? Hindi ba puwedeng para pagsabihan ka na huwag palaging gumastos? We need to budget, Misis."
"Huh? Bakit ako? At... anong Misis? Single and ready to mingle ako, 'no!" Napatigil agad ako sa paglalakad at napatakip sa bibig ko.
"Single? Sigurado ka?" Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. He smirked. "Tingnan natin kung masabi mo pa 'yan pagkatapos nito."
I swallowed hard. Wala akong nagawa kundi ang sundan lang siya ng tingin. Nang alisin ko ang kamay ko sa bibig ko ay lumipat naman ito sa may dibdib ko. Gosh, Inus. Why do you constantly make my heart flutter? Gusto mo bang bumagsak mula sa ulo ko pababa sa puso ang sakit ko?
Hindi pa nga ako tuluyang nakakabawi ay bumungad naman sa akin si Ken. I sighed before greeting him.
"Kayo?"
My lips parted.
"Ang sweet niyo kasi sa tuwing magkakasama tayo."
"Luh? Anong sweet doon? Baka puro asaran lang."
He shrugged. "Sweet pa rin sa paningin ng iba."
"Huwag ka namang ganyan. Baka mas humangin 'yon kapag narinig niya 'yan."
Bahagya siyang natawa. "So, kayo nga?"
"Hindi!" kunot-noo kong depensa habang hinahaluan ito ng tawa.
"Eh 'di puwede pa?"
"Puwede ang alin?"
He looked me in the eyes before smiling and leaving me hanging.
"Ken! Anong puwede pa?" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.
Sa inis ko sa mga lalaki — oo! mga lalaki! — ay marahas akong napasuklay sa buhok gamit lamang ang kamay ko. I also licked and nibbled my lower lip. Then, I continued walking, rolling my eyes.
Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa wooden house sina Inus, Ken, at Elio ay sinalubong na sila nina Mab at Sas. Dahil medyo malayo pa ako sa kanila ay tinakbo ko na ang espasyo.
"Ano gusto niyo? Cabin o tent na may duyan o duyan lang?" si Mab.
I suggest tent with hammock para mas dama talaga na nasa camping kami. May malaki namang tent kaya kasya na kami roon.
"Cabin?"
Napatingin ako kay Inus.
"Pangit, Boy!" singit naman ni Elio. "Tent na may duyan maganda tapos may campfire pa. Pumunta ka lang ba rito para matulog?"
Natawa kami.
"Gago! Baka lang naman pagod kayo kaya gusto niyo muna magpahinga. We can even rent cabin and tent if you want. Bakit kailangan pang pumili?"
Namangha ako sa sinabi ni Inus kaya tahimik lang akong napangiti.
"Iba talaga kapag galante, ano?" komento naman ni Mab.
"Puta ka, Inus, kapag tayo kinapos sa pera," si Sas naman sabay flipped hair.
"Puta ka rin! Ikaw ba gagastos? Ni wala ka ngang naaambag kaya tumahimik ka na lang diyan."
"Duh, hindi naman sasama si Mab, lalo na si Lu, kung wala ako."
"Ano ka, special?"
"Of course!"
"Hoy, kalma!" Tinabihan ko sina Mab at Sas. "Okay na sa atin ang tent. We need to budget daw tapos siya naman pala itong todo gastos." Nagkatinginan kami ni Inus. He just smiled and shook his head.
"Sige, tent na lang," Mab announced. "Tara hanap na tayo ng puwesto. I-assist tayo ni Kuya."
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala silang isa sa mga staff dito. Nang magsalubong ang mga mata namin ay nginitian ko lang siya bilang pambati.
Tahimik kaming tumungo sa area ng mga tents. Medyo nahuhuli ako sa paglakad kaya isa-isa kong tinitingnan ang mga likod at ulo nila habang pasimpleng napapangiti. It's just that... how did our friendship come to this? Hindi na maubusan ng mga ganap, palagi na lang magkakasama.
Agad naglaho ang ngiti ko nang biglang tumingin si Inus sa gawi ko at bigyan niya ako ng ngiti—an assuring smile, to be exact.
"We'll give you everything you need as long as you follow our rules and pay enough. You may also utilize everything in this area. Snacks will be provided later. Now, if you'll excuse me. Please have fun."
We arranged everything as soon as the staff left. While the boys were outside working, Mab, Sas, and I went inside the tent to get things fixed and ready. Nagkaroon pa kami ng ilang chikahan. Paglabas namin ay nakahanda na ang isang maliit na lamesa, mga upuan, at campfire. Napansin ko rin na dumating na rin 'yong snacks.
Nilabas ko ang phone ko to take few photos and videos. Kanya-kanya kami ng upo habang isa-isa kaming binibigyan ng drinks ni Inus.
"Bakit naman beer?"
"Ayaw mo?"
Kinuha ko sa kamay niya ang bote. "Hindi naman. Salamat."
Ayoko sana ng beer pero no choice ako. I need to drink to keep my heart and mind sane.
"May nakita akong gitara. Kanino 'yon?" si Sas bago naupo sa tabi namin ni Mab.
"Bakit?" sagot ni Inus na siyang ikinagulat ko.
"Ay, sa 'yo?" pagtataray ni Sas. "Sige nga, kantahan mo kami."
Tinungga ko ang bote at agad itong inubos. Tumayo ako para kumuha ng panibagong bote sa cooler. Napansin naman iyon ni Inus kaya siya na ulit ang bumukas.
"Kunin ko lang."
Tila ba sa akin siya nagpapaalam dahil sa akin siya nakatingin bago pumasok sa tent. Ramdam ko na naman tuloy ang paghuhurumentado ng puso ko sa loob. Tinungga ko ulit ang beer bago bumalik sa puwesto ko. Sakto namang lumabas si Inus.
He pulled a chair. Magkatapat kami, nasa gitna ang campfire kung saan pinapalibutan namin, kaya nagkasalubong na naman ang mga mata namin. He smiled. Inayos niya sa lap niya ang gitara. He fine-tuned it. He strummed, clearing his throat, and it was as though lightning struck me. Uminom na lang ulit ako ng beer.
"Gosh, bakit ako kinakabahan?" I mumbled.
I licked my lips and swallowed before returning my attention to Inus. I'm guessing he strummed the guitar for more than thirty seconds. Ganoon kalala ang anxiety ko pagdating sa kanya. Halos lahat binibigyan ng pansin. Then he began to sing.
Unang linya palang may panama na sa puso ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang sa akin lang nakatingin kaya ako na mismo ang umiiwas. Mukhang hindi naman iyon pansin ng iba since dinadamdam din nila ang kanta. This is the first time I've heard Inus sing, and the mood becomes much more serene.
He never left my eyes. I can feel it, and whenever I looked at him, his eyes were already looking at me. Kung oo naman ay sa gitara lang siya titingin tapos sa akin na ulit, tila nagpapahiwatig ng kung ano.
His looks are so captivating and comforting that I can't bring myself to look away again. I had the impression that we are the only ones here. Parang tumigil ang oras at kami lang ang dalawang nagkakaintindihan ng damdamin ngayon. I have nothing else to hope except that it will not end soon, but fate is always playful.
Natapos ang kanta pero titig na titig pa rin kami sa isa't isa hanggang sa bigla ulit umingay ang paligid. I cleared my throat and finished drinking the beer. I stood up and walked away. Hindi ko napansin na may nakasunod pala sa akin.
"Tinamaan ka, 'no?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro