Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

I'm sure most of you will say it happened too soon. We've only been talking for a few weeks, and this is our first moment together, but he already gave me a gift. Isn't that just the way it is? It is difficult to foresee when and where you will fall in love. It's surprising. You will feel it regardless of how much you attempt to hide it. And once you've acknowledged it, I'm pretty sure you're aware of the emotions it evokes in you.

"Lu! Inus!"

Narinig ko ang boses ni Mab. Doon palang kami natauhan ulit ni Inus. I blinked and parted my lips, but no words came out from my mouth. As a result, Inus grinned before looking at my back to see Mab. Wala akong nagawa. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko bago rin hinarap si Mab.

"Nandito lang pala kayo."

I smiled, awkwardly.

"Ay, may pa-jacket?" Sas is with Mab pala, giving us evil glances and nasty smiles.

"Nilalamig daw siya," si Inus na siyang tumabi sa akin.

"E 'di sabay sana kayong nagpainit."

Namilog ang mga mata ko. Napatingin agad ako kay Inus para malaman kung ano ang naging reaksiyon niya. He's just smiling again! Iyan na ba ang neutral na reaksiyon niya sa lahat ng bagay?

"Kahit kailan talaga, Sas, pasmado ang bibig mo," komento ni Inus na paimpit lang tinawanan ni Sas.

Samantala, tumabi sa akin si Mab. "Ang ganda ng gabi ay hindi agad pinapalipas, 'di ba Sas? Inus?" She placed her arm around mine as she gave Sas and Inus a look for the approval. Pumalakpak at sumang-ayon agad si Sas habang si Inus ay napatango lang. "Kaya sulitin natin ang gabi. More alak pa! Taraaa!"

"Ang lasing umuwi na." Binigyan ako ng tingin ni Sas.

"Sinong lasing? Walang lasing dito! Magpapakalasing palang!" depensa ko naman na sabay-sabay nilang tinawanan at tinilian, except kay Inus na tahimik lang na nakangiti. Para namang tanga.

"Kaya gusto kita, eh!"

Napailing na lang ako kay Sas habang pasimple akong hinihila ni Mab pabalik sa baba. Hindi na naman nauubusan ng sasabihin ang dalawa habang pababa kami. Tamang tango, agree, at tawa lang ako, pinapakiramdaman si Inus na nasa likod namin, nakasunod lang.

"Oo nga pala, hinahanap ka na naman 'nong dalawa mong KJ na pinsan. Huwag mong sabihin sa akin na uuwi ka na naman agad?"

"Hayaan mo sila, Mab." I rolled my eyes to Mab.

"Ay, bet! Woohhooo!" Nakihalo na si Sas sa mga sumasayaw sa dance floor.

Dumiretso naman kami nila Mab at Inus sa table namin. Mab immediately handed me a new glass of alcohol.

"Ano na iniinom niyo?" Sinuri ko muna 'yong laman ng baso bago ito nilagok. Sumama agad ang timpla ng mukha ko. "Ang tapang naman!"

"First time?" Tinawanan nila ako.

"Hard na tayo, girl," si Mab. "Everclear."

"Hoy, gago?" Napatakip agad ako sa bibig ko.

Oh, my! Where did that came from?

"Oh, shit! Guys! First time ni Lu magmura ngayon! Bunyagan pa natin 'yan! Shot pa!"

"Mab naman!"

"Ano?" She laughed. "Own the night, Lu Gonora!" sigaw niya pa bago ako iniwan.

Hindi ako maalam sa mga alak pero according to my research, Everclear is one of the strongest liquors. Isa pa, hindi ba't 'yong iniinom namin kanina ay considered as hard na rin? Hindi ko akalain na game na game sila sa kahit na anong alak, not minding the alcohol percentage and tolerance. Oh, God. Sana naman ay buhay pa ako after ng gabing ito.

Even though I resisted drinking Everclear, my body felt weaker as the night became darker and deeper. But with only three glasses, bumagsak na ako. I'm actually lying on the sofa right now, hindi na alintana kung ano man ang posisyon ko ngayon.

"Lu?"

I heard my name being called many times by various people. They continue to speak, but my hearing is too fuzzy for me to understand it. When I tried to open my eyes, my head hurt and I was blinded by the neon lights, but I knew that even I only glanced for a second, I saw the pair of Inus' eyes looking at me earnestly, triggering the involuntary drawing of a smile on my lips.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako dahil kahit na nakapikit ang mga mata ay masyadong malakas ang tugtog at ingay ng mga tao. I simply know that I'd been lying on the sofa with my eyes closed for so long that it became too tiring to stay in the same position, so I decided to sit. Gayunpaman, patuloy pa ring bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Baka pagod at inaantok lang ako, hindi lasing.

"Tubig?" Someone offered me a glass of water. I was able to sit up straight right away, thinking to myself, 'I'm looking so embarrassing right now.' So I'm trying my best to come to my normal senses again.

"Thanks!" Nanginig ang kamay ko nang inabot ko ang baso. Nang sinubukan ko ulit titigan ang taong iyon ay nanliit ang mga mata ko. It's Inus, right? "Oh, Inus!" I closed my eyes. Babagsak na ulit sana ako sa sofa pero masyadong mabilis ang naging galaw niya para alalayan ako at ihilig ang ulo ko sa balikat niya.

I didn't protest. Hinayaan ko na ganoon ang ayos namin. In fact, I even hugged him. Masyadong malakas ang kusa ng katawan ko ngayon that I can't control it anymore. Hindi pa nagtatagal ay biglang may umilaw sa may harap ko. My brows immediately formed a knot. Nang buksan ko ang mga mata ko, sinalubong ako ng puting liwanag pero panandalian lang iyon.

"Ano 'yan?" matamlay kong tanong.

"'Yan 'yan 'yan! Kay Inus talaga ang bagsak mo, bakla kaaa!"

Natawa lang ako bago ulit pumikit at bumalik sa posisyon ko kanina.

"Ang lilikot niyo! Matamaan niyo 'yong tulog!" huling narinig ko kay Inus bago ako tuluyang dinala ng tulog ko sa ibang mundo.

It was a world where two people were lying on a hospital bed, surrounded by the others who were crying and pleading to bring back their lost lives. When I tried to approach them, there was a flash of pain in my head, along with the glitch of the place where I am now. It was just for a little while, so I assumed it would never happen again, but as I approached those two people again, I felt a dripping fluid in my nose and I was fully enveloped by a strange anguish that I had never felt before in my whole life.

Bumagsak ako sa malamig at basang sahig. Napapikit at napayuko ako habang nakahawak sa ulo ko. Nang buksan ko ulit ang mga mata ko ay tuloy-tuloy na ang pagpatak ng dugo ko mula sa ilong pababa sa sahig. Dala ng pagkataranta ay napaangat ang tingin ko, only to see that no one is around in the dark room. It's just me.

Mabilis akong napamulat at napabangon, hinahabol ang hininga ko.

"Bad dream?" Pumunta sa harapan ko si Inus. Napatitig ako sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak kaya mabilis akong napayakap sa kanya. "Malala pala talaga ang epekto ng alak sa 'yo."

The hug lasted for minutes. Kumalas lang ako nang tumigil na ako sa pag-iyak. Iniwas ko pa ang mukha ko kay Inus dahil mukha nang basang sisiw dahil sa pinaghalong luha at pawis.

"Sorry. Ang OA ko." Ramdam ko ang kaunting pamamaos ng boses ko, so I cleared my throat as I continued wiping my tears.

"Hindi iyan sa pagiging OA." Marahan niyang hinarap ang mukha ko sa kanya. Natigilan ako nang magsalubong na naman ang mga mata namin. "Ano ba ang napanaginipan mo?"

Suminghot ako na siyang ikinatigil niya. Kalaunan ay tumawa lang siya kaya nadala na rin ako.

"Ay, ano 'yan? Pinapaiyak mo na agad Inus? May label na ba?"

Napalayo agad ako kay Inus nang dumating na sina Sas at Mab.

"It's... it's nothing. Epekto lang ng alak." I gave them a look. Nang makita ko sa mga tingin nila ang duda at tukso ay inilipat ko naman sa paligid ang paningin ko. Doon ko lang ulit napansin ang lakas ng tugtog at ang patuloy na dumaraming tao. "Uuwi na ako. Where's my phone?" I stood up and looked for my phone. Saan ko nga ba ulit nalagay iyon?

"Anong uuwi? Inus huwag mong ibigay ang phone." Tinabihan ako ni Mab at inayos ang buhok ko. "Kung kailan hindi na lasing ay saka naman uuwi? Tingnan mo naman kami, oh!"

"Eh, sanay na kayo sa ganito, eh."

"Anong sanay? Hindi mo pa kasi hinahayaan ang sarili mo na mag-enjoy."

"I'm enjoying naman, ah?"

"Hindi, hindi." Napatakip sa bibig niya si Mab, maybe trying to suppress vomiting. "May plano pa nga kami ni Sas, eh."

"Anong plano?" kunot-noo kong tanong habang inaalalayan siya. "Lasing ka na rin, eh. Umuwi na lang tayo. Sumabay ka na sa amin." Sinubukan ko siyang igiya palabas ng club pero pinigilan niya agad ako.

"Lu naman!" Winaglit niya ang kamay ko. "May plano pa nga kami, 'di ba Sas? Ikaw na nga magsabi, baka sakaling makinig sa 'yo. Lakas mo, eh!" Naupo na lang si Mab at si Sas naman ngayon ang kaharap ko.

"Night ride daw. Kay Inus na sasakyan."

My look was immediately turned to Inus who's already looking at us.

"Alam ba ni Inus?"

"Ay, g agad 'yan!"

"Sas naman. Biglaan." Tinalikuran ko siya pero hinigit niya agad ako pabalik.

"Mas maganda nga kapag biglaan kasi sure talaga na mangyayari. At para mawala na rin kalasingan natin. Enjoy 'to, baklaaa! Sige naaa! Aarte pa ba?"

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig kay Sas. Meanwhile, Sas was raising his brows up and down, halatang nanunukso para pumayag na ako. Oh, well, night ride sounds exciting. Ngayon lang naman siguro ito.

"Sino-sino ang mga kasama?"

Natawa agad ako nang magtititili si Sas with matching talon at sayaw pa.

"Ako, Ikaw, si Mab, Inus, Elio, Ken!"

"Sinong Elio?"

"Puta ka!" Napadaing agad ako nang hilahin niya ang buhok ko. "Kanina pa natin kainuman tapos hindi mo pa rin kilala?"

"Malay ko ba. Hindi naman nagpakilala, eh."

"Gaga ka talaga! Eh, palaging kay Inus ang atensiyon mo! Pinakilala ko pa nga sila isa-isa sa 'yo! Bakla ka ng taon!"

I was tempted. We were ready to leave the club habang inaalalayan si Mab nang makita ko ang dalawa kong pinsan sa labas. I was about to approach them when Sas stopped me. They even covered me so that my cousins wouldn't see me.

"Bakla ka talaga! E 'di pauwi ka na sana ngayon instead na sumama sa amin!" singhal sa akin ni Sas nang makapasok na kami sa sasakyan ni Inus.

Hindi ko maiwasang mamangha sa linis at ganda ng loob. It's buick enclave with moonroof and it suits Inus' personality so well.

"Magpapaalam lang naman sana ako."

"Duh? Bobo ka ba? As if naman na papayagan ka 'non!"

"Malay natin, 'di ba?" I just shrugged my shoulders.

Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako kung ang nasa isip ko habang kasama sila ay ang dalawa kong pinsan na naiwan sa club at ang mga magulang ko na naghihintay sa bahay. What if hindi na lang ako sumama? Marami pa namang oras at pagkakataon para maulit ito kaysa naman sa masira ko ang tiwala ng pamilya ko sa akin. But then again, all of my worries got washed away when Inus started to drive. Nagpatugtog din siya para hindi raw boring.

Sinabayan naman namin ang kanta. Actually, kaming tatlo lang nila Mab at Sas kasi KJ ang boys. Napapatigil lang kapag bumibirit si Sas nang wala sa tono. Maging si Mab ay napapasigaw na dahil ayaw magpatalo kay Sas.

"Repeat! Pero this time mas malakas na! Buksan mo ang moonroof, Inus! Dali!" mando ni Sas na siyang sinunod naman agad ni Inus.

I removed my seatbelt.

"Bakit mo inalis?"

Napatingin ako kay Inus.

"I'll join them."

"Baka hindi na kayo magkasya."

"Kasya 'yan! Malaki naman ang moonroof mo, ah?" Tatayo na sana ako nang bigla siyang prumeno. Buti na lang nakahawak agad ako sa upuan at dashboard. "Inus naman!"

"Huwag na kasi. Nakapalda ka pa."

"So?" I raised my left brow, hindi nagpapatalo sa tingin niya. "Ano namang mali sa suot ko?"

Inus sighed. Tumingin pa siya sa likod namin kaya sinundan ko iyon at nakita ang biglaang pagtahimik ng ibang kasamahan namin habang nakatingin lang sa amin na para bang mag-jowa na nag-aaway.

"Next time na lang." Sinara ni Inus ang moonroof at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Siyempre todo reklamo 'yong dalawa sa likod. Tinarayan ko na lang siya at bumalik na sa ayos ng pagkakaupo ko kanina. Bakit ba kasi ako nandito sa harapan katabi niya? Maging 'yong magandang kanta ay lumipas na kaya panibagong mood na naman.

The song was a lot calmer now kaya tanging humming lang ang naging pagsabay namin. Nag-phone na lang din sina Mab at Sas. Nang dumako naman ang tingin ko kay Ken ay nagulat ako na nakatingin na pala siya sa akin. I just gave him a faint smile. Habang si Elio naman ay tahimik lang ding nagpo-phone. Nahapit din ng paningin ko si Inus na seryosong nagmamaneho. I just cleared my throat before facing the front again.

I just decided to focus on the night view. I even checked my phone and saw my cousins' messages. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang ipapalusot ko. Nang lumipas ang oras ay nakaidlip na sana ako pero nagulat ako nang bigla ulit nabuhayan 'yong dalawa sa likod. Napaayos tuloy ako ng upo bago sila tiningnan. Tumawa ako't nakisabay uli sa kanta.

"Hey!" Lingon ko kay Inus na halatang nagulat kaya bahagya rin akong napatawa bago nagpatuloy. Hindi ko rin maalis-alis ang tingin ko sa kanya. "Pambili sa mukha mong guwapo..." Nilingon niya ako't binigyan ng mabilis na ngisi. Umiwas agad ako nang mapagtanto iyon. Akala ko pa naman naibulong ko na lang iyon.

Ilang kanta pa ang dumaan, Tagalog at English, bago kami tumigil sa isang convenience store.

"Lapagan na ng ambag!" si Mab. "Oh, Sas, huwag mong sabihing wala ka na namang ambag?"

"Eh, wala naman kasi talaga, gaga ka!"

Natawa ako. "Ako rin wala. Phone lang dala ko, puwede na ba 'to? Bibili na lang ako ng bago."

"Ano ba 'yan! Ang papangit niyo talagang ka-bonding!"

"Ako na," biglang singit ni Inus.

"Naks! Galante!"

Tinawanan lang ni Inus ang sinabi ni Mab bago lumabas ng sasakyan. Habang papalayo siya ay nakatitig lang ako sa kanya.

"Pogi, 'no?"

Napapikit ako nang ibulong iyon sa akin ni Sas.

"Hindi, 'no!" Umiwas ako ng tingin.

"Ay, oh, narinig ka."

Mabilis ko ulit tiningnan ang gawi ni Inus sa labas. Pabalik siya. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin bago ako mabilis na umiwas. Gosh, why do our gazes seem to be drawn inexorably together? Quotang-quota na ako sa tingin na 'yan ngayong gabi, ha!

"Sorry. Ano ba gusto niyo?" silip ni Inus sa bintanang nakabukas.

Sinabi naman agad ng mga kasama namin ang kanya-kanya nilang gusto habang ako ay naghintay na lang na matapos sila. Pano ba naman, parang pang-isang linggo na ang pagkain na pinapabili nila. Grocery na ata 'yan. Ako tuloy ang nahihiya kay Inus.

"Ikaw Lu? Ano gusto mo?"

Puwede bang sabihing ikaw, Inus?

Anyway, Inus and I stared at each other for a couple of seconds... again! Hindi ko naman magawang umiwas agad kasi nag-iisip nga ako kung ano ang ipapabili ko sa kanya.

"Uhh... tubig na lang." I mentally slapped myself. Tubig, ang pinakadakilang pabebeng excuse.

At binalot agad ng sigawan nila Mab at Sas ang loob ng sasakyan. Napailing na lang ako.

"Tumahimik nga kayo!"

"Sus! Tubig lang daw, ehe? May ganoon?" si Mab.

"Puta ka talagaaa! Masyado kang paimportante diyan!" si Sas naman.

Nang bumalik si Inus ay hindi lang tubig ang dala niya para sa akin. May iba pa pero hindi ko na iyon tiningnan isa-isa. Kinuha ko na lang kung ano iyong ibinigay niya bago siya nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Lu, puwede mo ba akong subuan?"

My heart hammered. Lumingon agad ako sa likod. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi nila iyon napansin dahil abala sila sa mga pagkain. Binalik ko na lang uli ang tingin ko kay Inus.

"Uh, sure. Pero baka puwede rin namang mamaya na lang muna tayo umalis para makakain ka ng komportable?"

"Hmm, sige. Hahanap lang ako ng puwesto."

It was a chill drive. Actually, it depends to the music. Hindi ko na rin alam kung saan na ba kami nakarating matapos kumain. Nakailang tigil din kami para mag-picture at i-appreciate ang lugar o daan. I guess, nakatulog din ako kalaunan. Nagising lang nang bigla ulit tumigil ang sasakyan. My eyes adjusted to the light.

"Hala, umaga na?" Nabuhayan agad ako. Teka lang naman, parang nakaidlip lang nga ako?!

"Baba na dali! Magsu-sunrise na!" masiglang anunsiyo ni Mab.

I assumed it was merely a late-night trip that took till morning until it was followed a couple more times without my awareness. All I know is that I'm happily living a life I never imagined I would experience. It even became a way for my growing attachment with Inus. But the more time I spend with the outside world, the less time I have for the people who are important to me. I thought my happiness would finally heal me, but it became a means for my illness to worsen, and I nearly forgot about it, even what I wrote in my journal.

I'm afraid I'm becoming someone I'm not instead of rediscovering myself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro