Chapter 1
"Okay, good morning class," agarang bati ni Sir Gallardo pagkapasok niya sa room. Umayos naman agad ako ng upo at naghanda para sa pa-recitation niya. "We're going to review for your finals this semester. This will be recorded as your oral recitation."
Sa lahat ng instructors namin ay siya lang ata ang pinakamasipag na magturo. Biruin niyo, araw-araw recit, weekly quizzes and activities. Siyempre isa rin siya sa mga instructors na hindi strikto, mataas ang konsiderasyon, at mapag-unawa. He also got the looks in his early thirties. Isn't he a total package deal? Hindi ba sumasakit ulo niya sa nag-uumapaw na talino?
"Ms. Gonora."
And oh, the way he calls my name screams pride and honor. Mararamdaman mo na edukadong tao at mataas ang standards niya. So, I always do my best to excel in class. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan kapag palagi kang nakakatanggap ng mga papuri sa paborito mong instructor?
"Ms. Gonora?"
Am I dreaming? Why does he keeps on calling my name today? Gaano mo po ba ako na-miss, Sir—
"I'm calling you, Ms. Gonora."
Kumabog ang puso ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko at ramdam ko agad ang panginginig ng mga kamay ko. You idiot, he's really calling you for the recit! Oh, my!
"Yes, Sir," alerto kong tugon saka tumayo. Taas-noo ko siyang sinalubong ng tingin matapos kong lunukin ang tila napakalaking bara sa lalamunan ko.
"Is there a problem, Ms. Gonora?" His brows were creased while looking at me.
"No, Sir."
"All right, here's my question: Explain why the anabolic and catabolic pathways are biologically distinct."
Nagdiwang agad ang diwa ko sa naging tanong ni Sir. This one's easy. Kasama ito sa mga na-review ko, at malinaw pa sa memorya ko ang naging discussion niya last week.
"They differ in terms of location and energy requirements, with anabolic occurring in the cytoplasm and using energy, while catabolic occurring in the mitochondria and obtaining energy." I paused to breathe. "Other considerations include flexibility and the Le Chatelier's principle. In flexibility, if the typical anabolic pathway is blocked, the body can frequently employ the opposite of the catabolic pathway, offering alternative means to produce required molecules. As for the Le Chatelier's principle-"
"Show us the illustration of Le Chatelier's principle. Then, explain."
What? Bakit may pa-illustration?
Habang naglalakad papunta sa unahan ay ginagawa ko na 'yong illustration sa utak ko, afraid of committing a mistake and get embarrassed in front of them all. Nang makarating naman sa unahan ay kinuha ko agad ang chalk. Then, I took a deep breath and licked my lips.
"So..." I faced my classmates after illustrating the Le Chatelier's principle, and I was able to articulate it clearly and confidently. Nakatanggap naman agad ako ng mga palakpak sa kaklase ko at papuri kay Sir. Oh, my! I did well again!
"Next... Mr. Garcia."
Throughout the whole recitation, I was only distracted by Sir Gallardo's compliment. Sa kanya lang ata ako nakatingin sa loob ng apat na oras. Hindi na naman ako matatawag dahil tapos na ako. Pinakauna pa. Kaya maagang natapos ang agony ko at matagal naman para sa pantasya ko sa kanya.
Napabuntonghininga ako't nangalumbaba. Nakaalis na si Sir pero heto ako't nasa unahan pa rin ang tingin kung saan siya nakaupo kanina. This is not good. Hindi na ata 'to basta paghanga lang.
"Hoy!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw at hampas ni Mabry, ang isa sa mga best friend ko.
"Aray naman!"
"Lunch na. 'Di ka kakain?"
"Hindi pa naman ako gutom. Later na." Nag-ayos na ako ng gamit dahil paniguradong hindi niya na naman tatanggapin ang sinabi ko.
"Now na. Tara na. Gutom na ako."
"Puno pa ang cafeteria niyan. Nakakapagod kaya makipagsiksikan," inarte ko pa.
"Sus, para namang hindi ka pa nasanay. Tara naaa!" I stood up and she immediately wrapped her arms around mine. "Isa pa, tuwing lunch nagsisilabasan ang mga pogi sa campus natin, lalo na sa engineering department."
"Ay meron ba?"
"Gaga! Ang dami kaya! Bulag ka ba?"
Napangiti na lang ako't napailing-iling.
"Ang pangit mo talagang ka-bonding!"
"Eh, sa wala naman kasi talaga akong nakikitang pogi rito. Ikaw yata ang may problema sa mata. Lahat na lang sa 'yo pogi."
"Anong tingin mo sa 'kin walang taste? Mataas din ang standards ko, 'no! Sa 'yo kasi out of reach na. Wala na rito sa mundo kasi napaka-imposible. Kung sa libro o movies, okay pa. Pero be, nasa reyalidad tayo."
I face palmed. "Hindi ba puwedeng hindi lang talaga interesado? I just want to focus on my studies first."
"Grabe ang dedikasyon?" Napatingin ako sa kanya. "Huwag ako, Lu. Sige, hahayaan na kita sa pantasya mo kay Sir Gallardo. Diyan ka naman ata masaya."
My eyes widened. "Hoy, tumahimik ka nga! Anong pantasya sinasabi mo riyan?"
"Ano ba dapat tawag doon?"
"Paghanga?"
"Ah, paghanga." She nodded. "Okay, sabi mo, eh."
"Stop teasing me, Mab. Kapag narinig ka ng iba, it'll cause a misunderstanding."
"Oh, ba't mo ako ini-english? Galit na 'yan?"
"Sira!" Inalis ko 'yong kamay niyang kanina pa nakapulupot sa akin. Hindi ba 'to nangangalay?
When we arrived at the cafeteria, it was packed with students as expected. Kaya ito ang ayaw ko tuwing lunch time, eh. I hate crowds. It suffocates me. It's also not pleasing in my eyes. Pero itong isang 'to, ayaw man lang magpahuli.
"Oo nga pala..." Hinila ako ni Mab para mas mapalapit pa sa kanya. Humingi naman agad ako ng tawad sa taong natamaan ko. "Debut ni Tanya ngayon. May paganap mamaya sa bahay nila. Pool theme, eh. Sama ka!"
"I already have plans later."
Umasim agad ang mukha ni Mab. "Aral na naman? Lu naman! Minsan lang ako magyaya, pumayag ka na."
"Luh minsan daw, palagi kaya tuwing may mga ganap."
"Tapos palagi mo namang tinatanggihan. Kahit ngayon lang, Lu. Pramis hindi ka magsisisi."
I sighed. "You know naman na it's not my thing. Instead of going outside, I prefer to stay indoors."
"Ayaw mo man lang bang maka-experience ng ibang bagay? Hindi ka ba nasasakal? Nagsasawa? Napapagod?"
Patuloy lang ang pag-usad ng pila kaya palapit na kami nang palapit sa counter. But this annoying creature beside me won't stop talking in an attempt to get me to accompany her to the debut later. I've declined several times, but she just won't accept it, and it's getting on my nerves again. Gosh, bakit ba ganoon kahirap tanggapin ang isang salita na hindi?
"Mab, kung pumayag man ako, you also need to convince my parents. So, to make it easy for you, I have to decline first." Nilapag ko ang tray sa lamesang napili namin bago naupo matapos um-order. "Parang hindi 'to bago sa 'yo, ah?"
"Hindi naman ganoon kahirap kausapin sila Tita. Timingan mo lang na good mood sila."
"Oh, right. Pakialala nga lahat ng naging paraan mo para pilitin sila? At sa 'yo pa talaga nanggaling ang salitang good mood, eh alam mo namang wala iyon sa diksiyunaryo nila."
She immediately fell silent after that. She just pouted her lips and rolled her eyes at me before drinking water. Napangiti na lang ako saka na rin kumain.
"Kasi naman!"
Nagulat na lang ako nang bigla siyang magwala na naman na parang bata. Napatingin tuloy ang ibang estudyante sa amin.
"Bakit ba ang strikto ng mga magulang mo? Diyamante ka ba?"
I just shrugged my shoulders. "Ganoon talaga kapag only child."
"Kahit na! Ang dami ko kayang kilalang only child na hindi naman strikto ang mga magulang to the point na parang kinukulong ka na nila."
Natigil ako sa pagsubo. Tiningnan ko siya habang ngumunguya pa rin.
"Mab, parents have their own ways to discipline their children. Iba ako sa mga kilala mong 'yon. And I've never thought in my life that they're imprisoning me. In fact, mas napapamahal lang ako sa kanila lalo." Nagpatuloy ako sa pag-kain ko dahil parang hangin lang iyong lumabas sa bibig ko.
"Okay..." I can sense the sadness in her voice. Nakaka-guilty pero hindi ko naman kasi masisisi kung ayaw talaga ng sarili ko, lalo na ng parents ko. "Pasensiya na. Hindi na kita pipilitin. Gusto ko lang kasi na nandoon ka rin sa lahat ng experiences ko."
"Well, I am. Hindi ka ba nagsasawa sa magandang pagmumukha ko na 'to araw-araw?"
Napatawa na lang kami. Nang susubo na sana ulit ako ay biglang may tumulong kulay pula sa pagkain ko. Kumunot agad ang noo ko. Naalarma ako nang sunod-sunod na ang pagpatak nito. Oh, no. Not again.
Nabitawan ko ang utensils at agad kinuha ang panyo sa bulsa ng palda ko. Tinakpan ko agad ang ilong ko saka tumayo. Nakita ko namang nataranta na rin si Mab, but I gave her a signal not to follow me.
Dumiretso ako sa CR habang pinupunasan ang ilong ko at pasimpleng tumitingala para patigilin ito. I was so distracted that I couldn't track where I am going. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-ikot ng paningin ko at kasabay 'non ang kirot sa ulo ko.
No... this shouldn't be happening. Not here. Not now.
Nang hindi ko na nga makayanan ay tuluyan na akong natumba. Luckily, I didn't felt the hard floor against my back. Instead, I glimpsed a person's hazy visage before I could close my eyes.
I woke up in the hospital, and I can hear my parents talking to someone — I assume it's the doctor.
Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang biglaang pag-ikot ng paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko't napabalik agad mula sa pagkakahiga. Pinili ko na rin munang ipikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang hina-hina ko na naman.
"Thank you, Doc."
As I heard their footsteps approaching, I braced myself for the reprimanding.
"When did you find out?" It's my mom.
I opened my eyes. "A month ago."
Ayaw ng magulang ko na hindi direktang sinasagot ang mga tanong nila. If you changed, avoided, or ignored their question, you're more likely to be punished, and their way of punishment is to feed yourself to your own weakness. For me, it's painful and traumatic. They will confine you in a dark room filled with mirrors and books. Even yet, I never questioned their ways of discipline because I ought to understand and obey them.
"Why didn't you tell us?" si Dad naman ngayon ang nagtanong.
"I couldn't find the courage to do so."
"So, until now you still don't know what courage is?"
"I'm sorry, Mom, Dad. I was just afraid." Napayuko ako. Namawis at nanginig ang kamay ko. I can also feel my veins in my neck stiffened.
Palagi ko mang sinasabi sa sarili ko at sa ibang tao na mahal at nirerespeto ko sila, hindi ko pa rin maitatago ang takot at pag-aalala. Yes, I am close to them, yet I am also distant. It's complicated, I know, which is why I made rules to make them proud and happy.
First, always obey them and never keep secrets to them. Second, study hard. These two rules kept me sane and alive, so I shall continue to live with them even though it's really tiring and frustrating sometimes.
"You kept something important to us. How could you do that, Lu?"
They are calm, which makes me fearful and uneasy. Whenever they act like this, they aggravate the situation more.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mom sa akin. She touched my chin and lifted it up. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya — malalalim, madidilim, puno ng mga nakatagong emosyon despite the fact that it has a pretty color of hazel.
"This isn't something you should keep from us, honey," malambing na sabi ni Mom. Niyakap niya rin ako. "You're sick and needs immediate treatment." Kumalas siya at nakipagtitigan ulit sa akin. She even grabbed my shoulders, and it was becoming tighter by each second. "Do you want us to live with the guilt of punishing you? Or do you want to blame us for making you sick? Worse yet, do you want us to be punished as well?"
Natigilan ako. Bawat salitang binitawan ni Mom ay matigas, tila hindi anak niya ang kaharap at kausap niya.
"It's not like that po. I... I didn't intend to keep it from you." My voiced cracked. Ayoko sanang kumurap dahil alam kong babagsak na ang luha ko pero hindi ko pa rin napigilan.
"That's enough, Hon." Dad approached us and took my mother's hands off my shoulders. "Be glad. You won't be able to use that room for quite some time now."
"Starting today, you will undergo treatments and medications while maintaining your grades. You can do that, right?"
"Yes, Mom."
"Good. Get rest. We'll talk to your doctor for further details."
Aalis na sana sila nang pigilan ko.
"Could you please tell me what my illness is?"
I only knew about the unusual symptoms I hadn't acquired before, but I had no idea what was wrong with me. Hindi ko rin mahanap na magpatingin man lang sa doktor dahil kabado nga ako. Hindi ko alam kung anong kilos o aksiyon ang uunahin ko.
Hinarap ulit nila ako. Nagkatinginan pa sila bago ako sinagot ni Mom.
"You have a tumor in your brain."
My heart dropped.
That's when I realized I needed to change my goal, especially after overhearing my parents and doctor's discussion about my illness. If the therapies and medications fail to help me, I will only have a year to live.
So, instead of having only two rules, why don't we make it ten?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro