Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

HINDI mawala ang ngiti ni Gwen habang pinagpagmasdan ang mga daliri niyang wala nang benda, nakalublob siya ngayon sa jacuzzi, evening ritual. Napaka-thoughtful ni Theoden, husband material talaga ito. Pakiramdam niya ay talo pa niya ang nanalo sa lotto, bukod sa solve na ang mga utang niya ay magkakaroon pa siya ng guwapong asawa! Hinding hindi siya lugi. Thankful rin siya sa tatay niya dahil ito ang dahilan kung bakit nagkakilala sila ni Theoden.

Kinuha niya ang mga jasmine flower na nakalutang sa tubig at gumawa siya ng heart shape. Kung ma-in love siya kay Theoden, wala na siyang magagawa, sino ba namang babaeng hindi mahuhulog ang loob rito? Iprokrita siya kung sasabihin niyang hindi posibleng ma-in love siya rito.

Agad niyang sinira ang heart shaped flower nang may marinig siyang katok. Ito na ang signal ni Theoden na kailangan na niyang umahon. She drained the jacuzzi and dried herself up. Naglagay siyang moisturizer at kung ano-anong skin care product sa mukha at katawan. Si Rodor ang nag-introduce sa kanya ng mga iyon, mas may alam ito sa kanya patungkol sa mga skincare kaysa sa kanya.

May access door mula sa banyo na nagli-lead sa walk-in closet niya, pwede ring ma-access ang closet mula sa labas. Tig-isa sila ng walk-in closet ni Theoden at hindi niya alam kung paano nito napuno ang closet niya ng isang araw. Kumpleto sa mga sapatos, damit, alahas, bags and accessories, pati na rin undergarment. Nagsuot siya ng panty at kinuha ang pink pajama set na gawa sa silk. Ang sosyal talaga sa palasyo.

Naabutan niyang nagbabasa ng libro si Theoden sa kama. Fresh na fresh ito at pink rin ang suot na pantulog. Terno sila. Usually, ito parati ang nauuna sa banyo dahil inaabot siya ng dalawang oras paliligo.

"Feeling refreshed?" binaba nito ang libro.

"Yup!" tinabihan niya ito at napansin niya na suot pa rin nito ang hairpin na gawa niya. Inabot niya iyon at tinanggal sa buhok ng binata at ipinatong sa sidetable. "Baka masugatan ka kapag suot mo pa rin 'yan hanggang sa pagtulog." Theoden smiled at her. Ito na naman ang nakakakilig na ngiti ng lalaki. Para siyang sinusulyapan ng langit sa tuwing ngumingiti ito. Maya-maya pa ay dinalaw na siya ng antok, bago siya pumikit ay nakita niya na nagbabasa pa rin ang binata.

Alas-otso ng umaga nagising si Gwen, nasa trabaho na rin si Theoden. Masyado itong workaholic considering na puwede naman itong mamalagi sa bahay since ito ang may-ari ng kumpanya. Noong isang araw ay tinanong niya rito kung bakit sa kuwarto sila parati kumakain, sagot ni Theoden, malayo ang dining hall sa kuwarto. Hindi niya alam kung saan ang dining hall, pangatlong araw na niya rito pero hindi pa niya nalilibot ang buong mansyon.

Habang nag-aalmusal ay pumasok si Rodor. Suot nito ang ang gold earrings ng may vine at flowers na disensyo.

"Good morning, miss!" masiglang bati nito sa kanya. "Pinapaalala ko lang ang parusa na ibibigay mo sa akin."

Nabitin ang pagsubo niya ng itlog. "Required ba? Hindi ba dapat happy ka kasi hindi ka mapaparusahan?"

"Kung hindi mo ako paparusahan, Prince Theoden will be the one to punish me. Mas gusto ko na ikaw na lang ang magparusa sa akin dahil alam ko na ipapadala niya ako sa minahan." Ngumuso ito na parang bata.

"Hmmm... okay. Pumunta ka na lang sa downtown, may listahan ako ng mga kailangang bilhin para sa mga jewelries na gagawin ko." Inabot niya rito ang listahan na ginawa niya kagabi. Rodor gleamed as he opened the door. Kayang-kaya nito ang parusa na ibinigay niya. Wala namang kasalanan ang binata kaya bakit niya ito bibigyan ng parusa?

Pagkatapos kumain ay inilagay niya sa food trolley ang mga pinagkainan, siya na mismo ang magdadala sa kusina. Hahanapin niya at na-e-excite siya dahil ma-e-explore na niya ng buo ang mansion. Tulak-tulak ang trolley ay gumawi siya sa kaliwa, nasa third floor ang kuwarto nila ni Theoden. Paano nadadala ng mga maid ang trolley sa kuwarto? Binubuhat sa hagdan? Baka may elevator kung saan. Sinubukan niyang tawagan si Theoden at agad naman itong sumagot.

"May tanong ako," huminto siya sa pagtutulak ng trolley. "May elevator ba dito? Gusto kong pumunta sa kusina."

"Go to your left, then straight the hallway. There's a dead end. Just touch the wall and the elevator door will open." Sinunod niya ang instruction nito. Ang dead end na sinasabi ng binata ay isang mirror wall, parati niyang napapansin ang malaking salamin na iyon pero hindi naman niya pinupuntahan. Hinawakan niya ang salamin at bumukas nga iyon!

"Wow! Bukas na!" Sumakay siya sa elevator. "Anong floor ang kusina?" Walang numbers sa elevator button kundi mga colored buttons lang.

"Press the blue button." Pinindot niya ang blue button. Mga fifteen seconds siyang nasa loob bago bumukas ang pinto. Napanganga siya dahil sumalubog sa kanya ang mabangong aroma ng mga pagkain. Maraming tao sa loob, mga kusinero at mga maid. Busy sila. Paano nagkaroon ng ganitong klaseng kusina? Halos kasinglaki ng isang floor ng bahay sa mansion.

Maraming tao ang naglalabas pasok sa kitchen door, pero wala namang masyadong tao sa mansion.

"Good Morning, miss!" bati sa kanya ng isang maid at kinuha ang trolley.

"Gwen? Are you still there?" tanong ni Theoden sa kabilang linya.

"Oo, na-shock lang ako sa kusina. Ang laki masyado."

"Yes, the mansion is connected to the palace."

"Ha?!"

"Ang elevator na yan ang nagsisilbing portal from the mansion to the palace, vice-versa. Lahat ng pagkain na kinakain natin ay niluluto sa palasyo." Nai-imagine niya ang amusement sa mukha ng lalaki habang sinasabi sa kanya ang mga bagay na iyon.

"Paano?"

"Magic."

"I will send you a map and guide on how to use that elevator."

"Teka, bakit hindi natin ginamit ang elevator noong pumunta tayo sa palasyo?"

"We need a grand entrance." Natawa siya sa sagot nito. "Map sent."

"Thank you!"

"Enjoy your tour!"

She ended the call the studied the map. Ang green button ay ang magdadala sa kanya sa garden. Gusto niyang makita ang garden! Excited na pinindot niya ang green button. Sumara ang pinto ng elevator at naghintay siya ng another fifteen seconds bago bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malaking rose garden, sa kabilang parte ay naroon ang iba't-ibang klaseng bulaklak. Lumabas siya sa elevator at napagtantong nasa gazebo pala siya. The elevator door was placed in between two gold large post.

She stepped out of the gazebo to check the back of the glass mirror, it was empty. Magic nga! Ang garden na ito siguro ang tinutukoy ni Theoden na aksidenteng nasunog nilang tatlo. Tulad sa kusina ay may mga trabahador sa garden, may nagdidilig, nagti-trim, at nagtatanim ng mga halaman. Nginitian siya ng hardinero at binigyan pa siya ng rose.

"Thank you ho," inamoy niya ang bulaklak. Kaya siguro hindi nauubusan ng mga bulaklak sa kuwarto nila ay parating may supply mula sa garden.

"Wala hong anuman, Princess Gwen." Bumalik na ito sa pagdidilig ng halaman. Bumagsak ang panga niya nang tawagin siya nitong ' Princess Gwen.' Kalat na ba sa palasyo ang tungkol sa nalalapit na engagement nila ni Theoden? Sa pagkakaalam niya ay sa linggo pa ang public announcement ng kasal. Dahil sa curiosity ay nilapitan niya ulit ang gardener.

"Excuse me, manong. Paano ninyo ho ako nakilala?"

"Alam na ng buong palasyo ang tungkol sa inyo."

"Bakit hindi kumalat sa labas?" Wala pa siyang natatanggap na text mula sa mga dating kasama niya sa boarding house, alam niyang dakilang tsismoso at tsismosa ang mga iyon.

"Malaki ang respeto namin sa pamilya at malaking bagay na sinabi nila sa amin ang tungkol sa inyo ni Prince Theoden, at isa pa, may pinirmahan kaming kontrata na kung anuman ang maririnig at makikita namin sa loob ay bawal ilabas. Wala kami sa posisyon para sabihin iyon sa kung sino," nakangiting sagot ng matanda. "Alam mo naman kung anong klaseng nilalang ang mga elf, di ba? Ayaw naming magkaroon ng masamang buto laban sa kanila. Itinuring nila kaming pamilya dito sa loob kaya ginagawa namin ang makakaya namin na sundin sila." Tumango-tango siya. Agree siya sa sinabi nito. Witness na kasi siya kung paano sumunod sa kasunduan ang isang elf at ang kaakibat na parusa sa magiging pasaway. Kaya heto siya ngayon, ikakasal sa prinsipe dahil sa hindi pagsunod ng tatay niya sa kontrata. Blessing in disguise!

Nagpaalam na siya sa matanda at nagliwaliw sa garden. Bukod sa mga bulaklak ay may farm rin ng iba't-ibang prutas at gulay. Binigyan pa siya ng mansanas ng isang nag-aani. Habang ngumunguya ng apple ay napansin niya na malayo na pala ang nalakad niya. Medyo dumilim ang paligid, hindi na gaanong tumatagos ang sinag ng araw dahil sa matataas na puno.

"Sakop pa ba ito ng palasyo?" Binagtas niya ang pathway kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. "Oh gosh!" Tumilapon ang mansanas na hawak niya ang may marinig siyang tahol ng aso. Sa halip na bumalik ay hinanap pa niya ang tumatahol.

Napadpad siya sa mataas na damo, hinawi niya iyon at nanlaki ang mga mata sa nakita. May aso nga! Pero malaki, sobrang laki, kasinlaki ng SUV! Kamukha ito ng blue-nosed pitbull pero pula ang mga mata. Sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib nang mapagtanto na tatlo ang ulo ng aso!

"C-cerberus? Paano nagkaroon ng Cerberus dito?" Ang Cerberus ay isang hellhound, malaking aso ng tatlo ang ulo. Sa pagkakaalam niya ay guardian ito ng gates of hell. Dahan-dahan siyang umurong, kailangan na talaga siyang umuwi dahil baka lamunin siya ng buhay ng asong ito.

Nag-freeze siya nang lumingon ang aso sa direksyon niya. Nagkita sila mata sa mata! Oh Lord help me! Nagsimulang umangil ang gitnang ulo, kumakahol naman ang nasa kaliwa, at nanlilisik ang mga mata ng nasa kanan.

"Ahhh!" sigaw niya nang tumalon ito sa direksyon niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro