Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


ITO ang unang beses na nakatulog si Gwen ng mahimbing, hindi counted and kahapon dahil hinimatay siya. Datirati ay hindi siya nakakatulog sa kaiisip ng mga puwedeng solusyon sa problema niya, lalo siyang na-stress nang sunud-sunod na naningil ang pinagkakautangan ng kaniyang ama. 

Nakatulong ang malambot na kama at amoy ng lavender sa kuwarto para makatulog siya. Wala na sa tabi niya si Theoden nang magising siya. Tumingin siya sa wall clock, ala-siyete na ng umaga. Sa mga oras na ito ay nagkukumahog na siya sa pagpasok dahil maabutan siya ng traffic. She's not hurried today, napangiti siya.

"Good morning, miss." Isang guwapong elf na naman ang nakita niya, green naman ang buhok nitong hanggang likod ang haba, it was tied up in a ponytail. Deep emerald ang kulay ng mga mata nito. Naka-coat and tie ito at matamis na ngumiti sa kaniya. Nasa likod ng lalaki ang dalawang maid, they are not elves, more like a gnomes. "I am Rodor, your assistant and bodyguard. The Prince told me take care of you today."

She had her breakfast and quick shower, pagkatapos ay dinamitan siya ng dalawang gnomes, nasa walk-in closet sila at nasa bedroom naman si Rodor. Hindi ito maaaring pumasok hangga't wala siyang damit. Isang asul na long-sleeved maxi dress ang suot niya, kumikinang iyon dahil sa ilang crystals na nakakabit roon. Nakataas ang kulot niyang buhok at may suot siyang maliit na tiara. Binigyan rin siya ni Rodor ng contact lens.

"Beautiful." puri sa kaniya ni Rodor. Umabot ng tatlong oras ang pag-aayos sa kaniya at worth it naman iyon dahil gandang-ganda siya sa sarili. "The prince will be meeting you at the palace. Kailangan na nating umalis." Tatlong sasakyan ang naka-convoy sa kaniya, puro security. Abot-langit ang kaba ni Gwen nang pumasok siya sa hallway ng palasyo. 

The palace was located inside the forest, sinabi sa kaniya ni Rodor na mas matanda pa sa hari ng mga elves ang palasyo. The castle was made of wood and crystal at hindi na niya tinanong kung paano nabuo dahil alam niyang komplikadong intindihin. Bukos sa mga elves ay may iba ring nilalang na naninirahan sa gubat, small villages, at ang iba ay nakatira sa palasyo at doon nagtatrabaho.

She was escorted by Rodor and a few securities, nagulat siya dahil may kasamang orc si Rodor. "The prince will see you now." Huminto sila sa isang malaking pintong kahoy na may gold carvings, nakakalula ang yaman ng mga elves. Rodor opened the door for her and beside the window, cliche mang sabihin, ay naroon si Theoden, nahihintay sa kaniya.

Napangiti siya dahil mukha talaga itong prinsipe sa suot nito, a royal blue cloak with intricate leaf designs, white tunic underneath and a pair of black boots for his feet. His long hair was adorned with hairpins made with precious stones. Bagay rin rito ang mahabang hikaw sa kanang tainga nito.

Lumapit sa kaniya si Theoden at hinawakan ang nakataas na buhok niya at biglang hinila ang hairpin na umiipon sa buhok niya. "I like your hair down." Inayos nito ang munting tiara sa ibabaw ng ulo niya at kinuha ang kamay niya para ipaikot sa braso nito. 

Magkasabay silang lumabas ng silid at pumasok sa malaking dining hall. Isang twenty-four-seater dining table na gawa ng narra ang bumungad sa kanila. Umikot ang mga mata niya katitingin sa mga malalaking chandelier sa kisame at dekorasyon sa paligid ng hall. Sa lamesa ay nakadulog ang nasa sampung-katao. Lumapit sila ni Theoden sa kabisera kung saan nakaupo ang pinakaeleganteng elfo na nakita niya sa buong buhay niya.

"Gwen, this my father, King Ferron Yllaric." Bigla siyang tumungo nang bagkisin ni Theoden ang salitang 'king'. Hindi mukhang tatay ang hari dahil batang-bata ang hitsura nito. Gold ang mahabang buhok na tinernuhan ng gold ring korona. Ginto rin ang kulay mga mata ng hari.

"Nice to meet you, Gwen." tumayo ang hari at inangat ang ulo niya. Dito namana ni Theoden ang soothing voice nito.

"And this is my mother, Queen Aridel Yllaric." Yumukod sa ulit sa harap ng reyna. Pang-modelo ang ganda ng reyna, wala siyang makitang visible pores sa mukha nito.

"Stop being formal, Theoden." The king brushed away his son's formality. Ipinakilala rin siya sa walong kapatid ni Theoden, wala siyang itulak-kabigin sa mga ito, walang tapon! Kailangan niyang memoryahin ang mga pangalan ng kapatid ni Theoden dahil mahirap bigkasin. 

"Puwedeng hubarin ko na ito?" Itinuro King Ferron ang suot na korona ngunit tinapik naman ng reyna ang kamay ng asawa. "Ang sakit sa ulo, too tight." Umupo na silang dalawa ni Theoden, nasa kaliwa niya ang hari at sa tabi naman niya si Theoden.

 Inihanda ang tanghalian. Pigil niya ang pagtawa nang makita ang hitsura ng kalalapag lang na inihaw na isda sa lamesa. It was humongous, dilat na dilat ang mga mata ng isda na nakatingin sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nahagip ng mga mata niya ang kakaibang ngiti sa mga mata ng hari. Maya-maya ay humagalpak ito ng tawa at itinuro ang mata ng isda.

Happy-go-lucky si King Ferron katulad niya. Natawa na rin siya habang ang iba ay clueless sa mutual understanding nila ng hari. Tumikhim ang reyna at tsaka sila tumigil sa pagtawa."Three days from now gaganapin ang engagement party ninyo. The public needs to know you," sambit ng reyna habang pinapagsandok ng pagkain ang asawa. "Behave, Ferron." sita nito sa hari nang laruin ng huli ang mata ng isda. 

"Naipamigay na ang mga imbitasyon at wala na kayong iisipin kundi ang dumalo." Si Theoden ang pang-anim sa magkakapatid at ito ang unang mag-aasawa sa mga ito kaya't excited ang lahat. They stayed until dinner hanggang sa magdesisyon si Theoden na umuwi na sila para magpahinga.

"After three days agad ang engagement party? Everything is too fast." Pagod na sumakay si Gwen sa limousine, sumunod sa kaniya si Theoden. Sa engagement party ay ipapakilala na siya sa publiko bilang bride ni Theoden, maraming bisita kasama na mga leaders.

"That's how it is. Would you like your evening bath ready when we got home?" Tumango siya. Thoughtful rin si Theoden, naaalala ang pinakamaliit na bagay sa kaniya kahit na kahapon lang sila nagkakilala. She can't say that she knew him better pero sa mga darating na araw ay magkakakilanlan pa sila ng husto.

Tumunog ang cellphone niya, thank Rodor para sa hidden pocket ng dress, kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text.

Mula sa ka-roommate niya, pinasok daw ang kwarto nila dahil hinahanap siya. Loan sharks siguro. Nakuha raw ang mga pera at ilang gadgets ng ka-roommate niya, pati na rin ang piggybank niya at laptop. Kailangan niyang maibalik ang laptop niya dahil naroon lahat ng kuwento niya. Hindi puwedeng mawala ang mga iyon.

Tahimik lang siya buong biyahe hanggang makarating sa bahay. Nakapag-dinner na rin naman sila sa palasyo kaya dumiretso na siya sa banyo. Theoden gave her a cup of tea, thrice during her bath. Seremonyas na yata nila iyon tuwing gabi bago matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro