Chapter 13
DUMIRETSO ng upo si Gwen nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng shed. Nilingon niya ang pumasok, it was Theoden. Busy siya sa paggawa ulit ng mga accessories dahil dumarami na lalo ang umo-order sa kanya. Nakatago ang dalawang kamay ni Theoden sa likuran nito. Akmang tatayo siya para salubungin ito nang pinigilan siya ng binata. Ngayon lang ulit sila nagkita ng binata mula ng insidente noong isang araw. Sa totoo lang ay na-miss niya ito.
"I want to give you something," sambit nito at inilagay ang isang rectangular case sa workstation niya. "Open it." Binuksan nga niya ang bag at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. It was her laptop! Automatic na tumayo siya at binigyan ng mahigpit na yakap ang binata.
"Paano mo nakuha ito?" She turned on the gadget and checked her files. Naroon lahat ng mga kuwento niya.
"I have many resources, Gwen," nakangiting sagot nito. Nagpaalam na rin ang binata para bumalik sa opisina, sumaglit lang daw ito sa kanya para ibigay ang laptop. Masaya niyang pinagpatuloy ang ginagawa pero nawala na siya sa focus. Gusto niyang bigyan si Theoden ng kahit ano para naman makapag-thank you siya ng maayos. Bukod sa hairpin ay wala na siyang naibigay rito. Wala rin siyang nairegalo rito noong engagement party nila.
Naglinis siya ng katawan at dumiretso sa kusina. Hindi naman magkandatuto ang mga katulong dahil sa kanya.
"Miss, ano hong gagawin ninyo?" tanong sa kanya ni Imee habang binubuksan niya ang bawat cabinet para kunin ang mga kitchenwares na gagamitin sa pagbe-bake. Isang mortal si Imee na tatlong taon nang naninilbihan sa mansion ni Theoden.
"Gagawa ako ng cupcake para kay Theoden," ipinatong niya ang mixer sa kitchen counter.
"Ay ang sweet! Tulungan ko na ho kayo!"
Mahigit tatlong oras ang ginugol nila sa pagbe-bake. Inilabas na niya ang cupcakes mula sa oven na may tatlong flavor, red velvet, vanilla, at chocolate nang biglang sumulpot si Rodor. Ngayon lang ulit niya nakita ang lalaki dahil inayos nito ang naging problema sa mga regalo.
"Wow! Cupcakes!" akmang kukuha ito ng isa nang tapikin niya ang kamay nito.
"Hindi pa tapos. Lalagyan pa ng icing." Inabot sa kanya ni Imee ang piping bag na may cream cheese frosting, ilalagay niya iyon sa ibabaw ng red velvet cupcake. Isang dosenang cupcakes ang ginawa niya. Anim roon ay para kay Theoden na may tigdadalawang flavor.
"Puwedeng iwan mo muna kami?" pakiusap ni Rodor kay Imee. Tumalima naman ang huli. "Wala pa rin kaming nakuhang lead kung sino ang nagdala ng Black Rose sa kuwarto ninyo. Walang nakuhang CCTV sa buong mansion."
"Huwag mo nang masyadong isipin 'yun. Wala namang nangyari sa akin," natapos na niyang lagyan ng icing ang isang red velvet cupcake.
"Your safety is my main priority lalo na si Prince Theoden. Hindi ka niya dinala rito sa mansion para may mangyaring masama sa'yo. Simula ngayon, huwag na huwag kang tatanggap ng kahit ano mula sa kahit kanino. Foods, beverages, even simple things like flowers. May mga mortal na nakatalaga para magluto at magsilbi ng pagkain at iinumin mo. Your food will be tasted by a mortal before serving it to you." Natigil si Gwen sa ginagawa dahil sa mga sinabi ni Rodor.
"Paano kung malason sila?" nanlulumong tanong niya.
"That's their job and your safety is all that matters here. We will do our best para hindi rin mapahamak ang mga magsisilbi sa'yo." Nawala na ang seryosong aura ni Rodor. "Para kanino 'yan?"
"Kay Theoden. Puwede kang tumikim, pero isa lang ha?" Ang vanilla cupcake naman ang nilalagyan niya ng cookies ang cream icing.
"Tatlong flavor pero isa lang ang puwedeng kong tikman?" nanlalaki ang mga nito.
"Sige, sa'yo na 'yung tatlong assorted pero mamaya mo na kainin."
"I need to taste this kung ibibigay mo kay Theoden. Safety reasons!" Kinuha nito ang red velvet cupcake at kinagatan. "Hmmm..." Agad nitong naubos ang cupcake. "Approve!"
Magkasama sila ni Rodor na pumunta sa opisina ni Theoden, kasunod rin nila ang limang orcs as security. Talagang nagmatigas si Rodor na magdala ng security dahil baka raw ipadala na naman ito ni Theoden sa minahan. Pagpasok pa lang sa lobby ng building ay pinagtinginan na siya ng lahat, nakapalibot sa kanya ang mga orcs at nasa tabi niya si Rodor. Malawak ang lobby ng Valstand, kumikinang ang paligid dahil sa marmol sa sahig at mga crystal decorations sa pader. Ngayon lang siya nakatuntong sa lobby dahil noong unang beses siyang dinala ni Irvis at diretso sila sa office ni Theoden. Hinigpitan niya ang hawak sa box ng cupcakes na ibibigay niya sa binata.
Hindi sila sumabay sa mga empleyado sa elevator, bagkus ay tumapat sila sa dulong elevator na kulay gold.
"Private elevator?" tanong niya kay Rodor nang i-tap nito ang keycard sa gilid at tsaka nag-finger print scan roon. Tumango ang binata at bumukas ang pinto, malaki ang elevator dahil kasya silang lahat doon! They stopped at the twenty-sixth floor, paglabas nila ay para silang nasa art gallery, may mga iba't-ibang uri ng painting na nakasabit sa hallway, mayroon ding sculptures. Marble pa rin ang sahig at kita roon ang reflection ng chandelier sa kisame. Saglit silang huminto sa reception desk, the pretty secretary let tthe two of them in habang naiwan sa labas ang mga security.
Pinagbuksan siya ni Rodor ng pinto, may outer office pa kung saan naroon ang desk ni Irvis base sa nameplate roon, bago makapunta main office ni Theoden. Nagpaiwan si Rodor sa outer office at kinutinting ang mga gamit ni Irivis. Frosted glass wall ang humahati sa inner at outer office, base sa anino na nakikita niya sa salamin ay may kasama si Theoden sa loob. Rodor opened the glass door at then they found Theoden and Celestia inside. Sa kabutihang palad ay nakaupo lang si Theoden sa upuan nito habang nakatayo si Celestia, halatang inis na inis, as usual nakairap sa kanya.
"Gwen!" Awtomatik na tumayo ang binata nang makita siya at binigyan siya ng yakap. "You're here." Malawak na naman ang ngiti nito. Tulog pa siya noong umalis ito kanina para sa trabaho, lalo itong nagmukhang prinsipe sa suot ng business suit at nakadama siya ng kilig dahil suot nito ang hair jewelry na bigay niya, his hair was tied up in a pony-tail with the emerald crusted tassel na kasinghaba ng buhok ni Theoden.
"Dinalhan kita ng meryenda." Itinaas niya ang pink box, kinuha iyon ng binata at binuksan. Nagningning ang mga mata nito at kumuha ng isang cupcake, red velvet ang dinampot ng binata na agad namang kinagatan.
"This is good!" He took another bite.
"Eherm..." muntik na nilang makalimutan na naroon pa si Celestia.
"You want some?" alok pa ni Theoden.
"No, thank you." Bago umalis ang babae ay inirapan siya muli. Buti hindi nawawala ang mga mata nito kaiirap. Hinila siya ni Theoden sa couch nang may makita siyang pamilyar na libro sa office desk nito. Lumapit siya roon at kinuha ang book na kulay pula ang cover. It was her book! Marahas na nilingon niya ang binata na ngingiti-ngiti pa rin.
"I just finished reading that. I'm not fond to erotic stories but you execute the story very well." Sumandal ito sa couch.
"P-paano-" Biglang nag-click sa utak niya ang laptop na na-recover ni Theoden. "Binuksan mo ang laptop ko?"
"Sorry, I had to. Kailangan ko lang i-check kung may virus. Curious ako, paano ka natutong magsulat ng erotic? It's too detailed but still classy." Pilyong ngumiti ang lalaki. "Your imagination is that good?"
"Gusto mo ng sample?" Kahit na nahihiya ay binantaan pa niya ito. She saw him gulp at tuluyang nawalan ng imik. Umupo siya sa tabi nito. "At first, gusto ko lang i-explore ang erotic genre, nagbasa ako at nanood ng mga 'alam' mo na and when I published my first erotic story, nag-hit sa mga readers. May sinabihan ka ba tungkol sa pagsusulat ko?" Umiling ito.
"Uwi na tayo."
Napatingin siya sa orasan. Alas-tres ng hapon lang.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na ngayon na ang start ng training mo."
Siya naman ang napalunok sa sinabi ni Theoden.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro