Chapter 11
GWEN literally gasped when she saw a gorgeous man standing in front of her. Pinilit niyang huwag kusutin ang mga mata dahil masisira ang make up niya pero hindi siya puwedeng magkamali na si Theoden ang nasa harap niya. Mas maganda ito sa kanya dahil sa subtle make up nito! Proud siya dahil suot nito ang mga ginawa niyang accessories. Sumisigaw ng 'gorgeous' mulo ulo hanggang paa ang lalaki. Nakangiti naman sa kanya si Theoden, ngiting may punong-puno ng adoration at paghanga na siya lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Sana ay makasayaw siya ng maayos sa ball gown na suot niya na may sweetheart neckline, light blue rin iyon katulad ng kay Theoden at kumukutikutitap dahil sa mga crystals. Naka-side brain ang kulot na buhok niya, dusted with glitters and there's a beautiful tiara on top of her head. May nakadikit ring maliliit na bato malapit sa mga mata niya.
"You're the most ravishing that I ever laid my eyes on." Yumukod ito at inalok ang kamay, masayang tinanggap niya iyon. Magkahawak-kamay silang sumakay sa elevator papunta sa palasyo. Kasunod nila ang mga alaga niya pati na si Azul. When the door opened, they stepped out in front of a huge hall where the king and queen of elves eagerly waiting for them. Naroon rin ang mga kapatid nito, everybody looks beautiful and elegant.
Isa-isa silang binigyan ng yakap ng bawat miyembro ng pamilya, congratulating them even though the ceremony hasn't concluded yet. Kinakabahan pa rin siya dahil kailangan nilang humingi ng basbas ng nature para matuloy ang kasal. Hinatid sila ng mga ito sa entrance ng palasyo, wala pa ang mga bisita dahil maaga pa pero abala pa rin ang lahat.
Tinignan niya ang ball gown niya, makakaupo ba siya ng maayos sa kabayo? When stable boy arrived pulling the horse, her eyes widened. It was an enormous white stallion! Maganda at mahaba ang mane nito. Nasagot agad ang tanong sa utak niya, feeling niya ang kasya ang tatlong tao sa likod ng kabayo. Kailangan pa nila ng stool para makasakay. Theoden held her hips and effortlessly lifted her up, maayos siyang nakaupo sa saddle, inilagay ni Theoden ang isang paa niya sa stirrups. She was sitting sideways kaya nakahawak siya ng mahigpit sa leeg ng kabayo. Sunod na sumakay si Theoden, kinuha nito ang mga kamay niya at pinahawak rin sa kanya ang renda.
Nagpaalam na siya sa pamilya at pinalakad na ni Theoden ang kabayo. They were not in a rush, the horse was just walking and she's enjoying the view plus it felt good to rest her back on Theoden's chest. Pagdating sa enchanted forest ay sinalubong sila ng mabangong simoy ng mga bulaklak.
"Who will play the harp?" naalala na niya na ang hari ang tumutugtog noong nagpa-practice sila. Naunang bumaba ang binata sa kabayo, binuhat siya nito para makababa. Napalilibutan sila ng puno at sa gitna ay may malaking espasyo para sa kanila. Hindi rin masyadong tumatagos ang sikat ng araw dahil sa lilim ng mga puno.
"Listen closely," bulong ng binata.
May naririnig siyang musika pero hindi mula sa harp. It was a mixture of the sound of the forest, whistling wind, and tiny groans and grunts of wild animals. Normal na mga tunog ngunit unti-unting nabubuo ang musika sa tainga niya.
"May I have this dance, my lady?" Yumukod sa harap niya si Theoden at inilahad ang kamay nito.
Kinikilig na tinanggap niya ang kamay nito at nagsimula na ang kanilang sayaw. Everything was perfect! Naka-focus lang sila sa isa't-isa ni Theoden, ngumingiti at ine-enjoy ang kanilang sayaw. She twirled and Theoden dipped her body. Napasinghap siya nang may umampiyas sa mukha niya, umaambon pero nanatiling maliwanag ang paligid. Parang may magic ang ambon dahil ang tuyong lupang tinutuntungan nila ay biglang nagkaroon ng damo at mga bulaklak.
Tiningnan niya si Theoden nang may matang nagtatanong. Sa pagkakatanda niya ay ito na ang senyales na binibigyan sila ng basbas ng inang kapaligiran na ipagpatuloy ang kasal. Pagkatapos ay may narinig silang kakaibang huni ng ibon, ito ang nagsilbing anunsyo para sa lahat ng nasa palasyo na may kasalanang magaganap.
To her shocked, Theoden fell on his one knee and showed her a two-banded ring-gold and silver na encrusted with diamond crystals at may malaking tumpok ng diamante sa gitna.
"I still need to ask you this," mukhang nahihiya pa ito. "Will you be my bride?" May namuong luha sa mga mata niya, hindi niya inaasahan na magpo-propose pa rin ito. "Mother nature gave us a go but still, I want you to accept me as your husband."
"Y-yes!" Nanginginig na ibinigay niya rito ang kanyang kamay at isinuot sa kanya ang engagement ring. Saktong-sakto sa daliri niya ang sing-sing. Tumayo ito at binigyan siya ng
mahigpit na yakap, whispering 'thank you' so many times while kissing her temple.
Sumakay na sila sa kabayo pabalik sa garden, sinalubong sila ng masigabong palakpakasan mula sa mga bisita. Nalula siya sa karangyaan ng mga bisita, kumikinang ang lahat. Everyone shouted elegance from head to toe, nakaramdam tuloy siya ng kaunting hiya. May mga media rin sa party at alam niyang naka-live feed iyon.
They dismounted and the king and queen welcomed them with hugs and greetings, gayon rin ang mga kapatid nito. Isa-isa na siyang pinakilala ni Theoden sa mga bisita, mabuti na ang at na-brief na siya ni Rodor kung sinu-sino ang mga bisitang darating kaya pamilyar na siya sa mga ito.
Muntik na siyang mapairap nang makita ang babaeng bisita nila noong isang araw na kumukwestiyon sa pagpapakasal nila ni Theoden. Napaka-sexy ni Celestia sa suot ng pulang mermaid gown, kumikinang ito dahil sa suot na mga alahas. Nilapitan nila ang dalaga at ipinakilala siya ng pormal ni Theoden. Ngumiti ng plastic si Celestia at inabot sa kanya ang isang maliit regalo, bago pa niya makuha iyon ay naagaw na ni Rodor ng box. Ganoon ang ginagawa nito kapag may mag-aabot sa kanila ng regalo, for security purposes raw.
Wala siyang inimbitang bisita niya dahil wala naman siyang iimbitahin. Umupo na sila sa lamesang para sa kanila lang ni Theoden. The couple's table was situated on a stage adorned with flowers. May nakatutok sa kanilang camera, nako-conscious siya at naramdaman iyon ni Theoden. Pinisil nito ang kamay niya at nginitian siya. Kumain muna sila ng tanghalian habang pinapanood ang mananayaw sa dance floor.
After their scrumptious lunch, isa-isang tinawag ni Rodor ang bawat miyembro ng royal family para maghandog ng regalo sa kanila, kasunod ang pinakamalalapit na kamag-anak hanggang sa mga kaibigan. Halos malaglag ang panga niya sa mga regalo sa kanila, may mga tseke na nagkakahalaga ng milyon-milyon, may mga bagong sasakyan at may private plane pa! Alahas, vacation abroad, investments para sa kumpanya, mamahaling mga damit, at kung anu-ano pa! Kakaiba talaga ang tradisyon ng mga elf, at talagang hindi magpapatalo ang mga ito sa pagbibigay ng regalo.
HATINGGABI na nang matapos ang party at talagang napagod sila. Bumalik na sila ni Theoden sa kuwarto para makapagpahinga. Habang hinihintay ni Gwen na matapos sa pag-aayos ang mga katulong sa bath tub na liliguan niya ay tiningnan niya si Theoden. Bakas ang pagod at saya mukha nito.
"Ang dami nating regalo, paano natin bubuksan ang lahat ang mga nakabalot?" tanong niya rito habang umiinom ng rose tea.
"Rodor and his men will be the one responsible with the gifts, lalo na 'yung mga nakabalot pa. We do not open gifts here dahil sa safety reasons." Kumuha rin si Theoden ng sarili nitong tsa. "Lahat ay dumadaan muna sa security for inspection." Lumabas na ang tatlong katulong sa banyo at sinabi sa kanya na handa na ang tub. "Can I join you?" Mukhang gustong-gusto na rin nitong mag-relax kaya pumayag siya, magiging asawa na niya ito, bakit pa siya mahihiya?
Pinauna na siya ni Theoden sa banyo at nakalublob na siya sa tub nang pumasok ang binata.
"You can turn around if you want." Mapanuksong sabi nito habang kinakalas ang tali ng robe.
"Okay lang kahit makita ko. Choosy pa ba ako?" natawa ito sa sagot niya. May suot pa rin itong boxer briefs at lumublob sa tub, medyo naglilikot ito sa tubig at tsaka itinaas ang underwear, piniga at isinampay sa rack. Nanlaki ang mga mata niya dahil pareho silang hubad ng binata, hindi lang nila makita ang katawan ng isa't-isa dahil sa mga rose petals.
"Nag-enjoy ka ba sa party?" nilaro-laro nito ang mga nakalutang na petals.
"Yup! Ang bongga ng mga relatives and friends mo! Grabe sila magregalo!" Hindi pa rin siya maka-get over sa mga natanggap.
"Their pride won't let them. Ganoon ang ugali ng mga elves, we always go with extravagance dahil mataas ang standards namin."
"'Buti tanggap ako ng family mo kung mataas pala ang standards ninyo."
"Iba naman pagdating sa pag-ibig. Remember our symbol?" itinuro nito ang phoenix na nasa dibdib. Pagkatapos ng tatlong tsa ay nagpasya nang umahon si Gwen, pero paano siya aalis? Huminga siya ng malalim at lakas-loob na tumayo, hindi naman naalis ang mga mata ni Theoden sa kanya. His eyes were roaming all over her naked body, she can see amazement, lust, and other emotions in his eyes. Hindi na niya binilisan ang pagpupunas ng tuwalya sa katawan, talagang nagbigay siya ng live show kay Theoden! Isinuot na niya ang bathrobe.
Pagkalabas niya ng banyo ay nakita niya ang ilang mga opened gifts sa sulok, mukhang natapos nang inspeksyunin ang mga iyon at tiyak siyang may mga kasunod pang parating. Ang mga alaga niyang aso ay tulog na sa sariling higaan ng mga ito. May nakita siyang maliit na puting box sa dining table, wala roon ang box kanina. She opened the box and saw a round crystal inside. Akmang kukunin niya iyon nang pigilin ni Theoden ang kamay niya at ito ang dumampot ng crystal, bigla itong natunaw ang naging itim na likod.
"Stay away, Gwen!" Itinulak siya nito palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro