Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Charlie


Sino ba naman ako para tanggihan ang ten thousand pesos per day, di ba?


Tapos mapapalapit pa ako kay André at baka sakaling may malaman na rin ako tungkol sa pagkamatay ni Kuya Chester.


Pero, paano kung mahalata niyang babae nga ako? Hay, bahala na.


Napatingin ako sa oras at nakitang mag-a-alas sais na. Matapos ang klase namin kanina ay pumunta agad ako dito dahil baka magbago pa ang isip ni André.


Pero, kanina pa ako nakaupo dito sa gilid ng office ng Omega Phi habang busy ang lalaki sa harap ng kanyang laptop.


Napatitig ako sa kanyang mukha. Ang tangos ng ilong niya, parang hindi totoo. Tapos may dimple pa sa kanyang baba, cleft chin ata tawag don. Napaka-perpekto ng hugis ng kanyang panga. Ang ganda rin talaga ng natural na buhok niyang medyo makapal at magulo.


Higit sa lahat, yong mga mata niyang parang gusto akong lamunin ng buhay sa tuwing nakatingin siya sa akin.


"Nosebleed, I'm melting with your stare," sambit ng lalaki.


Napaubo ako nang biglang magtama ang tingin namin. Nahuli pala niya akong nakatitig. Taena.


Ngumisi ang lalaki sa akin habang nakatitig pa rin. "Crush mo na ba ako?"


"Hindi ah! Hindi ikaw ang crush ko."


Kumunot ang noo ng lalaki. "Really? So, sino ang crush mo? Kilala ko ba?"


Napatingin ako sa paligid habang nag-iisip kung sino ang pwede kong sabihin.


"Si ano... yong president ng Gen L Society ba yon?" mahinang sagot ko habang nakatingin sa baba.


"What the fu-" Napatigil pa siya sa pag-curse. "Crush mo si Koleen ko?"


"Koleen mo?" naguguluhang tanong ko. Nakikita ko kasi si Koleen sa mga posters at flyers dito sa university. Kilala siya dito sa buong campus bilang isang "Humanitarian Student" dahil sa mga charities ng org nila.


Tumango naman siya. "Yeah, Koleen ko."


Hindi ko alam na sila pala?


Napakamot ako sa aking batok. "Ah, eh sorry. Hindi ko alam na kayo pala. Crush lang naman."


He burst out into laughter. "Don't worry. Hindi ko sasabihin sa kanya. Your secret's safe with me."


Lumanghap ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Sana lang safe rin ang secret kong pagpapanggap bilang lalaki.


"Gutom ka na ba? Let's go eat!" Tumayo bigla ang lalaki saka lumapit sa akin at kinuha ang aking kamay.


"T-Teka lang." Pinilit kong kumawala sa kanya, pero mahigpit ang hawak niya sa aking braso.


Hinila niya ako palabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan naka-park ang motor niya.


"Akala ko ba may ipapagawa ka, Commander?" tanong ko.


Napatawa naman siya habang nilalagay ang helmet sa aking ulo. "Ililibre kita ng dinner. Baka sakaling maging crush mo rin ako."


Seryoso ba siya? Nababaliw na ata ang lalaking ito.


Sumimangot ako sa kanya kahit na di niya kita ang buong mukha ko ngayong naka-helmet na ako.


"Are you coming or what?" biglang tanong niya habang nakasakay na siya sa kayang motor. "O baka gusto mong buhatin pa kita?"


Agad akong sumampa sa kanyang motor at taimtim na nagdasal na sana hindi ako patayin ng lalaking ito.


Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito at mukhang gusto pa akong isama sa listahan ng mga paglalaruan niya.


Tsaka, alam naman niyang lalaki ako ngayon ah. Bisexual ba siya?


"Ready to fall for me?" bigla niyang sabi sabay paandar ng motor.


Muntik pa akong mahulog kung hindi ako nakakapit agad sa beywang ng lalaki.


"Hinay-hinay lang, Commander! Baka mamatay tayo dito!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo na ang sasakyan.


Narinig ko ang halakhak ng lalaki. "I'll die head first saving you, don't worry."


Pinaandar pa niya nang mabilis ang motor kaya napahawak ako bigla sa beywang niya.


"Hold me tighter!" utos pa ng lalaki sa akin.


"Okay lang ako!"


"I'm giving you permission to touch me, recruit. Pwede mo akong hawakan kahit saan," sabi pa niya na parang nanunukso.


Ibang klase talaga ang lalaking ito. Hindi naman ganito ang boyfriend ni Fina ah. Napaka-flirt pala nito kaya maraming babaeng lumalapit.


Tumahimik nalang ako at hinayaan siyang magmaneho. Medyo malayo pa ang biyahe namin. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumapit sa motor.


Kung nasa bus lang sana ako, eh di sana nakatulog pa ako.


Bumuntong-hininga nalang ako habang nagdarasal na sana hindi ako mahulog dito sa motor niya.


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kung hindi ko narinig ang malakas na tunog ng isang cellphone.


"Oops, sorry. Hindi pala naka-silent ang phone ko," rinig ko ang boses ni André sa aking harapan.


Pagmulat ko ng aking mga mata, hindi na umaandar ang motor. Nakasandal rin ang aking mukha sa likod ng lalaki habang nakasakay pa rin kami sa motor.


Agad kong inayos ang aking upo. "Nasan na tayo?"


"Sa Valenzuela," saad pa niya habang nakalingon sa akin. "But, I noticed you were sleeping, so I stopped here for a while."


"Bakit hindi mo ako ginising? Paano kung nahulog ako?" Reklamo ko sa kanya.


"Nosebleed, relax. I was driving really slowly para hindi ka mahulog. Ang bigat pa ng ulo mo because of the helmet."


Napakagat ako sa loob ng aking pisngi.


"Ano? Masarap ba tulog mo? Pwede na ba tayong tumuloy?" panunukso pa ng lalaki sa akin.


Tumango lang ako.


Bago niya pinaandar ulit ang motor, hinablot niya ang magkabilang kamay ko saka nilagay sa kanyang beywang. "Sabi ko naman sa'yo pwede mo akong hawakan."


Wala na akong nagawa pa kung hindi ang higpitan ang paghawak sa kanya nang pinaandar na niya ang motor.


Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa harap ng karinderya malapit sa amin.


Nakita kong bumababa na rin siya ng kanyang motor kaya kumunot ang noo ko.


"San ka pupunta?" tanong ko.


"I'm starving. Pagbabawalan mo akong kumain?" usal nito.


"Hindi naman. Eto pala helmet mo." Inabot ko sa kanya ang helmet.


"Lesgo, kain tayo." Kinindatan pa ako bago siya nagtungo sa carinderia.


Bumuga ako ng hangin at sinundan ang lalaki. Kung hindi lang niya libre, iniwan ko na talaga siya.


"Ate, ano po ang masarap dito?" kaswal na tanong ni André kay Ate Celia na siyang may-ari ng karinderyang ito.


"Masarap lahat, sir," ani Ate Celia at nang makita niya ako, bigla siyang napatigil. "Cha, kaibigan mo ba si pogi?"


Patay, sana hindi ako mabuko!


"Boyfriend ko po!" Biglang saad ng lalaki na siyang nagpakulo ng aking dugo.


Pinagsasabi nito?


Umiling ako nang paulit-ulit. "Hindi po. Huwag kayong maniwala diyan."


Nilapitan ako ng lalaki at nilagay pa ang kamay niya sa aking balikat. "Pakipot lang po 'to."


"Nako, Cha, manliligaw mo pala eh. Bat di mo pa sagutin? Baka masulot pa yan,"  tumatawang sagot ni Ate Celia.


"Te, hindi po talaga! Di ako papatol diyan, no," protesta ko.


Nakangisi naman ang lalaki sa tabi ko kaya tinulak ko siya palayo at naghanap nalang ng bakanteng upuan.


Sinundan ako ng lalaki matapos niyang umorder. Hawak niya ang tray na may mga plato ng ulam. May isa pang tray na dala-dala naman ni Ate Celia at nilapag sa mesa namin.


Pagtingin ko, nakita kong halos inorder niya lahat ng potahe. May adobo, nilagang baka, sisig, dinuguan at ginisang ampalaya.


"Kakainin mo lahat yan?" gulat na tanong ko sa lalaki.


Tumango naman siya. "Ngayon lang ako kakain nito."


"Hindi ka pinagluluto ng mama mo?" usisa ko.


"Mom passed away when she gave birth to our youngest brother," pag-explain niya.


"Ah, eh ang papa mo?" tanong ko ulit.


Napatigil ang lalaki sa pagsubo ng kanin. Nagbago ang timpla ng mukha niya na parang may nasabi akong mali.


"Sorry, wala na rin ba siya?" Agad kong sambit.


Tinignan ulit ako ng lalaki. "He's dead."


Tumahimik nalang ako at kumain na rin. Inuna ko na ang adobo dahil ito ang paborito ko. "Hmm... ang sarap talaga ng dinuguan niyo, te." Napapikit pa ako saglit para namnamin ito.


Maya't maya pa ay narinig ko ang halakhak ng lalaki sa aking harapan kaya napabukas ako ng aking mga mata.


"Anong nakakatawa?" tanong ko.


Ngumiti siya na kita ang mga ngipin nito. "You have black teeth."


Doon ko na-realize na dinuguan nga pala ang kinakain ko. "Ah... eh syempre dinuguan tong kinakain natin. Subukan mo rin, masarap kaya 'to."


Sumubo rin siya ng dinuguan at tumango pa ito habang ngumunguya. "Masarap nga." Pinakita pa niya sa akin ang ngipin niya na nagkulay itim na rin.


Napatawa ako sa itsura niya. Kahit naman itim ang ngipin niya, pogi pa rin.


"Twinning na tayo." Mas lalo pa niyang binuka ang mga labi niya para makita ko ang ngipin niyang itim.


"Twinning pa nga." Umiling ako sabay inom ng tubig para hugasan ang bibig ko. Nilabas ko ang chewing gum ko at agad ko itong nginuya. "Gusto mo?"


Tinignan niya ang palad kong may hawak na bubblegum. "VFresh?"


"Oh bakit? Choosy ka sa brand ng chewing gum? Ano ba gusto mo? Doublemint o Judge? Afford ko naman 'yan. Libre ko na," sagot ko.


Tumawa siya. "It's fine. Okay na 'yan."


Tumawa na rin ako at binigyan ko na siya ng isang piraso.


Busog na busog ako matapos naming maubos ang pagkain. Binigyan pa ng lalaki si Ate Celia ng sobrang pera. Tip raw dahil sa sobrang sarap ng ulam at babalik pa raw siya dito.


Mema naman tong lalaking 'to. Asa namang babalik siya para lang kumain sa karinderya.


Aalis na rin dapat ako nang bigyan niya ako ng ilang asul na pera mula sa kanyang wallet.


"Teka, ano to?"


"Sweldo mo for today. Di ba sabi ko 10k per day?"


Napaawang ako ng labi habang nakatitig sa perang inabot niya sa akin. Wala naman akong ginawa ah. Seryoso nga talaga siya sa sinabi niya.


"See you tomorrow, nosebleed," sabi pa niya bago naglakad patungo sa kanyang motor.


Tumalikod na rin ako nang biglang marinig ko ang pagmura ng lalaki.


"Motherfucker!"


Agad ko siyang nilapitan. "Anong nangyari?"


"Flat ang front wheel ko. How the fuck did this happen?" saad nito habang nakahawak sa kanyang sentido at mukhang problemado.


Napalunok ako nang makita ko ang mga may edad na lalaking tumatawa sa gilid ng daan. Sila yong mga tambay dito na laging pinagtitripan ang mga bagong salta.


Huminga ako nang malalim. "Pasensiya na. Mukhang napag-trip-an ka ng mga tambay dito sa amin."


"Pwede ba akong tumuloy sa apartment mo?" Biglang tanong niya habang nakangisi.


"Itulak na nga natin tong motor mo sa talyer. Ipapaayos natin," suhestiyon ko.


Ngumuso naman agad ang lalaki. Akala ba niya makakapasok ulit siya sa apartment ko?


Kahit pa siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi ako papatol sa isang playboy na katulad niya. Ibahin niya ako.


A/N: Sorry short update ulit huhu di rin ako nakapagupdate kahapon super pagod and busy lang 🥹

Anyway, thank you pa rin sa mga naghihintay ng updates. Comment rin kayo para makainteract ko kayo 🫶🏻

ilyfs. ~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro