Chapter 37
Charlie
"Congratulations to the Grade Two honor students," anunsiyo ng emcee sa stage habang pinapalakpakan namin ang mga naka-linyang estudyante doon. Kasama dito ang anak kong si Clau.
Pitong taon na rin ang lumipas simula noong araw na nalaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Kuya Chester. Halu-halong emosiyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa o malulungkot sa nangyari kay André.
Pero, sa ngayon, gusto ko nalang ituon ang atensiyon ko sa pag-aalaga sa anak namin pati na rin sa pag-re-review ko para sa Architecture Licensure Exam. Hindi ko kasi naipasa ang exam noong unang subok ko dahil na rin sa pagkabusy ko sa pag-aalaga sa aming anak. Nawalan ako ng confidence sa sarili ko ng ilang taon. Pakiramdam ko ay hindi talaga para sa akin ang pagiging arkitekto.
"Ang galing talaga ng anak ko!" Hinalikan ko ang batang babae nang marating niya ako sa baba ng stage.
"Thank you, mama. Thank you, papa," sabi nito sa akin at sa lalaking katabi ko sa assigned na upuan ng mga parents. Si Eko na kasi ang nakilala niyang tatay simula pagkabata.
"You're welcome, Clau," sagot ni Eko. "Oh, saan mo gustong kumain mamaya? Sa Jollibee?"
"Opo, papa!"
Matapos ang graduation ceremony ay pumunta na rin kami sa restaurant para kumain. Hindi rin ako nagtagal dahil sa natanggap kong text mula kay papa. "Anak, dalawin kita mamaya sa condo mo."
Binilisan ko ang pagkain para masundo namin si tatay mamaya sa terminal at para makapaglinis pa ako sa condo na medyo magulo ngayon.
"Oh, tol, hinay-hinay sa pagkain. Baka mabilaukan ka," paalala ni Eko.
"Parating raw sina tatay kaya kailangan kong maglinis sa condo," sabi ko.
"Sige, hatid ko na kayo."
Halos isang oras ang inabot namin papunta sa condo gamit ang kotse ni Eko kahit na malapit lang naman dito. Naabutan pa kasi namin ang rush hour.
Hingal na hingal ako nang makarating kami sa condo. One bedroom unit ang kinuha ko at medyo pasok naman sa budget ko ngayon. Lumipat ako malapit sa company kung saan ako nag-i-intern kaya mas madali para sa akin ang pag-commute bilang wala pa naman akong pambili ng kotse.
Ilang oras ang inabot ko sa paglilinis habang nakatulog na rin ang anak ko sa kwarto. Naglaba na rin ako at nagsaing ng kanin para sakto mamaya pagdating ni tatay.
Maya't maya pa ay narinig ko na ang pagkatok mula sa pintuan. Binuksan ko agad ito at bumungad sa akin si tatay na nakatayo sa aking harapan. "Kumusta ang anak at apo kong magaganda?"
"Pa!" Niyakap ko siya nang mahigpit. Matapos ang ilang taong pagte-therapy niya ay nakabalik na ulit ang lakas sa mga binti niya. Kaya ngayon ay hindi na niya kailangang gumamit ng wheelchair.
"Nasaan si Clau?"
"Natutulog po sa kwarto."
"Ah ganun ba. Parang hindi talaga tumutubo ang buhok mo anak ah," komento pa ni tatay habang hinahaplos ang maiksi kong buhok.
"Pa naman. Humaba naman kaunti ah. Tsaka mas maganda nga 'to para hindi ako mainitan."
"Oo nga naman."
"Ah, pa, hindi niyo po kasama si mama ngayon?" Hinanap ko ang stepmother ko kahit na alam kong madalang lang kaming mag-usap.
Napatigil siya saglit habang papasok sa loob ng condo. Umupo siya sa may harap ng maliit na dining table bago lumingon sa akin. "Hiniwalayan ko na anak."
Lumapit ako sa kanya. "Po? Kailan pa?"
Bumuga ng hangin si tatay. "Anak, alam kong matagal mong tiniis ang nanay mo. Pasensiya ka na kung ngayon ko lang nagawang hiwalayan siya. Kinailangan ko rin kasi ng katuwang noong mga panahong hindi ako makapaglakad nang maayos."
"Pa, wala naman pong kaso sa akin 'yon. Alam kong masaya naman kayo noon kay nanay."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Anak, mas mahalaga ka sa akin."
"Pa..."
"May kailangan ka ring malaman, anak."
"Ano po 'yon?"
"Ang totoo niyan... tinulungan ako ni André sa treatment ko kaya ako gumaling. Pinasok niya ako sa isang treatment program ng kumpanya nila para sa mga taong may kondisyon ko. Elixir Project ang tawag nila dito."
Nagsalubong ang kilay ko. "Pero, pa, alam niyo naman na pong si André ang pumatay kay kuya, di ba?"
Umiling si tatay. "Anak, hindi siya ang pumatay sa kuya mo."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Sino po ang nagsabi sa inyo? At bakit kayo maniniwala sa kanya? Si André ba?"
Hinigpitan ni tatay ang hawak sa kamay ko. "Anak, mas mabuti sigurong siya nalang ang magpaliwanag lahat sa'yo."
Umiling ako. "Hindi, pa! Hindi ko siya mapapatawad hangga't hindi siya nakukulong."
"Nakulong siya, anak. Sinuko niya ang kanyang sarili matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya... dahil alam niyang gusto mong may managot sa pagkamatay ni Chester."
Nanuyo ang lalamunan ko. Totoo ba ang lahat ng naririnig ko?
"Kung gusto mong malaman ang katotohanan, puntahan mo siya. Pwede kitang samahan..."
"Pa, kinakampihan mo talaga ang pumatay kay kuya?"
"Anak, alam kong mahirap maniwala sa isang bagay na hindi natin nakita. Kaya hindi na kita pipilitin hanggang sa hindi ka pa handang kausapin si André. Pero, hindi ba mas kilala mo naman siya kaysa sa akin? Alam kong alam mong hindi niya magagawang pumatay."
Tumahimik nalang ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si André.
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni tatay hanggang sa pagpasok ko sa trabaho kinaumagahan. Hindi ko alam kung paano nagawang patawarin ni tatay si André. Nagsinungaling rin ang lalaki sa akin. Sa dami ng pagkakataong magkasama kami, hindi man lang niya nabanggit ito sa akin. Ang masakit pa nito ay sinabi niyang hindi niya kilala si kuya na siyang mas lalo kong ikinagalit.
"Mama, susunduin ba natin si lolo?"
Napagawi ang tingin ko sa batang babae na katabi ko sa kotse. Papunta kami ngayon sa GeneRation Labs, ang biotech company na pag-aari ng pamilya ni André, at kung saan nagtatrabaho na si papa ngayon. Inilihim pa niya ito sa akin dahil alam niyang hindi ako papayag na doon siya magtrabaho.
"Cha, tulala ka ah. Okay ka lang?" Tanong ni Eko na nagmamaneho sa kotse.
"Ha? Oo. Okay lang ako."
"Mama, matagal pa ba tayo?"
"Bakit anak? Inaantok ka na ba? Matulog ka na muna. Gisingin ka nalang namin pag nasa bahay na tayo."
"Okay mama." Pinikit ni Clau ang mga mata niya sabay sandal ng kanyang ulo sa aking braso. Hinaplos ko ang ulo niya para patulugin siya. Madalas siyang inaantok at laging napapagod agad kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa tuwing nasa paaralan siya.
"Cha, mukhang kailangan mo ring matulog muna," saad ni Eko.
"Okay nga lang ako."
"Di mo ako maloloko. Kitang-kita ko sa mga mata mong hindi ka nakatulog kagabi."
Totoo nga ang sinabi ng lalaki. Hindi ako nakatulog kakaisip sa narinig kong impormasyon tungkol kay André. "Nakulong raw si André..."
"Sinuko niya ang sarili niya?"
Tumango ako. "Sinabi ni papa sa akin kahapon."
"Ano ang balak mo ngayon? Bibisitahin mo ba sa kulungan?"
Umiling ako. "Hindi... Hindi ko alam..."
"Galit ka pa rin sa kanya?"
"Nagsinungaling pa rin siya sa akin. Kahit pa aksidente ang nangyari kay kuya... hindi ko siya mapapatawad..."
"Cha, naiintindihan kita. Pero, hindi mo ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa anak ninyo?"
"At ano ang sasabihin ko sa bata? Mas mabuti na itong ikaw ang kinikilalang ama ni Clau."
"Pero, Cha..."
"Eko, tama na. Huwag na nating pag-usapan pa ang taong 'yon."
Nang makarating kami sa harap ng GeneRation Labs, bumaba ako ng kotse at naiwan si Eko para bantayan si Clau na mahimbing pa rin ang tulog.
Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng building. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan habang naglalakad ako sa lobby. Nilabas ko ang aking cellphone para tawagan si papa. Umupo muna ako sa may bakanteng upuan sa gilid habang hinihintay ang sagot ni papa.
"Miss, bawal ang umupo diyan," biglang sita sa akin ng security guard.
Napakunot ako ng noo. Sa dami ng upuan dito, pinagbabawalan akong umupo? "Uh, kuya, hinihintay ko lang po ang tatay ko. Nagtatrabaho siya dito."
"Hintayin niyo nalang sa labas, miss."
"It's okay, Kuya Henry. Kilala ko siya," isang boses ng lalaki ang nakakuha ng aking atensiyon. Paglingon ko sa likuran, nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking may mahaba at puting buhok.
"Sorry, Sir Isidore. Hindi ko alam na kilala niyo pala," agad na yumuko ang guard at umalis na rin ito.
"Charlie," unang bati ng lalaki sa akin.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
"How are you?"
Hindi pa rin ako umimik sa lalaki. Wala namang kasalanan dito ang kuya ni André. Pero, ayaw ko lang makipag-usap ngayon sa mga may koneksiyon sa lalaki.
"Do you have time to talk?"
"Tungkol saan? Kung tungkol 'yan kay André, huwag ka nang mag-abala pa-"
"No, about your brother."
Napatigil ako saglit. "Tungkol... kay kuya?"
He nodded. "Is it okay to talk here? We can talk inside a private space."
Umiling ako. "Ano ang sasabihin niyo tungkol kay kuya?"
"I want to tell you something that you might not want to hear."
I stifled a chuckle. "Bakit? Mas malala pa ba ang ginawa ni André sa kuya ko?"
"Truth be told, I don't care if you listen to me or not. But, after all these years, seeing how my brother got affected with everything that happened, it's the least I can do for him."
"So, totoo nga? Nandito ka para pagtakpan siya?"
"Just hear me out first."
"Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Pinatay ni André si kuya. Tapos."
Tumahimik siya saglit at may kinuha mula sa bulsa ng kanyang coat. "Here. This is a copy of your brother's phone."
"Ano'ng gagawin ko dito?"
"Charlie, I'm a prosecutor. I'm not even supposed to be giving you this. But, you have to know the truth. Take a deep breath first before you open the gallery."
Sinundan ko ang sinabi ng lalaki bago ko kinuha ang cellphone mula sa kamay niya. Binuksan ko ang gallery at agad na bumungad sa akin ang litrato ng isang walang malay na babaeng walang saplot. "P-Paanong..." Muntik ko pang mabitawan ang phone.
"Just keep scrolling," walang ekspresiyon pa ring sagot ng lalaki.
Binalik ko ang aking tingin sa screen at ni-scroll ito. Maya't maya pa ay nakita ko ang aking mukha na natutulog. May ilang litrato pa akong nakataas ang suot kong tshirt kaya kita ang dibdib kong walang takip. "A-Ano to? S-Sino'ng kumuha nito?" Nanginginig kong sambit.
"That's your brother's phone. It was him who took it."
Umiling ako nang paulit-ulit. "H-Hindi... hindi niya magagawa 'to."
"He already did, Charlie. And Axe found out about it. That's why he couldn't tell you the truth."
"Hindi 'to totoo! Imposible!"
"I'll let you decide who or what to believe, Charlie. But, for now, you can keep that phone." Umalis na rin siya matapos nito.
Naiwan akong nagpipigil ng iyak sa aking kinatatayuan habang pinoproseso ang aking mga nalaman. Ang hirap paniwalaan ng isang bagay na hindi mo nakita. Kahit pa nandito na sa harap ko ang ebidensiya, hindi ko lubos maisip na magagawa ito ng isang taong pinagkatiwalaan ko buong buhay ko.
Napaupo ako sa gilid habang nakatakip ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.
"Mama?"
Agad kong inayos ang aking sarili nang marinig ko ang boses ng batang babae.
"Mama, umiiyak ka ba?"
"Clau, anak!" Niyakap ko ang batang nakatayo sa aking harapan.
"Cha, ano'ng nangyari? Okay ka lang?" Si Eko naman ngayon ang nagsalita na nakatayo rin sa likod ni Clau.
Pinilit kong ngumiti sabay karga sa aking anak. "Okay lang ako."
Nakatitig lang sa akin si Eko at alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Bakit kayo nandito? Di ba sabi ko hintayin niyo nalang kami sa kotse?" Tanong ko.
"Nagising si Clau at hinahanap ka. Wala pa ba si Tay Carlos?"
Umiling ako. "Wala pa eh. Baka hindi pa tapos sa trabaho. Hintayin nalang natin dito."
Pagkasabi ko nito, nabaling ang tingin ko sa may malapit sa elevator kung saan nakatayo si papa at may kausap na lalaking nakaupo sa isang wheelchair. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ng lalaking kausap ni papa. Sa kabila ng kalagayan niya, may malaking ngiti pa rin ito sa kanyang labi.
Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong si André ang kausap ngayon ni papa.
Naging paralisado pala siya matapos ang aksidente? At bakit siya nandito? Nakalabas na ba siya mula sa kulungan?
"Cha, tol, ano'ng tinitignan mo?" Tinapik ni Eko ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Nandito si André." Naramdaman ko pa ang pagbilig ng pintig ng puso ko.
"Ano?"
"Lumabas na tayo, bilis! Hintayin nalang natin si papa sa labas," utos ko sa lalaki.
"Mama, nakita ko na si lolo!" Biglang anunsiyo ni Clau sa akin habang yakap ako. "Lolo!" sigaw pa niya kaya napatigil ako.
"Clau, anak, huwag kang sumigaw dito," suway ko sa bata.
"Sorry, mama," agad namang sambit ng aking anak.
"Cha, anak," narinig ko na ang boses ni tatay na paparating.
Ayaw ko sanang lumingon, pero biglang may humila ng aking katawan kaya napatingin ulit ako sa direksiyon kung saan ko nakita si André.
Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang nangyari sa akin at bigla akong napatingin sa di kalayuan. Saktong nagtama ang tingin namin ni André at nakita ko ang walang ekspresiyon niyang mukhang nakatitig sa akin.
Napalunok ako ng ilang beses habang naghahabol ng hininga. Matagal nang patay si André sa puso at isip ko.
Pero, bakit ngayon ay biglang nabuhay ulit ang natutulog kong puso?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro