Chapter 31
Charlie
Ilang oras pa ang nakalipas at bigla akong nagising sa malakas na hilik mula sa aking likuran. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kama na ako. Lilingon dapat ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang mahigpit na brasong nakayakap sa aking katawan.
"A-André?"
Walang sagot. Sobrang lakas ng hilik niya at bigla-bigla pa itong humihinto na parang nawawalan siya ng hininga.
"Andres..." Tinanggal ko ang brasong nakakapit sa akin at tinulak ko siya sa aking tabi. Nakatulog pala ako dito sa kwarto niya sa penthouse matapos niya akong samahan kanina para maipasa ang plate na hinabol ko.
"Mmm... Chal..." Mukhang nagising na siya, pero agad na nabaling ang atensiyon ko sa mask na suot niya sa kanyang ulo. Parang oxygen mask ito na nakikita sa ospital pero naka-konekta ito sa isang hose at maliit na machine na ka-size ng isang radyo na nasa bedside table niya.
"Ano yang suot mo?" tanong ko sa natutulog na lalaki.
"CPAP machine."
"Pero bakit nasa ulo mo? Hindi ba dapat nasa ilong yan?"
"Tinanggal ko para mayakap kita."
"Bakit mo tinanggal? Paano ka makakatulog niyan?"
"Okay lang naman sa'yo na humihilik ako, right?"
"Pero hindi okay sa akin na bigla-bigla kang nawawalan ng hininga."
"Okay lang mawalan ng hininga basta alam kong nandiyan ka."
Nakuha pa talagang humirit ng isang 'to. "Ibalik mo na nga yang machine para hindi ako kinakabahan para sa'yo."
"Hindi ka aalis sa tabi ko?" Naka-pout pang tanong niya.
Bumuntong-hininga ako sabay iling ng ulo. "Hindi ako aalis sa tabi mo. Ano? Okay na?"
Tumango na rin ang lalaki at binalik ang mask sa ilong niya. Hinayaan ko siyang matulog habang yakap ko ang katawan niya. Hindi na rin naman ako makatulog dahil sa tunog ng machine niya. Parang rinig na rinig ko ang bawat paglabas at pagpasok ng hangin mula sa kanya.
Ganito pala ang sitwasyon niya gabi-gabi? Ang hirap pala ng kondisyon niya. Wala naman talaga akong alam sa sleep apnea. Pero ngayon, bigla akong na-curious kung ano ang pwede kong gawin para matulungan siya.
Paggising ko matapos ang ilang oras, wala na si André sa tabi ko. Agad akong tumayo mula sa kama at lumabas ng kwarto niya. May mga boses akong naririnig mula sa kusina kaya bigla akong kinabahan. Kung nandito ang mga kaibigan niya, ano nalang ang iisipin nila kapag nalaman nilang natulog ako dito katabi ni André?
"Happy birthday, dré! Ano? Saan ang party?" Masayang bati ni Logan sa kaibigan.
Teka, birthday ni André ngayon? Ano na ba ang petsa? August... 22?
Unti-unti akong naglakad papunta sa kusina hanggang sa marinig ko ang boses ng isang babae.
"Hindi ako makakapunta kung may party mamaya. Afternoon shift ako." Si Koleen ang nagsalita.
"Walang party. Bagong buhay na ako," proud na sagot ni André.
"Di nga, dré?" Panunukso ni Logan.
"Charlie, come have breakfast," may biglang umakbay sa aking balikat kaya napalingon ako.
Nakatayo si Dok Jale sa tabi ko habang hinihila na ako papunta sa kusina. "Pero, dok, teka lang..." protesta ko.
"Ayun naman pala! Napaaga na pala ang celebration," saad ni Logan.
"Charlie? Natulog ka dito? O pinilit ka ng lalaking ito?" Tanong ni Koleen.
"Ah, pres, hindi. Ano kasi..." Napakamot ako sa aking batok.
"Guys, meet my lovely wife," pag-introduce ni André sa akin.
Agad ko siyang inirapan. "Ano'ng wife? Hindi pa tayo kasal ah!"
Napatawa si Logan. "Dré, basted ka ulit?"
"Me? Basted? Hindi ah. Natulog pa nga kaming dalawa kagabi sa kwarto."
"Hindi ko tinatanong."
"You just did!"
"Charlie, kain ka na," alok ni Koleen sa akin habang nagbabangayan sina André at Logan na parang mga bata. "Hayaan mo yang dalawa. Ganyan talaga sila."
Tumahimik nalang ako habang kumakain ng nakahandang breakfast sa harap namin. Matapos nito ay hinatid na ako ni André sa apartment para makapagpalit ako ng uniform bago pumasok sa klase.
Hindi rin ako masyadong nakapag-concentrate buong araw kakaisip kung ano ang ibibigay kong regalo sa lalaki. Ano ba ang gusto niya? Parang nasa kanya naman na lahat.
Tinext ko rin si Eko para magtanong kung ano ang pwedeng ibigay.
"Pabango nalang kaya?"
"Tingin mo may pera akong pambili ng mamahaling pabango?"
"Tingin ko kahit ano ang ibigay mo magugustuhan niya."
"Hindi ka nakakatulong."
Bumuga ako ng hangin habang naglalakad patungo sa susunod na klase namin. Ano ba ang lagi niyang ginagamit? Jacket? Helmet?
Napatingin ulit ako sa cellphone ko at nakita ang text mula kay André. "Tapos na klase mo, mahal?"
Ang clingy talaga ng lalaking ito. Ilang oras palang ang nakakalipas simula noong nagkahiwalay kami. Pero sige na, pagbibigyan ko dahil birthday niya ngayon.
"Hindi pa. Magtiis ka muna diyan," reply ko.
Matapos ang huling klase ko, wala pa rin akong naiisip na ibigay sa lalaki hanggang sa mapadaan ako sa isang shop sa labas ng university kung saan may nagbebenta ng mga stuffed toys.
Pumasok ako sa loob at nakita ang isang bunny na stuffed toy. "Magkano po ito?"
"Ah, 450 lang yan, ineng," sabi ng nagtitinda.
Napamulat ako ng mata. "450 po?" Ang mahal naman. Sakto nalang ang pera ko ngayon.
"May recorder kasi yan. Pwede mong i-record boses mo," pag-explain pa ni ate sabay pindot sa tiyan ng stuffed toy. "Hello, mic test!"
"Hello, mic test!" Nagsalita nga ang stuffed toy pabalik.
"Ate, baka pwedeng 300 nalang?" Tumawad ako baka sakaling pumayag. Sayang rin ang fifty pesos no.
"Naku, lugi ako sa 300. 400 pwede pa."
"Ah, sige po, kunin ko na." Bumuntong-hininga ako sabay abot ng bayad ko sa babae. Naglakad ako kaunti sa hindi mataong lugar habang nag-iisip ng sasabihin ko sa recorder. Pinindot ko ang tiyan ng bunny stuffed toy at nagsalita dito. Okay na siguro yan.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang missed calls ng clingy kong boyfriend. Agad ko siyang tinawagan pabalik.
"Chal, where are you? I miss you so much I will die." Nandito na naman si OA.
"Dito ako sa labas ng university."
"Coming!"
Hindi ko alam kung paano ako nahanap ng lalaki sa loob ng ilang minuto. Pero, nakarating ako sa loob ng kotse niya at agad akong sinalubong ng yakap at halik. Pinagbigyan ko nalang dahil birthday niya. Kung ibang araw to, sinuntok ko na siya kanina pa.
"Nasabi ko na bang mahal kita?" Biglang tanong niya habang nagda-drive na siya.
"Oo."
"Je t'aime," biglang sambit niya na ngayon ay alam ko na ang meaning dahil sa pag-Google ko noong unang beses niya itong sinabi sa akin.
"I love you, too..." mahinang sambit ko sabay tingin sa kabilang direksiyon. Nagulat rin ako sa sarili kong nasabi ko ang mga salitang 'yon sa harap niya.
"What? May sinabi ka?"
"Wala. Sabi ko matagal pa ba?"
Tumigil ang kotse saglit dahil sa traffic kaya nilingon ako ng lalaki. Hinawakan pa niya ang pisngi ko para makita ang mukha ko. "You said something!"
Lumunok ako. "I love you, too."
Unti-unting lumawak ang ngiti niya at nilapit ang mukha sa akin. Hinalikan niya ang labi ko na parang hindi pa niya nagagawa noon sa pagka-uhaw niya.
Ilang minuto pa ang lumipas at dinala ako ng lalaki sa loob ng isang mall. Akala ko ay mamamasyal lang kami, pero bigla akong hinila papasok sa isang mamahaling shop na puno ng damit.
"Ano'ng ginagawa natin dito? Bibilhan mo ako ng damit sa birthday mo?" Nalilitong tanong ko.
Tumango lang siya sabay tingin sa isang saleslady na lumapit sa amin. "Miss, can you recommend some lovely clothes for this gorgeous human being?"
"Yes po, sir. Nandito po 'yong mga new arrivals namin." Pinakita sa amin ng babae ang isang hilera ng mga bestida na ginagamit ng mga nagtatrabaho sa office.
Pagtingin ko sa price tag ng isang blazer, nahulog ang panga ko sa dami ng zero na nakita ko sa presyo. "20,000 pesos para sa isang bestida?"
Napatawa ang lalaki sa tabi ko habang pinipisil nang marahan ang balikat ko. "Oh, Chal. I can buy anything you want from here. Just tell me."
Nilapitan ko ang lalaki at kinurot ang tagiliran niya.
"Aww!" Agad siyang napangiwi habang lumalayo na sa akin. "Mahal naman."
"Mahal nga! Hindi ko kailangan ng mamahaling damit," usal ko.
Bumuga ng hangin ang lalaki sabay tingin ulit sa saleslady. "Fine. We'll buy the cheapest clothes here. And please, take her with you."
Tumango naman ang saleslady sabay hatak ng aking kamay. "This way po ma'am."
"Andres," tiim-bagang kong sambit habang nakatingin sa lalaking kumakaway na sa akin habang hinihila ako ng babae patungo sa fitting room.
"Ma'am, ito na po ang mga pinakamurang damit namin dito. Pili na po kayo ng isusukat."
Nakaawang ang labi ko habang tinitignan ang mga damit na naka-hanger sa rack na dinala nila dito sa loob ng malawak na fitting room area na mukhang pang VIP customers sa lawak. Hindi bababa sa ten thousand pesos ang presyo ng isa.
"Ma'am?" Tawag ulit ng saleslady sa akin kaya kinuha ko nalang ang una sa hilera ng mga damit at pumasok na ako sa loob ng fitting room.
Tinanggal ko ang suot kong oversized na tshirt at pants. Tapos sinuot ko ang isang cream na racer back top, itim na mini denim skirt at leather boots. Cropped ang damit ko kaya kita rin ang pusod ko ngayon. Nagmukha tuloy akong nagtatrabaho ulit sa nightclub.
"Ma'am? Pwede po kayong lumabas para ma-check natin," sabi pa ng saleslady sa labas ng pintuan.
Huminga ako nang malalim bago ako lumabas ng fitting room. Nakatingin lang ako sa baba dahil naco-conscious ako sa pusod kong nakalitaw.
"Oh, fuck me now."
Napaangat ako ng aking ulo nang marinig ko ang boses ni André. Titig na titig siya sa akin habang nakaawang pa ang labi niya. Agad ko siyang tinaasan ng kilay. "Andres, tigil-tigilan mo ako diyan sa expression mo. Masusuntok kita," asik ko.
Umiling siya sabay hakbang papalapit sa akin. "No. I mean, I want you to fuck me now," napakagat pa siya sa kanyang pang-ibabang labi.
Bigla akong kinabahan at napaatras pa ako mula sa aking kinatatayuan. "Andres, isa."
"Uh, excuse me lang po, ma'am, sir," biglang umalis na rin ang saleslady at iniwan kaming dalawa doon.
Nakangisi na rin ang lalaki habang papalapit pa rin sa akin. "You're so beautiful, Chal," sambit ni André at doon lang ako napahinto dahil ngayon lang niya ako tinawag sa buong pangalan ko.
Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko habang umaatras ako hanggang sa makapasok na kaming parehas sa loob ng fitting room. Sinara niya ang pintuan at ni-lock pa ito. "André..." tinaas ko ang aking mga kamay at nilagay ito sa dibdib niya para itulak siya palayo.
Nakangisi lang ang lalaki habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Goddamn, Chal, you're making me so horny and evil," pabulong niyang sabi.
Napalunok ako sa sinabi niya. "S-Sinasabi ko sa'yo, Andres... hihiwalayan kita pag may ginawa ka sa'kin ngayon."
Pero parang wala siyang narinig at hinaplos pa ang aking mukha gamit ang kanyang kamay. "Really? Iiwan mo ako?"
Tumango ako. "Oo, iiwan talaga kita."
Tumigil ang kamay niya sa aking baba at nanatili ang hinlalaki niya sa aking labi. "Say my name," utos pa niya.
Kumunot ang noo ko. "André-" Napatigil ako nang ipasok niya ang kanyang hinlalaki sa loob ng aking bibig. "Mmm..."
"Sshh, just stay still and feel it..." bulong ulit niya at marahang ginalaw ang hinlalaki sa loob ng aking bibig.
Magsasalita na dapat ulit ako nang bigla niyang halikan ang gilid ng aking mukha habang patuloy pa rin siya sa ginagawa niya sa aking bibig. Unti-unting napalitan ng kakaibang sensasyon ang aking nararamdaman hanggang sa naglakbay ang isang kamay ng lalaki mula sa aking braso patungo sa aking dibdib.
"Do you still want me to stop?" tanong pa niya na parang tinutukso ako dahil alam niya ang epekto niya sa akin.
"Mmm..." Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang bigla niyang pinisil ang isang dibdib ko sa ibabaw ng aking suot na manipis na damit. Marahan niya itong minasahe at sinunod rin niya ang kabila kong dibdib.
Napapikit nalang ako sa nararamdaman ko ngayon at parang mangingisay na rin ang mga tuhod ko.
Akala ko ay matatapos na ito pero bumaba ulit ang kamay ng lalaki hanggang sa nakarating ito sa pagitan ng aking mga hita. Hinimas niya ang aking hita at biglang tumaas ang kanyang kamay patungo sa suot kong underwear.
"A-Ahhh..." sasabihin ko dapat ang pangalan niya pero ito lang ang lumabas sa bibig ko.
"Oh, shit. This is bad," komento pa niya at biglang kinuskos ang isang kamay niya sa ibabaw ng aking underwear. Paikot-ikot ang kamay niya na parang pinaglalaruan ang pagkababae ko. Paulit-ulit niya itong ginawa at napahawak nalang ako sa kanyang balikat.
"Aahhh..." ungol ko ulit sa nararamdaman ko. Parang may lalabas na sa aking baba.
"You're soaked, my love," saad pa niya at tinanggal na rin ang hinlalaki mula sa aking bibig. Nanatili pa rin ang isang kamay niya sa aking pagkababae hanggang sa unti-untin siyang lumuhod sa harap ko.
"A-André, anong ginagawa mo? T-Tumayo ka nga," nanghihinang sambit ko, pero hindi tumigil ang lalaki. Binaba niya ang aking suot na underwear saka niya binaon ang kanyang mukha sa aking ibaba.
Naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa aking hiyas habang hinahaplos ng kanyang daliri ang palibot nito. Nang ipasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bukana, napaungol ako at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng bait.
Labas pasok ang dila ng lalaki sa aking loob habang hindi rin tumigil ang kanyang daliri sa pagkuskos sa palibot ng aking pagkababae.
Napahawak ako sa buhok ng lalaki nang maramdaman ko nalang ang paglabas ng likido sa aking baba.
Nakahinga ako nang maluwag matapos ito, pero parang lumulutang pa rin ako sa ere.
Tumayo na rin ang lalaki matapos niyang punasan ang aking baba gamit ang kanyang panyo saka niya tinaas muli ang aking underwear.
"Are you okay?" Sinalo ni André ang ulo ko sa kanyang dibdib habang hinihimas na aking likuran.
Tumango lang ako habang rinig ko ang paghingal naming dalawa.
"Am I your first big-o?" Nakangiting tanong ng lalaki sa akin.
"B-Big O? Yung mathematical notation?" Nalilitong tanong ko naman.
Tumawa ang lalaki. "You're so naive, Chal. I meant, orgasm."
"O-Orgasm?" Biglang bumalik ang hiya ko sabay iwas ng tingin sa lalaki. Yon ba talaga ang nangyari sa akin kanina lang? Eh hindi naman kami nag-sex ah.
Napatawa ako dahil bigla kong naalala 'yong unang beses kaming nagkita. "Huwag kang mag-alala. Gagawin ko talaga 'yon."
"Let's go." Hinila na rin niya ako palabas ng fitting room.
Ang ending ay binili niya lahat ng mga damit na pinakita ng saleslady sa akin kanina kaya napuno ng mga paper bag ang loob ng kotse ng lalaki.
Matapos nito, akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi, pero biglang tumigil ang sasakyan niya sa isang parking lot ng amusement park.
"Andres, bat tayo nandito?"
"To have fun, of course!" Hinila niya ako papasok sa amusement park. Agad kong napansin na Iilan nalang ang tao sa loob. Alas-nuwebe na rin kasi ng gabi.
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa unang ride - carousel. Para kaming mga tanga na nakasakay sa kabayo na pataas at pababa lalo na at walang ibang tao.
Nang matapos kami sa carousel, nakita ko ang sunod ang malaking barko sa gilid - Viking. "Dun tayo!"
"Blurgh. Nasusuka ako, Chal..." ani André sa tabi ko matapos nito.
Sobrang nalula ako sa pagsakay namin sa Viking. Nakakapit lang rin sa kamay ko si André na parang bata hanggang sa makita ko ang Haunted House.
"Ikaw ang may gusto na pumunta tayo dito, di ba? Oh, dun na tayo sunod!"
Pinigilan ako ni André nang makita niya ang gusto kong puntahan. "Ayaw ko diyan. May multo."
"Parang sira 'to. Ang laki mong tao matatakot ka diyan?" Panunukso ko.
Yumuko pa siya at sinandal ang ulo sa balikat ko. "Chal, please, anywhere but there..."
"Gusto mo sa rollercoaster?"
Napalunok ang lalaki. "Fine. Pero huwag mo akong bibitawan sa loob."
Napangisi ako. "Tara na!"
Pagpasok namin sa loob ng haunted house, bigla akong kinabahan dahil dalawa lang kami sa loob. Sobrang dilim at mausok pa. Binilisan ko ang paglakad, pero dahil sa pagkapit ni André sa braso ko, hindi ako makalakad nang maayos.
"Andres, umayos ka nga!"
"Hee hee hee~" May sound effects pa talaga dito sa loob.
"Mommy!" Paiyak na sambit ni André sa tabi ko.
"Andres, bilisan mong maglakad!" Reklamo ko sa lalaki habang patuloy sa paglalakad.
"Chal, don't leave me!" Niyakap na niya ang buong katawan ko sa aking likuran.
Umiling lang ako habang hinahanap ang daan palabas. Matapos ang ilang minuto, nakalabas na rin kami habang nakita kong nakapikit ang mga mata ng lalaking nasa likuran ko.
"Dumilat ka nga. Tapos na o," sabi ko sa lalaki.
Bumuntong-hininga siya habang hinihingal pa na parang hinabol talaga siya ng multo. "Uwi na tayo."
"Ha? Hindi pa nga tayo tapos sa ibang rides."
"Closing time na. Let's go!" Pinakita pa niya sa akin ang mamahaling relo niya.
Wala na akong nagawa pa dahil mukhang hindi na niya talaga kaya. Maputla na rin ang mukha niya. Naawa naman ako kaya naglakad na kami palabas.
"Andres, okay ka lang?" tanong ko sa lalaki.
Umiinom na siya ng tubig ngayon. "Sorry, Chal. I thought kaya kong sumakay sa rides."
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya. "Okay lang. Huwag na tayong mag-amusement park next time ha?"
"Wait, before we leave, dun muna tayo!" Hinila ako ng lalaki sa gilid kung saan may photobooth.
Pumasok kami sa loob ng booth at nagsimulang mag-pose sa camera. Hindi naman ako sanay mag-selfie kaya Iisa lang ang pose ko at ito ay ang naka-V sign.
"Come here," utos ng lalaki sa akin sabay lapit ng kanyang mukha.
"Teka lang, ano'ng ginagawa mo?" Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang at hinila ako para umupo sa hita niya.
"Sshh, just come," sabi pa ulit niya at nang nilingon ko siya, lumapat ang labi niya sa akin. Saktong nag-flash ang ilaw sa loob at nakuhanan kami ng litrato habang nakahalik siya sa akin.
"Andres naman!" Sinuntok ko ang braso Niya kaya napatawa siya.
"Gusto mo ba ng round 2 dito? Gawin nating home run?" Nakataas ang mga kilay niya habang nakangisi sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mata. Kahit pa birthday niya ngayon, hindi ko siya hahayaang gawin ang gusto niya. "Maiwan ka na nga diyan!" Lumabas ako ng booth at iniwan ang lalaki sa loob.
"Chal, wait for me! Yong pictures natin!" Rinig kong protesta ng lalaki habang sinusundan ang yapak ko.
Matapos nito, hinatid na niya ako pauwi ng apartment. Nang makarating kami sa tapat ng apartment, hinugot ko ang bunny stuffed toy na binili ko kanina at inabot sa kanya.
"Happy birthday... sorry yan lang ang kaya kong ibigay," nahihiyang sabi ko.
Ilang segundo siyang walang imik habang nakatitig sa stuffed toy. "Chal..."
"Pangit ba? Bawi ako sa'yo. Ano ba gusto mo? Ang hirap naman kasing mag-isip, parang nasa 'yo naman na lahat-"
"I love it! Thank you so much, mahal ko!" sambit niya habang niyayakap ang stuffed toy.
"I love you, Andres!" biglang nagsalita ang bunny habang yakap niya itong nang mahigpit.
"What's that?" Nalilitong tanong niya.
Napatawa ako habang tinuturo ang bunny.
Pinindot niya ulit ang tiyan ng stuffed toy. "I love you, Andres!"
Napaawang ng labi ang lalaki habang nakatingin sa akin. "Is this... your voice?"
Tumango ako sabay bukas ng pintuan ng kotse niya. "Happy birthday ulit! I love you, Andres!" Agad akong tumakbo papasok sa apartment namin bago pa niya ako mahabol.
Hinihingal ako hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Ngayon lang ako nagsabi ng "I love you" sa isang tao maliban sa mga magulang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro