Chapter 28
Charlie
"Charlie, nire-request ka ng customer sa table 10," sambit ni Mylene na kasama kong waitress sa Soul Club.
Kumunot ang noo ko sabay tingin sa customer na tinutukoy ni Mylene sa table ten. Litaw na litaw ang kulay platinum blonde na buhok ng lalaki na nakatali pataas. Bakat ang malaking katawan ng lalaki sa suot niyang itim na turtleneck at pants.
May suot rin siyang salamin sa mata at higit sa lahat ay may hawak siyang libro na binabasa niya ngayon. Bilib ako sa concentration niya sa ingay ba naman ng club.
"Ano? Laglag panty na ba?" panunukso ni Mylene nang hindi ko siya nasagot agad.
Umiling ako sa kanya. "Ikaw nalang kaya?"
"Ikaw nga daw ang gusto. Tatanggihan mo ang grasya? Anghel na ang bumagsak sa harap mo oh!" Tinuro pa niya ang lalaki gamit ang kanyang daliri kaya agad kong binaba ang kamay niya.
"Sabihin mo sa kanya hindi ako bayaran," ani ko.
"Eh bat hindi ikaw ang magsabi sa kanya? Puntahan mo na! Dali na!" Tinulak pa ako ni Mylene hanggang sa wala na akong nagawa kung hindi ang puntahan ang table ng lalaki.
Nang marating ko ang table, hindi man lang napansin ng lalaki ang pagdating ko. Naka-focus pa rin siya sa librong binabasa niya. Ano ba ang trip nito?
Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya. Walang epekto. Tatalikod na dapat ako nang bigla siyang masalita.
"You must be Charles," walang ekspresyong sambit nito.
Napaawang ang labi ko. Charles? Isa lang naman ang tumatawag sa akin nun. Sino ba to?
Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at nagtama ang tingin namin. Doon ko nakita ang madilim na berdeng mga mata nito. Parang katulad ng kay André. Teka, kapatid ba niya 'to?
"What time are you finishing here?" tanong ng lalaki. Dahil sa nakatali nitong buhok at kaunting strands nito na naiwan sa gilid ng kanyang mukha, kita ko ang maamo niyang mukha. Pero, hindi ako mapakali sa pagsalubong ng kanyang kilay na nakatingin sa akin.
"Uh, bakit po?"
Napatingin siya sa relo sa kanyang pulsuhan bago tumingin ulit sa akin. "In one hour?"
Napakurap ako ng aking mga mata. "Bakit nga po?"
"My bed time is exactly at midnight," walang ekspresiyong sagot nito.
Teka, ano ba ang gusto niyang sabihin? Naguguluhan ako. "Sino po ba kayo at bakit ko dapat malaman ang oras ng pagtulog niyo?"
"Don't ask me. I'm just following an order," seryosong sagot niya.
Ako naman ang napakunot ng noo. May tama ata ang isang ito sa utak. Mukhang naparami ng inom ah. "Ano kamo?"
Bigla siyang humikab na parang walang narinig. Tumayo siya sa kinauupuan niya sabay kuha ng aking braso. "Let's go."
"Hoy, teka lang. Hindi ako bayaran dito!" Tinanggal ko ang paghawak niya sa aking kamay. "Sino ka ba para sundan ko?"
Nilabas niya ang kanyang cellphone sa mula sa kanyang bulsa at pinakita sa akin ang litrato ng kanyang ID. Chief Prosecutor Isidore Zero Laurent.
"Teka, kapatid mo si André?"
"Yes. Can we go now?" Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinila ako, pero hinatak ko ulit ang aking kamay.
"Teka, ano ba ang nangyayari?" patuloy kong tanong. "May nangyari ba sa kanya?"
Tumango ang lalaki. "If you're not coming with me, something serious is going to happen."
"Magpapaalam muna ako," sabi ko sabay talikod pero pinigilan ako ng kamay niya sa aking braso.
"No need. You're not coming back to work here anymore."
Wala na akong nagawa nang hinila niya ako palabas ng club. "Hindi ako pwedeng umalis nalang. Kailangan ko ng trabaho," pasigaw kong sagot nang makarating kami sa harap ng kotse niya.
"I'll give you work. Don't worry. Now, get in the car," utos niya sa akin gamit pa rin ang monotone na boses nito habang nakatitig ang mga mata nito na parang gusto akong ilibing nang buhay.
Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob ng kotse niya. Agad akong binati ng isang mabangong amoy na hindi ko malaman kung ano eksakto. Ibang-iba ang aura ng lalaking ito kumpara sa kapatid niya. Malumanay ang boses pati ang kilos, maliban nalang sa paghatak niya sa akin.
Nang makapasok na rin siya sa loob, tahimik lang siyang umupo sa driver's seat. Nilagay niya ang kanyang libro sa kanyang hita at sinandal ang kanyang ulo sa upuan saka humalukipkip ng kamay.
Ilang minuto siyang hindi gumalaw kaya nagsalita akong muli. "Akala ko ba aalis na tayo?"
Wala siyang sagot.
Lumapit ako kaunti sa kanya at doon ko nakitang nakapikit na pala ang mga mata nito. Teka, tulog na ba talaga siya? Taena. Anong gagawin ko dito sa loob ng kotse niya? Bakit pa ako pinaalis sa trabaho kung matutulog naman pala siya?
Sinubukan kong buksan ang pintuan ng kotse, pero naka-lock ito. May masamang balak ba ang lalaking to? Naalala ko ang sabi ni André na hindi maganda ang relasyon niya sa kanyang mga kapatid. Hindi ko alam ang ugali ng mga kapatid niya, pero sa nakikita ko ngayon, mukhang mas weirdo pa to kaysa kay André.
"Just stay still and let me sleep," mahinang sambit ng lalaki.
"Nasaan si André? Akala ko ba may nangyari sa kanya?" tanong ko ulit.
Inangat niyang muli ang kanyang ulo at lumingon sa akin. "Woman, are you going to let me sleep or not?"
"Hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang nangyayari, hindi ako titigil sa pagtanong sayo," sabi ko ulit.
Bumalik ulit siya sa kanyang posisyon at pinikit ang kanyang mga mata.
Taena. Walang kwentang kausap ang lalaking to ah.
Kinuyom ko ang aking mga kamay habang pinipigilan kong huwag sumigaw dito sa loob ng kotse. Mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa akin.
Bumuga ako ng hangin sabay labas ng aking cellphone para tawagan si Fina. Siguro naman may alam siya sa nangyayari.
Matapos ang ilang segundo, sinagot naman niya agad ang tawag ko.
"Hello, Charlie? Okay ka lang?"
"Okay lang ako. Sorry sa abala, pero may alam ka ba kung ano ang nangyayari kay André?"
"Basta ang alam ko lang may nangyayaring gulo ngayon sa dalawang frat. Kasama ko ngayon dito sa condo sina Koleen. Ikaw, nasan ka? Safe ka ba diyan?"
Bigla akong kinabahan sa aking narinig. Kung kasama si André sa gulong nangyayari ngayon, malamang ay mapapahamak na naman siya.
"Charlie? Nandiyan ka pa ba?"
"Ha? O-Oo, safe naman ako dito. Kasama ko ang kapatid ni André."
"Mabuti naman kung ganun. Update ka nalang pag nakauwi ka na. Ingat ka."
"Sige. Ingat ka rin."
"Are you worried about Axe?" Biglang tanong ng lalaki sa tabi ko habang hindi pa rin gumagalaw sa kanyang posisyon.
"Ikaw? Hindi ka ba worried sa kapatid mo?" Binalik ko ang tanong sa kanya.
"I'm more worried if I can sleep properly tonight or not."
Napaawang ako ng labi. Grabe rin talaga ang isang to. Sinandal ko na rin ang ulo ko sa upuan at nagdasal na sana okay lang si André.
Maya't maya pa ay biglang may tunog na cellphone. Siguradong hindi ito galing sa akin dahil naka-silent mode ako. Nagpatuloy lang ang pag-ring ng cellphone habang nakatingin ako sa lalaking hindi man lang gumagalaw sa kanyang upuan.
"Hindi mo ba sasagutin ang tawag?" tanong ko sa lalaki.
"Why don't you answer it?" Binalik pa niya ang tanong sa akin.
"Cellphone mo ang nagri-ring. Hindi akin," pagpunto ko.
Kinapa niya ang bulsa ng kanyang pantalon at biglang inabot ang cellphone niya sa akin. "Here. Answer it."
Nakakunot ang noo kong nakatingin sa inabot niyang cellphone sa akin. Nakita ko ang caller ID sa screen. Unknown Number.
"Teka, bakit ako sasagot ng tawag mo? Tsaka unknown number to," saad ko sa lalaki.
"That's him," simpleng sagot nito.
Inuubos ng lalaking ito ang natitirang pasensiya ko ngayong araw. Sinagot ko nalang ang tawag para matapos na ang diskusyon namin. "H-Hello?"
"Charles," mahina ang boses sa kabilang linya, pero sigurado akong si André na nga ito. "I'm glad you're safe."
"André? Ano ba ang nangyayari? Okay ka lang? Nasaan ka ngayon?" Inulan ko siya ng tanong at narinig ko ang pagtawa niya. "Anong nakakatawa? Nag-aalala ako dito tapos tatawa ka lang?"
"Nag-aalala ka para sa akin?"
"Nag-aalala ako bilang kaibigan mo," pagkumbinsi ko sa kanya pati na rin sa aking sarili dahil hanggang magkaibigan nalang kami ngayon.
"Come see me here in the hospital. I'll be waiting." Binaba na niya ang tawag at hindi man lang sinabi kung saang ospital ang tinutukoy niya.
Nakahinga na rin ako nang maluwag matapos kong marinig ang boses niya. Mukhang okay naman siya at nakakatawa pa rin.
"Friends, huh?" Biglang nagsalita ulit ang lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nanatiling matigas ang mukha nito habang inuunat na ang kanyang leeg.
Inabot ko sa kanya pabalik ang cellphone. "Nasa ospital raw siya."
"You didn't answer my question," usal pa niya habang pinapaandar na ang kotse.
Bumuga ako ng hangin. "Kung friends kami? Oo, friends kami."
Tumango naman siya. "Understood."
Buong biyahe ay tahimik nalang ako sa aking kinauupuan. Tahimik rin naman ang lalaking katabi ko kaya hindi na ako nahirapan sa pananalita. Mas nahirapan lang akong huminga dahil sa sobrang katahimikan.
Maya't maya pa ay tumigil na rin ang kotse sa harap ng isang ospital. Bumaba ako ng kotse, pero hindi bumaba ang kasama ko. "Hindi ka sasama?" tanong ko habang nakatingin sa lalaking nasa loob pa rin.
Umiling siya. "I've done my job. Now I have to sleep. Go straight to Medical Suite Room 3."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki at nagpatuloy nalang ako sa loob ng ospital. Nahanap ko rin ang kwarto matapos ang ilang tanong ko sa mga staff.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na agad ang pamilyar na babaeng nakaupo sa gilid sa harap ng isang kwarto.
"Pres?" sambit ko at napatingala ang babae sa akin.
Tumayo si Koleen sa kinauupuan niya. "Charlie, nandito ka na pala. Hinatid ka ba dito ng kapatid ni André?"
Tumango ako. "Nasaan siya?"
"Wala siya dito. Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Basta nagtext lang sa amin si Rance na nandito si Olivia."
"Okay lang ba si Olivia? Ano ba ang nangyari?"
Pinaupo ako ni Koleen bago siya nagsalita ulit. "Alam mo na ba ang nangyari kay Tyler?"
Napakunot ako. "Sino ba si Tyler?"
"Dati siyang member ng Omega Phi, pero na-expel siya sa university few years ago kaya lumipat siya at naging President ng isang frat doon," pag-explain ni Koleen. "Isa sa mga tinuturong suspects sa attempted murder kay Tyler si André. Tapos kinidnap ng mga kasama ni Tyler sa frat si Olivia kanina para gantihan si André."
Kumurap nang mabilis ang aking mata sa impormasyong aking narinig. "Suspect si André? P-Pero... hindi niya magagawang pumatay... hindi ba?"
Umiling si Koleen. "Naniniwala akong hindi si André ang gumawa nun."
Napalunok ako at biglang sumagi sa aking isip ang pagkamatay ni Kuya Chester. Imposible! Hindi magagawang pumatay ni André.
"Charlie, gusto ka palang makausap ni Olivia," biglang sabi ni Koleen.
Huminga ako nang malalim bago ako nagtungo sa loob ng kwarto kung saan naka-confine si Olivia. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang isang medyo may edad na babaeng nakaupo sa tabi ng higaan ni Olivia.
"Uh, sorry po. Ako po si-"
"Charlie!" Bati ni Olivia nang makita niya ako.
"Olivia," mahinang sabi ko.
"Yaya, iwan mo muna kami," utos ni Olivia sa babae kaya lumabas na rin ito at naiwang kaming dalawa sa loob.
Lumapit ako sa kama niya. "Sorry, Olivia..."
"Charlie, don't be sorry. You didn't do anything."
"Pero..."
"Thank you for visiting me here. But, you have to go see André."
Kumunot ang noo ko. "Nasan siya? Bakit hindi ka man lang niya binabantanyan dito?"
"He already saved me. I couldn't ask for anything more. Besides, I know you're the one he needs and wants to be with."
"Olivia..." Napatigil ako habang pinoproseso ang sinabi niya. "Anong sinasabi mo?"
Umiling siya habang may mapait na ngiti sa kanyang labi. "It's my fault from the start. I knew he can never love me back, but I still pushed through with the engagement."
Nagtiim-bagang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Go! Puntahan mo na siya bago pa siya makaalis."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Wait, he didn't tell you? He's leaving for France in a few hours."
Biglang nayanig ang kaluluwa ko. Hindi siya pwedeng umalis nang ganun-ganun lang. Ano? Iiwan nalang niya ang lahat dito? Iiwan nalang niya ako?
"Charlie, before you leave..." Pinatigil ako ni Olivia. "You know what André told me? He told me not to hate on you because he's in love with you. He's lucky I actually like you, Charlie."
Napangiti ako sa aking narinig. "Salamat, Olivia." Niyakap ko nang mahigpit ang babae bago ako tumakbo palabas ng kwarto.
"Charlie, san ka pupunta?" Narinig ko pang tanong ni Koleen nang makita niya ako sa labas.
"Hahabulin ko si André!" pasigaw kong sagot habang tumatakbo na ako palabas ng ospital.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa labas. Hindi ko alam kung mahahabol ko pa si André sa airport, pero kailangan kong subukan. Kailangan ko siyang pigilan.
Nilabas ko ang aking cellphone para magbook ng Grab. Ito nalang ang pag-asa ko para mahabol ko siya. Habang nagbu-book na ako ng ride, biglang may nagsalita malapit sa akin.
"Need a ride?"
Inangat ko ang aking ulo at nakita ang mukha ng isang pamilyar na lalaking nakangiti sa aking harapan. "Dok Jale?"
"So, where are you going? Uuwi ka na?" tanong nito.
"Sa airport. Kailangan kong mahabol si André," hinihingal kong sagot.
"What? Let's go then!"
Sinundan ko ang pagtakbo ng lalaki hanggang sa makarating kami sa isang itim na kotse sa may parking lot. Habang nasa biyahe, sinubukan kong tawagan si André pero mukhang naka-off na ang cellphone niya.
"Why is he going to France? He didn't tell any of us," sabi pa ni Dok Jale habang nagda-drive sa tabi ko.
"Sorry, dok. Naabala pa tuloy kita," nahihiyang tugon ko.
"Okay lang. My Konstant will understand. She always does," nakangiting sagot naman niya.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay nakarating rin kami sa airport. Binaba ako ni Jale sa departure area kaya agad akong tumakbo papasok sa loob habang patuloy kong sinusubukang tawagan si André.
"Sumagot ka naman, Andres!" inis kong sambit habang nililibot ang aking tingin sa loob.
Napatingin ako sa screen kung saan nakalagay ang mga flights. Hinanap ko ang mga flights papuntang France. Isa lang ang flight na nakikita ko ngayon papunta doon. China Eastern Airlines. Flight MU 569. 3:55 am.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. 1:18 am.
Hindi pa naman siguro siya nakapasok. Sana hindi pa siya nakapasok.
Inikot ko ulit ang buong departure area. Pumunta rin ako sa arrivals at baka sakaling napadpad siya doon. Pero ni anino ng lalaki ay wala akong nakita.
Sobrang manhid na ng mga paa ko kakalakad simula kanina. Hindi pa ako umuupo dahil baka bigla siyang lumitaw at hindi ko agad mahabol.
"André naman, magpakita ka na sa akin..."
Napaupo nalang ako sa sahig habang ramdam ko na ang kawalan ng pag-asa na makita ang lalaki. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan nang biglang may nagsalita sa aking harapan.
"Miss, bawal ang umupo diyan."
"André?" Agad akong napatingala at nakita ang mukha ng isang security guard na nakatitig sa akin.
Akala ko pa naman siya na. Walang imik akong tumayo ulit at naglakad-lakad nalang sa loob hanggang sa sumapit ang oras ng flight. 3:55 am. Mukhang huli na ang lahat.
Ang bigat na ng mga mata ko. Hindi ko na ito maimulat nang maayos dahil sa sobrang antok. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi nito. Hindi na rin ako maka-book ng Grab dahil namatay na ang battery ng cellphone ko.
Bumuga ako ng hangin habang naglalakad na palabas ng airport. Maya't maya pa ay biglang may tumapik ng aking balikat.
"Uh, miss?"
Agad kong nilingon ang lalaking nagsalita at nakitang nakatitig ito sa aking mukha. "Bakit po?" nag-aalangang tanong ko.
Bumaba ang tingin ng lalaki sa kanyang hawak na cellphone sabay tingin ulit sa akin. Nilapit pa niya ang cellphone niya sa aking mukha.
"A-Alis na po ako-"
"Teka lang, miss." Pinatigil ulit ako ng lalaki. "Ikaw ba si Charles?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. Paano naman malalaman ng estrangherong ito ang pangalan ko at Charles pa talaga?
"Ano, miss? Ikaw ba?"
"Sino ba kayo at bakit niyo ako kilala?" iritang tanong ko.
"Ah, eh, sorry, miss. Ano kasi... kayo 'to, di ba?" Pinakita ng lalaki ang phone screen niya sa akin at nakita ko ang litrato ng aking mukha na hindi ko alam kung bakit nasa kanya.
"Stalker ka ba? Ire-report kita sa police!" pagbabanta ko sa lalaki.
"Naku, miss. Hindi ako stalker. Kailangan ko lang talaga ng pera."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Wala kayong makukuhang pera sa akin. Walang-wala rin ako."
"Ay, hindi miss-"
"Found you!" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang aking narinig mula sa aking likuran at bigla rin akong napalingon nang kunin niya ang aking kamay sabay hila ng aking katawan. Bumangga ang ulo ko sa kanyang balikat habang naramdaman ko ang kanyang mahigpit na yakap.
"A-André?" di-makapaniwalang sambit ko habang yakap pa rin ako ng lalaki. "Akala ko umalis ka na."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "I was about to. But, I realized I will regret every single day that I didn't stay with you. Don't worry, Charles. Hindi na kita iiwan, kahit na ilang beses mo pa akong itulak palayo. I will hold on to you, no matter what."
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sobrang saya ko at kulang ang alpabeto para makabuo ako ng isang makabuluhang pangungusap.
"Ikaw? Nandito ka ba para pigilan akong umalis?"
"Nakakainis ka kasi. Aalis ka nalang nang walang paalam? Hindi ka man lang nagsabi. Ano yon? Iiwan mo nalang ako dito? Hindi ko pa nga nasasabi na gusto rin kita-"
"W-Wait, so, gusto mo rin ako?" Confused na tanong niya.
Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi. "Matagal na... hindi ko lang masabi sa'yo kasi engaged ka kay Olivia."
Napatigil ang lalaki habang nakaawang ang labi nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Naks, kiss na 'yan!" biglang may nagsalita sa likod ko at doon ko lang napagtanto na nakatayo pa rin ang estranghero kanina.
"Thank you pala, kuya," bahagyang binitawan ako ni André para i-fist-bump ang lalaki sabay labas ng pera mula sa kanyang wallet. Inabot niya ang ilang libo sa lalaki kaya laking tuwa naman nito.
"Salamat dito, sir. Sana forever na kayo ni ma'am," sabi pa ng lalaki bago siya umalis.
"Sana nga, kuya. Thanks ulit." Binalik ni André ang tingin niya sa akin habang nakangisi ito. "What?" tanong niya nang makita niya ang panliliit ng aking mga mata.
"Ano 'yon?"
Nagkibit-balikat siya. "Nagpatulong lang ako para mahanap ka. But, I found you anyway."
Napaawang ako ng labi. "Nagpatulong ka sa mga tao dito sa airport para hanapin ako?"
"Of course. Ang lawak kaya dito. It was the only way I can think of."
Ang galing rin talaga ng lalaking ito.
"You're supposed to say it's sweet and romantic," nagtatampong sagot niya.
Tinaas ko ang aking kamay at tinapik nang marahan ang kanyang pisngi. "Andres, inaantok na ako. Pwede bang umuwi na tayo?"
Tumindig ang lalaki sabay saludo pa sa akin. "Aye aye!" Kinuha na rin niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng airport.
Nag-book na rin siya ng Grab at nakakuha naman kami matapos ang ilang minuto. Parehas kaming umupo sa likod at pinatong niya ang aking ulo sa kanyang balikat nang makasakay na kami sa kotse. Hindi niya rin binitawan ang mga kamay ko. Ramdam ko ang bawat pintig ng aking puso buong biyahe pauwi sa apartment.
Matapos ang halos isang oras ay nakarating rin kami sa tapat ng apartment namin ni Fina. Bumaba rin saglit si André sa kotse matapos niyang sabihan ang driver na ihahatid lang niya ako sa may pintuan.
"Goodnight, Charles," sambit niya nang marating namin ang tapat ng pintuan ng apartment.
"Goodnight, Andres," nakangiting wika ko.
"Wait, ibig bang sabihin tayo na?" tanong niya.
Napalunok ako sabay tingin sa Grab driver na nakatingin sa aming direksiyon.
Ngumuso ang lalaki. "Hindi ako aalis, not until you tell me."
"André, bilis na. Hinihintay ka na ng driver." Tinulak ko ang dibdib niya pero hinawakan niya ang mga ito.
"Charles, I want to hear it," he demanded.
Bumuga ako ng hangin. "Ang kulit mo talaga, Andres. Oo na nga!"
Napaawang ng labi ang lalaki. "Really? So, we're official now?"
"Sir, sorry po, matagal pa ba kayo?" tanong ng driver mula sa kotse.
Tinulak ko na ulit si André palayo. "Ikaw kasi! Bilisan mo na!"
"Wait lang boss!" Tinaas pa niya ang mga kamay niya at naglakad na palayo habang nakatingin pa rin sa akin.
Maya't maya pa ay biglang tumakbo ulit siya pabalik sa akin at hinalikan ako sa labi. "Je t'aime tellement," seryosong sambit nito.
Ano raw?
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko matapos non habang pinanood ko siyang tumatakbo na papasok ng kotse. Ganito pala ang pakiramdam na masabihan ng mga tatlong mahiwagang salitang 'yon. Hindi ko man ito nasabi pabalik sa kanya, sigurado naman akong mahal ko na rin siya.
Kinaumagahan, nagising ako ng bandang alas-dose na ng tanghali. Ilang oras lang ang tulog ko kaya ang sakit ng ulo ko pagbangon ko mula sa kama. Nang i-check ko ang aking cellphone, bumungad sa akin ang ilang texts mula kay André.
From Andres:
Morning sunshine!
Call me when you're awake
What do you want for breakfast?
a. Silog + Kiss from me
b. Tinapa + Hug from me
c. All of the above + all of me
Bigla akong nahimasmasan sa nabasa kong text ng lalaki. Kakaiba rin talaga mag-isip ang isang 'to. Umiling ako habang tumatayo mula sa kama. Matapos kong maghilamos ng mukha, nagtungo ako sa kusina para magluto ng itlog. Mukhang nakaalis na rin si Fina kanina pa.
Isang oras ang lumipas at doon ko lang naisipang tawagan si André. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Chal! You awake?"
"Chal? Anong Chal?" iritang sagot ko.
"Bakit hindi mo sinagot ang text ko?" nagtatampong tanong niya.
"Kumain na nga ako ng itlog kanina," sagot ko habang nagliligpit na sa kusina.
"What? Hindi pa ako kumakain. Feed me!" utos niya.
"Ha? Paano naman kita pakakainin? Gusto mong puntahan pa kita diyan sa penthouse-"
Biglang may kumatok nang paulit-ulit sa may labas ng pintuan. Napatigil ako saglit bago ko naisipang buksan ang pintuan. At totoong bumungad sa aking harapan ang lalaking may malaking ngisi sa kanyang labi.
"Chal!" Kinawayan pa ako habang hawak ng isang kamay niya ang cellphone sa tabi ng kanyang tainga. Nakasuot siya ngayon ng sleeveless na mint green button up shirt at puting pants. Parang ngayon ko lang siya nakitang nag-iba ng outfit, pero bagay naman sa kanya kahit ano pa ang isuot niya.
Binaba ko ang cellphone na hawak ko. "Ano ba ang Chal?"
"Charles mahal equals Chal," proud na sagot pa niya.
"Dami mong alam. Teka, ano'ng ginagawa mo dito?"
"Gusto kong mag-breakfast kasama ka," saad nito habang nililibot ang tingin sa loob ng apartment namin. "Can I come in?"
Pinapasok ko nalang siya kaya sinundan niya ako sa loob. "Ano ang gusto mong kainin? Itlog lang ang meron dito."
"Itlog mo pwede ba?"
Agad kong nilingon ang lalaki habang nakataas ang isang kilay ko. "Eh kung chop-chop-in ko ang itlog mo, gusto mo?"
Napasinghap ang lalaki sabay tago ng kanyang pagkalalaki gamit ang kanyang mga kamay. "Jeez, joke lang! Papatayin mo talaga ang poging boyfriend mo?"
"Eh ikaw 'tong kung anu-ano ang sinasabi. Maayos akong nagtatanong eh."
"Maayos naman ang sagot ko ah."
Bumuga ako ng hangin sabay talikod na sa lalaki. "Ikaw, sinasabi ko sa'yo, kung may masama kang binabalak, hindi ako magdadalawang-isip na-"
"I just missed you, Chal..." Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagbalot ng kanyang mga kamay sa aking katawan mula sa aking likod. Nakayakap na siya sa akin ngayon habang ramdam ko ang mainit na buga ng hininga niya sa may gilid ng aking mukha.
"A-André, magluluto pa ako-"
Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin kaya hindi na ako makagalaw sa aking puwesto. Hawak ko pa ang kaldero na ilalagay ko sa stove, pero sa lagay kong ito, mukhang hindi ako makakapagluto nang maayos.
"Hindi mo ba ako na-miss?" biglang tanong niya.
"Magkasama lang kaya tayo kaninang madaling araw," sambit ko.
"I know, but..." Napatigil siya at bigla kong naramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa aking pisngi. "I want to be with you every second of the day. Is that weird?"
Napalunok ako sa init ng pisngi ko ngayon, pati na rin ang buong katawan kong yakap-yakap ng lalaki.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon nang biglang tumunog ang tiyan niya.
"Oh, fuck me," sambit nito kaya agad ko siyang siniko. "Aaahh!" napangiwi naman siya. "Why'd you do that for?"
"Ang bastos kasi ng bibig mo. Fuck me mo mukha mo!"
Napatawa ang lalaki. "Expression ko lang 'yon. Don't take it so personal."
"Expression? Fuck me?" inulit ko pa.
"You want me to fuck you?" tanong ulit niya habang nakangisi.
"Sige, isa pa at ihahampas ko na 'tong kaldero sa'yo," hamon ko sa kanya.
"Okay, sorry na. Huwag ka nang magalit. Naglalambing lang naman." Tumigil na rin siya at umupo nalang sa may harap ng maliit na mesa namin sa kusina.
Nagsimula na rin ako sa pagluluto ng fried rice at itlog dahil ito lang naman ang pwede kong ipakain sa lalaking ito. Hindi ko alam kung anong klaseng breakfast ang kinakain niya sa araw-araw, pero wala siyang choice ngayon dito.
"Ang init! Is it just me?" komento ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya habang ginugulo ang kanyang buhok gamit ang isang kamay. Nakasuot pa rin siya ng paborito niyang get-up na racing jacket.
"It's just you! Sorry naman at hindi namin afford ang de-aircon na apartment. Tsaka, sino ba ang hindi maiinitan sa suot mong jacket?" sagot ko.
Tinikom niya ang kanyang bibig. "Okay lang pala ako. I'm okay anywhere, basta kasama ka."
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto. Matapos ang ilang minuto ay binigay ko na ang plato sa lalaki na may lamang fried rice at scrambled egg.
"Mmm, this is so good!" takam na takam pang sagot niya.
"Garlic fried rice lang 'yan. Huwag kang masyadong mamangha," sagot ko habang nakangiting pinapanood ang lalaki sa aking harapan.
Natapos siya sa pagkain ng ilang minuto at wala talagang tinira sa plato niya. "Can I come here every morning for breakfast?"
"Hindi pwede!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang plato niya, pero pinigilan niya ako.
"Ako na ang maghuhugas. Go change your clothes," utos ng lalaki.
"Ha? Bakit? Aalis tayo?" nalilitong tanong ko.
Tumango naman siya. "Yes, I'm taking you somewhere."
Maya't maya pa ay nakarating kami sa loob ng Fotheringham University. Akala ko ay may gagawin siya sa campus, pero biglang dinala ako sa loob ng office para kunin ang class schedule ko.
"You're going back to college this coming school year," anunsiyo pa niya.
"A-Ano? Pero, paano? Hindi ako enrolled at-"
"Chal, it's all paid for until your final year. You just need to show up to your classes."
"André, binayaran mo ba?"
"Sshh, before you argue with me, my grandpapa has a scholarship foundation, and you're qualified!"
"André..."
"Promise me hindi ka na magtatrabaho sa club, okay?"
Tumango nalang ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Salamat..." Mahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro