Chapter 24
Charlie
Ilang minutong nakatulog si André sa balikat ko habang nakaupo kami sa emergency stairs sa tapat ng rooftop ng hotel. Malakas ang hilik niya at minsan ay parang nawawalan siya nang hininga kaya hindi ako mapakali.
Ang sakit na rin ng balikat ko pero ayaw ko naman siyang gisingin. Alam kong mas mabigat pa rin ang nararamdaman niyang sakit ngayon sa kanyang puso dahil sa pagkawala ng lolo niya.
Hindi ko man kilala ang lolo niya, pero ramdam ko kung gaano sila ka-close ni André at kung gaano niya kamahal ito.
Maya't maya pa ay dumating na rin si Olivia kaya ginising ko si André. Nilingon niya ako at napatitig sa akin na parang nagulat na magkasama kami.
"Charles?"
"Tumayo ka na diyan. Nandito na si Olivia," inangat ko ang aking ulo para ituro ang babaeng dumating.
Napatingin si André kay Olivia habang tumatayo na mula sa hagdan. "Nakatulog ba ako?"
Tumango ako. "Ang sarap nga ng tulog mo eh. Ang sakit na rin ng balikat ko."
"Wait, André, how did you fall asleep?" sambit ni Olivia.
Ginulo ni André ang buhok niya. "First time kong makatulog nang maayos na wala ang CPAP machine ko. Thank you, Charles."
Napalunok ako sa pagtitig ng lalaki sa akin.
"Charlie, thank you for helping André," ani Olivia.
Ngumiti ako sa babae. ""Ah, wala yun. Sige, alis na ako."
"Paano ka uuwi? Isn't it too late to book a Grab? I don't think it's safe for you to go home alone. Matulog ka nalang dito," suggestion ni André.
"Uh... hindi, okay lang. May klase pa ako bukas eh," sabi ko.
"Sorry, I don't drive kasi. Pwede sana kitang ihatid. Should I call a driver?" Nilalabas na ni Olivia ang cellphone niya.
"Naku, huwag na. Okay lang ako." Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. 1:45 am. Ngayon lang ako uuwi ng ganito ka-late.
"Are you sure? Just sleep here with me," suhestiyon ulit ni Olivia.
"Hindi na talaga. Pero, thank you."
Biglang tumunog ang cellphone ni Olivia. "It's my stalker..." biglang sambit niya.
"Stalker?" Nalilitong tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi para sa akin, kung hindi para sa babaeng kaharap ko.
"Charlie, remember that day you saw me infront of a club?"
Napatigil ako saglit habang inaalala ito bago ako tumango. "Oo, bakit?"
"That guy who tried to harass me... he's been following me since then..."
"Kaya ka ba nagtatago dito sa hotel at hindi sa bahay niyo?"
Olivia nodded habang nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya na parang tutulo na ang luha niya.
Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. "Sige, dito nalang ako matutulog para may kasama ka."
"Thank you, Charlie," mahinang sambit nito.
Sa kabilang kwarto natulog si André habang kasama ko naman si Olivia sa iisang kwarto. Mabilis naman akong nakatulog sa malambot na kama kasama ang babae.
Paggising ko kinaumagahan, mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi ko alam kung may klase siya o wala kaya hindi ko nalang siya ginising.
Tahimik akong lumabas ng kwarto ni Olivia para hindi siya magising. Laking gulat ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa harap ng kwarto.
"André?"
Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. "Hatid na kita."
"Teka... okay ka na ba?" tanong ko habang hinihila na niya ang kamay ko. "Nakatulog ka ba nang maayos?"
"Hindi ako okay, but, I can manage it because you're here with me," diretsong sagot nito habang papasok na kami sa elevator.
Tumahimik nalang ako hanggang sa maihatid niya ako gamit ang motorbike niya sa tapat ng apartment namin.
"Dito ka na nakatira? Hindi na sa Valenzuela?" tanong ng lalaki habang nakatingin sa akin.
"Kasama ko si Fina dito sa apartment. Mas malapit rin sa campus."
Tumango naman siya. "How is she? I heard she's staying at Koleen's because she's pregnant."
Bumuga ako ng hangin. Alam na rin pala niya ang tungkol doon. "Okay naman. Nag-aalala lang ako sa kanya dahil parang nahihirapan siyang wala si Kell dito."
Tumango si André. "Last time I heard, tinatapos na ni Kell ang pag-aaral ng Law sa Stanford."
"Babalik naman siya dito, di ba?"
"Pretty sure he will. Lalo na kapag nalaman niyang buntis si Fina."
"Uh, sige. Pasok na ako. Salamat, Andres." Tumalikod na ako nang biglang tinawag niya ulit ako.
"Charles, wait..."
Tinignan ko siya ulit. "Bakit?"
Lumapit siya sa akin at walang pasubaling niyakap ako. "Thank you... for finding me last night."
"A-Ah, yun ba... sus, wala yun..." kinakabahang sambit ko habang tinutulak ko siya palayo.
"But, don't come for me next time..." pabulong na sabi sa akin ni André sabay yakap sa aking katawan. "Hindi ba pinalayo mo na ako? Bakit ka lumalapit sa akin ngayon?"
"A-André..." Pinilit ko siyang itulak palayo, pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Yes, just keep pushing me away, Charles. Tell me you hate me again. Tell me that you don't want to see me anymore," biglang utos niya sa akin.
"A-Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ko.
"Just say it, Charles!" mariing sabi pa niya. "Say that you hate me and you don't want to see me ever again!"
"Ayaw na kita..." mahinang sambit ko habang unti-unti kong naramdaman ang paglapat ng ulo niya sa balikat ko. "Ayaw na kitang nakikitang nahihirapan, André. Kaya kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako... bilang kaibigan."
"Fuck..." he cursed under his breath.
"André, male-late na ako..." tinulak ko ulit siya palayo at nang muntik siyang matumba, agad ko siyang hinila pabalik sa akin. "Okay ka lang?"
"I don't feel so well, Charles."
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ang lamig mula rito. Nilagay ko rin ang kamay ko sa noo niya at doon ko nakumpirma na may sinat nga siya.
"Am I dying?" bigla niyang tanong. "Susundan ko na ba si papi?"
"Hindi ka pa mamamatay! May lagnat ka lang. Huwag kang OA!" Bumuga ako ng hangin habang tinutulungan siya sa paglakad papunta sa loob ng apartment namin.
"Are you sure papapasukin mo ako dito sa apartment niyo?" mahinang tanong niya.
Napatigil ako. "Andres, may lagnat ka. Paano ka magda-drive ng motor mo? Kailangan mong magpahinga. Hindi ka ba nakatulog kagabi?"
"I can't sleep without my CPAP machine, remember?"
"Machine? Anong machine?" tanong ko habang papasok na kami sa loob. Pinahiga ko siya sa sofa sa may sala namin.
"I have sleep apnea," pag-explain pa ulit niya habang kumukuha na ako ng tuwalya na pwedeng pamunas sa kanya.
Wala akong alam masyado tungkol sa sleep apnea. Pero mukhang malala nga ito kung hindi siya nakakatulog na wala ang machine.
Nang makabalik ako sa sala, nakita kong nakapikit na ang mga mata ng lalaki. "Charles, just leave me here. Di ba may klase ka?"
"At sino mag-aalaga sa'yo? Kaya mo ba ang sarili mo? Baka matuluyan ka pa pag iniwan kita." Umupo ako sa sahig habang pinupunasan ang mga braso at kamay niya ng basang tuwalya.
"If you keep doing things like these, I might just explode, Charles..." nanghihinang sambit nito.
Umiling ako habang pinagpatuloy ang pagpupunas sa kanya. "Kumakain ka naman siguro ng sopas 'no? Ipagluluto kita pagkatapos nito."
"Remember that first time I said I want us to be friends? I meant I want to see you everyday because I can't stand a day without you..." Sa tono ng boses niya ngayon, para siyang lasing na hindi ko maintindihan.
Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya.
"And when I said I want you to hate me again earlier, I meant I want to be with you until the day I die..." unti-unting bumukas ang mga mata niya kaya nagkatitigan kami.
Nakaawang lang ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin. Baka nananaginip lang siya o epekto lang ng sleep apnea niya.
"I only want you, Charles... ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo 'to para maniwala ka sa akin?"
Sinampal ako bigla ng malamig na hangin sa aking pisngi. So, ano ang gusto niyang sabihin? Gusto ba niya ako pati na rin si Olivia? Dahil sa dami ng sinabi niya, parang walang naiwan sa utak ko.
Hinawakan niya ang aking pisngi at nanatili ang kamay niya dito ng ilang segundo. "Tell me you'll stay with me until I settle things with Olivia... and with my life right now."
"André..." Tinanggal ko ang kamay niya sa aking mukha. "Naniniwala na ako sa'yo..."
"Thank you," sambit nito.
Umiling ako. "Pero, ayaw kong saktan mo si Olivia para lang sa akin."
"Charles, what are you trying to say?"
"Hindi na kita hahanapin, André. At huwag mo na rin akong lalapitan pa," mariing sagot ko habang ramdam ko ang unti-unting pagdurog ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro