Chapter 16
Charlie
"I want you, Charles."
Simula noong gabing sinabi ni André ang mga salitang yon, hindi na tuloy maalis ito sa aking isipan. Sabi naman ni Logan, nawawala siya sa sarili sa tuwing nalalasing siya. Kaya wala lang siguro yon.
Hindi na rin nagpakita sa akin si André matapos ang gabing iyon. Parang biglang nakalimutan niya ako. Dapat nga matuwa ako kasi walang ng kumukulit sa akin.
Pero, bakit hindi ako mapakali? Shutaena.
"Uy, tol, Mukhang malalim ang iniisip ah." Nilagay ni Eko ang kanyang kamay sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.
Nasa talyer ako ngayon at nagtatrabaho bilang tapos na ang semester at summer break na namin. Nag-aapply rin ako sa ibang trabaho, pero wala namang kumukuha sa akin.
"Ha? Wala. Wala pa rin kasi akong mahanap na ibang trabaho," ibinaling ko ang aking isip rito.
"Oks lang yan. Makakahanp ka rin. At least, makakasama pa rin kita dito habang wala ka pang ibang trabaho." Tinatapik pa niya ang aking balikat para pagaanin ang aking pakiramdam.
"Sus. Lagi na nga tayong nagkikita sa bahay niyo. Sawa na ko sayo," pagbibiro ko.
Nakikitira na rin ako kina Eko simula nang matapos ang klase dahil ayaw ko naman nang maging pabigat kina Koleen. Tsaka isa pa, ang laki ng problema nila ngayon dahil sa nangyaring sunog sa bahay nina Fina na mukhang pamilya rin ni Mark Ellis ang dahilan.
"Wow. Grabe ha. Sawa na rin ako sayo, ano ka?" sagot naman ni Eko at napatawa nalang ako.
Matapos ang shift ko sa talyer, pumunta muna ako ng simbahan para magsimba dahil Linggo ngayon. Kailangan ko ng basbas ni Lord.
Alas-sais na nang matapos ang misa. Naisipan kong maglakad-lakad para maghanap ng trabaho. May dala rin akong resume para ready na kapag hanapan nila ako.
Sumakit na ang paa at ulo ko kakalakad at wala pa rin akong mahanap, hanggang sa mapadpad ako sa harap ng isang club.
Wala naman akong balak mag-apply doon, pero noong mapansin ko ang isang babae na mukhang pinagtitripan ng isang mukhang gang leader na lalaki, hindi ko napigilan ang sarili ko sa paglapit sa kanila.
"Hey! Let me go!" sigaw ng babae habang hinahampas ang isang lalaki gamit ang kanyang maliit na bag.
"Miss, hindi naman kita sasaktan. I just want to get to know you," usal pa ng lalaki na may sigarilyo sa kanyang bibig.
Kinuyom ko ang aking mga kamay at huminga nang malalim. Diring-diri talaga ako sa mga ganitong klase ng lalaki na tingin nila ay Diyos sila at pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin.
"I said let me go or else I'll call the police!" banta ng babae.
Habang papalapit ako sa kanila, doon ko napansin ang mukha ng babae na pamilyar sa akin. Parang nakita ko siya sa auction ball ah.
Napatawa ang lalaki sabay hawak sa kamay ng babae. "Talaga? Paano kung sabihin ko sayong Chief of Police ang tatay ko?"
Putangina talaga ng hayop na ito. Ginamit pa ang kanyang tatay para ipaalam ang estado niya sa buhay.
Akmang hahatakin ng lalaki ang babae nang tumakbo ako patungo sa kanila at walang pasubali kong kinagat ang braso ng lalaki.
"Aaaaahhhh! Putanginamo!" sigaw nito at nabitawan rin niya ang babae.
Agad kong tinadyakan ang nasa pagitan ng dalawang hita ng lalaki kaya napaupo siya sa sakit.
"Tara na! Takbo!" Kinuha ko ang kamay ng babae at tumakbo kaming pareho palayo sa lalaki.
"Who are you?" nalilitong tanong ng babae habang tumatakbo pa rin kami.
"Okay ka lang, miss?"
"Yes, I'm okay. Thank you."
"Walang anuman po. Una na po ako." Pinara ko ang isang taxi na nakita namin sa gilid at pinasakay ang babae.
"Wait, you're coming with me!" Hinila niya ako papasok sa taxi.
"Po?"
"I just want to thank you. Come have lunch with me at least."
Wala na rin akong nagawa pa at pumasok na rin ako sa taxi.
"Sa Fotheringham Parks, kuya," utos ng babae sa driver.
Hingal kaming pareho habang umaandar na ang taxi, pero napatawa na rin ako nang maalala ko ang ginawa ko sa lalaki.
"Thank you so much again," niyakap ako ng babae nang mahigpit.
"Wala po 'yon," ani ko habang nakatitig sa side profile ng babae. Mukha siyang modelo sa tangos ng kanyang ilong at liit ng mukha. "Bakit po kayo napadpad dito sa Valenzuela? Mukha namang hindi kayo taga-rito."
Napatingin sa baba ang babae. "I was supposed to meet someone there. Thank God, you were there to save me."
Napakamot ako sa aking batok. "Nagkataon lang po na napadaan ako doon. Naghahanap kasi ako ng trabaho eh."
"Oh really? I can tell my parents na ipasok ka sa hotel namin," saad niya.
Napaawang ang labi ko. "H-Hotel? Naku, huwag na po. Nakakahiya naman. Hindi niyo nga ako kilala eh."
"And you don't even know me, but still, you saved me from that jerk."
Napatigil ako. May punto naman siya. Hindi ko na tatanggihan ang offer niya dahil siguradong blessing ito kay Lord.
"Please. It's the least I can do. And I'm Olivia, by the way. You are?"
"Charlie po. Salamat po talaga. Hindi ko na tatanggihan ang job offer niyo. Kailangan ko kasi talaga ng trabaho."
Ngumiti naman si Olivia. "No worries, Charlie."
Wala pang isang araw at may natanggap na agad akong tawag mula sa Safe Haven Suites na pag-aari ng mga Figuerres, ang pamilya ni Olivia. Hired na agad ako. Wala man lang interview o anuman. Grabe talaga si Lord.
Unang araw ng pasok ko sa hotel, binati ako ng isang terror na manager.
"Bawal ang cellphone. Bawal ang umupo. Bawal ang makipag-tsismisan. Bawal ang late at early out. At higit sa lahat, bawal ang feeling close sa may-ari ng hotel. Naiintindihan mo ba?"
Napalunok ako sa dami ng mga bawal na narinig ko mula sa manager. "Okay po."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay po? Sa hotel na ito, tatawagin mo akong Madam Bettina."
"Sorry po, Madam Bettina," agad kong binawi ang aking sinabi. Mukhang magiging mahirap ang trabaho ko dito.
"Good. Magsimula ka na," utos niya.
Napakurap ako ng mata. "S-Saan po?"
"Saan pa? Eh di sa paglilinis sa banyo."
Bumuga ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Hindi ko alam kung makakatagal ako dito. Pero, kailangan kong tiisin. Ayaw ko namang balewalain ang kabutihan ni Olivia na pagpasok sa akin dito sa hotel nila.
"Charlemaigne?" Isang boses ng lalaki ang tumawag ng aking buong pangalan.
Napalingon ako at nakita ang isang lalaking nakasuot rin ng puting uniform at itim na slacks katulad ko at mukhang empleyado rin dito.
"Ikaw yong bago dito, di ba?"
Tumango ako. "Ako nga po."
"Bryan nga pala. Ako ang mag-te-train sayo," pagpapakilala niya.
Napangiti ako. "Nice meeting you po. Charlie nalang itawag niyo sa akin."
"Ah sige. Bry nalang din itawag mo sakin," sabi pa niya.
Buong araw, tinuruan ako ni Bryan sa mga gagawin sa hotel. Mabait naman siya pati na rin ang ibang mga kasama naming staff. Si Madam Bettina lang talaga ang medyo may problema sa mundo.
Pagdating ng lunch break, naisipan kong umupo sa may malapit sa swimming pool sa baba ng hotel. Kaunti lang ang mga nandito ngayon. Mukhang wala namang may gustong mag-swimming dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Habang kumakain ako ng sandwich na baon ko, napansin ko ang isang pamilyar na lalaki sa may parking area. Inaalis niya ang helmet mula sa kanyang ulo at isinabit ito sa kanyang motorbike.
Mula sa kinauupuan ko, kita ko ang paggulo niya ng kanyang tsokolateng buhok gamit ang kanyang isang kamay bago nagpatuloy sa paglalakad.
Ano'ng ginagawa ni André dito?
Agad akong tumalikod bago pa niya ako makita. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ilang linggo ko siyang hindi nakita at hindi rin siya nagparamdam sa akin matapos niyang sabihin ang mga salitang, "I want you, Charles."
Umiling ako nang paulit-ulit para tanggalin ito sa aking isip. Wala lang naman yon. Lasing siya noon kaya siguradong nakalimutan na rin niya yon.
Binilisan ko ang pag-inom ng tubig mula sa aking tumbler at bumalik na rin sa loob ng hotel. Binaling ko nalang ang aking isip sa paglilinis sa mga kwarto na naka-assign sa amin.
"Charlie, okay ka lang diyan?" tanong ni Bryan sa akin habang naglilinis ako sa cr ng isang kwarto.
"Oks lang ako," sigaw ko habang nililinis ang kubeta na puno ng dumi. Hindi ko alam kung ano ang kinain ng guest na ito at ganito nalang kalala ang dumi niya.
"Spray mo nalang to pagkatapos," binigay sa akin ni Bryan ang isang air freshener at agad rin siyang naglakad palayo.
Mabuti nalang at may mask naman ako, pero tagos pa rin talaga ang masangsang na amoy ng banyo.
Maya't maya pa ay may tumalsik sa aking damit kaya nadumihan tuloy ang puting tshirt ko. Patay na. Sana lang maalis tong mantsa agad. Iisa pa naman ang binigay nilang libreng uniform sa akin.
Matapos naming linisin ang kwartong yon, nakita ni Bryan ang mantsa sa aking uniporme.
"Charlie, magpalit ka nalang ng damit. Sasabihin ko nalang kay madam ang nangyari," sabi ni Bryan sa akin. "Tsaka, baka maamoy rin ng mga guest kapag naglakad-lakad ka dito sa hotel."
Tumango nalang ako at nagtungo sa staff room kung nasaan ang backpack ko. Nasa ground floor ito kaya sumakay pa ako ng elevator dahil nasa seventh floor kami.
Panay ang tingin ng mga tao sa akin habang naglalakad ako sa may lobby sabay takip ng kanilang ilong. Naka-mask pa rin naman ako kaya hindi ko masyadong amoy, pero mukhang nakakamatay nga ang amoy ko ngayon.
Nang makarating ako sa may gilid kung saan malapit ang staff room, nakita ko ang magkayakap na lalaki at babae.
Napatigil ako sa aking kinatatayuan nang mapagtanto kong si André ang may kayakap na babae.
Nakatayo lang siya habang tinatapik nang marahan ang likod ng babae na mukhang umiiyak.
Nang iangat ng babae ang kanyang mukha, nahulog ang aking panga nang makita kong si Olivia ito.
Hindi naman nakakapagtaka na magkasama sila, pero bakit parang may kakaibang tensiyon akong nararamdaman?
Bakit titig na titig si André ngayon kay Olivia?
Bakit umiiyak si Olivia?
Sila bang dalawa?
Bakit ako nakakaramdam ng kirot sa aking puso?
May gusto na ba ako sa lalaking ito?
Umiling ako nang paulit-ulit.
Akmang tatalikod na ako nang biglang magtama ang tingin namin ni André. Napansin na niya pala akong nakatayo ng ilang metro mula sa kinatatayuan nila.
Sa bawat segundong lumipas na nakatitig siya sa akin, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko.
Taena. Hindi pwede. Wala akong gusto sa lalaking ito.
A/N: Mukhang may nagseselos? tingin niyo? 👀
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro