Kabanata 9
THE BEARER OF HIS DRAGON STONE
HE couldn't see her face, but her body shape made him assume she was a lady. Sa tulong ng buwan, nasilayan niya ang kulay ng balabal nito.
Itim. Isa siyang black magician. And the energy was directed at the girl.
Lis couldn't be mistaken. It was her. She had his Dragon Stone.
Hindi siya nagdalawang-isip at sinugod ang babae mula sa ibabaw. Akmang susunggabin ang leeg ngunit napansin siya ng babae. Mabilis itong yumuko dahilan para madaplisan niya lang ang hood nito at matanggal sa pagkakasuot. Flipping, his hand landed first on the ground. He channeled his energy on the soil to make an attack later.
Bago pa man makatayo nang maayos si Lis, napasinghap siya sa malaking metal na muntik nang hiwain ang kaniyang mukha. With his fast reflexes, he was able to avoid the woman's attack—barely. His cloak danced as he stepped backward. Hindi niya maalis ang tingin sa laki ng palakol na hawak nito. Kalahati ng katawan niya ang laki nito pero binuhat lang ito ng babae nang walang kahirap-hirap.
How? She looked tiny. Hindi niya nga alam kung saan nanggaling ang palakol dahil wala ito kanina.
Sinalubong ni Lis ang matalim nitong tingin. There was bloodlust dancing from her eyes. He could smell her malice.
Snapping his finger, Lis summoned the roots he grew underground. "Barrier Spell: First Cage!"
The ground shook as growling sound resonated the whole area. He summoned giant roots as if it rose from the dead, ready to extend horror. Nakita niya sa mukha ng babae ang pagkagulat kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon. Ginalaw niya ng paikot ang kaniyang mga daliri na sinunod naman ng mga higanteng ugat, nagtagpi-tagpi at lumikha ng pabilog na hawla. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang kamay ang pagbagsak din ng mga ugat. Tinakpan nito ang babae sa loob.
Nagpakawala ng hininga si Lis at naglakad papalit. Wala siyang marinig na tunog sa loob.
"You th—" Hindi natapos ni Lis ang sasabihin at mabilis na napaatras nang makaramdam siya ng mabigat na enerhiya mula sa hawla. A swift, slashing sound echoed around his ear as he saw how his roots were cut in half.
Mabilis na nakalabas ang babae. Parang kidlat ang bilis nitong sumugod sa kaniya. Hindi pa siya nakakukurap, nasa harapan na niya kaagad ang palakol nito. He gritted his teeth as he added more growth and toughness to the roots that were shielding him.
'Damn axe!' He almost got cut if only there weren't roots covering him.
The woman's strength was not to be ridiculed. Nahihirapan siyang pantayan ang lakas nito lalo na't wala sa kaniya ang Dragon Stone.
"Who are you?" sabay nilang sambit. Tinulak ni Lis ang babae palayo gamit ang mga ugat. Huhulihin na sana niya ito mula sa likod gamit pa rin ang mga ugat subalit napansin ito ng babae at nagpakawala ng malakas na sipa upang hilahin ang sarili palayo sa kaniyang atake.
"Attack Spell—" Isa-isang nagsulputan ang mga ugat mula sa lupa, ngunit sa pagkakataong ito, nagpakawala rin siya ng mga baging.
Sa kaniya lang nakapokus ang tingin nito na para bang handang-handa na siyang patayin. Napangisi siya nang hindi nito napansin ang baging na pumulupot sa mga paa nito. Mabilis na hinila pababa ng kaniyang mga baging ang babae. Muntikan na itong matumba ngunit ginawa nitong suporta ang malaking palakol.
"Dagger," Lis mumbled as he changed the shape of the roots surrounding the lady. The edges became sharp, ready to represent as swords. He aimed them at the lady's head, but she showed no fear.
At first, he was hesitant to release the spell, but when he saw how the girl exerted an unyielding malice—too extreme that she was surrounded by black smoke—he was convinced to kill her.
She's dangerous, his instinct said, stating the obvious.
"Black Axe!" Napunta ang mga usok sa palakol nito na para bang sinisipsip nito ang enerhiya. Biglang pumasok sa isip ni Lis ang nabasa sa libro. He had read about this. It was the energy-sucker spell. Sisipsipin ng armas ang enerhiya ng isang magician hanggang sa lumaki ito at umabot sa limampung palapag ang taas.
Mahina siyang napamura. Kapag bumagsak ito sa kaniya ay paniguradong 'di na siya masisikatan ng araw, kaya bago pa nito magawa ng babae, pinakawalan na niya ang kaniyang spell.
'Paunahan na lang.'
Lis flinched when he sensed another incoming energy. Mabilis niyang pinigilan ang kaniyang spell bago pa makarating ang mga matutulis na dulo ng mga ugat sa mukha ng babae. Ang babae naman ay handa nang itumba sa kaniya ang higanteng palakol, ngunit kagaya niya ay natigilan din nang magkaroon ng liwanag sa pagitan nilang dalawa.
"Thousand Light Years." A voice was heard.
Mabilis na napalibutan ng nagliliwanag at nakasisilaw na mga espada ang direksyon ng babae.
Thousand Light Years was one of the attack spells of a Sun Dragon. When casted, just like its name, it produced thousands of swords made from the raging light of the sun. It looked like stars from afar but were fiery swords at near distance, hungry for its opponent's flesh. No one had been able to withstand this attack as it burned every living and nonliving thing that touched its edge. No one except for the Sun Dragon himself.
"Lay a hand on my master and I won't hesitate to pierce you with these," Aster intervened.
Sumagot ang babae habang hindi nawawala ang tingin sa kanila. "Hindi kayo magicians. Sino kayo?"
"Hindi mo ba ako kilala? You stole my Dragon Stone, you should know me at least!" he blurted with a furrowed eyebrow.
"Huh?" sagot naman nito, tila ba nagtataka.
"Huwag mo 'kong ma-huh. You're going to give my Dragon Stone back. Right. Now."
Nilingon siya ni Aster. Sinenyasahan niyang alisin nito ang spell na mabilis na man nitong sinunod. Naglakad siya papalapit sa babae habang tinuon ang matulis na ugat sa leeg nito upang 'di makagalaw.
Nasa harapan na siya nito. Napunta ang tingin niya sa higanteng palakol sa gilid ng babae at 'di niya mapigilang mapanganga. Papaano nito napigilang matumba ang pagkalaki-laking palakol gamit lang ang isang kamay? Ni hindi nga nito mahawakan nang buo ang handle ng palakol sa sobrang laki.
"Anong Dragon Stone? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" matigas nitong sabi habang masamang nakatingin sa kaniya.
"Ayaw mo pang umamin, ah!" Tinapat ni Lis ang kamay sa dibdib nito at nagpakawala ng maliit na enerhiya. Mabilis na sumagot ang kaniyang Dragon Stone dahil napasigaw ang babae sa sakit.
"Anong ginawa mo sa 'kin?" Her dark, menacing orbs glared at him.
"That's the proof that you stole my Dragon Stone. It's inside you!" sigaw niya. Kapag kinuha o ninakaw ang Dragon Stone, mapupunta ito sa puso sa sino mang gagamit nito. At may dalawang paraan lang para makuha itong muli ng may-ari.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Hindi kita kilala at wala akong ninakaw!" giit nito. Gustong sambunutan ni Lis ang maiksi at kulot nitong buhok dahil nainis siya sa sinagot nito. Halata na ngang ito talaga ang nagnakaw tapos magsisinungaling pa!
"Black magician ka, 'di ba?" tanong niya.
Tumango naman ang babae.
"Ikaw nga 'yong kumuha sa Dragon Stone ko. Nilabag mo ang treaty, nagpunta ka sa Mythria at habang lasing ako, ninakaw mo sa akin ang Dragon Stone." Pinandilatan niya ito. "Oh, ayan ha? Baka sabihin mong wala ka pa ring alam?"
"Wala akong alam kasi wala nga akong alam. Ano bang Dragon Stone pinagsasabi mo? Hindi ko nga alam kung ano 'yan!" sigaw rin nito. Ngayon lang napansin ni Lis na normal itong magsalita. Walang ka, kaki o kung ano pang mga salita ang dinagdag sa huli.
"At saka Mythria? Ibig mo bang sabihin na isa kang S-gene? Kayo ng kasama mo?"
Naalala niya ang sinabi ni Cortez sa kanila na huwag basta-bastang sabihin ang kanilang gene sa ibang magician, ngunit 'di naman niya matatago ito sa magician na nasa harapan niya dahil ito mismo ang kumuha ng kaniyang Dragon Stone. Malamang na alam talaga nito na S-gene sila. Isa pa, sa laban pa lang nila kanina, halata nang hindi sila magician, wala silang ginamit na kahit anong medium, kagaya na lamang ng staff ni Cortez.
"Nagmamaang-maangan ka pa talaga, ha!" Nauubos na ang pasensya niya. Mas nilapit niya pa ang matulis na ugat sa leeg nito.
"Master, are you going to kill her?" tanong ni Aster.
Bahagya pa siyang nagtaka nang sumabat si Aster pero tumango naman siya bilang sagot. "Papatayin ko talaga 'to."
"Ikaw ang papatayin ko!" sagot ng babae sa kaniya.
Handa na siyang kitilin ang buhay ng babae ngunit may bago na namang dumating.
"Nandito lang pala kayo-ka."
"Cortez!" Nagkasabay sina Lis at ang babae kaya muli silang napalingon sa isa't isa. Sabay na napakunot ang kanilang noo. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Cortez kanina. Ito kaya ang tinutukoy nitong makakatulong sa kanila sa paghahanap ng black magician?
"Anong nangyayari dito-ka?" tanong ni Cortez.
"She's the culprit who stole my Dragon Stone!"
"May ninakaw raw ako sa kaniya, e, hindi ko naman 'to kilala!"
"Oh, teka, kalma lang kayo-ka," sagot ni Cortez nang hindi nito maintindihan ang kanilang sinabi dahil muli silang nagsalita nang sabay. "Puwede bang pag-usapan natin 'to sa loob ng Cell-ka? Malapit na ang curfew."
"WALA nga akong alam sa sinasabi mo!"
"For Dragon's sake! Stop denying it!"
"Kasi nga wala akong alam! Hindi pa ako nakapupunta ng Mythria at mas lalong hindi ko nilabag ang treaty!"
Kanina pa nagpapalitan ng salita sina Lis at ang babaeng black magician na nagngangalang Aryl. Paikot-ikot lang ang mga pinagsasabi nila kaya 'di na napigilan ni Cortez na sumingit sa usapan.
"Teka lang-ka!" Nilingon nito si Lis. "Gaano ka ba kasigurado na nasa kaniya ang Dragon Stone mo-ka?"
"I tested my energy on her, and her heart responded. That alone proves my Dragon Stone is with her!" sigaw niya habang nakaturo kay Aryl na nasa katapat na upuan.
"Aryl, hindi mo rin ba talaga alam ang sinasabi ng lalaking 'to-ka?"
"Wala nga po. Wala akong ninakaw." Bumuntonghininga ito. Napagod na sa kakasigaw.
"Kung ganoon-ka, paano napunta ang Dragon Stone niya sa'yo-ka?"
Tumahimik naman ito. She leaned on the couch and crossed her arms. Closing her eyes, she tried to figure out something, at the same time, thinking of the right words to say to avoid another shouting argument.
"Ah!" Bigla nitong minulat ang mga mata na para bang may naalala. "Mister, 'yong Dragon Stone ba na sinasabi mo ay parang maliit na diamond na bato tapos umiilaw?"
"Yes. That's exactly it."
Napanganga naman ang babae at mukhang ngayon lang nito napagtanto ang ginawa. Napatampal ito sa noo habang bumubulong. Or more like, nagmumura.
"I think there has been a misunderstanding," she said, calm, hands gesturing like she was about to surrender. Lis just squinted his eyes as a reply, so she continued, "The other day. Morning around four, nagpunta ako sa Aena Capital para sa lingguhang gamutan ko. May sakit ako sa puso at ang tanging nakapagpapahupa lang sa mga atake ko ay ang spell ni Aniara. Hindi niya alam kung anong puwedeng maging lunas sa sakit ko o baka dalhin ko na 'to hanggang kamatayan, pero may lalaki akong nakasalubong kahapon. At ito ang nagbigay ng Dragon Stone mo sa akin."
"A guy?" Salubong ang mga kilay niya. "Black magician din ba siya?"
"Hindi ko alam kung anong klaseng magician siya dahil nababalutan ng sira-sirang tela ang suot niya. Hindi ko rin nakita nang buo ang mukha niya dahil may nakatakip rin na tela sa kaniyang buhok at bibig."
"And then what happened? Tell me in detail." Tapping his fingers on his lap, he tried to fight the urge of getting annoyed. How could this be? Mali ba ang nakita ni Yeyi?
"At ayon nga, sabi niya sa akin na alam niya raw na may sakit ako sa puso. At kapag ginamit ko raw 'yong nasa loob ng box na hawak niya, na ngayon ko lang din nalaman na Dragon Stone pala ang tawag do'n, gagaling daw ako," kuwento ni Aryl.
"Didn't you ask him for his name? Did he ask for a payment? And why would you accept things from strangers? Hindi ka naman siguro bata para tumanggap ng kung anu-ano sa mga taong 'di mo kilala," saad niya, halata na sa boses ang pagkairita. Sa kuwento pa lang ng babae, nakapagtataka na ang lalaki.
Sinamaan naman siya nito ng tingin. "I'm 400 years old, malamang hindi na ako bata. At para sa kaalaman mo, hindi ko tinanggap nang basta-basta ang offer niya. Ilang beses ko siyang inayawan pero ayaw niya akong tigilan," she paused for a while and heaved a sigh. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako na-tempt sa offer niya. Dala-dala ko na ang sakit kong 'to mula pa pagkabata at marami akong hindi magandang karanasan dahil dito. Kahit na alam ko na posibleng nagsisinungaling lang ang lalaki sa akin, ti—"
"Tinanggap mo pa rin? Because you thought that my Dragon Stone will heal you?"
"Hindi lang 'yon!" Pinanlisikan siya nito. "No'ng binanggit niya ang tungkol sa Heart of the Dissolving Flower, doon ako nakumbinsi."
"Heart of what?" He questioned. Imbes na malinawan siya ay lalo lang siyang nalito.
"May kuwento sa amin na kung sino man ang makukuha at gagamit ng Heart of the Dissolving Flower ay gagaling sa kahit ano mang sakit na mayroon siya," paliwanag ni Aryl na mabilis namang sinagot ni Lis ng tawa. Ngunit napatahimik din siya kaagad nang mapansin niya ang matatalim na tingin nito sa kaniya at nang may bigla rin siyang napagtanto.
The girl accepted his Dragon Stone just for a town folk's story. Childish and baseless. Why would accept something just because of a shallow story that didn't even provide facts? But Lis realized he was no different. Somehow at some point, he was able to sympathize with her. If he was in her position while being a dreamer and an ambitious person, he would probably accept it, too, if it meant having the possibility to get what he wanted.
"And my Dragon Stone is that Heart of the Dissolving Flower you're talking about?"
Tumango ito. "Walang hiningi na kapalit ang lalaki. Basta pagkatapos niyang ibigay sa 'kin ang box, kaagad siyang umalis. Wala dapat akong balak na galawin kung anong nasa loob ng box at titignan ko lang sana kaso nagulat na lang ako pagbukas ko, umilaw 'yong maliit na bato at pumasok sa dibdib ko."
Bumuntonghininga naman si Lis. Akala niya'y kapag nakita niya ang kumuha sa Dragon Stone niya ay madali niya itong mababawi pero mukhang matatagalan yata siya. This was the worst possible scenario. Why did she open it without using a protection spell?
As annoyed as he was, he couldn't get angrier at the woman. Hindi rin naman kasi nito alam kung paano gumagana ang Dragon Stone. It was a careless mistake.
"Hindi ko alam kung paano ko 'to matatanggal—"
"Hindi mo talaga 'yan matatanggal nang basta-basta. It needs conditions," saad niya at muling bumuntonghininga. Feeling resigned, his body needed some bed. He wanted to sleep.
"Ano?"
"There are two options." Tinaas niya sa ere ang isang daliri. "First, marriage. You have to marry me to—"
"Ano? Ayoko! Hindi! Hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo. Hindi nga kita kilala, e!" mabilis nitong sagot habang umiiling.
Lis just rolled his eyes. As if he wanted to get married with her, too. No way. Not in his entire life he dreamed of marrying someone. He didn't want to get bounded by marriage, be a husband to his future wife, and a father to his future children. His ambitions were way greater than that, he couldn't just bargain it for marriage and love. Just no.
"The second option is death. I need to kill you and you need to die," Lis said.
"Anong klaseng mga option 'yan! Parang wala namang matino. Wala na bang iba?"
The woman had a point. Wala talagang matino. Kahit na siya ay hindi gusto ang dalawang pagpipilian. But what could he do? He couldn't change it.
"None," Lis replied. "Marriage or death. Choose. Though I prefer you would choose the latter."
"No! Hindi! Hindi ako papayag na patayin mo 'ko."
"So, marriage it is?"
"Hindi rin."
He sighed. Just as he expected, it would end like this.
"Look, miss." Lis dropped his hands on the table between them. "You must make a decision. I really, really need my Dragon Stone back. Without that, I can't rule Mythria. So please, decide quick."
"Rule? You're not just an S-gene?"
"He's the next chief of our land," singit ni Aster na nakaupo sa tabi niya.
Hindi naman sumagot si Aryl ngunit kita niya sa mukha nito na nag-iisip na. Lumipas ang sampung minuto, hindi pa rin nagsalita ang babae. Nababagot na siya at hinihila na rin siya ng antok. Hindi pa niya nababawi ang tulog niya simula kahapon. Gusto na niyang pumikit.
Lis felt like the girl would not give him a reply, so he spoke instead. "Two days, Aryl. I'll give you two days. If you will not give me your decision, I'll be the one to choose. And to tell you in advance, I will choose the second." He looked at her, straight in the face. "I don't want to marry you either. So, if I'll be the one to choose, I will not hesitate to kill you."
Even if she was an A-gene. Even if she was one of the kinds that he wanted to co-exist with, he would not think twice to kill her. This was a different story. A different situation. Nakasalalay rito ang ambisyon niya. A little sacrifice for the sake of greater heights was a no big deal for him. He knew better how the words 'sacrifice' and 'risk' works in their world. And he would willingly sacrifice her.
"Don't worry. I will let you have a fair fight with me. We'll fight until one of us will no longer breath."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro