Kabanata 8
A CELL TO STAY IN
"FINALLY, makakakain na rin ako!" masiglang saad ni Lis habang nakasunod sa matanda. Kasalukuyan silang umaakyat sa hagdanan papunta sa Cell nito.
Cell ang tawag sa tahanan ng mga magician. Ito'y nakapaloob sa mga gusali. Inakyat nila ang gusali na katabi lang ng makipot na daan kanina at ngayon ay nasa ikatlong palapag na sila.
Bawat palapag ay may iilang mga Cell, depende ang dami nito sa laki at taas ng gusali. Tansya ni Lis ay mga nasa sampu ang mga Cell bawat palapag na inaakyat nila.
"Tanda—"
"Cortez, bata-ka."
"Lis na lang din po, 'di na ako bata, e." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Anong materyales po ba ginawa niyo bakit ganito ang mga gusali?"
"Ano sa tingin mo-ka?"
"Hmm. Maybe—uh—trees?" hula niya habang iniikot ang tingin sa paligid. He could hear faint voices from the buildings. Dead voices. Napahawak siya sa barandilya. Kakaiba ang tekstura nito sa hagdan. Malambot ito habang ang hagdan naman ay matigas.
"Tama ka," sagot nito nang makarating sila sa ikaapat na palapag. Nagtungo si Cortez sa ikalawang Cell. Mabilis silang sumunod.
Lis nodded. So, he was right. The trees used to make the buildings were huge, perennial trees. Kaya rin siguro wala siyang makitang mga higanteng puno rito. Ang hindi niya maintindihan kung bakit parang jelly ang anyo nito. Wala siyang makitang mga troso na nakakabit.
"Si Patriate ang bumuo sa mga gusali na ito gamit ang kaniyang spell."
"He made these alone?" gulat na tanong niya habang si Aster naman ay nakikinig lang sa kanila.
Sa pagkakaalam niya, kumukuha ng enerhiya ang mga magician sa kanilang katawan. At kung ikukumpara niya sa dami ng mga gusali ang katawan ng isang magician, kamatayan ang aabutin nito.
"Hindi ko alam. Wala pa ako no'ng nandito si Patriate sa Faegika-ka." Nagkibit-balikat ang matanda at inabot ang busol ng pinto. "Tuloy kayo-ka."
Lis exclaimed as he stepped his feet inside. Ang akala niya'y parang jelly rin ang mga kagamitan nila pero mali. Katulad lang ito sa mga gamitan nila sa Mythria. Lalo pa siyang namangha dahil ang mga pader sa loob ay hindi gawa sa jelly kundi mga kahoy. These were the voices he had heard earlier. The trees were invisible from the outside.
Malaki rin ang espasyo ng kuwarto. Sa kanan niya ay may nakahilirang dalawang pinto. Sa harapan nila ang salas at sa kaliwa naman mukhang daanan papuntang kusina.
"Umupo kayo-ka." Gamit ang tungkod, tinuro nito ang direksyon ng maliit na sofa. Kuminang ang dulo ng tungkod nito at naglikha ng pulang usok. Nang mawala na ang usok, doon lang naaninag ni Lis ang nadagdag na dalawang sofa sa tabi ng maliit na sofa kanina.
"Whoa!" Umupo na si Lis habang 'di pa rin mapigilan ang sariling maaliw. Marami siyang gustong itanong kay Cortez tungkol sa Faegika, at higit sa lahat, tungkol sa mga black magician.
"Cortez—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang ituro ni Cortez sa kanila ang tungkod nito. Kagaya kanina, may lumabas na pulang usok. Bahagya pa siyang nataranta dahil akala niya'y inatake sila ng matanda ngunit binago pala nito ang kanilang kasuotan.
"Wo-ho! Ang galing!" Itinaas niya pa ang dalawang braso upang makita ang suot niyang pulang balabal. Mahigpit ang kapit ng sleeve nito sa kaniyang braso. Sinuot niya ang hood na napakalaki na kayang ikubli ang buo niyang mukha.
"Thank you, Cortez," aniya.
"Thank you," saad din ni Aster.
Umupo si Cortez sa harapan nila at ngumiti. "S-genes. Ang lakas din naman ng loob niyong baliin ang treaty at pumunta rito-ka." Ang kaninang mukhang nakangiti ay napalitan ng pagtawa na para bang naaaliw sa kanila.
"Not to be rude, but why did you steal our things?" singit ni Aster.
"Oo nga, tanda. Paano nagkaroon ng kaibigan si Zeby na kagaya mong magnanakaw? At paano niyo kami nakita?" tanong niya rin bago inikot ang tingin sa paligid, nagbabakasakaling makakita siya ng pagkain.
"Pasensya na. Malikot lang talaga kamay ko," natatawa nitong sabi habang napapakamot sa sintido. "May utang ako kay Zebrion kaya naman hindi ko kayo kayang tanggihan. At para sa tanong mo kung paano ko kayo nakita, may spell ako para d'yan-ka."
So, they also address their power as spells, huh? Lis thought.
"Is there a possibility na hindi lang ikaw ang may ganiyang spell?"
"Oo naman."
Bumuntonghininga siya. Hindi rin pala epektibo ang pagiging invisible nila dahil may makakikita rin pala. Mukhang wala na silang ibang paraan kundi magpanggap na A-gene.
Lihim na napangiti si Lis sa naisip. Tama. Tama. Mas mainam na magpanggap silang A-gene at makihalubilo sa kanila.
Iisipin pa lang niyang makipag-usap siya sa kanila ay pumapalakpak na kaagad ang utak niya sa tuwa. Pero sandali . . .
"Tanda, bakit parang 'di ka man lang nagulat sa amin? I mean, it's not like you're used to seeing an S-gene like us." Katulad din ito ni Zeby na naging mabait sa kanila. Ang inaasahan pa naman niyang magiging reaksyon ng mga A-gene sa kanila ay gulat, pero 'di man lang niya nakitaan ng pangamba ang mukha nila. Imbes ay naaaliw pa.
Ngumisi si Cortez. "Hindi ito ang unang beses na may nakausap akong S-gene, bata-ka."
Napalaki ang kaniyang mga mata. "Are you trying to say that you met a S-gene before us?"
Tumango ang matanda. "Oo. Pero bata, kung iniisip mong okay lang na sabihin ang gene mo sa ibang mga magician, mag-isip ka uli. Hindi lahat ng magician ay kagaya ko. Siguro naman sinabihan kayo ni Zebrion tungkol sa ugali ng mga magician, 'di ba-ka?"
They value rules. Iyon ang sabi ni Zeby sa kanila. At kaagad niya namang nakuha ang nais na iparating ng matanda sa kanila.
"Hulihin at bitayin ang sinumang ibang mga gene ang magtangkang pumasok sa Faegika. Iyan ang patakarang ipinatupad ng bagong mayor," sabi nito.
Mabilis na napakunoot ang kaniyang noo. Magkasing lala pala ang parusa nila sa treaty. Kung ang paglabag sa treaty ay pagkakulong habang buhay, ang sa kanila naman ay kamatayan. Why would their mayor establish a rule like that?
"All right. I'll keep that in mind. Anyway, wala ba kayong pagkain, tanda? Gutom na ako, e," saad niya sabay hawak sa kaniyang tiyan.
"Bago 'yan, may dapat muna tayong pag-usapan." Binagsak nito ang dalawang kamay sa lamesang namamagitan sa kanila. "Likas sa aming mga magician ang sumunod at gumawa ng mga patakaran kaya naman may patakaran din ako sa inyo na dapat niyong sundin-ka."
"What is it?" sagot niya habang tinatapik nang paulit-ulit ang kaniyang paa sa sahig. Lis could care less. Gutom na gutom na talaga siya. Sinulyapan niya si Aster na tahimik lang sa kaniyang tabi at kahit na 'di magsalita ang kaibigan, alam niyang nagugutom na rin ito.
"Una, sasabihin niyo sa akin kung ano ang ipinunta niyo rito. Pangalawa, hindi kayo titira ng libre. Magtatrabaho kayo sa flower shop ko—"
"May shop ka pala, ba't ka pa nagnanakaw?" singit niya.
"Malikot nga kasi kamay ko. Pangatlo, 'wag na 'wag niyong isali ang mga sarili niyo sa kahit anong usapang maririnig niyo, malinaw ba-ka?"
Sabay silang tumango ni Aster.
Iyan din ang sinabi ni Zeby sa kanila. Ano bang mayroon sa mga usap-usapan dito? Gaano ba kadelikado ang mga tsismis dito na kailangan nilang ilayo ang sarili roon?
"Ngayon niyo sabihin sa akin kung bakit kayo nandito. Anong pakay niyo-ka?"
"I'm looking for a black magician. Hawak niya ang Dragon Stone ko at kailangan kong bawiin 'yon sa kaniya."
"Dragon Stone?" kunot-noong tanong nito.
Baka matagalan pa kung ipapaliwanag niya ang buong detalye kaya naman, "Sabihin na lang nating hawak ng Dragon Stone ang buhay ko. I am unstable. Kapag hindi ko nakuha iyon, hinding-hindi ako magiging stable ulit at baka ikamatay ko pa kapag ipipilit ko ang sariling gumamit ng mga spell na kakailanganin ang malaking enerhiya."
Halata pa rin sa mukha niya ang pagkalito pero tumango naman ito. "At sino naman itong kumuha sa Dragon Stone mo-ka?"
"A black magician. I don't know who, but it's a black magician."
Tumango naman si Cortez. "Bihira ka lang makakakita ng black magician pero baka matulungan ka ng kakilala ko-ka."
"Really? Who?" mabilis niyang tanong.
"Mamaya pa 'yon uuwi. Hintayin niyo na lang-ka." Tumayo na ito at naglakad papunta sa isa sa mga pintuan sa kaliwa. "Ang pagkain ay nasa kusina. Kumuha na lang kayo roon." Turo nito sa kabila at pumasok na ng kuwarto.
Mabilis siyang tumakbo papuntang kusina at naghanap ng makakain. Sumunod si Aster sa kaniya. Napatingin siya sa ibabaw ng sink kung saan naroroon ang maliit na kabinet na nilalagyan ng mga plato. Sa kanan niyon, may kabinet na kulay itim. Binuksan niya ito at halos magningning ang mga mata niya sa nakahilirang mga mansanas.
Kumuha siya ng isa, dalawa, tatlo—limang mansanas at umupo sa upuan na katabi lang ng lamesa. Si Aster naman, isa lang ang kinuha ngunit 'di ito umalis sa tabi ng kabinet.
"Hmm. Sweet." Wala pang sampung minuto ay naubos na niya kaagad ang lima. "This will taste better if only they have Vege Sal."
"I can make one."
Napalingon siya sa kaibigan na abalang kumuha ng mga sangkap na kakailangan sa paborito niyang vegetable salad. Nasa katabing kabinet ito ng kinuhanan nila ng mansanas kanina.
"Aster, you're one useful butler," puri niya habang naka-thumbs up pa.
Hanggang maggabi, nanatili lang sila sa loob ng Cell ni Cortez. Kahit gusto ni Lis na lumabas, pinili niya munang manatili sa loob at basahin ang libro na binigay ni Yeyi sa kaniya. Hindi naman siya nagsisi dahil marami siyang nalaman. Ang mga sinabi ni Zeby at Cortez patungkol sa mga ugali ng mga magician ay nakalagay rin sa libro. Pati na rin kung paano sila gumamit ng spell. Hindi na niya iniisa pa ang mga pangalan ng spells dahil sa sobrang dami nito. Hindi rin naman niya maaalala lahat. Nakasulat din doon ang mga nayon at bayan na mayroon ang Faegika. At ngayon nasa Riko Town sila.
Nilingon niya si Aster na natutulog na sa kama na ginawa ni Cortez kanina. Nasa bandang sulok ito, katabi ng pintuan papuntang labas. Ang kaniyang kama naman ay nasa kabilang bahagi.
Sinara na niya ang libro at napagpasyahang matulog na. Pagod na rin siya dahil wala pa siyang tulog simula no'ng tumakas sila papuntang Blizzard Region. Kumusta na kaya ang mama niya? Paniguradong nag-aapoy na ito sa galit. Hindi na siya magtataka kung pagbalik niya ay sunog na mansiyon ang sasalubong sa kaniya.
Pinikit na niya ang mga mata at hinayaan ang sariling makatulog.
HINDI alam ni Lis kung anong oras na nang bigla siyang magising dahil sa paninikip ng kaniyang puso. Mabilis siyang napabangon habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib. Katulad ang sakit ng naramdaman niya pagkarating nila sa mainland. A signal. Nasa malapit lang ang kaniyang Dragon Stone.
Napagpasyahan niyang lumabas. Sumalubong sa kaniya ang tahimik ng lugar. Tulog na yata ang lahat. Napasinghap siya nang makaramdam ng pamilyar na enerhiya. Katulad ito sa kaniya.
Gamit ang Aerial Spell, kaagad niyang hinanap kung saan nanggagaling ang enerhiya. Hindi siya puwedeng magkamali. It was his Dragon Stone. It was calling him.
With an escalating heartbeat, Lis knew he was almost near. Nagpunta siya sa town square. Sa gitna ang isang higanteng fountain na ang mga estruktura ay para pa ring mga jelly. Mabilis niyang hinanap kung saan nanggagaling ang pamilyar na enerhiya.
And there, he saw a lady.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro