Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

THE THIEF

GUTOM. Ang salitang kanina pa nagpabalik-balik sa isipan ni Lis. Umaga na at 'di pa sila nakapag-umagahan. Bigla niya tuloy naalala ang mga katulong niya. Ganitong oras siya dinadalhan ng umagahan.

"Hay!" Bagsak ang balikat niya habang naglalakad. Lalo lang siyang nagutom nang masulyapan niya ang isang tindahan na nagtitinda ng mga prutas.

"Nabanggit ba ni Zebrion kung anong magician si Cortez, master?" tanong ni Aster na naglalakad sa likuran niya.

"Hindi," sagot niya, ang mga mata ay nasa mga prutas pa rin. Tumigil siya sa paglalakad at lumapit doon. Inilapat niya ang kamay sa pader na parang jelly at natatakam na tinitigan ang mansanas na nasa loob.

"Master?" Naramdaman naman niyang lumapit din si Aster. "What are you doing?"

"Hindi ka ba nagugutom? Gutom na ako," reklamo niya. Sakto namang tumunog ang kaniyang tiyan.

"Ginusto mo 'to, 'di ba? Panindigan mo."

Mabilis naman niya itong sinimangutan, inirolyo ang mga mata at ibinalik ang tingin sa mansanas. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya makukuha 'yon. Kung bibili siya, 'di naman siya nagdala ng Meo (Rise's currency). Kung magpapakita naman siya baka gulo lang ang abutan nila.

E, kung nakawin na lang kaya niya?

Kaagad siyang napailing sa naisip. Hindi siya pinalaki ng magulang niya para magnakaw. How could he even think of that as an option? Hay! Epekto yata ng gutom.

'Sorry, Mama.'

"How long are you going to stay there? We need to find Cortez first," tawag ni Aster.

Nabuhayan naman siya sa naisip niya. Kung mahahanap nila ang lalaking nagngangalang Cortez, puwede siyang manghingi ng pagkain sa lalaki. Sana nga lang ay mabait itong Cortez. Sana. Sana. Sana. 'Di niya mapigilang magdasal. Gutom na gutom na talaga siya.

Napunta ang tingin ni Lis sa mga halamang nakaparada sa kaniyang paanan na kanina pa nagdadaldalan.

Three young Chrysanthemums. Rinig na rinig niya sa isipan ang mga usapan nila. Mukhang ang may-ari ng tindahan na ito ang may-ari din ng mga halaman.

"Hey, Flora!" bati niya. Pansin niya namang nagulat ang mga halaman dahil sa kanilang pagsinghap.

"S-sino iyon?"

"Hala! Rinig mo rin? Akala ko ako lang, e!"

Magtataka na sana siya dahil parang hindi siya nakikita ng mga halaman nang maalalang nakakubli nga pala sila. Muntik na niyang tampalin ang kaniyang noo sa katangahan.

"I'm in front of you. You can't see me though." Marahan niyang hinawakan ang maliit at gutay-gutay na hugis ng dahon sa isa sa mga Chrysanthemum. Nasa loob ito ng paso.

"Sino ka? P-paano mo kami nakakausap? Hindi ka magician, 'no?" humiyaw ito. Napangiwi naman si Lis sa tinis ng boses nito.

"What are you doing?" Aster asked.

Nilingon niya ang kaibigan. "I'm talking to them." Turo niya sa mga bulaklak at muling ibinalik ang atensyon sa kanila.

"Paano mo naman nasabi na hindi ako magician?" Pinitas niya ang isa sa mga dahon nito.

"Aw! Masakit 'yon ah!"

"Hindi naman kasi nakakapag-usap sa amin ang mga magician, e!" sagot no'ng isa na katabi lang ng bulaklak na kinuhanan niya ng dahon.

Mahina siyang tumawa. "Sorry. I'm Lisianthus. Lis will be fine. And yes, I'm not a magician."

"You are Lis?"

Bahagya siyang nagulat. "You know me?"

"Ano ka ba, Lis?"

"A dragon."

"Dragon!" muli itong humiyaw pero sa pagkakataong ito ay sila ng tatlo. "S-gene ka?"

"Yes. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa inyo pero medyo nagmamadali ako. Do any of you here know a man named Cortez?"

"Cortez? You mean the Mayor Cortez?" sabi ng Chrysanthemum na nasa kaliwa—ang kinuhanan niya kanina ng dahon.

"Wait! Baka naman hindi si Mayor Cortez. Baka si Captain Cortez!" saad ng nasa gitna.

"Hindi! Baka 'yong Cortez na ano, magnanakaw!"

"Wait!" Napakamot siya sa kaniyang buhok. Ano ba 'yan. Hindi man lang pumasok sa isip niya ang posibilidad na ito. Na maraming nagngangalang Cortez sa Faegika!

"Sino bang Cortez hinahanap mo, Lis?"

"Hindi ko rin alam, e. Puwede bang sabihin niyo na lang sa akin kung saan ko matatagpuan ang mga Cortez na sinasabi niyo?"

"Si Mayor Cortez ay nasa Aena Capital. Sampung kilometro ang layo mula rito sa Riko Town," paliwanag ng Chrysanthemum na nasa kanan.

"Si Captain Cortez naman nasa Cruno. Katabi lang ang lugar na ito sa capital."

"At si Cortez na magnanakaw—"

"Hindi siya magnanakaw! Malikot lang talaga ang kamay niya!"

"Magnanakaw pa rin 'yon!"

"Okay. Thank you, Flora," sagot niya. Tumayo na siya at tatalikod na sana nang may bigla siyang maalala.

"Aren't you curious of what flowers you can bear? I can show it to you right now, if you want me to," alok niya. "Thank you gift ko na rin sa inyo."

"Talaga?"

"Me! Me! Gusto ko!" sigaw ng nasa kanan.

"Ako rin! Excited na excited na ako lumaki!" sagot naman ng nasa gitna.

He smiled at their responses. "All right. Your wish will be granted immediately. Grow fast and wither beautifully, Flora."

A flicker of green light puffed out on his index as he snapped his fingers. It was only a second after he touched them and their growth escalated, helping them reached their peak as mature flowers. Their leaves and stem became bigger and taller. The young ones had become able to bloom the prettiest yellow Chrysanthemums he had seen. All in perfect circles.

"Wah! Ang ganda ko!"

"Mas maganda ako!"

"Thank you, Lis!"

Hindi na siya sumagot pa at naglakad na paalis. Sinabi niya kay Aster ang impormasyong nakalap sa mga bulaklak. Napagpasyahan nilang magtungo sa Aena Capital. Malakas ang kutob ni Lis na ang Mayor Cortez ang tinutukoy ni Zeby. Judging from how she told them, it looked like the Cortez was a big shot.

Lilipad na sana sila para mas madali silang makarating ngunit may biglang bumangga kay Aster. Napakunot ang kaniyang noo dahil umiwas naman si Aster pero bumangga pa rin ang matanda sa kaniya—mali. Binangga si Aster ng matanda. Hindi puwedeng magkamali si Lis dahil kitang-kita niya ang pangyayari.

"Papaano—" Nagtataka niyang sinundan ng tingin ang matandang nakasuot ng pulang balabal. May tungkod ito at uugod-ugod na sa paglalakad.

Nagkataon lang ba 'yon? Bakit pakiramdam niya'y nakikita sila ng matanda? Kahit 'di naman ito nakatingin sa kanila at naglalakad na palayo, iba pa rin ang pakiramdam niya.

He just shrugged and returned to face Aster. He was about to speak when Aster interrupted him with a confused look.

"Master!"

"What?"

"Our things. They are missing!" Aster's eyes shook in panic.

Tatawa na sana siya dahil minsan lang niya makitaan ng emosyon ang mukha ng kaibigan kung hindi lang dahil sa sinabi nito.

"Are you kidding me?" sigaw niya rin habang salubong ang mga kilay.

"No," sagot ni Aster pero sa pagkakataong ito, bumalik na sa pagiging boryo ang mukha nito.

He frowned. "Papaanong mawawala iyon, e, wala namang nakahahawak niyon bukod sa'yo?"

"I still have it not until that old man bumped me."

"What?" Mabilis na napalingon si Lis sa direksyon kung saan naglakad ang matanda. Nawala na ito.

"Nasaan na 'yon?" Nagpalinga-linga si Lis ngunit wala na ang matanda. Iniisa-isa niya pang tinitigan ang mga dumaan subalit 'di na niya talaga pa ito nakita.

"Aster, you search on the air. I'll stay here on land."

"Masusunod, master."

Kagaya ng inutos niya, kaagad na lumipad si Aster para maghanap. Siya naman ay nag-umpisa na rin. Lakad-takbo niyang sinundan ang daan kung saan huling nakita ang matanda. Pabalik-balik ang tingin niya sa kaliwa at kanan, nagbabakasaling nasa malapit lang ito. Imposible naman kasing nakalayo na ito dahil uugod-ugod at nahihirapan na itong maglakad.

"Nasaan na ba kasi iyon!" nanggigigil na sabi habang nakasilip sa isa sa mga tindahan.

Gutom na nga siya, nanakawan pa sila. Nakakainis! Kapag nakita niya ang matanda, hindi talaga siya magdadalawang-isip na patulan ito!

'Mama, I'm sorry. Alam kong tinuruan niyo po akong respetuhin ang mga matatanda pero napipikon na ako. Plus, I'm hungry!'

His reason didn't sound convincing. Pero wala na siyang panahong timbangin pa ang rason niya. Wala naman ang mama niya rito kaya 'di rin nito malalaman ang gagawin niya.

"Huh? Mukhang may bago na namang nabiktima si Cortez, ah!"

Mabilis pa sa alas kuwatro na napapreno si Lis sa paglalakad nang makuha ng kaniyang atensyon ang usapan ng mga halaman. Hindi niya alam kung anong klaseng mga halaman ito dahil medyo malayo ang pinanggalingan ng boses. Nahagip ng mata niya ang isang makipot na daanan na pinanggigitnaan ng dalawang matayog na gusali. Hindi siya nagdalawang-isip na pumasok doon at sinundan ang mga boses.

"Anong mga damit 'yan? Hindi naman ganiyan ang mga damit ng mga magician, ah!"

Palapit siya nang palapit, palakas din nang palakas ang mga boses. Madilim ang paligid kaya huminto muna siya ng ilang segundo hanggang sa luminaw ang paningin. Nang maaninag ang mga halaman at ang pigura ng isang magician, palihim niyang ginamit ang kaniyang Dissemination Spell. Ang spell na ito ay para sa komunikasyon. Naglabas ng napakanipis na sinulid na gawa sa mga patay na ugat ang mga daliri niya upang hanapin at puntahan ang taong nais niyang makakuha sa mensahe.

"Two of the tallest building. Hurry. I found him."

Napaliit ang mga mata ni Lis nang mapunta ang tingin ng matanda sa kaniya. Oo, nagsalubong ang kanilang mga tingin. In that moment, he was convinced that the magician could see them.

Inalis nito ang hood at doon niya lang naaninag ang kulubot nitong mukha. Hawak-hawak nito ang isa sa mga roba niya. Ngunit may napansin pa siyang isa. Matuwid na itong nakatayo, hindi kagaya kanina na para bang babagsak na sa tanda.

Kakaiba ang kutob niya rito.

"Give back our things," he ordered, but the old man just looked at him with confusion.

Right. He couldn't hear him. Akala niya'y maririnig siya nito dahil nagawa naman siya nitong makita.

'There's no point in talking then.'

Sinugod niya ang matanda. Hinanda niya ang kanang kamao at sinuntok ang mukha nito. As he expected, the old man effortlessly avoided his attack by bending his lower back.

Napangisi naman siya. Good. Now he could freely grab their things behind the old magician. Mabilis niyang hinila ang dalawang bag palayo sa matanda nang malampasan niya ito. Napahawak ang isang kamay niya sa lupa bilang suporta matapos siyang makalapag.

"Sino ka, bata-ka?"

"'Yan din ang gusto kong itanong sa 'yo!" sagot niya na para namang maririnig siya nito. Sinabit niya sa kaniyang mga balikat ang mga bag bago muling sumugod para kunin ang roba na hawak-hawak nito.

Inobserbahan ni Lis ang galaw nito nang bigla na lang nitong itinaas ang kaliwang kamay. Mahina siyang napasinghap nang may lumabas na tungkod doon.

"Whoops!" Hopping, force pulled him backward when the old man swung his staff, causing him to do a back flip. May lumabas na kumikinang at pulang-pula na usok mula roon. At hula niya'y hindi maganda ang maidudulot nito kung natamaan siya.

Magsasalita na sana siya nang marinig niya ulit ang mga halaman. Grasses, to be exact.

"Sinong kausap ni Cortez?"

"Ewan ko, nabaliw na yata."

He heard the name once again. The old man in front of him was Cortez.

He squinted his eyes. Posible kayang ito ang tinutukoy ni Zeby? But he was a thief! Imposible naman yatang magkaroon ng kaibigan si Zeby na magnanakaw. Pero wala rin namang sinabi si Zeby sa kanila na kaibigan niya ang nagngangalang Cortez.

Sa 'di maipaliwanag na dahilan, may kung anong bumabagabag kay Lis na tanungin ito. Kung kilala ba nito si Zeby. Kung siya ba ang Cortez na tinutukoy ng Ice Fae.

Napatingin siya sa kaniyang mga daliri nang maramdaman ang paggalaw ng mga sinulid. Ibig sabihin ay nakuha na ni Aster ang mensahe at pabalik na ito sa kanila.

Tinaas niya ang kamay hanggang sa dibdib at sinenyasan ang matanda na maghintay. Mukhang naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin dahil itinabi nito ang tungkod.

"Sino ka? Sino kayo? Anong ipinunta niyo rito-ka?" tanong nito. Napatingin sa itaas si Lis nang makarating si Aster. Sinenyasahan niya kaagad itong tanggalin ang Conceal.

Kahit na nalilito pa sa mga pangyayari, sinunod pa rin naman nito.

"I am an S-gene," sagot ni Lis sa matanda nang mawala ang spell.

Hindi naman nagulat ang matanda. "Alam ko. Ang tanong ko ay sino kayo?"

"I'm Lisianthus and this is my butler, Aster," pakilala niya at bahagyang yumuko. "And your name is Cortez, right?"

Doon na tumaas ang kilay ng matanda. "Papaano mo—"

"It's a secret. Let's just say I'm good at guessing." Naglakad siya palapit dito. Gustong-gusto niyang batukan ito ngunit pinigilan niya muna ang sarili dahil may dapat siyang unahing gawin. "By any chance, do you know an Ice Fae named Zebrion?"

Limang segundo. Sampu. Isang minuto at hindi pa rin sumagot ang matanda. Tinitigan lang siya nito. Hindi naman siya nagpatinag at tinitigan din ito pabalik. Two minutes had passed when the old man decided to end their staring competition.

He sighed. "Oo. Kilala ko siya-ka."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro