Kabanata 50: Wakas
100 years later
After the flower withered
"IRAYIS! Bumalik ka sabi rito!"
Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Violet nang makita ang isang bata na tumatakbo papalapit sa kanIya. A child who had the eyes of his father and the hair of her mother.
"Tita Violet!"
Kinarga niya ang tatlong taon na batang babae, si Irayis, ang pang-lima at bunso na anak nina Sephtis at Aryl.
"Hello there." Hinalikan niya ang pisngi nitong maumbok. May nginunguya ang bata at halatang pinapakain pa ito ni Aryl dahil sa kaning nakadikit sa pisngi.
Nakarating si Aryl sa kanila. Nasa salas sila ng mansiyon ng Royal Dragon Lineage, ang tahanan ng kaniyang mahal at minamahal.
"Ang aga pa, Aryl, pero mukhang stress ka na," biro niya habang nakatingin sa namumuong pawis sa noo nito.
"Sino ba naman kasing hindi mas-stress, kay aga-aga nalibot na namin ang buong mansiyon kakatakbo ni Irayis." May dala itong pagkain sa plato na hawak-hawak. "Bibisita ka na naman ba?"
Tumango siya at binigay ang bata kay Aryl.
"Hindi ka ba napapagod? Dito ka na lang kaya manatili, total araw-araw ka namang pumupunta rito."
"Hindi na. Mag-aalburoto na naman 'yon si Dad," sagot niya habang iniisip ang kaniyang ama na nasa A-district. Gusto niya nga ring manatili na lang dito pero ayaw siya nitong payagan.
Nagpaalam na siya kay Aryl at saka umakyat sa hagdanan. Nasa panglimang palapag ang destinasyon niya. Puwede naman siyang lumipad pero mas pinili niyang maglakad dahil ayaw niyang magmadali. Kahit gusto niya itong makita araw-araw, ayaw niyang maabutan muli ang lalaki na wala na namang malay.
Maybe, if she would walk slower, she might catch him waking up.
One hundred years had passed since the event happened. Isang daang taon na rin ang lumipas nang mawala si Lis sa kaniya. At isang daang taon na rin ang lumipas matapos niyang malaman mula kay Shio ang lahat ng ginawa ni Lis at kung ilang beses itong bumalik sa nakaraan para lang mailigtas siya at ang iba pa nitong mga kasamahan.
Nakita na niya ang pinto na napapalibutan ng mga halamang gumagapang. Isang malaking pinto na may simbolo ng Eteria. Pinihit niya pabukas ang busol, nagbabakasaling isang nakangiting mukha ng lalaki ang sasalubong sa kaniya ngunit hindi.
He was still asleep.
He had slept for too long that the plant had longed for him, surrounding the entire room, even his bed, and waiting for him to wake up. Despite the many kinds, the plant that bloomed the most was the Lisianthus flower.
The appearance of Lisianthus flowers resembled the beauty of the man sleeping in the bed. The roofless room allowed the sunlight's rays to shine, glowing and making his face the center of attraction.
Umupo si Violet sa kama at tipid na ngumiti. She touched some strands of his long, color-filled hair. Leaning in, she buried a kiss on his forehead.
"Hanggang kailan ka ba matutulog?" she whispered. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Ilang saglit pa ay pinisil niya mga pisngi ng lalaki. "Ang ganda mo talaga, Hibi."
Kahit papaano, nagpapasalamat siya dahil hindi tuluyang nawala si Lis sa kaniya.
One hundred years ago, when Lisianthus almost turned into sparkles of dust, Shio came. Habol-habol nito ang hininga habang dali-daling binuksan ang isang bag. Hinawakan nito ang kamay ni Lis upang ito ang magbukas ng kahon.
What was inside the box was a Dragon Stone.
Shio went back to the past, to that one particular time when Lis was almost crowned as chief. Shio took Lis' Dragon Stone from his father and brought it back to the present.
"I did an upgrade. I went back again in such a short period of time. Super risky kasi ngayon ko lang nakumpleto ang time-leaping invention ko. Buti na lang matalino ako at nag-work. Iba talaga 'pag top one ka!"
Violet smiled as she remembered the proud face of Shio. He was bragging that time but his face was full of tears of happiness.
When the Dragon Stone went inside Lis' heart again, some parts of his body that had been dissolved, returned. But he never woke up. And it had been one hundred years since then.
Bumukas ang pinto at inuluwa roon ang isang babaeng may suot-suot na laboratory coat, nakasalamin at nakangiti. Ngiting kagayang-kagaya ng ama.
"Hindi pa rin siya gumigising?" salubong ni Seraphina.
"Yeah."
Bumuntonghininga naman ito. "Sana naman gumising na siya. I want to see him wake up. I want to witness what Dad failed to see."
"I hope so." Hinaplos ni Violet ang pisngi ni Lis.
Just like her, Shio always visited the place to check on Lis, to see if he had woken up, so he could tell him that the treaty had been abolished.
But the time he had as a human failed him to keep visiting Lis. Shio died five years ago.
"Pahingi ulit ng strand ng buhok mo, Lolo." Kinuha nito ang gunting na nasa bulsa at ginupit ang dulo ng buhok nito.
Lolo ang tawag nito kay Lis kahit na mas matanda ang mukha nito sa lalaki. Ang lalaking may kagandahang hindi natatablan ng daloy ng oras.
"Baka makalbo mo na ang asawa ko."
"Kaunti lang naman to, e," sagot nito at pinasok sa maliit na Ziploc plastic bag.
Nagkuwentuhan pa sila nang matagal ni Seraphina bago mapagpasyahang lumabas na ng kuwarto. Muling hinalikan ni Violet si Lis sa noo at naglakad na rin palabas.
'I guess I need to wait for another day.'
Pinihit na ni Seraphina pabukas ang pinto at ito ang unang lumabas. Susunod na rin sana siya subalit may narinig siyang boses.
"Violet?"
Napako sa kinatatayuan si Violet. Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lang ba siya o narinig niya talaga ang boses na miss na miss na niyang pakinggan. Her favorite. His voice.
Napalingon din si Seraphina kaya doon siya nakasigurado na hindi lang siya ang nakarinig.
"Violet." Sa pangalawang pagkakataon, narinig niya itong magsalita.
Namuo ang luha sa mga mata niya habang dahan-dahang nilingon ang kama. Her tears fell as she saw Lis looking at her with eyes still drowsy. He was still laying on the bed, face looking confused, but it lit up when he saw her.
He lifted his hand, signaling her to come.
Mabilis siyang tumakbo at tinapon ang sarili sa lalaki. Niyakap niya ito nang mahigpit at siniksik ang mukha sa leeg. Naramdaman din niya ang mga braso nitong niyakap siya pabalik.
"Gising ka na. Gising ka na, Hibi!" She hugged him so tight as how she missed him.
"My quintessence." Lis stroked her hair. "D-did I sleep for too long? What happened? I thought I . . . was gone."
Humiwalay siya sa yakap at umupo sa gilid ng kama. Pinahid niya muna ang mga luha at inayos ang nagulo niyang damit.
"Shio, since when did you become a woman?"
Kung hindi lang siya umiiyak, siguro'y natawa na siya sa sinabi ni Lis. Nakatingin ito sa kanang bahagi kung saan naroroon si Seraphina na kanina pa nakatakip ang mga palad sa bibig at halatang gulat na gulat na makita ang gising na Lis.
"Hindi 'yan si Shio. It's his daughter," sagot niya nang mapansing hindi makapagsalita si Seraphina.
Napunta naman ulit ang tingin ni Lis sa kaniya. Tinulungan niya ang lalaking bumangon at isandal ang sarili sa headboard.
Nalilito ang mukha nito at halatang maraming katanungan. "A daughter?"
Pinaliwanag ni Violet lahat simula no'ng mawala ito. Bawat minuto habang nagkukuwento siya ay hindi niya mapigilang umiyak dahil hindi pa rin pumapasok sa isipan niya na gising na si Lis. Na nakakausap na niya ang lalaking kaisa-isa niyang minahal. Na nakatingin na ito sa kaniya at siya lang ang pinagmamasdan.
"Ah. He already passed away . . ." Bakas sa boses nito ang lungkot. Nakahawak ang kamay nito sa kaniya at hindi siya binitiwan kanina pa.
"Dad really, really wanted to see you. Pero dahil wala na siya, ako ang inatasan niyang sabihin ang kaniyang mensahe," saad ni Seraphina. Tumikhim pa ito bago magsalita ulit. "Congratulations! Your dream and mine finally came true! The Eteria is alive again because of you. If you're worried about the imprisoned people, don't worry, I already freed them. Sabi rin nila, thank you raw." May kinuha itong maliit na notebook sa coat at inabot kay Lis. "And here, he wants you to read it."
Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Lis. Napangiti rin si Violet habang pinagmamasdan ang lalaki. Na-miss niya ang mga ngiti nito. Ang palaging maaliwalas at masiglang mukha ng lalaki, ang palagi niyang mahal. Dati hiniling niya lang makita itong muli, pero ngayon, ito na.
Lis finally woke up.
He looked at her and their gaze met, both yearning for each other. Her heart escalated quick as Lis continued to stare at her without planning to break their eye contact.
"Sige, ako na lang bababa para sabihan silang gising na si Lis. Ayaw ko rin namang maging third wheel dito kaya ba-bye!" Kumaripas ng takbo paalis si Seraphina kaya silang dalawa na lang ang naiwan.
Hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa isa't isa.
Inabot ni Lis ang kaniyang pisngi. "I missed you."
"Ako rin. Na-miss din kita nang sobra." Napakagat siya sa pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na umiyak ulit.
"You didn't date another man while I was asleep, did you?" he said teasingly.
Kaagad naman siyang sumagot. "Of course not!"
Napatawa naman ito. Parang nayanig ang puso niya sa tuwa nang marinig ang tawa ng lalaki. Hinalikan nito ang tungki ng kaniyang ilong dahilan para makaramdam ng panginginit ang magkabila niyang pisngi.
"Lis, 'wag mo 'kong halikan. Baka 'di ako makapagpigil."
Napahalakhak naman ito. Napahawak pa ito sa kaniyang braso bilang suporta. Muli nitong binalik ang tingin sa kaniya habang inaalis ang mga luha sa gilid ng mata dahil sa katatawa.
"Tawang-tawa ka naman," komento niya at sinukbit sa tainga nito ang hibla ng buhok na tumatakip sa maganda nitong mukha.
Tumayo siya sa kama at nilahad ang kaniyang kamay. "Do you want to see the outside? For sure, matutuwa ka."
Inabot naman ni Lis ang kaniyang kamay at saka tumayo. Inayos nito ang puting robang suot bago naglakad. Ang buhok nito ay nagmistulang parang gown sa sobrang haba.
"Nasa labas ang pangarap mo."
Palabas na sila pero biglang tumigil si Lis sa paglalakad kaya napalingon siya.
"Nandito kasama ko ang isa ko pang pangarap."
"Ha?" Pinilig niya ang kaniyang ulo at napaisip. Napatayo naman siya nang matuwid nang mapagtantong siya pala ang tinutukoy ng lalaki. Hinapit nito ang kaniyang baywang dahilan para magkadikit ang kanilang katawan. "Hindi mo ba ako tatanungin?" makahulugan nitong saad.
Bahagya naman siyang natawa. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg ng lalaki bago magsalita.
"Hibi."
"Yes?"
Hinawakan niya ang magkabilang nitong pisngi. "Will you marry me?"
"Yes, my quintessence."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro