Kabanata 45
ALMOST BUT NOT TOO LATE
NAGISING si Lis na nakadena sa kuwarto kung saan naroroon ang kaniyang ama. Ginalaw niya ang kanyang mga kamay at laking gulat niya dahil sumunod ito sa nais niyang mangyari. Napayuko siya at tinignan ang situwasyon ng kaniyang katawan. Sunog na sunog ito.
He got back on his current timeline.
And now, he already remembered everything.
"Lis, my son," his father called out to him who was also chained beside him. "Goodness, you're awake. How are you feeling? Your wounds . . . does it hurts?"
Sunod-sunod ang mga tanong nito. He smiled to give him assurance. "I'm fine, Pa. I'm fine."
He had seen this scene coming, and so he didn't wait for his father to tell him about the chains and immediately cast his attack spell, Dagger. He freed himself from those chains. Pinakawalanan niya rin ang kaniyang ama. May bahid ng kalituhan ang mukha nito pero hindi ito nagsalita.
"Lis!"
"Shio," he muttered at the guy who is also chained on his left. He was caught on this timeline. Nilapitan niya ito at nilapat ang palad sa ulo ng lalaki. He glanced at the pink dot in the side of his hair. His eyes started to water as he realized what Shio did. "I'm sorry. It took a while for me to remember." Nanginig ang kaniyang mga labi habang sinasabi ang katagang iyon. "And . . . thank you. Thank you for coming here. You're from the future too, aren't you?"
Namuo ang mga luha sa mata ni Shio at isa-isa itong nagpatakan. "Yes. Yes." He nodded, repeatedly, thankful that he was able to remember everything. "I'm sorry, too. I'm sorry it took me a while to help you. I'm sorry I wasn't able to come with you in every timelines."
Pinakawalan niya ang lalaki at mabilis itong niyakap. Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa, singhigpit ng sakit na naranasan nila sa iba't ibang timeline.
"We are not going to waste this. Let's end this here," sabi niya bago humiwalay sa yakap.
Tumango naman ito at tinanggal ang salamin upang punasan ang mga luha sa mga mata.
"What are you two crying about? We don't have time for that!"
Nilingon niya ang kaniyang ama na halata sa mga mata ang pag-aalala. "I know, Pa. I know." He patted his shoulder. "Where is Doctor Lucatha? Is he responsible for chaining us?"
"Yes. He's now searching for Aryl."
Kaagad na napatingin si Shio at Lis sa isa't isa at sabay na napatango. To prevent Sephtis from self-destruction, the first thing he needed to do is not to let Aryl be killed.
He looked at his fingers and activated his Dissemination Spell.
"Master."
A rush of hope and relief filled his system as he heard Sephtis on the line. They were not yet too late.
"Sephtis, listen. Doctor Lucatha is the one with handcuffs on his hands. If you see him, do not fight him and run. Do not stay on the Nebula and runaway together with Aryl and his sister."
"To where?
"Go back to where we found her sister and stay there until Shio and Papa finds you."
He closed his Dissemination Spell and looked at his father's confused face.
"Bakit mo sila pinabalik sa loob? What if they'll meet the doctor?"
"No. They will not see each other," singit ni Shio. "We are on the first floor. And there are three hallways on this floor. Nasa kanang hallway ang tinahak ni Doctor Lucatha kaya kung pupunta sila sa laboratory, nasa second floor iyon, they need to cross the stairs which is nasa center ng hallway. If they are going to move now, maiiwasan nilang makita ang isa't isa."
"But the Z-genes will probably be stopping their way."
"Sephtis has an invisible spell."
"But that crazy doctor can sense him! Some other Z-genes as well!"
"That is why I want you both to go with them," he said. "Pumunta kayo ro'n at pakawalan niyo rin ang ibang experimented. Pagkatapos bumalik kayo sa Nebula. Alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit nanganganib ngayon ang buhay ni Aryl at ng bansa natin, but I swear . . ." Napakuyom ang kaniyang kamao. "I will defeat them this time. I will abolish that doctor and the treaty."
Huminga nang malalim ang kaniyang ama. "All right. Pero hindi ka ba sasama sa amin? What are you going to do?"
"I'm going to take this council down together with that doctor. After that, we will see each other in the Nebula, and we will leave this place together."
"With your current state? You can't do it!"
"I will not be alone." He looked at his father, determined. "I have a plan."
Muli itong bumuntonghininga. "Okay. But I need to tell you something."
"You don't have to. I already know, Pa," makahulugan niyang sagot dahilan para mapakunot ang noo ng ama.
Kahit na nagtataka ang mga mata nito, wala itong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Umalis na ito kasama si Shio.
Nagsimula na rin siyang gumalaw. Paika-ika siyang tumakbo palabas at pumasok sa kuwarto na may nakalagay na 'Keep Out' katapat lang kung saan sila kanina. Sinira niya ang pinto bago makapasok. Isa itong maliit na kuwarto na may malaking butas sa gitna. Bumaba siya sa hagdan na naroroon.
He saw this place only three times out of how many times he regressed. Ang naglalaman sa kuwartong ito ay mga Z-gene na naging palpak ang eksperimento. Today, he would put them to good use.
"Sino ka?" Salubong ng isang Z-gene nang makababa siya. Nakakulong ito sa isang malaking hawla at may kasama itong iba.
"I am Lis, an S-gene and I will be the one to take you out."
Lumapit siya roon upang lalong masilayan ang mga pagod at galit nilang mukha. Kitang-kita sa ekspresyon nito ang hirap na dinanas nila sa kamay ng mga scientist, ang pagnanais na gumanti sa nanakit sa kanila ay hindi maikubli sa higpit ng pagkakahawak nila sa metal na mga rehas.
Napangisi si Lis. "Let's put that anger in use, shall we?"
"What do you want us to do?"
"Gagawin namin ang lahat, pakawalan mo lang kami!" sigaw ng isang babae.
Kahit na naninikip ang kaniyang dibdib ay ginamit niya ang Dagger upang sirain ang hawla at mapakawalan sila.
They numbered almost a hundred.
"I want you to ruin the council. Drown this place with the sea."
"Pero mamatay rin kami kapag ginawa namin 'yon!"
"Who cares kung mamatay tayo? Gusto ko lang sakmalin ang mukha ng mga walanghiyang mga taong 'yon!" salungat ng isa.
"But we are unstable . . . I don't think we can do it," nakayukong sabi ng isang lalaki.
"It doesn't matter. You can still cast spells, and that is enough. Marami kayo. I have allies on the sea as well. They will rescue all of you." Wala na siyang panahon pa para hintayin ang sagot nila kaya tumalikod na siya. "You can choose to follow me or not. All I wanted is to wreak havoc in this place, and I know you all want that too. After all, you all grow up here being tortured. I don't think you want this place to go unpunished."
Umakyat na siya sa hagdan pero bahagya siyang nagulat nang biglang may humawak sa magkabilang braso niya at sinukbit sa mga balikat nito.
"Base sa mga sugat mo pati na ang kondisyon mo, I think ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang council ngayon," sabi ng isang Z-gene. "I'm Heron, by the way. And I'm going to follow you, Lis."
"The rest of us as well," sabi ng nasa kaliwang bahagi niya.
Sinuportahan ng dalawa ang kaniyang katawan. Lumipad ito dahilan para mapaangat din siya.
"Thank you." Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Hindi na nag-atubili si Lis na lingunin ang kaniyang likuran nang may marinig na mga pagsabog.
It was them. The failed and rejected Z-genes. Nagsimula na silang wasakin ang council. At sa bawat Z-gene na nakakasalubong nila ay inaatake ito ng mga Z-gene na sumunod sa kaniya.
"Where do you want to go?" Heron asked.
"To the exit. Straight ahead."
Binilisan pa nila ang paglipad. Habang papalapit sila ay pabilis nang pabilis din ang tibok ng kaniyang puso. He was not thrilled but nervous, afraid to make mistakes. Ayaw na niyang maulit pa ang dati.
Violet was not with him this time, so he prayed, hoping that she was safe together with her father. He wanted to see her okay, alive, and breathing. He doesn't want to see Violet dying in her arms anymore.
Not this time. He would surely gonna save his quintessence in this timeline.
Nang makarating sila sa exit at kung saan naroroon ang Nebula, naabutan nila roon ang nag-aaway na si Mayor Cortez at Doctor Lucatha.
Kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata si Violet. Nasaan ito?
"Mga kasamahan mo ba sila?" tanong ni Heron.
Tumango siya.
"Okay. We'll hold out the doctor for a while as you escape."
"Huh?" Napalingon siya kay Heron. "Wala akong sinabi na—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita ulit.
"We have the blood of an S-gene, right? I think we can do it."
"What? No, wait. That's not—" Hindi natapos ni Lis ang sasabihin nang bitiwan siya nang dalawa.
Napunta ang tingin ni Mayor Cortez at Doctor Lucatha nang bumagsak siya.
"You animal, nakatakas ka pa talaga!" singhal ng doktor subalit hindi niya ito nilingon.
Nakapokus ang kaniyang mga tingin kina Heron at ang kasamahan nito. Hindi nagustuhan ni Lis ang ipinahihiwatig ng mga ngiti ng dalawa at lalong hindi niya gusto ang binulong nito sa kaniya.
Nakita niya rin sa isang daanan na pabalik na sina Sephtis, Aryl, ang kapatid nito na kasama ang kaniyang ama, si Shio at ang ibang experimented.
"Oh! There you are! My Dragon Stone!" Susugod na sana ang doktor sa direksyon nila Aryl pero hinawakan ito ng dalawang Z-gene.
"What the hell are you doing?" gulat na saad ng doktor. Ginawa ng dalawang Z-gene itong tyansa na illipad ang doktor paitaas hanggang sa mawasak ang bubong at dumiretso sa second floor.
Napapikit na lang siya at sinenyasahan ang lahat na pumasok na sa Nebula. Pagtalikod niya, sakto ring may nakabangga siya.
Kumabog nang mabilis ang kaniyang puso nang makita ito.
"Violet!" tawag niya sa pangalan nito.
Nang makita nito ang kaniyang itsura ay mabilis itong napatakip sa bibig. "W-what happened to you—"
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil hinila na niya ito papasok sa Nebula. Nang makapasok na silang lahat, mabilis itong pinaandar ni Shio paalis. Hindi na nila pa nakita ang nangyari sa council pero alam ni Lis na nagkaroon ng malaking pagsabog. Mabilis niyang kinausap si Nativia sa pamamagitan ng kaniyang Dissemination Spell para iligtas ang ibang mga Z-gene.
"Isa na kaming depekto. Ibig sabihin din n'yon ay iilang taon na lang din ang nilalabi ng buhay namin kaya hindi na mahalaga kung mawala man kami ngayon din. At least we were able to meet an S-gene. It was our dream."
Napayakap siya nang mahigpit kay Violet habang inaalala ang mga huling sinabi ni Heron at ang kasama nito, si Kade. The two chose to self-destruct just so they could escape the place.
He was protected again.
Hinding-hindi niya kakalimutan ang ginawa ng dalawa para sa kanila.
"Lis, ang katawan mo." Humiwalay si Violet sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha. Napasinghap siya dahil sa sakit.
"Do I look terrible now?"
"Maganda ka pa rin pero walanghiya kung sino man ang may gawa nito sa 'yo!" Naluluha ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi habang pinakatitigan ang mukha ng babae. Pinaikot niya ito upang tingnan kung may sugat ba ang babae at mabilis siyang nakahinga nang maluwag dahil wala.
"Thank goodness, you're okay." Muli niya itong niyakap. Hindi niya pinansin ang hapdi sa katawan. Wala siyang paki sa sakit dahil ang mahalaga sa kaniya ngayon ay kasama niya ang babaeng minahal niya sa buong pahina ng kaniyang buhay.
He wondered before what was missing with his feeling, and today, he finally understood.
"Teka, Lis. You need to—"
He held her hand when she attempted to use her spell. "Do not take my emotions away from me anymore."
Napasimangot ito. "Anong gusto mo? Tiisin mo 'yang hapdi at sakit?"
He nodded. "Yes. I rather feel this pain."
Kumunot lang ang noo nito sa sinabi niya.
"Hold on tight!"
Napunta ang atensyon niya sa mga kasama nang biglang magsalita ang kaniyang ama. Nakabukas ang dalawang palad nito. Biglang lumiwanag ang mga mata nito at napalitan ng bughaw, sumunod do'n ang pagdaloy ng enerhiya papunta sa kamay ng kaniyang ama. Biglang umalog ang Nebula kaya napaupo siya sa sahig at ganoon din si Violet, ang iba naman ay napahawak sa dingding ng Nebula bilang suporta.
Biglang bumilis ang takbo ng Nebula na para bang may alon na tumutulak sa kanila. Nahuhulog ang ibang gamit sa bilis ng kanilang andar. Paakyat sila nang paakyat hanggang sa tuluyan nilang marating ang ibabaw. Iniluwa sila sa dalampasigan ng Cliff Sea.
Nasa teritoryo na sila ng Mythria, ang S-district.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro