Kabanata 41
THE MAYOR'S SIDE
"I SAID get out!"
Rinig mula sa labas ni Lis ang mga yabag ng mga paang halatang pinaghahanap sila. Hindi niya pinansin ang sinabi ng mayor at gumamit ng spell para putulin ang mga kadena.
"Dagger." He summoned the pointed sharp vines that could cut even steels. Nang maputol ang mga kadena, pinagbantaan din ni Lis ng isang matulis na vine sa leeg ang mayor kung sakaling mang atakihin siya nito. Ginamit niya rin ang pagkakataong ito para tanungin ulit ang mayor. "Tell me, mayor, what's the reason why you are chained in this room?"
Inirapan siya ng mayor. Tumayo muna ito at inayos ang suot nitong ube na balabal.
"The humans did it," sagot nito. Hinawakan nito ang matulis na ugat na nakatuon sa leeg. May liwanag na lumabas mula sa kamay ng nito at sa isang iglap, natunaw ang kaniyang mga ugat. "No need to do this to me."
Kumunot ang noo ni Lis. "Aren't humans powerless? How could they chain a powerful magician like you?"
"Oo nga," saad din ni Violet. "At saka ang demanding mo, ah. Kaya mo namang palayain sarili mo, ba't hinintay mo pa na si Lis gumawa para sa 'yo?"
Bmuntonghininga si Mayor Cortez. "Kids, you really don't know who's your messing with." Naglakad muna ito papuntang pintuan at sinilip ang labas, pagkatapos ay muli siyang nilingon. "Listen. They might not have attributes like us, but they are crazy. They are deceitful and selfish. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip nila, even now. Those chains . . ." Tinuro nito ang putol na kadena. "Those chains have an anti-spell, the reason why I can't get it off. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit gumana ang spell mo." Tiningnan nito si Lis. "I was locked here as a subject for this thing they called experiment. Being the leader means you are the strongest, so they want my gene for their experiments. They are trying to copy it and make a clone of myself."
"And you agreed?"
"I can't say no. They threaten me to use my daughter instead if I dare reject them." Malungkot nitong sinulyapan si Violet. Kita naman sa mukha ni Violet ang pagkagulat, hindi inasahan ang pinakawalan nito. "Kahit na ayaw ko rin ang mga nangyayari sa Faegika, wala akong magawa."
"Bakit hindi ka lumaban?" nakakuyom ang mga kamaong tanong ng anak.
"Hundred years ago, back when I became the mayor, I also became part of the council. That was the first time I witnessed the cruelty of the humans. I tried to fight them together with your father," patukoy nito sa ama ni Lis. "But we couldn't even touch the leader of the humans. He have these armors that I don't really understand. It's the same as the anti-spell but much stronger. Kahit anong gawing pag-atake namin, wala pa rin itong silbi. We've been defeated because of that thing they call technology. Many years have already past, and many human leaders have also sat on the position. But all of them are just the same. They are deceitful, selfish, and evil. They want nothing but self-gain."
"Are you saying that everytime you work in the council, you are being experimented and locked up here?"
Tumango ito.
Napuno ng katahimikan ang paligid nang walang magsalita sa kanila.
Umusbong ang galit ni Lis dahilan ng panginginig ng mga nakakuyom na kamao. All this time, everyone thought that the council was led by three leaders, but it was just the human, trying to be superior of all.
Napapikit siya upang pigilan ang galit na pilit kumakawala sa kaniya. Mataas pa naman ang tingin niya sa council. He even wanted to be apart of it. The reason being was his dream and the stories from his father every time he gets to come home. He listened intently to every story he told him about how big, powerful, and fun to work with other genes. But now, after hearing all of this from the mayor, after discovering how messed up the council they had, he couldn't believe those stories anymore.
His father lied to him. At ngayon mas naunawaan niya na.
Naunawaan na niya kung bakit palaging pagod ang ama sa tuwing umuuwi ito sa kanila. Naunawaan na niya kung bakit palagi na lang balot na balot ang katawan nito at ayaw nitong nahahawakan palagi. Ito rin siguro ang rason kung bakit hindi na nakauwi pa ang ama sa loob ng dalawang libong taon.
"Oh, spells . . ." he muttered in frustration.
"So, y-you didn't lock me up because you're ashamed of me?" Violet asked, pouting, her voice was full of hope.
"Of course not."
Pinagmasdan ni Lis na umiwas ng tingin si Violet sa ama at halatang nagpipigil na maiyak. Pinagkrus nito ang mga braso bago nagsalita. "You should've told me."
"The council will detect me if I say something about it. And they will get you away from me. I already lose your mother, ang tanga-tanga ko na kung hahayaan ko pang pati ikaw ay mawala sa akin. I don't want to repeat the same mistake I did."
"My mother? Did you love her?"
Nakikinig lang si Lis sa usapan ng dalawa habang kanina niya pa sinusubukang kontakin si Shio. Hindi niya mahagip ang lokasyon nito at lalong hindi ito sumasagot sa mensahe na binibigay niya.
Nasapo niya ang kaniyang ulo nang magsimula na naman itong sumakit. Minuto-minuto na lang talaga. Mababaliw siya kapag nagpatuloy pa ito.
"What are you doing? Let's go!" Isang kamay ang humawak sa braso ni Lis at hinila siya palabas.
Nanguna si Mayor Cortez at hila-hila silang dalawa ni Violet gamit ang magkabilang kamay.
"May sinakyan ba kayo papunta rito?"
"Yes," mahina niyang sagot at tinuro ang direksyon papunta sa Nebula. Nasa sahig ang kaniyang mga tingin habang napapailing dahil nangingitim ang gilid ng paningin niya.
Breathing heavily, he composed himself to not be shaken by his situation. Paulit-ulit niyang kinagat ang dila upang hindi siya makatulog. Hindi siya puwedeng mawalan ng malay. Hindi sa pagkakataong ito.
"Mayor, about my father. They did the same thing with my father, didn't they?" Kahit alam na niya ang sagot, gusto niyang marinig mula mismo sa bibig ng mayor.
"Yes."
Huminto ito sa paglalakad nang may makasalubong na Z-gene. Handa na rin siyang lumaban ngunit pinigilan siya ni Mayor Cortez.
"Stand back." Ito ang humarap sa mga Z-gene. Mga nasa sampu ang kalaban ngunit hindi man lang ito nagdalawang-isip na salubungin ang mga papalapit na Z-gene.
Mga kulay abo na likido ang rumagasa mula sa kamay nito. Mabilis kumilos ang mayor at isa-isa nitong pinagsusuntok sa mukha ang mga Z-gene. His swiftness reminded him how Cortez, the thief, moved. Tahimik at malinis. Sa isang iglap, nakahandusay na sa sahig ang mga Z-gene na kung hindi tunaw, sunog naman ang mukha.
"Your father is chained and locked in a room somewhere as well," sabi ni Cortez at muli silang hinila ni Violet.
Natigilan siya sa sinabi nito. "Ngayon? Nakakulong siya ngayon? Pero sabi nila umuwi na raw si Papa."
"What?" Nilingon siya ni Mayor Cortez at bakas sa mukha nito ang pagkataranta. "That's impossible! Your father is prohibited from exiting the council after he escaped more than a month ago."
"Then who—"
"It might not be Larius." Napahilamos sa mukha si Mayor Cortez na para bang may napagtanto. "Don't tell me they have completed the cloning already?"
Napalaki rin ang mga mata ni Lis. Magsasalita na sana siya nang may sunod-sunod na pagsabog sa ibabaw nila. Bumigay ang bubong dahilan para mapalayo sila sa isa't isa. Napatalon si Lis paatras habang ang dalawa naman ay nahiwalay sa kaniya.
Sa itaas ay may nakalutang na Z-gene. Nakatingin ito sa kaniya at nakataas ang kamay. Isang higanteng bola ng apoy ang binato ng lalaki dahilan para mapamura siya. Huli na para makapag-summon pa siya ng spell dahil natamaan na siya ng higanteng apoy. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang sariling tumilapon sa lakas ng pagsabog nito. Dinama niya ang hapdi ng naluluto niyang balat, nanunuot na para bang sinisipsip ang kaniyang buhay sa sakit.
"Argh!" Napadaing siya nang tumama ang kaniyang likuran sa isang pinto. Nasira ang pinto sa lakas ng pagkakabangga niya. Hindi na niya alam kung saan siya napunta.
Pilit niyang binuksan ang mga mata at kahit na nananakit ang buo niyang katawan, sinubukan niya pa ring tumayo.
Muli siyang bumagsak nang hindi kinaya ng kaniyang mga tuhod. Ilang beses niya pang sinubukan subalit ilang beses din siyang natumba.
"Shit!" Binagsak niya ang mga kamao sa sahig.
He was reminded of how helpless he was in the battle in Faegika that resulted to Cross' death.
'Am I repeating the same thing again?'
"Damn it—!" Napaubo siya at sumuka ng dugo. Mas doble ang dami nito sa nasuka niya kanina.
'Damn aftereffects! Damn this weak body of mine! Damn it!'
Napasigaw na lang si Lis dahil sa panliliit na nararamdaman. All his frustrations were slowly swallowing him whole. Sinambunutan niya ang sarili dahilan para malagas ang ilang hibla sa mga buhok. Ano nang gagawin niya? Anong uunahin niya? Pumunta sila rito para kunin ang kapatid ni Aryl at inasahan niya na rin ang ganitong mga pangyayari pero hindi niya naisip na posibleng maging ganito siya kahina. Idagdag pa ang mga nalaman niya.
"Lisianthus?"
Natigilan siya sa pagsigaw at pagsabunot nang marinig ang pamilyar na boses.
"Son?"
Napakurap siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang likuran.
Nanghina siya nang makita ang ama na nakakadena at parehas ang situwasyon kay Mayor Cortez kanina. Ang kaibahan nga lang ay wala itong damit pang-itaas, kitang-kita roon ang mga sugat at tahi na hindi pa gumagaling. Ang puti at mahaba nitong buhok na palaging nakatali, ngayon ay nakalugay at abot hanggang sahig.
Ang pagod na mukha ng kaniyang ama ay tinitigan siya nang buong pag-aalala. "Son, why are you here? And your . . ." Pilit nitong inaalis ang kadena nang makita ang kalagayan niya. "Oh spells, are you okay?"
Sunog ang buo niyang katawan pati na ang mukha. Sobrang hapdi na nais niyang gumulong sa sakit pero mas nasasaktan siya dahil hindi niya kayang tingnan ang situwasyon ng ama. Namuo ang mga luha sa mga mata niya.
"Fucking humans! What did they do to you?!" sigaw nito, puno ng galit ang boses nito. Nagpupumiglas ito, sinubukang lumikha ng spell ngunit hindi ito tumalab sa mga kadena.
"What did they do to you, Papa . . ." balik niyang tanong. Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Gumapang siya papalapit sa kaniyang ama. "I'll set you free."
With a weakening body, he tried to cast an attack spell, the same as he did to Mayor Cortez. Pero imbes na mga baging ang lumabas ay sumuka ulit siya ng dugo. Hindi siya tumigil at sinubukan ulit. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing gumagamit siya ng spell pero hindi niya iyon pinansin. Wala siyang ibang inisip sa pagkakataong iyon kundi iligtas ang ama.
"Lis, stop. You're killing yourself!"
Pilit siyang ngumiti. "It's fine, Papa. I've experienced life and death situation a lot of times. This is just nothing."
Nabuhayan si Lis nang makitang may nabuo siyang apat na matutulis na baging. Handa na siyang itira sa mga kadenang nakapaligid sa mga paa at kamay ng ama ngunit bigla itong nawala.
Napamura siya. His spell dispersed without him undoing it.
"Lis, leave me," pigil ng ama. "It's not me who you need to save. You need to go back to Mythria. The S-genes are in trouble."
Napaangat ang kaniyang tingin. Napalitan ng kaba ang puso niya nang maalala ang mga mukha ng kaniyang mga nasasakupan.
"Someone's in there having my appearance, Lis. Lucatha sent him to ruin the S-district."
Napalunok siya.
Nalilito na siya. Hindi na niya alam kung anong uunahin niya. Kung babalik siya sa Mythria, maabutan pa kaya niya? Bukod doon, magagawa niya kayang makaalis dito na ganito siya kahina?
"Leave now, my son. Umalis ka na habang hindi ka pa nakikita ng doktor. At ang may hawak ng Dragon Stone, nasaan siya? She is safe, right? Hindi mo kinuha sa kaniya ang stone, 'di ba? Wala siya rito, 'di ba?" sunod-sunod na tanong ng kaniyang ama. He was expecting him to say yes.
"I . . ." Nagdadalawang-isip siyang sumagot. Pakiramdam niya'y nakagawa siya ng isang maling desisyon. Maling-mali. "She's here."
Bumagsak ang balikat ng kaniyang ama at mariin na napapikit ngunit mabilis naman itong umiling at binalik ang pokus sa kaniya. "Just leave. Go back to Mythria. Do not let yourself and that woman be seen by Lucatha."
"Bakit, Pa? A-ano bang mayroon? Wala akong maintidihan sa sinasabi mo," desperado niyang tanong habang hindi pa rin matigil ang pagtulo ng mga luha.
Sasagot na sana ang kaniyang ama pero may narinig silang sigaw. Papalapit ito sa kanila dahilan para napalingon siya. Biglang nawala saglit ang kaniyang bisyon, kasabay n'yon ang mga salita ni Witheria sa kaniyang isipan.
'It's almost time, Lisianthus. Let's do this right this time. Remember, son.'
Bumalik ang kaniyang paningin at sumalubong sa kaniyang harapan ang tumatakbo na Shio, papalapit sa kaniya. May sinisigaw ito subalit nabingi siya hindi marinig ang sinasabi nito. Biglang umikot ang kaniyang paligid at doon niya lang napagtanto na bumagsak na pala ang kaniyang katawan sa sahig.
Tuluyan siyang nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro