Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 40

RETRIEVAL

NABATO si Lis at hindi maikurap ang mga mata. Nanginginig ang kamay niyang napapalibutan ng dugo. Ano ito? Ba't may dugo sa mga kamay niya? At bakit may babae siyang hawak-hawak sa mga braso?

"Violet?" Napaluhod siya. Inabot niya ang mukha nito. He could barely see her face because of the darkness.

"Violet, wake up." Marahan niyang tinapik ang pisngi ng babae ngunit hindi ito nagising. Nabalot ng yelo sa lamig ang balat nito. Ramdam din niya ang bigat ng katawan sa kaniyang mga braso.

Sunod-sunod ang pagtulo ng kaniyang pawis sa noo habang pilit pa ring pinagtagpi-tagpi ang pangyayari.

Wala siyang maintindihan. Hindi niya maintindihan ang ingay sa paligid niya. Hindi niya maintindihan ang lugar na tinatapakan niya na nagmukhang buhangin, pati na ang paligid niyang mas lalo pang dumidilim.

Hindi siya makahinga. Nasasakal siya.

"Violet, please, open your eyes." Mas dumoble ang bigat na nararamdaman niya dahil hindi sumasagot ang babae.

Magsasalita na sana siya ulit ngunit nakaramdam siya ng malagkit na likido, tumutulo mula sa likuran ng babae at inuulan ang kaniyang braso.

Natigilan siya.

"Violet?" Hindi niya napansin ang tumakas na luha sa kaniyang mga mata. A loud, screeching sound echoed inside his ears, causing him to slip Violet from his arms. Kasabay ng kaniyang pagbitiw ang pagkawala rin ng babae sa harapan niya. Napasabunot siya at pilit na inaalis sa isipan ang mga imaheng sunod-sunod na nagpakita sa kaniya.

'Stop. Stop. Stop. Stop.'

He didn't like it. He didn't like the frustration he felt as the strange images flashed inside his head, making him feel nauseous.

The tone of familiar laughs. The ambience. The people. He knew all of them yet the thing he didn't understood was the place. It was unpleasantly dark and deafening. Explosions were bombing his ears. Everything was slowly being destroyed.

Ano ba itong nais ipakita sa kaniya?

Tumayo siya at natatarantang kinapa ang paligid, nagbabakasaling may mahawakan. Walang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha pati na ang malalaking butil niya ng pawis.

May boses na biglang nagsalita. "Lis, hurry!"

"Hurry for what?!" he screamed. Throat a little dry, he tried to ease his frustration. Akala niya'y gagaan ang loob niya pero lalo lang pala itong lumala.

What was happening to him? Is it because of the aftereffects?

Sumagi naman sa isip niya si Luries.

"This must be his doing," habol-hininga niyang sabi. "Right, that must be it," he said, repeating the words countless times just so he could convince himself.

"Hibi!"

Muli siyang napaluhod nang marinig ang boses ni Violet. Parang sinuntok ang puso niya sa sakit. Hindi niya mapigil ang mga luha at mas lalong hindi niya alam kung bakit siya lumuluha.

Masakit. Nasasaktan siya. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang pinagpipiraso ang puso niya. Hindi siya makahinga. Nanghihina siya.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang sabi ngunit hindi niya mawari ang paghingi ng tawad at kung para kanino.

Nanginginig ang kaniyang mga labi habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang iyon. Nagsalin na ang kaniyang pawis at luha dahil sa walang tigil nitong pagbuhos. Kaunti na lang at mahihigit na niya ang buhok sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

"Master!" Isang malakas at mabigat na suntok ang tumama sa kaniyang pisngi dahilan para mapahiga siya sa sahig.

Nawalan siya ng malay.

Pagmulat niya, ang bubong ng laboratory ang sumalabong sa kaniya. Dali-dali siyang napabangon nang maalala si Violet. He immediately checked his hands but saw no blood.

"Master." Napalingon siya sa kaniyang kanan at nakita sina Sephtis at Aryl na alalang nakatingin sa kaniya.

"Anong nangyari? Nasaan si Violet? Si Luries nasaan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Dead." His butler motioned his head to the direction where Luries' body was.

Wala naman siya sa sariling tumango. "I see."

"Are you okay? You look paler than usual. And you should do something with your tears." Sephtis pointed at his face.

Napahawak naman siya sa kaniyang mukha at ngayon lang niya napansin na tuloy-tuloy pa rin pala ang pagtulo nito.

He wiped his tears and stood up. Kamuntikan na siyang matumba kaya inalalayan siya ni Sephtis.

"Lis!"

Napalingon siya sa tumatakbong si Shio at kararating lang. Napunta ang tingin niya sa sling bag nito. Hindi mawala ang pokus niya roon dahil ilang beses niya itong nakita sa mga imahe sa kaniyang isipan.

"Aryl, hurry. We need to find your sister. More Z-genes will be here any minute now," humihingal na saad ni Shio. Kahit na nagmamadali ay 'di niya makitaan ng pagkataranta ang mukha nito.

"There." Tinuro ni Aryl ang ikatlong pabilog na glass kaya tinungo nila 'yon.

Sa loob n'yon ay may isang babaeng lumulutang at walang malay. Aryl summoned her Black Axe and was ready to break the glass, but Shio stopped her.

"Wait. Huwag mo munang gawin 'yan." Naglakad si Shio sa paanan ng glass at may kinalikot itong mga button. May hinila itong malaking tubo bago pinindot ang pulang button katabi ng tubo. Pagkatapos, nagsilabasan doon ang tubig. Kasabay ng pagkaubos ng tubig ay ang pagbagsak din ng kapatid ni Aryl. Sinenyasahan ni Shio si Aryl na basagin na ang capsule na mabilis na sinunod ng babae.

Tinanggal ni Shio ang mga nakakabit sa katawan nitong nagmukhang mga baging.

Mabilis na nagising ang kapatid ni Aryl. Sunod-sunod ang paghinga nito matapos inalis ang mask na nakatakip sa bibig na para bang ilang buwan itong hindi nakatikim ng preskong hangin.

"Aria," saad ni Aryl.

Napaangat naman ang tingin ng babae. Namilog ang mga mata nito nang makilala kung sino ang kaharap. "Ate? Ate!"

Sinalubong kaagad ng yakap ni Aryl ang kapatid. Niyakap din siya nito pabalik.

"I'm sorry. Ngayon lang si ate."

Bahagyang napangiti si Lis habang nakatingin sa dalawa. Panay ang iyak nito kaya hinayaan na muna nila ang dalawa.

Umalis siya sa pagkakaakbay kay Sephtis at lumapit kay Shio.

"Have you seen Violet?"

Umiling ito. "Hindi mo ba siya kasama?"

"I lost her."

Sabay silang napatingin sa taas nang tumunog ang isang napakaingay na alarm. Sumunod ang pagpatay-sindi ng pulang ilaw na parang isang babala.

"They're here. We need to get out now!" Shio shouted.

"What about the other experimented?" pigil niya.

"Wala na tayong oras."

Nauna si Shio at wala silang nagawa kundi sumunod pababa.

"Wait," sabi niya dahilan para mapalingon ang apat sa kaniya. "Mauna na kayo sa Nebula. I need to find Violet."

"Sasama ako," sagot naman ni Shio at lumapit sa kaniya.

Nag-aalangan si Sephtis kung saan siya sasama kaya nagsalita siya.

"You three. Go back to the Nebula now. Let's see each other later." Tinaas ni Lis ang kaniyang kamay upang ipahiwatig ang kaniyang Dissemination Spell. "Talk to us if something happens."

Tumango naman si Sephtis at Aryl.

Naghiwalay na sila. They went to opposite directions. Patakbo si Lis na nakasunod kay Shio. May mga nakasalubong silang mga Z-gene kaya hindi nagdalawang-isip si Lis na labanan ang mga ito.

Kahit na parang nababasag ang katawan niya sa tuwing gumagamit siya ng spell ay ininda niya iyon.

They were all low-ranked kaya madali niya itong natalo.

"Dito tayo." Lumiko sila sa isang pasilyo. It was a dead end. Pero may pinindot si Shio sa gilid ng pader. Bumukas ang isang pinto na akala niya'y pader lang.

Pumasok na sila roon ngunit bago pa sila makapasok sa isa na namang kuwarto ay isang pagsabog ang pumagitna sa kanila.

"Shio!" Napapikit siya dahil sa alikabok. Pagtingin niya sa kaniyang harapan ay wala na si Shio.

"Shio!" Nagpalinga-linga siya ngunit hindi na niya nakita pa ang kasama. Bukod sa nasirang sahig, walang bakas ng lalaki ang nandoon.

Mabilis siyang napaatras nang may sumugod na naman sa kaniyang Z-gene.

"Intruder!" sigaw nito. Bawat suntok ay sinangga niya gamit ang mga braso. Mabibigat ang suntok nito kaya ramdam niya ang sakit.

He summoned his Rain of Thorns at tinira ito mula sa likod. Nang mapuruhan ito at matigil ang mga pag-atake, hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong makaganti ang lalaki at sinipa ang mukha nito.

Tumilapon ito sa gilid at nawalan ng malay.

Tatakbo na sana siya subalit bigla siyang napaubo. Napahawak ang isa niyang kamay sa tiyan habang ang isa naman ay nasa bibig. Natigilan siya nang makita sa kaniyang palad ang kulay pula na likido.

Napamura siya. Now, his coughing blood.

Sinawalang bahala niya muna iyon at tiningnan ang kuwarto na nasa harapan 'di kalayuan sa tinatayuan niya. Bahagya itong nakaawang. Nakarinig siya ng mga boses mula sa loob kaya pumasok siya roon.

"Bakit ka nandito?!" Isang sigaw ang sumalubong sa kaniya nang makapasok. Akala niya'y para sa kaniya ang mga salitang iyon ngunit hindi pala. Maliit lang ang kuwarto at walang kahit anong nakalagay sa paligid, ngunit sa pader ay may nakakadenang lalaki. May edad na ito dahil sa kulubot nitong mukha.

Saglit na napapikit si Lis nang magsimula na namang lumabas ang mga kakaibang imahe sa isipan. Pero mabilis itong nawala kaya napamulat siya ulit.

May kasamang babae na nakatayo sa gilid ang lalaking nakakadena. Parehas na nakatingin ang dalawa sa kaniya.

"Lis?" bungad ng babae. Kaagad itong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Mabilis niya rin itong niyakap pabalik habang dinadama ang init ng katawan nito.

'Thank goodness, she's alive. She is alive.'

A sigh of relief escaped from his mouth. Hindi niya maalis sa isipan ang nangyari kanina kaya naman kinabahan siya. Natatakot siya na baka isang Violet na walang malay at duguan ang maabutan niya.

"Magkakilala kayo ng anak ko?" Nagsalita ang lalaking nakakadena.

"Anak?" taka niyang tanong. Humiwalay siya sa yakap.

Tumango naman si Violet at tinuro ang lalaki. "He's my father."

"Ikaw ba ang nagdala sa anak ko rito?" salubong ang mga kilay na sigaw ng ama ni Violet.

"I'm Lis—"

"Alam ko. Alam kong ikaw ang anak ni Larius dahil magkamukha kayo. Sagutin mo 'ko, ba't mo dinala ang anak ko rito!"

Hindi niya pinansin ang tanong nito. Imbes ay lumapit at sinubukang tanggalin ang kadena sa mga paa at kamay. "Why are you chained?"

"Huwag mong pakawalan si ama," sabi ni Violet kaya nagtataka niya itong nilingon. "'Pag pinakawalan mo 'yan, sasakalin ka n'yan. Tingnan mo, galit na galit sa 'yo."

Binalik niya ang tingin kay Mayor Cortez at para na ngang kakainin siya nito sa sama ng tingin sa kaniya.

Sinalubong niya naman ang mga tingin nito. "I don't know why you are chained here, but you better explain about the kidnappings happening in Faegika."

Napakurap naman ito dahil sa sinabi niya. Kita niya ang gulat subalit mabilis ding bumalik sa dati ang ekspresyon. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo dinala ang anak ko rito? Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, manganganib ang buhay niya? For damn's sake, this is the council!" Bakas sa boses nito ang galit, at higit sa lahat, ang pagkataranta.

"What do you mean?" he asked, confused by his outburst.

"Father, don't talk to my future husband like that," singit naman ni Violet.

"Manahimik kang bata ka. Anong future husband pinagsasabi mo!" hindi makapaniwalang sigaw nito.

Hindi naman sumagot si Violet at pumamaywang.

Pabalik-balik ang tingin ni Lis sa dalawa dahil hindi niya inasahan ang magiging sagutan nito. He thought that Violet would be afraid of her father and would never have the courage to talk back at him but . . . they somewhat look close.

"Hindi ka magpapakasal sa isang S-gene, naiintindihan mo ba?"

"As if naman may magagawa ka. Bago mo 'ko pagsabihan, ba't 'di mo muna tanggalin ang sarili mo r'yan, helpless old man!"

"Violet!" sigaw ng kaniyang ama ngunit nag-make face lang ang babae.

Umirap naman ang ama. "Enough with that. I need you to get out of here now. Get my daughter out of here!" muling sabi ni Mayor Cortez. "Kayo pala ang dahilan kung bakit bigla na lang nagkagulo rito, you damn crazy kids! Dinamay mo pa ang anak ko!"

"But why are you chained here?" tanong niya ulit.

"Hindi na 'yon mahalaga. Lumabas na kayo rito ngayon din." Huminga ito nang malalim at seryoso siyang tiningnan. "If anything happens to my daughter, I'll kill you. Get out of here now. The humans are crazy people. You don't know what they are capable of doing, so please, leave now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro