Kabanata 39
THE BLACK MAGICIAN AND THE SUN DRAGON
KANINA pa napapamura si Aryl dahil sa dilim. Kinapakapa niya ang paligid, nagbabakasakaling may mahawakan ngunit wala.
"Pitiful gene you are."
Without a thought, she summoned her Black Axe after hearing Luries' voice. He was around. Even if she couldn't sense his energy, her instinct was telling her he was just near.
"Get out of the darkness and fight—" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin pero may lumipad na agad na bola ng apoy sa direksyon niya. Using the flat side of her axe, she deflected the attack and rushed to the direction where the fire ball came from.
She didn't mind the tight feeling while running in the dark and jumped, both of her hands holding the axe, she was ready to give Luries a blow.
"Conflagration Eigengrau!" As she cast her spell, the Black Axe released an overwhelming smoke resembling a fire. Using her full force, he landed the black axe to the standing Luries. Conflagration Eigengrau mirrored a sensitive bomb that once touched by the target, it would blow up.
Yumanig ang paligid at sumunod din ang pagsabog na nagmula sa kaniyang axe. The impact of her spell dominated the entire place, yet Luries was able to prevent himself from being cut and burned.
Gaano ba katigas ang katawan ng lalaki?
Tumama ang kaniyang palakol sa leeg nito subalit kaunting sugat lang ang nalikha niya. Ilang hibla ng buhok ng lalaki ang naputol dahilan para masama siya nitong tingnan. His red orbs tried to intimidate her, but she didn't bother flinching.
"You dare raise your power against me?"
Aryl pulled back as she saw how Luries arms turned into a burning fire. The darkness enveloped them, but the flame allowed her to see half the face of her enemy. Hindi pa siya nakakakurap, sinugod na siya nito at nagpakawala ng isang suntok. Sinangga niya iyon gamit ang kaniyang sandata subalit tumilapon siya dahil hindi niya nakayanan ang lakas.
Napadaing siya nang tumama ang kaniyang likuran sa matigas na pader.
Habol-habol niya ang hininga nang muli na naman siyang sinugod ni Luries kaya mabilis siyang tumayo at sinugod din ito.
Pinantayan niya ang bawat suntok nito sa kaniyang Black Axe. Naglikha ng matinis na tunog ang kanilang palitan ng lakas. Wala ni isa sa kanila ang balak na magpatinag.
Ang mga ugat sa kamay ni Aryl ay humuhulma na sa higpit ng hawak niya sa Black Axe.
Focus. The thing she always say to herself.
"Lacuna," bulong niya at sa isang iglap, nawala ang kaniyang Black Axe. A blow from Luries came, but a hole was created below her, swallowing her under. "Release!" Mula sa ilalim ay nahila siya papunta sa likuran ni Luries. Hinigit niya ang hininga habang nasa kamay na niyang muli ang Black Axe.
She cast once again her Conflagration Eigengrau as he slapped her double-headed axe to the head of Luries. Nagawa pa nitong lumingon subalit tumama na ang axe sa mukha nito at kasabay ng pagtama ang pagsabog din ng kaniyang spell.
The satisfaction Aryl felt as she watched Luries being blown away was immeasurable. Being a black magician who always undergoes training without meeting a real fight made her feel a sense of accomplishment now that she experienced what a real fight is.
She didn't realize she was already surrounded by black smoke as her emotion played a little on her head; her malice always showing up every time she fights.
The surrounding became a little lighter when Luries got blown away. Looking at his double-headed axe, there were no scratches made from the attack earlier. But then, she suddenly felt dizzy.
Nabitiwan niya ang kaniyang Black Axe habang sapo-sapo ang noo.
Muling umitim ang paligid nang mapaupo siya sa sahig.
'Anong nangyayari?'
Ilang beses siyang umiling dahil pakiramdam niya'y hinihila siya sa kadiliman. Natatakot siya na baka kapag pumikit siya ay hindi na siya magigising pa.
"Ate."
She flinched as she heard a familiar voice.
"Aria?" Mabilis na napaangat ang tingin niya at hindi nga siya nabigo.
Nasa harapan niya ang isang batang babae. Katulad ng kaniya ang buhok at ang kulay ng mga mata nito. Nakangiti sa kaniya ang bata dahilan para tumulo ang kaniyang mga luha.
"Aria!" Kaagad niyang tinungo ang direksyon ng nakababatang kapatid at niyakap ito nang mahigpit.
Ang pag-aasam na makitang muli ang kapatid ang naging dahilan upang 'di niya mapansin ang paligid niya.
"Aria, mabuti naman at okay ka." Tiningnan niya ang kabuuan ng kapatid kung may sugat ba ito. Hindi sumagot si Aria at nginitian lang siya.
"Ate." Tinaas nito ang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. Ngunit sa paghaplos nito ay wala siyang naramdaman. Kagaya na lang ng pagyakap niya kanina, hindi niya rin maramdaman ang init ng kapatid.
"Bakit mo 'ko hinayaang mawala?"
Napakurap si Aryl dahil sa tinanong nito. Napaatras siya habang hindi pa rin nawawala ang tingin sa mukha nito.
Aria didn't age.
Napaikot ang tingin niya sa paligid at nagulat siya nang nasa loob siya nang kanilang kuwarto. Sa Cell ni Cortez.
'Bakit ako nandito?'
Nasaan nga ba siya dapat ngayon? Pilit niyang inalala ang mga pangyayari pero walang lumalabas sa isipan niya. Bukod sa kaniyang kapatid ay wala na siyang maisip pang iba. Dahil sa malakas niyang pag-aasam, ito rin ang humila sa kaniya papalapit sa batang nasa harapan niya.
"Ate, ba't mo ba ako iniwan?"
"Sino ka?" tanong niya. The Aria she knew wouldn't say something like that.
That night, when her sister got kidnapped, it was her sister's decision to be left inside the cell. She wasn't even clingy to begin with. And to think that it had been five years, there should be a change in her physique.
"Ate." Humakbang papalapit ang bata dahilan para mapaatras si Aryl.
She summoned her Black Axe and was about to hit Aria, but she couldn't do it. The image of her sister stopped her from hurting the kid.
"Ate."
"Get away!"
Muling napahawak si Aryl sa kaniyang ulo nang bigla na naman itong kirot. Impit na sigaw ang kumawala sa kaniya, parang tinutusok ito ng karayom sa sakit. Nahihirapan siyang huminga.
Napaluhod siya at pilit na pinapakalma ang sarili subalit ayaw makinig ng kaniyang sarili. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso habang namumuo na rin ang pawis sa kaniyang noo.
Pamilyar ang pakiramdam na ito. Naranasan na niya ito nang ilang beses.
She was having an attack.
Paulit-ulit niyang sinuntok ang puso dahil sa sakit. Tumutulo na rin ang kaniyang mga luha dahil hindi niya maalala kung bakit siya napunta sa lugar na ito. Kung bakit may batang kamukha ng kaniyang kapatid at kung paano siya naipit sa ganitong situwasyon.
Something was missing. She needed to remember.
'Please, kahit kaunti lang. Hayaan mo akong makaalala.'
Habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha, nakaramdam siya ng init sa kaniyang braso. Nilingon niya iyon subalit wala siyang makita.
"Aryl."
Lights in the form of a circle filled the ground. Isang boses ng lalaki ang tumatawag sa kaniya. Paulit-ulit na para bang ginigising siya. Pamilyar ito. Narinig na niya ito nang ilang beses. Ang boses na isa sa mga gusto niyang pakinggan.
"Aryl." Isang malumanay na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang pisngi dahilan para makilala niya ang lalaki.
'Sephtis.'
As she remembered the man, her surroundings changed. Nahigit niya ang kaniyang hininga at napamulat na animo'y kagigising lang niya. Sumalubong sa kaniya ang mga pabilog na liwanag na nagsisilbing ilaw at ang mukha ng isang lalaki.
May bakas ng pag-aalala sa mukha nito habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang pisngi. Nakasandal siya sa braso ng lalaki.
"I'm glad you're awake."
Hindi pa nga siya nakakasagot ay mabilis na siya nitong niyakap.
"Anong nangyari?" tanong niya. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi nang maramdaman ang hininga ng lalaki sa kaniyang leeg.
Humiwalay naman ito sa pagkakayakap at magsasalita na sana ngunit bigla siyang may naalala kaya nagkasabay silang nagsalita.
"Luries."
"You were under his illusions." Tinulungan siya nitong makatayo. "He's there." Tinuro ni Sephtis 'di kalayuan sa kanila ang lalaking basag ang kaliwang mukha at sira-sira ang mga damit ngunit nagawa pa rin nitong tumayo at paulanan sila ng masamang tingin.
"Did the two of you fight?"
Sephtis nodded in response. Muli nitong hinawakan ang kaniyang pisngi. "Stay here and let me handle this."
A kiss landed on her forehead. Hindi siya nakasagot hanggang sa nagpunta ito sa harapan niya. Hindi niya makita si Luries dahil nakaharang ang likuran ni Sephtis.
"Fuck you, S-genes! Fuck you!" nangangalaiting sigaw ni Luries habang may lumalabas na dugo mula sa bibig nito. Mukhang napuruhan nga ito nang sobra. "I should be stronger than you!"
Luries charged into their direction. Handa na ring harapin ni Sephtis ang lalaki ngunit hinawakan niya ang braso nito.
Nilingon siya nito. "Aryl?"
"Ibigay mo siya sa akin."
Hindi na niya hinayaan pang makasagot ang lalaki at sinugod si Luries. The ball of lights from Sephtis followed her to give her a path as she approached Luries. Nagpalitan sila ng suntok gamit ang kaniyang palakol. Lahat ng atake nito ay nagagawa niyang tapatan. Dahil na rin sa pinsalang natanggap mula kay Sephtis ay naging mahina na ang mga galaw ni Luries.
Sinipa ni Aryl ang mukha nito at lilipad na sana pataas ngunit nagawa nitong hawakan ang kaniyang paa bago pa siya makalayo.
Hihilahin na siya nito pababa ngunit isang puting ilaw na hugis espada ang dumaan sa pulso ni Luries dahilan para maputol ang kamay na nakahawak sa kaniya.
"Don't touch her." Sephtis interferred.
Umalingawngaw ang sigaw ni Luries habang hawak-hawak ang naputol nitong kamay.
Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Aryl na makaatake ang lalaki at buong puwersa na hinampas ito ng kaniyang palakol. He didn't slice his head off and just made him lose his consciousness. She couldn't kill him. Hindi niya pa nagagawang pumatay kaya hindi niya kaya itong gawin sa lalaki.
Nang bumagsak ang katawan nito, naging maliwanag na rin ang paligid.
Nasa loob pa rin sila ng room. Nakapagtataka dahil walang pinsalang natamo ang paligid. The place they had earlier was also part of Luries' illusions.
"Are you okay?" Lumapit sa kaniya si Sephtis.
Tumango naman siya. "Salamat."
A smile formed across his lips, making her froze. Nabibilang pa lang kung ilang beses niyang nasilayan ang mga ngiti ng lalaki kaya hindi niya mapigilang matameme sa tuwing nakikita ito.
His dimples were showing, and she wanted to keep it only for her eyes to see. Kahit siya ay hindi niya inakalang may dimples pala ang lalaki.
It was rare yet the prettiest smile she had seen.
Napangiti rin siya at nagtangkang pipisilin ang pisngi nito nang biglang napunta ang tingin nito sa likuran niya.
"Bakit—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong hinapit ang kaniyang baywang kaya bigla rin tuloy siyang napayakap sa lalaki.
Sephtis hopped backward as he carried her. Isang bola ng apoy ang sumabog sa kinatatayuan nila kanina, buti na lang mabilis silang nakaalis.
Mukhang nagkamalay ulit si Luries.
"Thousand Light Years." Sephtis cast a familiar spell. Sunod-sunod na naglabasan ang mga ilaw na hugis espada sa paligid nila.
It was the spell he used when they first met. Pero sa pagkakataong ito, singliit ito ng mga bituin na makikita sa kalangitan. Sinadya iyon ng lalaki upang hindi magkaroon ng pinsala ang kuwarto at ang tangi lang na matatamaan ay ang kalaban nila.
Sephtis immediately released his spell, the direction of the swords followed the gesture of his hands. Papunta ito sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang lingunin pa ang nangyayari mula sa likod at pinikit na lang ang mga mata.
Mga daing mula kay Luries ang narinig ni Aryl bago tuluyang nawala ang spell ni Sephtis. Paglingon niya, butas-butas na ang katawan ng lalaki at kakaunti na lang sa parte nito ang kaya pang makilala.
Binitawan na siya ni Sephtis.
Maglalakad na sana siya pero bigla siyang nawalan ng balanse dahilan para mahigit niya ang damit nito. Nagulat din ito sa ginawa niya at hindi nakontrol ang lakas kaya buong puwersa siyang nahila papalapit. Sa lakas ng pagkakahila nito ay bahagyang naangat siya ng lalaki at nagkalapat ang kanilang mga labi.
They kissed.
It didn't even last a second, yet Aryl still felt the softness of Sephtis' lips.
Parehas silang dalawa na natigilan at napatitig sa isa't isa. Bigla siyang nataranta at lalayo na sana ngunit pinulupot ni Sephtis ang mga braso sa kaniyang katawan.
Pinagdikit nito ang kanilang mga noo. Ramdam niya ang hininga ni Sephtis na para bang inuutusan siyang halikan ang labi nito.
"You look so pretty when you fight," Sephtis said suddenly as he held her tighter.
Napalunok naman si Aryl. Hindi na magkamayaw ang puso niya. Wala na siyang sakit sa puso pero mukhang yaatakihin ata siya sa mga pinagsasabi nito.
"Ba't bigla ka naman—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa kaniyang mukha.
"You made me dream of something, Aryl." Hinalikan nito ang kaniyang pisngi. Bahagya itong lumayo sa kaniya at muli siyang tinitigan na para bang kinakabisa ang lahat ng kung anong mayroon sa mukha niya.
Nakakabaliw ang mga titig nito na siya rin mismo ay 'di magawang ialis ang tingin kay Sephtis.
He smiled once again and said, "Marry me when master gets to abolish the treaty."
Hindi na niya nagawa pang sumagot nang angkinin nito ang kaniyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro