Kabanata 38
ENCOUNTER
THE humans that checked on them had left. Magsasalita na sana si Lis pero naunahan siya ni Shio.
"We need to move fast. Dapat makapasok na tayo sa room kung saan naroroon ang mga experimented bago pa mawala ang bisa ng cloak," Shio reminded them. "The third checkpoint is the building of the council itself. Once the cloak loses its effect, you will be detected, and everyone will be notified. In short . . ." he paused and glanced at them. "We're committing a suicide."
Napalunok naman siya.
Nanguna si Shio sa paglalakad. May tatlong daanan sa kanilang harapan. Bawat sulok ay gawa sa metal na kagaya sa undergound ni Shio. Naglalaman ito ng mga butas at sa loob n'yon ay mga ilalaw.
"By the way, bakit hindi nakakapasok ang tubig sa loob?" tanong niya.
"It's because of the Elemental Dragon, Lubismin, if I could recall it right. She's one of the S-genes who helped build this council long ago."
Mabilis na napatingin si Lis at Aster sa isa't isa. Another information not known to him.
Hindi na siya sumagot pa at tahimik na sumunod sa lalaki. Mabilis ang kanilang paglakad. Sa bawat pasilyo na dinadaanan nila, may nakakasalubong silang mga guwardiya. Kapag binabati sila nito ay ginagaya lang din nila ang sinasabi ni Shio.
Habang patuloy sa paglalakad, napahawak si Violet sa kaniyang braso.
"Are you okay?" bulong niya.
Lumiko sila sa isang maliit na pasilyo. Madilim at tahimik at tanging mga yabag lang nila ang maririnig.
"I might see my father," sagot nito.
"Wait." Napatigil silang lahat nang biglang magsalita si Aryl. "I can feel a familiar energy here." Nilapat nito ang mga kamay sa pader. "Katulad ito sa kapatid ko."
"Because they are held captive there," sagot ni Shio.
Lumapit ito sa direksyon ni Aryl at nilapat din ang kamay. Ilang saglit pa ay umilaw ang parteng hinawakan nito. Bahagyang yumanig ang paligid at nagbago ang hugis ng pader. Gumuhit ang puting ilaw (na nagmumula sa pader) ng mga linya hanggang sa makabuo ito ng hugis ng isang pinto. Ilang saglit pa ay bigla itong gumalaw patagilid hanggang sa lumikha ng lagusan.
Sinenyasahan sila ni Shio na sumunod kaya pumasok na sila. May hagdanan sa loob. Mabilis nila itong inakyat at nang makatungtong sa ibabaw, napako sila sa kinatutuyuan.
"Oh spells . . ." he muttered. Hindi kayang humakbang ng isa niyang paa.
Malawak ang kuwarto subalit hindi niya maalis ang mga tingin sa malalaking bilog na gawa sa glass. Sa loob n'yon ay mga tubig na kumukulo at mga itim na parang mga lubid na nakakonekta sa nilalang na nasa loob.
"We are finally here. The room for the experimented," Shio said.
"Are they still alive?" Nanginginig ang mga paa niyang lumapit sa isa sa mga bilog. May lalaking walang malay sa loob. Nararamdaman niya ang maliit na enerhiya ng isang S-gene.
"Yes. The genes inside the circles are almost ready to be turned as a new being." Naglakad ito palayo sa kaniya at nagtungo kay Aryl. "Find your sister. Quick."
Siya naman ay nanatiling nakatingin sa mga bilog.
Napahigpit ang hawak niya sa glass nang bigla na lang naging malabo ang kaniyang bisyon. May pumapalit na mga imahe, hinihila ang kaniyang sariling mawalan ng malay kaya napailing siya upang alisin ito.
'Damn. What the hell is happening to me?'
Kahit anong pilit niyang alisin ito, lalo lang itong lumala. Pakiramdam niya'y nagiging totoo ang mga imahe. Ginugulo nito ang kaniyang reyalidad. Hindi niya mawari kung totoo pa ba ang nasa harapan niya o gawa-gawa lang ng kaniyang isipan. Umiikot ito sa kaniyang isipan, nadodoble, nagpabalik-balik at minsa'y nagtutugma dahilan para lalo siyang malito. Bakit pakiramdam niya'y nanggaling na siya rito? Bakit parang alam na niya ang tungkol sa lugar na ito?
"Lis!" Nabigla siya nang biglang may humablot sa kamay niya. Nilingon niya ito at nakita si Shio. Nahigit siya pabalik sa reyalidad. "You're breaking the glass."
"S-sorry." Mabilis niyang inalis ang kamay na nakahawak na pala sa glass. Napasapo siya sa kaniyang noo. "How are they made?"
"Z-genes are made through the process of gene editing. They interfere with the DNA sequences and add the gene of a human. Kung iisipin mo, wala namang benefits kapag dinagdag pa ang gene namin sa mga kagaya niyo pero hindi nagiging successful ang experiment kapag A-genes at S-genes lang ang pinagsama. Palagi itong pumapalya. Hindi kayang balansehin ng katawan ang mga enerhiya niyo kaya naman hinahaluan ito ng gene ng mga tao. Kumbaga, ito ang naging neutralizer." May tinuro ito sa likuran niya kaya napasunod ang tingin niya roon. May mga vials na nakalinya sa mahabang metal na lamesa. Iba't iba ang mga kulay nito na para bang nagpepresenta kung ano sila. "Those are S-gene vials. Dahil 'di magawang pasukin ng council ang teritoryo niyo, ginamit nila ang mga binigay na enerhiya ng mga S-gene na nabubuhay sa panahon nila Lubismin."
"What?" Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ni Shio. "Posible ba 'yon?"
"Those are the proofs."
"How come you know all of this?"
"Because I worked here before."
"No! That's not what I meant." Salubong naman ang kilay niyang tiningnan ang gawi ng lalaki. "Why do you know almost everything? Why are you so prepared? The Nebula and this cloak, how could you make them as if you know everything what will happen?"
Napataas ang boses niya kaya napatingin din ang tatlo sa gawi nila.
Napakamot naman sa ulo si Shio at 'di makatingin nang diretso sa kaniya. Para bang hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Master's right," Sephtis interferred and walked towards their direction. "I'm also suspicious of another thing. Nobody is around. If this place is of importance, why is no one guarding this place?"
"Yeah. Bakit parang ang bilis lang natin na nakapasok dito?" tanong din ni Violet.
"I don't know as well. Nagtataka rin ako," kibit-balikat na sagot ni Shio na mas lalong nagpakunot sa kaniyang noo.
"What do you mean?"
"Teka lang. Teka lang. Baka iniisip niyo pinagloloko ko kayo. Hindi, ah! Promise, mamatay pa ako ngayon din!" Tinaas nito ang dalawang kamay na para bang nangangako ito. "Seryoso ako nang sinabi ko na nagtataka ako kung bakit walang tao rito kaya sinabi ko kay Aryl na madaliin ang paghahanap sa kapatid niya dahil hindi maganda ang kutob ko."
Sasagot na sana siya subalit biglang sumigaw si Aryl.
"I found her!" Nasa dulong bahagi ang babae at medyo may kalayuan sa kanila.
Mabilis naman silang napatakbo sa direksyon nito ngunit bago pa sila nakarating ay bigla na lang nawala ang ilaw. Pagbukas ay may isang pigura na ang pumagitna sa kanila.
Napakuyom ang mga kamao ni Lis nang makaramdam ng pamilyar na presensya. Katulad na katulad ito no'ng nakalaban nila sa Faegika. Ang suot nito ay kulay itim at hapit na hapit sa katawan. Mapupula ang mga mata na animo'y kakainin sila kapag nakagawa sila ng isang maling galaw. The energy of a Phoenix lies on the man with red orbs. He had the gene of a Phoenix. His hair so long it reached the ground was painted with brown. The energy was so strong that it made Lis feel a little intimidated.
A high-ranked Z-gene.
"Aryl!" sigaw ni Sephtis sa kaniyang tabi pero mabilis niya itong hinawakan sa braso nang magtangkang lumapit sa lalaki.
Nasa kabilang bahagi si Aryl at nakalabas na rin ang palakol nito.
"Luries," Shio muttered.
"Inventor." The Z-gene's deep voice echoed, greeting Shio. Pinasadahan sila nito ng tingin bago nagsalita ulit, "I see. You finally showed who you are."
"Why are you here?" 'Di makapaniwalang tanong ni Shio. "You're not supposed to be here," dagdag pa nito pero sa pagkakataong ito ay pabulong niya itong sinabi.
"You didn't see this coming?" He chuckled. Tinuro nito ang sarili. "It's because of me. I never trusted you in the first place. You are suspicious right before you joined the council. Mas lalo lang dumoble ang pagdududa ko sa 'yo nang bigla ka na lang umalis."
Humalakhak naman si Shio. "Patawa ka talaga, Luries." Kanina lang natataranta ito pero mukha na itong baliw ngayon. "Ang dami mo pang sinasabi, ba't 'di mo na lang sabihin na naiinggit ka sa atensyon na binibigay ng council sa akin kahit na tao lang ako?"
Bigla namang nagdilim ang paningin ng Z-gene na nagngangalang Luries. It looked like Shio hit the bull's eye.
"You're not gonna be able to see the land once again, inventor. I'm going to finish you here together with your so-called assistants. I swear to that annoying face of yours!" Minuwestra nito ang kamay na para bang may hinagis sa kanila. Napalaki ang mga mata ni Lis nang biglang natanggal ang kanilang balabal, pati na rin kina Violet, Sephtis at Aryl.
"Pikon ka lang!" sagot naman ni Shio. Nais na matawa ni Lis pero 'di niya magawa dahil alam niyang hindi basta-basta ang kalaban na nasa harapan nila. Wala sa kaniya ang Dragon Stone kaya paniguradong hindi niya magagawang matalo ito.
For a moment, he felt terrible. But he refused to entertain those emotions and focused on how to protect his friends instead.
"Master."
Napalingon siya kay Sephtis.
"Leave this to me."
"Sorry to you, boy. It's not for you to decide," sabat ni Luries at muling tinaas ang kamay. "It's up to me." He snapped his finger, causing the light to turn off.
Wala kahit ni katiting na liwanag ang pumapalibot ngayon sa paligid ni Lis. Wala siyang makita.
He moved his hand to the left to hold Violet, but he couldn't touch anything. Wala rin siyang mahawakan sa kabila. Ang presensya ni Luries sa harapan niya ay tuluyan ding nawala.
"Violet?" Dumaloy ang kaniyang boses na parang alon sa kadiliman.
Walang sumagot.
Naglakad siya at kinapa-kapa ang paligid subalit wala siyang mahawakan. Nasaan na ang mga bilog na gawa sa glass?
Para siyang sinasakal ng kadiliman sa tuwing gumagalaw siya. He couldn't even see his hand as if he totally became blind. Napamura siya sa kaniyang isipan bago huminga nang malalim. It wasn't the right time to panic. He needed to focus.
Although he couldn't feel the main energy of Luries, the surroundings felt like traces. The spell used wasn't that of an S-gene but A-gene. Ito siguro ang isa pang abilidad ni Luries bukod sa pagkakaroon ng gene ng isang Phoenix. Kahit na hindi siya sigurado, malakas ang kutob niyang isa itong ilusyon.
Mas tumaas pa ang kutob niya nang magsimula na siyang makarinig ng boses mula sa kaniyang tainga. Mga boses na umiiyak at nagmamakaawa. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili, dinadaganan naman ito ng mga imaheng sunod-sunod na nagpakita sa kaniyang paningin.
Napalunok siya at nanginginig na yumuko.
He was holding a woman. A woman full of blood and barely breathing. She was a woman familiar to him. The only woman who brought him peace everytime she was around.
"Violet."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro