Kabanata 36
RISING CHAOS
HIS head felt like it wasn't in place. The heavy breath Lis poured out of his mouth were enough for him to feel a little—no—he was more than just sick.
Mabigat ang mga yabag niyang naglakad papuntang pinto. Tulog na ang mga kasama niya at napagpasyahan niyang lumabas. Sumalubong sa kaniya ang maingay na busina ng mga sasakyan at ang nakasisilaw na mga liwanag.
Marami pang tao ang abala sa ilalim ng madilim at malamig na gabi. Kahit gaano kaingay ang ibabaw, hindi niya marinig ang mga ito sa underground. Minsan napapaisip siya, paano kaya nagawa lahat iyon ni Shio? He was still nineteen, yet he had already done a lot of things.
He held the anti-detection device as he walked to where the direction of Eteria. Napaangat ang kaniyang tingin sa higanteng tarangkahan na nagtatakip sa wala nang buhay na puno. Hindi niya makita ang loob ngunit lumalabas sa kaniyang isipan ang imahe nito. Sumabay rin ang mga memoryang hindi niya kayang maipaliwanag, kung ito ba ay sa kaniya o gawa-gawa lang ng isipan niya.
Bakit pakiramdam niya'y may ginagawa siyang mali? Parang may hindi tama. Parang may nakaligtaan siya.
"What's missing?" Muli niyang nasapo ang noo habang naalala ang mukha ni Violet sa kaniyang memorya. Why was she crying? She said something to him, but he couldn't recall what it was, including Shio's.
Tumalikod na siya at napagpasyahang bumalik. Inalon ng hangin ang kaniyang maputlang rosas na may halong ubeng buhok. Handa na siyang maglakad paalis ngunit napatigil din.
Bumibigat ang kaniyang puso. Masakit. Naninikip. Sasabog ba ito o mapipiga?
Muli niyang pinagmasdan ang tarangkahan dahil pakiramdam niya'y tinatawag siya ng Eteria. It was as if asking him to make it alive again, but why would he do that?
He ought to steal life, not give it to them.
"Aw!" Napababa ang tingin ni Lis nang may bumangga sa kamay niya. Nabitiwan niya ang anti-detection device.
"Are you okay?" Lumuhod siya upang pantayan ang batang bumangga sa kaniya.
Puno ng pagkamanghang tiningnan siya ng bata. "Wow! Anghel! May pakpak po ba kayo?"
Natawa naman siya. Ginulo niya ang buhok ng batang lalaki at pinisil ang matabang mga pisngi. "Oo, mayroon."
"May powers din po kayo?"
Tumango siya.
"Wah! Talaga po? Puwede po ba ako humingi ng pabor?"
"Ano 'yon?"
"Kaya niyo po ba ilabas si Lolo sa loob?"
Natigilan siya nang ituro nito ang tarangkahan.
Ang ibig ba nitong sabihin ay isa ang pamilya nito sa nakakulong sa loob?
Napalunok siya at pilit na ngumiti. "Yup! Pero secret lang natin to, ha?"
Tumango naman ang bata na may matingkad na ngiti. Nagtaka siya dahil bigla nitong inangat ang hinliliit.
"What's that?" Turo niya.
"Pinky swear!" Ginalaw-galaw nito ang daliri na para bang sinesenyasan siyang gayahin ang ginawa nito. "Promise hindi ko sasabihin. Promise mo rin po sa 'kin, Kuya, na mailalabas mo si Lolo."
Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang kamay nito bago ginaya ang ginawa ng bata. Nagulat siya nang idinugtong nito ang hinliliit sa kaniya.
He couldn't help but form a genuine smile while looking at their hands. The tiny finger holding him allowed him to breath and forget for a moment the conflicted feeling he was carrying.
"Promise."
The smile of pure innocence from the little boy made Lis want to keep it. He wanted everyone to smile like that. But it would only be possible if the threats cease from existence.
Nagpaalam na ang bata habang siya naman ay pinulot ang anti-detection device. Bago pa niya ito nakuha, biglang lumiwanag ang kaniyang pulso.
Napalaki ang kanyang mga mata. It was a message from Pahima.
"Lis? Lis, can you hear me?"
"Yes. What is it?" Kabado niyang tanong. May nangyari kayang masama?
"Oh, thank goodness! I've been contacting you pero ayaw mo namang sumagot."
Napahilamos naman siya sa mukha nang mapagtanto ang ginawa. It was because of Shio's anti-detection device. Sa dami ng pinoproblema niya, nawala tuloy si Pahima sa iniisip niya. Patay talaga siya ni Cross nito.
"Sorry. It's because of Shio's device."
"You met Shio? That's great! Hindi ko na pala kailangang ipahanap siya sa inyo," Pahima said with a relief.
"Why?"
"Are you with him?"
"Not at this moment."
"Please be close to him all the time, Lis. He's a good human."
Ngumiti naman siya sa sinabi nito. "You know him?"
"Yes. I've meet him a few times. Anyway, hindi 'yan ang dahilan kung bakit ako tumawag," Pahima warned, "You need to stay on your guard all the time. I suggest you leave now."
"Huh? Bakit?" Naalarma siya sa sinabi nito.
"The Z-genes are coming to get you. They're hunting you, Lis. Kagagaling lang nila dito."
"What? Are you okay there?" Tumaas ang boses niya.
"I'm fine. They didn't do anything to me. Nagtataka nga rin ako pero parang may bago yatang inutos ang mga doktor. They're aiming at you, Lis."
"The doctors . . ." Lis paused. If he could connect the information he had from Pahima and Shio, Pahima had not known she was under the supervision of the council. Mukhang ang iilan na mga low-ranked Z-gene ay hindi pinaalam na ang mga doctor na nag-eksperimento sa kanila ay nasa ilalim ng council.
Napakuyom ang kaniyang mga kamao. Imbes na sabihin iyon kay Pahima ay nanatili siyang tahimik.
"Shio may have an anti-detection device, but it will not make you all invisible. The Z-genes will probably gonna search the whole area including Shio's undergound. You need to move now."
"All right. I understand. Thank you." The glowing green around his wrist perished as he said those. Pahima ended their call.
Inabot niya ang anti-detection device at mabilis na nagtungo pabalik sa underground. Ginising niya isa-isa sina Violet, Shio, Sephtis at Aryl. Nagtaka pa ang mga mukha nito.
"What's wrong, master?" Napapaos pa ang boses ng kaniyang butler.
Pumipikit pa ang mata ni Violet habang nakaupo sa couch ng salas. Si Aryl naman ay humihikab ngunit kaagad na natigilan sa sunod niyang sinabi.
"We're going to the council now."
"Talaga?!" Napatalon ito sa sabik.
He nodded.
"But why so sudden, master?" singit ni Septhis.
"I got a call from Pahima. She said the Z-genes are coming here. They're coming for us."
Mas mainam na pumunta na kaagad sila sa council ngayon. Bukod sa hinahabol sila, marami siyang katanungan na masasagot lang kapag nakarating na sila sa council. Kahit gusto niya pang manatili rito ng ilang araw dahil hindi niya pa nakikita ang ibang parte ng Bumon, wala na siyang oras.
"Paano tayo makakapunta roon? Hindi ba nasa ilalim ng dagat 'yon?" napapakamot sa pisngi na tanong ni Violet.
Sabay na napunta ang kanilang tingin sa nakangiting si Shio nang tumikhim ito. Gulat niyang tinitigan ang lalaki dahil handang-handa ito na animo'y inasahan na ang mangyayari. May dalawang bag itong dala. Ang isa ay nakasabit sa katawan habang ang isa ay mabilis na hinagis sa direksyon ni Sephtis.
Nagulat pa siya dahil wala naman siyang maalala na sinabi niya ang tungkol sa Invisible File ng kaniyang butler.
But, oh well, he might have already interviewed Sephtis.
"I know how to go there. I'm a former member of the council, after all," nakapamaywang nitong sabi. "I will be your guide."
Maliit ang binitiwan na hininga ni Lis. Natutuwa siya dahil nandito si Shio pero minsan gusto niya rin itong sapakin dahil parang tuwang-tuwa pa ito sa gagawin nila.
Napailing na lang din siya dahil nakita niya na naman ang sarili sa binata.
He was like that too.
Inutusan niya si Sephtis na ayusin ang mga gamit nila habang siya naman ay sumunod kay Shio sa isang lagusan. Nasa harapan niya ito at nakatalikod na naglalakad. Tinaas niya ang kamay upang ikumpara ang tangkad ng lalaki sa kaniyang memorya.
Halos magkasingtangkad lang sila.
He patted his head. "Tatangkad ka pa."
"Ha?" Lumingon naman ito sa kaniya nang may pagtataka. "Are you insulting my height?"
"Nope." Umiling siya at iniba ang usapan. "What's exactly the reason why you, humans, decided to create a new gene?"
"To be on top. To be powerful. To be the best. Ano pa ba?" sabi nito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Lumiko sila sa madilim na pasilyo.
"Alam ko na 'yan."
"Then bakit ka pa nagtanong?"
Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng hoodie. "I just feel like they have other motive."
Napatigil naman ito sa paglalakad at nilingon siya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa dilim. "Yes. You're right."
Muli itong tumalikod. May pinindot itong button sa gilid dahilan para bumukas ang tarangkahan sa harapan niya. Bahagyang yumanig ang tinatayuan nila dahil sa bigat ng tarangkahan. Nang makita ni Lis kung ano ang nasa loob, nagitla siya.
Isang kuwarto ang sumalubong sa kaniya. Sa gitna n'yon ay isang sasakyan na gawa sa metal. Pabilog ito at sampung beses ang laki sa kaniya.
"Say hi to one of my inventions," natutuwang saad ni Shio. Patalon-talon pa itong lumapit. "This is Nebula Soris. It's like a submarine pero ang nagpapatakbo nito ay enerhiya ng isang kagaya mo."
Kumunot naman ang noo niya. "Kagaya ko?"
"Because I made Nebula Soris specifically for this event." Ngumiti ito at tumingin sa likuran niya. Kumaway ito upang batiin ang mga dumating.
"Wow! Ano 'to?" manghang saad ni Violet at lumapit kay Shio.
Sa katawan ng Nebula Soris ay isang maliit at pabilog na pinto. Nagbukas ito sa pangunguna ni Shio. Sumunod ang tatlo habang siya naman ay naiwan sa labas, iniisip pa rin ang sinabi ng lalaki.
Anong ibig nitong sabihin?
"Lis! Dali na!" tawag ni Aryl kaya pumasok na rin siya.
Parang bahay lang ang loob ng Nebula Soris. May mga upuan, lamesa at iba pang mga muwebles. Umakyat sila sa ikalawang palapag at doon bumungad sa kanila ang tinawag ni Shio na control room. Makikita mula sa loob kung ano ang nasa labas. Nagmukhang lagusan ang tanawing nakikita niya sa labas at hula niya'y doon sila dadaan mayamaya.
May pinindot-pindot na kung anong mga button si Shio habang nagsasalita. His voice echoed as the man continued to explain things even though he couldn't understand anything.
"And here." Isang square na glass ang bumukas sa harapan ni Shio. Tinawag siya nito kaya lumapit naman siya.
"Ilapat mo lang kamay mo rito and then boom, gagalaw na kaagad si Nebula."
"You want me to transfer my energy here?"
He nodded. "If you still have lots of energy left." Napakamot ito sa ulo. Alam ni Shio ang kaniyang situwasyon dahil pati tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa Faegika ay naikuwento na niya. Ang dami kasing tanong, dada nang dada kaya hindi rin siya makahindi.
"Let me do it."
Napalingon sila sa nagsalitang si Sephtis.
"Ayon! Puwede! Sige, Kuya, chupi ka na. Si Sephtis na bahala," pagtataboy ni Shio sa kaniya.
Ngumiwi naman siya bago ito inirapan.
Pumagitna si Sephtis sa kanila at inilapat nito ang kamay sa malapad at manipis na metal. Dumaloy ang enerhiya sa mga kamay ni Sephtis. Napapikit pa siya nang kumidlat ito, nasilaw siya sa liwanag. Nagmukhang ugat na dumaloy nag enerhiya nito sa buong parte ng Nebula Soris.
"Nice!" Shio chirped. May pinindot na naman ito ngunit sa pagkakataong ito, nagsimula nang gumalaw ang Nebula. "This is the first time I'll be using this baby. And this will also be the first time we will be taking this route."
"Hindi ba ito ang daan na ginagamit mo papuntang council dati?" tanong ni Violet.
"Nope. Sila ang kumukuha sa 'kin actually."
The Nebula Soris growled, initiating its movement. Naging madilim ang paligid nang dahan-dahan na silang pumasok sa lagusan. Walang nagsalita sa kanila at tanging ang ingay lang ng nagsasanggang metal ang maririnig. Palakas nang palakas ang takbo nito na animo'y tinutulak sila papalapit sa kanilang kamatayan kaya napakapit si Lis sa dingding ng Nebula habang hindi inaalis ang tingin sa unahan.
Nang makita niya ang maliit na liwanag sa dulo, isang nagraragasang tubig ang kumain sa kanila. Napatakip siya sa mukha dahil akala niya'y makakapasok ang tubig. Muntik na niyang makalimutan na may glass pala na nakapalibot.
"W-whoa . . ."
Sounds of amazements echoed around the area as they glanced at the glass wall. Nakalabas na sila sa lagusan. The solemn, dark water covered the Nebula Soris as it continued to move forward.
They were already under the ocean.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro