Kabanata 34
A LETTER
JUST like Shio's underground house, there were stairs pointing down and leading them to the facility. Masikip ang daanan at ang ilaw ay hindi kasing liwanag sa bahay ni Shio. Walang maririnig na ingay kundi ang kanilang mga yabag lang, ngunit habang papalapit sila sa kanilang destinasyon, may naaamoy siyang masangsang.
Napatakip siya sa kaniyang ilong.
"Ba't ang baho?" komento ni Violet habang ginawang pamaypay ang kamay.
Ganoon din ang ginawa ni Shio bago sumagot. "Basta po. Malalaman niyo rin."
Their voices echoed across the narrow tunnel. When they reached a certain distance, three more tunnels had appeared. Lis flinched when he heard shouting voices on the right. It sounded like they were begging.
Hindi niya namalayan na naglakad na pala siya patungo roon.
"Teka lang po. Sa huli ko na dapat ipapakita 'to sa inyo, e." Napakamot si Shio sa kaniyang buhok habang sumusunod sa kaniya.
Habang papalapit siya, ang masangsang na amoy ay mas lalong sumusuot sa kailaliman ng kaniyang ilong. Sumalubong sa kaniya ang isang pinto na parang rehas. Binuksan niya kaagad ito upang makita ang nasa loob at kamuntikan nang mahulog ang kaniyang puso.
Isa itong kulungan. Isang napakalaking kulungan ng mga tao na nasa iba't ibang edad. Ngunit kahit malaki, masikip itong tingnan sa dami ng nakakulong. Lahat ng mga nasa loob ay buto't balat ang mga katawan, sira-sira ang mga damit at pagod ang mga mukha.
Umusbong ang kaniyang galit at mabilis na nilingon si Shio. Hinila niya ang kuwelyo nito at salubong ang mga kilay na tiningnan ang lalaki.
"What is the meaning of this? Ikaw ba ang may gawa nito?"
"Whoa! Teka lang po, Kuya Lis. Hindi ako ang may gawa niyan. The council did," mabilis nitong depensa.
Inalis niya naman ang pagkakahawak ngunit 'di pa rin nawawala ang tingin.
"The H-district is supervised by the council itself kaya lahat ng kagustuhan nito ay nagagawa nito rito." Tinuro nito ang mga kulungan. "These people, most of them committed a crime. Those who are judged in life sentence are thrown inside these cells. Pero hindi lang mga criminal ang nandito." Tumahimik muna ito ng isang saglit at umiwas ng tingin. Tumikhim ito bago siya nilingon, pilit ipinapakita ang masigla nitong mukha. "The elderly who had been abandoned by their children are also here. Those who are deemed useless, nilalagay rin dito. And even those kids na dapat ay nasa mga orphanage ay nandito. Kung tinatanong niyo kung bakit?" Naglakad ito papalapit sa isang rehas na may mga maliliit na bata. "It's slavery and human experimentation." May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inabot sa bata.
"Wow! Candy. Thank you po." Mabilis iyong inabot ng isang batang umitim na sa dumi ang damit.
Hindi niya kayang tingnan ang mga taong nakakulong. Ang masangsang na amoy ay nanggaling sa kanila, ngunit hindi niya magawang takpan ang kaniyang ilong dahil mas nanguna ang sakit sa kaniyang puso.
"H-how could you do this to your people?"
Nilingon siya ni Shio. "Do you think I wanted this? Wala pa ako, may nangyayari nang ganito. Even if I wanted change, I can't do it alone. Alam kong alam mo 'yon, Lis."
"Tulong! Hijo, tulungan mo ako makalabas rito." Napunta ang kaniyang tingin sa baba nang may humawak sa kaniyang kamay.
Isang matandang babae na luhaan ang mga mata.
"Iyong anak ko, kailangan pa ako ng anak ko," pagmamakaawa nito habang mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay.
"She's Aling Yett, ang anak niyang nag-doctor ang naglagay sa kaniya rito pero tingnan mo naniniwala pa rin siyang kailangan siya ng walang kuwenta niyang anak."
He gritted his teeth as he heard those words from Shio.
'What an ungrateful child.'
Lumuhod siya at inalis ang mga luha ng matanda sa mata. "Please, don't cry. Your child is unworthy of your tears."
"Shio, wala bang nagbabantay rito?" tanong ni Aryl.
"Nope. May pumupunta lang dito kapag mangangailangan na naman sila ng subject." Pumagitna si Shio sa kanila at inalis nito ang kamay ng matanda na nakahawak sa kaniya. "Huwag po kayo mag-alala, Aling Yett. Ilalabas po namin kayo soon. Tapos 'pag nangyari 'yon, dadalhin ko anak niyo sa inyo. Tapos suntukin niyo po, ah? Gulpuhin niyo tapos ingudngod niyo ang mukha sa lupa."
"Shio, ayan ka na namang bata ka. Mana ka talaga sa ama mo," sagot ng matanda na ikinatawa ni Shio.
"Shio, kumusta naman ang mga nasa ibabaw?" sambit ng isa.
"Ayon po, wala pa ring pinagbago."
"Kuya Shio, magdala ka ulit ng candy bukas, ha?"
"Oo naman."
Pinagmasdan ni Lis si Shio. Mukhang malapit ito sa mga taong nandito. Base sa mukha nito at sa kung paano ito itrato ng mga nakakulong, mukhang palaging pumupunta ito rito.
"Shio, sila ba ang sinasabing mong dadating at tutulong sa atin?"
"Opo. Ito na po sila," masigla nitong sabi at patalon na tumayo. "Ssh lang kayo, ha? Ito si Lis, isa po siyang S-gene at siya ang susunod na magiging leader ng S-district."
"Whoa! S-gene ka? So may kapangyarihan ka?" sabi ng lalaki sa kabilang kulungan.
"Ah. I guess?" Napakamot siya sa kaniyang ulo.
Hindi siya sanay na tawagin ang kanilang biyayang mga attribute na kapangyarihan.
"Iyon naman si—"
"I'm Sephtis. The master's butler," pakilala nito at bahagyang yumuko.
"I'm Violet. I'm a magician."
"I'm Aryl. Magician din."
"Pa-sample naman po ng magic trick mga ate!" sigaw ng bata na binigyan ni Shio ng candy kanina. May malaking peklat ito sa mukha.
"Magic trick?" sabay na tanong ng dalawang babae.
Napatawa naman si Shio. "Mamaya na kayo mag-request 'pag nailabas na namin kayo, ha? May dapat pa kaming gawin, e."
"Aalis na kayo?" malungkot nitong tanong.
"Shio, please baguhin mo ang lugar na ito," sabi ng isang lalaking kakalapit lang sa rehas ng selda at may katandaan na. Ang mga mukha ng lahat ay puno ng pag-aasam kay Shio. Hindi kalayaan ang hinahagad nila kundi pagbabago.
Pagbabago sa lugar nilang nabubulok na.
"I will."
Tuluyan na silang lumabas at hindi mapigilan ni Lis na mapangiti. Binigyan niya ng isang tapik sa likuran si Shio kaya napalingon naman ito sa kaniya.
"You're already carrying a huge burden at 19. You're making me proud at some point, kid."
"Heh. Ako pa." He scratched his nape as if he was shy. "Tutulungan mo naman po ako, 'di ba?"
"I guess I don't have a choice."
Lis couldn't ignore the problem. He couldn't just abolish the treaty while letting this continue. Hindi siya makapapayag na magpatuloy ito lalo na't isa ang distrito na ito sa gusto niyang makasalamuha. He wanted freedom for everyone. And freedom for him is security and happiness. Ayaw niyang may nagdudusa habang sila naman ay nagpapakasaya.
Napahinga siya nang malalim dahil sa naisip. The responsibility he had is becoming huge. Though he wasn't complaining. It was better to be aware than be a naive useless fool doing nothing.
This what he was living for anyway. To serve and be united with other genes.
Pumasok na sila sa kabilang tunnel na nasa gitna at sumalubong sa kanila ang iba't ibang hugis ng mga kahon. May mga tao rin doon na nakasuot ng gloves at may takip ang ilong at buhok, abala sa kani-kanilang gawain. Napunta ang kaniyang tingin sa ibabaw. May mga malalaki at mahahabang tubo. Nakakabit sa dulo nito ay mga kahon na pinapalitan ng panibago sa tuwing napupuno.
"Nandiyan sa loob ng tubo ang mga ugat. At doon sa box napupunta ang mga materials na ginagawa ng Eteria."
"Shio, sino 'yang dinala mo?" Lumapit ang isang lalaki na may hawak na transparent na parang papel ngunit matigas at doon ito nagsusulat.
"Ah, sila 'yong sinasabi ko sa inyong mga bago kong assistant, remember?" kalmado lang ang boses ni Shio. "Nga pala, may orange ba rito? Ako nag-request n'yon."
"H-1, bigay mo kay Shio ang isang kahon ng orange," sigaw nito sa lalaking abalang mag-package sa kanang bahagi.
Mabilis naman nitong sinunod at binigay kay Shio ang isang kahon.
"Thanks."
Pagkatapos ipakita ni Shio ang facility, bumalik na sila sa bahay nito. Pabagsak niyang tinapon ang sarili sa kaniyang kama dahil pakiramdam niya'y naubos lahat ng enerhiya niya sa mga nalaman.
Sa bawat bagay na naipapakita sa kaniya, mas dumami lang ang katanungan sa kaniyang isipan. His eyes were starting to get heavy as he thought of Eteria. Why did they have the symbol of Mythria here? Did Ghequiteo reach this place as well?
Inikot niya ang sarili sa kama at binuksan ang drawer sa katabi nito. Nandoon ang mga libro na binigay ni Yeyi at Violet.
Kukunin niya dapat ang libro ni Violet ngunit ang nakuha ng kaniyang kamay ang libro ni Yeyi. Wala sa sariling binuksan niya ang bawat pahina habang ang isipan ay naglalakbay pa rin. There was a strange void in his mind, making him think he missed something.
Nakarinig siya ng katok sa pinto.
"Come in."
Iniluwa roon si Shio na may dala-dalang mga orange. Hinagis nito ang isa at mabilis naman niya iyong sinalo.
"Kuya." Tinabihan siya nito at makahulugang tiningnan.
'Not again.'
Mangungulit na naman 'to sa spells niya at kung ano-ano na naman ang itatanong sa kaniya.
"Wait. Puwedeng ako muna magtanong?" pigil niya rito bago pa siya maunahan.
"Okay po."
"Where are your parents?"
"Na-deads na."
"Na-deads?"
"Patay na po."
"Oh, sorry about that."
"Okay lang po," sagot nito habang ngumunguya.
Nilingon niya ang gawi ni Shio na masayang kumakain ng orange. Kung titingnan parang walang kahit anong problemang dala-dala ang lalaki, na para bang puno ng kasiyahan ang mundo nito. Pero ang bawat mga salitang binibitiwan naman nito at mga bagay na pinapakita sa kanila ay higit pa sa kalungkutan. Hindi niya lubos maisip kung gaano na kabigat ang nararamdaman nito sa murang edad pa lang.
"Shio."
"Hmm?"
Nalilito siya kung anong uunahin niyang itanong. Kung tungkol ba sa Eteria, sa council, sa human experimentation o ang underground facility. Gusto niya pang malaman ang tungkol sa mga iyon subalit iba ang lumabas sa bibig niya.
"Have we met before?"
Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay natawa ito.
"Paano mo naman nasabi?"
Nagkibit-balikat naman siya bilang sagot. The familiarity he felt towards Shio was something that he couldn't shrug off. It was as if it wasn't the first time.
"Ano po 'yang libro?" turo nito sa hawak niya.
"Oh, this? It's a book about Faegika."
Kaagad nagningning ang mga mata nito matapos niya iyong sabihin. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Shio at binigay ang libro. Napailing na lang siya sa manghang-mangha nitong mukha.
"Whoa! Whoa! Puwede bang akin na 'to, Lis?" tanong nito habang abalang nakatingin sa mga pahina.
"You know . . ." Umupo siya sa pagkakahiga. "Your honorific is really inconsistent."
Minsan gumagamit ito ng po, minsan naman hindi. Minsan nagku-kuya, minsan hindi.
Mahina naman itong tumawa. "Peace po. Ganito na talaga ako magsalita."
"Anyway, you can't have that."
"Ang damot naman."
"It's not mine. Kung gusto mo sa may-ari ka magpaalam."
"Sino ba may-ari?" Umangat ang tingin nito.
"You want to come with us in Mythria?" pabiro niyang tanong. Though, he really wanted to bring the kid. He wanted him to see the Flora there.
"Gusto ko 'yan, Kuya Lis," he said and focused again on what he was reading.
Hinayaan niya si Shio na magbasa sa tabi niya. Siya naman ay napagpasyahang matulog. Unti-unti na siyang dinadalaw ng antok pero may isang tanong na sumulpot bigla sa utak niya.
"Shio, why did you work at the council?"
"To gain insight and information. To have more learning. And to make an upgrade for my one precious invention."
Tumango siya bilang sagot. Hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na ang sariling makatulog.
Once again, Violet visited him in his dreams. He couldn't see her but the black cat with violet eyes was there, staying close to him like what Violet always did. He enjoyed the sound of her voice calling his name. Her sweetest voice and his favorite thing to hear.
Nagtaka si Lis nang biglang umalog ang paligid. Napamulat na lang siya nang maramdaman ang kamay ni Shio sa kaniyang braso na niyuyugyog siya.
"Kuya Lis."
"Why?"
"Look."
Sumalubong sa kaniya ang isang papel na nakatupi. Inabot niya naman iyon.
"What's this?" Kinusot niya ang mga mata upang magising ang sarili.
"Nakita ko rito." Turo nito sa likurang pamalat ng libro. "Nakatago sa loob." Winaksi nito ang papel na nakadikit sa pamalat upang ituro ang eksaktong lokasyon kung saan nito nakita ang nakatuping papel.
"To my son?" Basa ni Lis sa nakasulat sa papel.
Kaagad siyang napabangon nang makilala ang sulat-kamay. It was from his father. A letter from his father.
'Bakit may letter si Papa sa libro ni Yeyi?'
Puno ng pagtatakang binuksan niya ang sulat. Nakisilip din si Shio at ito na ang nagbasa sa mensahe.
"Lis, my son. Do not get your Dragon Stone back."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro