Kabanata 33
ETERIA
MAAGANG nagising si Lis dahil sa ingay ni Shio. Ayaw niya pang bumangon sa kama ngunit ito namang si Aryl ay kinukulit din siya tungkol sa sinabi ng lalaki kagabi.
"Oo, pupunta rin naman tayo roon. Chill."
"Kailan? Ngayon ba? Ngayon na, Lis?" pangungulit nito. Hindi ito mapakali at palakad-lakad ito sa kaniyang kuwarto.
Si Sephtis naman ay tahimik lang habang nakaupo sa dulo ng kaniyang kama. Nakangiti ito habang nakatingin kay Aryl. Napansin naman ito ng babae kaya mahina nitong binato ang mukha ng kaniyang kumot.
"Huwag mo 'kong titigan."
Mahina namang natawa si Sephtis.
Niyakap ni Lis ang kaniyang unan at nakasimangot na tiningnan ang dalawa. "Wow. Good morning to me."
Parang siya pa tuloy ang nagmukhang isturbo sa moment ng dalawa.
Hinagis naman ni Sephtis ang kaniyang kumot na binato ni Aryl kanina papunta sa kaniya. "Hurry up. Ikaw na lang ang hinihintay."
Hindi pa nga siya nakakasagot, nagsalita na kaagad si Aryl.
"Lis, pumunta na kaagad tayo sa council. Ang kapatid ko nandoon."
"Wait. Wait." Tinaas niya ang kamay upang pakalmahin ito. Masakit pa nga ulo niya at pumipikit pa ang mga mata pero ito ang dalawa, binubulabog na siya. "We'll be going there but not now. We need to gather information about this district first," namamaos niyang sabi. "There's a lot of things hidden here that might give us lots of information about the council. Isa na roon si Shio."
"Calling for me po?"
Bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang nakangiting si Shio. Sana siya na lang ang Sun Dragon, mas maliwanag pa kasi ang presensya nito kaysa kay Sephtis.
"Where's Violet?" tanong niya.
Ito naman kasi palagi ang unang nangungulit sa kaniya, pero wala ito ngayong umaga.
"She's outside," Sephtis answered. "I told you, ikaw na lang ang hinihintay."
"Hindi ba ikaw ang pinaka-excited mamasyal? Tapos ito ka ngayon," sabat ni Aryl na nakakrus ang mga braso.
Napag-usapan nilang lahat kahapon na ipapasyal sila ni Shio sa siyudad. Gustong ipakita nito ang Eteria na sinabi ng lalaki kahapon. Ito raw ang nagpapatakbo sa buhay sa H-district kaya naman sabik na sabik si Lis na makita ito.
"Yeah, but—Argh . . ." Napakamot siya sa kaniyang ulo sabay hikab. "I'm still sleepy."
He had been feeling tired lately. Siguro dahil gumagaling pa ang katawan niya. Pero kahit na, hindi naman kasi siya antukin kapag nagpapagaling. O baka naman dahil sa kadaldalan ni Shio kagabi at sa dami ng katanungan nito sa kaniya, kagaya na lang kung anong klaseng S-gene siya at ang mga kakayahan niya, dahilan para late na siyang makatulog.
"You all can go out. Sunod agad ako." He gestured his hand to signal the three to go out.
Lumabas naman si Sephtis at Aryl pero nagpaiwan si Shio.
"What?" Bumangon na siya sa kama.
"Let me teach you how to use the shower first before I leave," sabi nito at nagtungo sa isang maliit at kwadradong silid, sapat lang para sa isang tao.
May nakakabit itong bilog sa pader at sa ilalim nito ay may maliliit na butas kung saan lumalabas ang tubig. Nagsimulang magpaliwanag sa kaniya si Shio, kung anong tawag doon at kung paano gagamitin. Pati na rin ang ibang mga kagamitin na nandoon.
Wala siyang ibang masabi kundi ang um-oo. Ibang-iba ito sa kanila. Parang ang daming kailangan munang gawin bago makagawa ng ganito 'di kagaya ng sa kanila na spells lang ang kakailanganin.
The difference between them had started to sink into his head. Humans had shorter life span compared to them. They don't have any attributes, but they were blessed with an ability to make things with instructions.
"Science and technology po, Kuya Lis. It's all about science and technology." Tanda niya pa ang huling sinabi ni Shio sa kaniya bago tuluyang lumabas.
Matapos niyang maligo, pumili siya ng mga damit na binigay ni Shio kahapon. Nadagdagan pa ang binigay nito sa kanila. Nagtaka pa nga siya dahil saktong-sakto ito sa kaniya. Kung kay Shio ito galing, hindi dapat ito magkakasya dahil maliit si Shio kumpara sa kaniya.
Isa pa, ang daming kuwartong mayroon ang bahay ng lalaki kaya naman bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang silid.
May binigay rin ito sa kaniya na parang maliit at pabilog na bagay. Ang tawag doon ay contact lense. Kailangan daw niyang isuot iyon upang matakpan ang tunay na kulay ng kaniyang mga mata at para mabawasan ang kapansin-pansin niyang itsura.
Nang makalabas, nandoon na ang lahat sa salas. Mabilis na tumayo si Violet at matingkad ang mga ngiting lumapit sa kaniya.
Niyakap siya nito na agad niya ring sinuklian.
"Ang bango mo. Pakiss nga," pilyang sabi ng babae pagkatapos bumitaw sa kaniya.
Kinurot niya naman ang pisngi nito. "Silly woman."
Her hair was tied in a bun, also wearing a contact lense to cover her alluring, lavender eyes. Even though he couldn't see it, the feeling like she was staring deep into his bone was still there. The dark brown eye color fits her. Siguro lahat ng susuotin ng babae ay babagay pa rin kagaya na lang ng suot-suot nitong hapit na pantalon at itim na hoodie.
She looked cozy. He wanted to hug her more.
"Let's go na, guys. Mas mabuti nang maaga tayo para 'di pa masiyadong crowded." Shio interfered and motioned them to follow him.
Pumasok sila sa isang madilim na silid. Naglalaman ito ng mga hagdan na kagaya sa pinasukan nila. Ang kaibahan lang ay lumiliwanag ito sa bawat pag-apak nila. Hanggang makarating sila sa tuktok kung saan gawa sa metal na bubong ang nakaharang, walang tigil pa rin ang kadaldalan ni Shio.
Madami itong sinasabi na kadalasan hindi na niya maintindihan. Bukod sa mga salitang nakakalito, mabilis din ang bibig nito.
"Ready na po ba kayo?" he said with excitement and pushed a blue button on the wall.
A clicking sound was heard and right after that, the roof crumbled. It was moving, creating them an opening to see the outside that Lis sometimes wondered, was this really not a spell?
A streak of light greeted them as the crumbling metal roof provided them a way out. Lumakas ang tibok ng puso niya nang makita ang makulimlim na kalangitan. Naunang maglakad si Shio at mabilis naman siyang sumunod.
Nang makatuntong sa ibabaw, nawala lahat ng salita sa kaniyang isipan. Ang ngiting suot-suot ay dahan-dahang naalis sa kaniyang mga labi. At ang pagkasabik ay mabilis na napalitan ng pagkadismaya, gulat, at higit sa lahat, pagtataka.
"Welcome to Bumon," Shio muttered. Masigla ang boses nito ngunit agad ding nasundan ng mga pekeng tawa. "Disappointing, right? But don't worry, this is just a portion of this place. May magandang tanawin doon sa unahan."
Ang kulimlim ng kalangitan ay bumagay sa lugar na tinitingnan ni Lis. Ang bawat bahay ay gawa sa bato ngunit maraming mga bitak-bitak, pati na ang lupang tinatayuan niya. Maraming mga H-gene ang naglalakad sa daanan ngunit wala ni isa sa kanila ang nakangiti. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. May ibang humihingi ng pagkain, ang iba naman ay nakikipag-agawan. At may mga bata ring nakaupo sa gilid ng kalsada na madumi ang mukha at nakatunganga lang.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
"What's that?" Naririndi ang kaniyang tainga sa ingay.
Nasa gilid sila ng daan. May mga bagay na parang sinasakyan ng mga tao na dumadaan sa kalsada at doon nagmumula ang malakas na ingay.
"Kotse po iyan. Dito tayo." Naglakad si Shio.
Sumunod ang tatlo pero siya ay naiwang nakapako sa tinatayuan.
"Lis?"
Napahawak siya sa kaniyang ulo at pilit na pinopokus sa isang bagay. Kahapon pa siya nagtataka, ngunit kahit nakapasok na sila, wala pa rin talaga siyang naririnig na mga boses.
Boses ng mga halaman. Kahit isa ay wala.
"This is impossible. This district . . ." Nanginig siya habang pinagmasdan ang paligid. "Where are the Flora in this district?"
"Hala! Artista ka po ba?" Nagulat si Lis nang may biglang lumapit sa kaniya na dalawang babae.
May hawak itong maliit at hugis parisukat na bagay sa kamay. Nakaharap sa kaniya ang dalawang babae ngunit ang mga mata ay nasa bagay na hinahawakan nito.
"What are you doing?" He tilted his head in curiosity.
"Ay hala! Bawal ka po bang kunan ng video? Sorry po!" paumanhin nito.
"Video?"
"Opo. Ang guwapo niyo po. Saan po kayo nagpakulay ng buhok? Parang gusto ko po ang style na 'yan," sabi ng babae at hinawakan pa ang straight at itim nitong buhok.
"Ako rin. Gusto ko rin," sabi no'ng isa.
"Lis!" Sinabit ni Violet ang mga braso nito sa kaniya at hinila siya paalis.
"Wah! Teka lang, Ate! Kuya!"
Wala siyang naintindihan sa pinagsasabi ng dalawang babae kaya nagpatangay na lang siya kay Violet hanggang sa makasunod na sila nina Shio.
"Shio, where are the Flora?"
"They've gone extinct way before I was born." Nilingon siya ni Shio. Tumigil ito sa paglalakad at muli siyang nginitian, ngunit sa pagkakataong ito, bakas ang lungkot sa mga mata ng lalaki. "I badly want to see them in person. I don't have a choice but to just look at them in books. Isa na rin ito sa rason kung bakit gusto kong i-abolish ang treaty."
"What? That's impossible!" singhal niya. "How did you survive without them? And the Vege Sal, where did you get the ingredients if not from them?"
"Those are just replicas, Lis. It contains the same nutrients as the real one. All the living things that have gone extinct, the Eteria replicates them."
Confused, his eyebrows furrowed.
"I'll show you how it works." Muli itong naglakad.
Pumasok sila sa isang makipot na daan at sa dulo nito ay may metal na tarangkahan. Lumapit si Shio sa isang gilid at tinapat ang kamay sa pader. May liwanag na lumabas doon at pagkatapos, nagsimula na itong bumukas.
"All of the raw resources that we need are supplied by the Eteria."
For the second time, Lis frozed.
Hindi niya magawang kumurap sa higanteng bagay na nasa harapan nila. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahilan para napaatras siya. Isa-isang nagkumpulan sa kaniyang isipan ang mga katanungan sa kung anong nasa harapan niya.
"What the . . ." Sephtis muttered, also shocked by what he saw.
The giant thing looked exactly the Royal Dragon's Lineage symbol. The Mythria's emblem. The tree that the dragon was hugging was identical to the one he was seeing. The trunk was huge and hard, and inside of it was a hint of light moving inside, flowing across its branches.
Branches that resembled a scattering vine, but none, not even a single leaf, had sprouted on it.
It was lifeless.
"This is the Eteria."
Lis couldn't hear anything as well. Not even its dead voice. But there was something in it that made him feel nauseous and miserable. The silence of the tree sparked an ache inside him, failing him to notice the drop of tears falling from his eyes.
"Lis, are you okay?" Pinisil ni Violet ang kaniyang kamay.
"Y-yeah." Umiwas siya ng tingin at kaagad na pinahid ang mga luha.
"Shall we come in?"
Nanguna si Shio na pumasok. Walang kahit ano man ang nasa paligid kundi mga bato at semento lang. At sa gitna nito ang Eteria. Nang makalapit sila, napatingala siya.
Muling nagsalita si Shio. "This is the tree that supplies us any raw materials we need. For example, if I wanted an Orange, I just have to touch this and imagine what it looks like." Hinawakan nito ang matabang ugat. "And then boom! Mayroon na agad akong Orange!"
"Wala naman, ah," komento ni Aryl nang walang lumabas o nahulog na orange mula sa puno.
"Nasa ilalim po nito. Kunin na lang natin mamaya." Turo nito sa lupa. "May underground facility rito at doon kinukuha ang mga resource. This place is exclusive, meaning hindi ito accessible for all. Ang mga taong kagaya ko lang at mga nasa itaas ang puwedeng pumasok dito."
"What about the people we saw earlier?"
"The raw materials we obtained will be produced in a more usable form, which will then be distributed in the market. And that's how the people will sustain their needs," paliwanag ni Shio. "But the problem here, this Eteria is dying. It is not producing enough material anymore. Hindi na rin kaya nitong gumawa ng mga in-demand na materials. Kahit gaano pa kaganda ang imagination namin, Eteria couldn't replicate it. Bawat araw at taon na lumipas, pababa at pababa ang rate nitong gumawa ng mga materials. And this year was the worst. I doubt this will survive for another year. At kapag namatay ito, goodbye rin sa amin," paliwanag nito at nagawa pa nitong magbiro sa huli.
"Dying, huh?" he muttered. He slowly walked towards the tree and touched it. Gently. "This tree has long been dead. I can no longer hear anything. Not even a faint voice. This will sleep sooner than you expected, Shio."
"You can tell? Wow! Your power is related nga pala sa mga plant. Galing!" May inabot ito sa bulsa na kagaya no'ng hawak ng dalawang babae kanina at mabilis na nagtipa roon.
Hindi maipinta ang mukha ni Lis habang nakatingin kay Shio. Ganiyan din ginawa nito kagabi, palaging dinudutdot ang bagay na iyon. Nag-aalala na nga siya pero ito naman si Shio ay bakas pa rin ang tuwa sa mukha.
Despite the alarming problem, the man had the chance to jot down anything he said as if it would change the fate of their district.
"Is it okay for us to be here?" Sephtis asked.
"It's fine po. Nandito naman po ako, e."
"Are we going down again?" turo ni Violet sa lupa.
"Yup!" Tumango si Shio. Binalik nito ang bagay na hawak sa bulsa at pinasadahan sila ng seryosong tingin. "I want to show you the facility. And please, whatever you see, act like as if you are already used to it."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro