Kabanata 32
A NEW COMPANION
MARIRINIG sa buong lugar ang kanilang mga pagkamangha nang may hilahin si Shio na isang bilog na pinto na kakulay ng lupa. Nang bumukas ito, isang hagdanan ang sumalubong sa kanila.
"Pasok kayo." Naunang bumaba si Shio. Sumunod naman kaagad sila. Sa bawat hagdan na nalalampasan nila ay ang unti-unti ring pagdilim ng paligid. Hindi niya mawari kung may hangganan ba ito. The air grew thinner, making him hold Shio's coat. He wanted to call Sephtis, but the human in front of him suddenly stopped walking.
"We're here." May kung anong bagay na pinindot si Shio sa dingding na naging dahilan ng pag-ilaw ng paligid.
A slow gasp ran across his mouth as he saw the steel bars pinned on each corner; the sement brushed the walls. Sa pader ay may nakakabit na litrato ni Shio mula pagkabata hanggang sa paglaki. Kasama nito ang mga magulang sa litrato noong bata pa siya. Maraming mga kakaibang kagamitan din na hindi niya magawang maipaliwanag.
"Upo po kayo roon." Turo nito sa kulay abo na sofa kaya naupo naman sila.
Pumasok ito sa isang silid at paglabas ay may dala na itong mga damit.
"Ito isuot niyo." Binigay ni Shio iyon isa-isa sa kanila.
Isang puting polo at itim na pantalon ang binigay nito kay Sephtis. Kay Violet at Aryl ay dress na hanggang tuhod lang ang haba. Habang ang kaniya ay 'di niya maipaliwanag. Isang pantalon at . . .
"Ano 'to?" Tinaas niya ang puti at makapal na damit pang-itaas. Malambot ang tela nito at ang sleeve ay malaki at mahaba. Para itong maliit na bersyon ng kanilang cloak.
"Hoodie po 'yan," sagot ni Shio. "Ganyan mga sinusuot namin lalo na ngayong malamig at maulan. Kung 'yang mga kasuotan niyo ibabalandara niyo 'pag lumabas kayo, nako! Goodbye Rise agad kayo."
"Thank you," sagot naman niya.
Nagpasalamat din ang tatlo. Ang dalawang babae ay pumasok sa silid na tinuro ni Shio para makapagbihis. Si Shio ay nagpuntang kusina. Sila naman dalawa ni Sephtis ay nagpalit na rin.
"This is surprisingly comforting," komento niya habang niyayakap ang sarili dahil sa lambot ng tela.
Muli siyang naupo nang makita si Shio na may dala-dalang tray ng pagkain.
"Ano 'yan?" Turo niya sa may pabilog at mukhang malambot na bagay na kulay brown. Sa gitna nito ay may gulay at karneng nakapaloob.
"Burger." Tinuro nito ang karne. "Ito patty tawag dito."
"Oh, I don't eat meat."
"Me too," saad ni Aster.
"Then you can have these instead." Binigay nito sa kanila ang tig-iisang bowl. Kaagad na nagningning ang mga mata ni Lis nang makita kung ano ang nasa loob.
'Vege Sal!'
"Thanks, Shio," nakangiti niyang sabi at kaagad na nilantakan ito.
"Walang anuman," sagot din nito na nakangiti.
Lumabas na ang dalawang babae at sinaluhan silang kumain.
"So, what's your purpose on coming here except visiting this place?" diretsong tanong ni Shio na nakapandekuwatro at nakaupo sa upuan na gumagalaw.
Nasa harapan nila ito. Isang mesa na gawa sa glass ang namamagitan sa kanila.
"We have the same goal," sagot niya.
"Whoa! Really? You wanted to abolish the treaty, too?" Napapalakpak pa ito habang umikot-ikot gamit ang upuan.
What kind of chair is that? He thought, triggering his curiosity.
Tumango siya. "But there are more things that needed to be done first."
"I know po."
Wala siyang balak sabihin sa lalaki ang pakay nila ngunit nagulat siya sa sinagot nito.
"What do you mean?"
"Alam ko po na marami pang problema ang dapat na unahin bago i-abolish ang treaty." Bumuntonghininga si Shio. "You know, this nation is really not that perfect. There are lots of hideous things happening around."
Napatigil siya sa pagkain at seryosong tiningnan ito na ngayon ay may pinaglalaruan na sa kamay na makulay na cube.
"Like what?"
"Like slavery, kidnapping, murder--hmm. Ano pa ba?" nakapokus lang ito sa nilalarong cube habang nagsasalita. "Ah! And the dying Eteria."
"Eteria?" A splash of curiosity washed over Lis. The way Shio said those words felt like the problems were never new and had been going on for a long time.
"You wanna see it? I'll tell you more about it tomorrow." Tumigil ito sa paglalaro at nilapag sa lamesa ang cube na ngayon ay nagkatagpi-tagpi na ang parehong mga kulay. "I need your help po. You might also need mine."
His eyes squinted. "What's your motive?"
"Ay, wow! Grabe ka naman po. Makatingin ka sa akin parang may masama akong binabalak." Napahawak ito sa puso na para bang nasaktan. "Itong gusto ko po, para rin naman po 'to sa atin, e."
"Ano ba iyon?" sabat ni Aryl.
Ngumiti si Shio. "As a concerned citizen in our country, gusto ko po sanang bawasan kahit papaano ang mga kadiliman sa bansa natin."
"Bakit sa amin ka humihingi ng tulong?"
"Kasi may powers kayo, 'di ba? Kapag kayo kakampi ko, kayang-kaya nating patumbahin lahat ng kakalaban sa atin," parang bata at aliw na aliw sa sarili nitong paliwanag.
"Baka sa inyong district lang," Lis answered, not saying anything about the problems he encountered in Faegika.
"Nope. Sa lahat po." Biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito. "I am a biotechnologist. Bata pa ako pero mabilis agad akong nakatapos kasi matalino ako, e. Anyway, ayon nga po, pagka-graduate ko, nagtrabaho ako. I was able to publish my research and became a scientist. And since my works focus on new applications in technology, I was labeled as an inventor by the council."
"You worked at the council?" He leaned in, intrigued by the mentioning of their council. "Tell us more."
"Secret po. Bawal po ako mag-spill ng information sa inyo." He acted like he was zipping his mouth.
Napairap naman siya. "Aren't you already spilling something from us?"
"Ganiyan po talaga kung gusto niyong kaintri-intriga ang usapan niyo." Mahina itong tumawa. "Back to what I was saying, I'm no longer working there, and I don't really care much about the council. I can spill anything you want to know but I need something in exchange."
"What is it?"
Siguro'y hihingi ito ng tulong sa kanila kagaya na lang ng sinabi nito kanina.
"I need your information. Tell me about yourself, about the things you can do. Tell me more about your district! I want to know more about Mythria and Faegika!" masiglang sabi nito habang nagniningning ang mga mata.
Napasimangot naman si Lis. "I thought you are a concerned citizen?"
The man was just thinking about himself. Para saan pa ang sinabi nito kanina para lang sa napakamakasariling kapalit?
"Sorry about that. I am a scientist, you know. Of course, curiosity is my first instinct." Shio chuckled. "And I don't think I still need to request it from you, Lis."
Nagtaka naman siya.
"You will help me either way."
"How can you be so sure?" tanong niya at ngumuya ng Vege Sal.
"Because you are a good person."
Muntik na niyang maluwa ang kinakain dahil sa pagkasamid. Mabilis niyang inabot ang baso ng tubig.
"Ako? Mabait?" Napatawa siya nang malakas. "Do you even know me?"
"But you told me we have the same goal, right? Iyon pa lang, I can assume na you care about all of us and . . ." Tinuro nito sila isa-isa. "You have two A-genes with you which I can guess that maybe you have a deal or something? Kasi imposible namang nagpunta kayo rito para lang tumambay, 'di ba? I also don't think na magkakilala na kayo dati pa dahil nandiyan ang treaty."
"Anong gusto mong palabasin?"
"Here's my thought." Inayos nito ang pabilog na bagay sa mata. "You, Lis, decided to break the treaty in order to be in Faegika. There must be something you need there so you went there. And then you met these magicians. Pagkatapos, isa siguro sa kanila naglatag sa 'yo ng deal para pumunta kayo rito at saka mo lang makukuha iyong gusto mo 'pag nagawa mo na ang deal niyo. Tama ba ako?"
"How did you know?"
"Hula ko lang, s'yempre, top one kaya 'to," proud na proud nitong sabi habang napakamot sa ulo. "At saka, 'di naman mahirap hulaan, e. Ang obvious kaya. Or baka ako lang 'to? Ay basta!"
Hindi naman sumagot si Lis. Medyo magulong kausap ang lalaki pero kahit papaano ay nauunawaan naman niya.
"At mayroon pa!" Tinaas nito ang isang daliri. "In addition to what I have said earlier, hindi ko na kailangan pang lumuhod sa harapan niyo at magmakaawa para tulungan niyo 'ko dahil 'pag nalaman mo ang pinaggagagawa ng council, hindi ka po makakahindi sa 'kin."
"Oh-ho?" Napangisi siya sa sinabi nito.
Hindi niya alam pero may kung anong pakiramdam ang nagtutulak sa kaniya na pagkatiwalaan ang batang ito. Siguro dahil pareho sila ng hinahangad? Pero bukod doon, higit ang kuryosidad niyang malaman ang tungkol sa council.
Isa ito sa nais niyang alamin bago tuparin ang kaniyang pangarap. He might also get a clue about his father.
Kinalimutan na niya ang pagkawala nito ngunit pagkatapos niyang malaman ang mga pangyayari sa Faegika, napagtanto niya na baka may kinalaman ang council sa pagkawala ng kaniyang ama. Maraming tinatagong sikreto ang council at hindi na siya magugulat kung isa ang kaniyang ama sa mga sikretong iyon.
"Okay. I don't have any problem about your condition. How about you?" tanong niya sa tatlo.
"Wala rin."
"Okay lang sa 'kin."
"Me too."
"Yey! Thank you po mga ate at kuya! At dahil pumayag kayo, ito ang paunang impormasyon para sa inyo."
Napatawa nang mahina si Lis dahil sa tono ng pananalita nito na para bang may malaking bagay silang napanalunan. Na parang hindi problema ang pinag-uusapan nila.
"Did you know? The council experimented a new gene, and they are called Z-genes, the hybrid genes."
"The Shadows!" sabat ni Aryl. He told her about what he and Pahima talked about in Faegika.
"Is it okay for you to spill this? Hindi ka ba nila papatayin nito?" he asked.
Ngumisi naman si Shio. "Wala akong paki. Subukan lang nila, wala naman silang mapapala sa akin, e. Actually, kawalan pa nga ako." May kakaibang emosyon ang naglalaro sa mga mata ng lalaki.
He looked fearless. As if he was invincible.
"Kagaya ng sinabi ko kanina, matalino akong tao. Hinding-hindi hahayaan ng council na mawala ako sa kanila kaya kahit na umalis na ako, parati pa rin nila akong sinusuyo. If ever ma-detect ng Z-genes ang pinagsasabi ko ngayon, they can't do anything about it." Mahina itong tumawa. Tawang may halong panunukso. "I may be powerless but I am an asset. Kapag nalaman ng council na pinatay ako ng mga Z-gene, sila ang malalagot."
"Wait, what do you mean by detect? Ang ibig mo bang sabihin naririnig nila ang pinag-uusapan natin ngayon?" tanong ni Violet.
"Nope. Z-genes have Word Detection Spells at kapag binanggit mo ang salitang nakalista sa word detection nila, malalaman nila ang lokasyon mo."
"So, alam na nila ngayon ang location natin?" Aryl asked.
"Hindi rin po." May kinuha ito sa bulsa ng kaniyang coat at pinakita sa kanila. Isang maliit at kulay berdeng bato. Gumagalaw at kumikinang ang likidong nasa loob nito.
"This is a device that I invented way back in the council. This has the spell of a brown magician and a dragon."
"How?" Nalilito siya.
Sumingkit ang mga singkit na nitong mga mata. "In the council, the making of a new gene happens there. They kidnap magicians and humans to be their subject. And . . . there are also vials of the deceased S-genes to completely formulate the Z-genes."
Kaunti na lang at malulukot na ang mukha ni Lis. Mas lalo lang yata siyang nalito sa sinabi nito.
"Wait, Shio." tumaas ang boses ni Aryl. "Doon ba dinadala ng mga Shadow ang dinadakip nila sa Faegika?"
Tumango si Shio. "Oo pero sabi nila dati, though hindi ako sigurado, dito pa sa H-district ginagawa ang experiment hundreds of years ago."
"Are you one of them? Those humans who experimented them?" kunot-noong sabat ni Sephtis.
"Nope po. Mabait kaya ako," nakangusong sagot ni Shio. "I was assigned to other things like this invention I have made. This is a device that will prevent any detecting spell from Z-genes, A-genes, and S-genes. It's not really very useful to everyone but to someone like me and to the council, this is important, especially now that they're making a hybrid gene. Natural lang talaga na mag-iingat sila at isa ang anti-detecting device para maiwasan ang pag-leak ng information kung sakali mang may mga Z-gene ang sumubok na makitsismis o alamin ang mga lugar na kung saan sila pinagbabawal."
Tumango naman si Lis. Sinubukan niyang gamitin ang kaniyang Dissemination Spell para ikonekta ito sa pulso ni Shio ngunit sa tuwing papalapit ito sa binata, nawawala o bumabalik ito sa kaniya. Hindi nito mahanap at makabit ang kaniyang Dissemination Spell sa lalaki.
It looked like the device was preventing it to locate Shio's location. Or even find his existence.
Tumayo ito at pumasok sa silid kung saan ito kumuha ng damit kanina. Paglabas may dala na itong box. Nang makabalik sa inuupuan, binuksan nito ang box na naglalaman ng mga anti-detecting stone.
Binigyan sila nito isa-isa. "You can have some as well. Lalo na't nilabag niyo ang treaty, asahan niyo nang binubuntutan na kayo ng mga Z-gene."
"You know about it too?"
"Yup. Alam kong hindi nila kinukulong ang mga lumalabog sa treaty kundi inihahatid sa kamatayan."
Tinanggap iyon ni Lis nang may pagkamangha. "You made this all by yourself? Without using any spells?"
"Sabi ko naman po sa inyo, top one 'to." Ngumiti ito nang pagkalawak-lawak. "I don't need any spells if I have my knowledge."
Ngumiti rin siya pabalik.
Nilahad ni Shio ang kamay. "So? Friends na po tayo? Okay na tayo sa deal, 'di ba? Kasali na po ako sa team niyo? Promise 'di ako magiging pabigat."
Tinanggap niya naman ito.
"All right. Friends."
Kararating pa lang niya sa H-district, may kaibigan na kaagad siya. The first human friend he ever made.
And would probably be the last.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro