Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

THE GAME OF TRUTH

"ARE you a fae?" Lis looked at the man who was standing with confidence, still flashing a smile on his face.

"I'm Lucas, the hottest Desert Fae at your service!" masiglang sagot nito.

His eyebrow arched when Lucas did the Mythrian greeting. How did he know about it? The placement of his hands and arms were all perfect as if he had been waiting for this day to come.

"How did you know about that?"

Imbes na sagutin ang tanong ay ngumiti lang ito sa kanya. "Why don't you come with me instead? Your friends are waiting for you."

Pumasok naman sa isip niya sina Violet, Aster at Aryl kaya mabilis siyang sumunod kay Lucas na naglakad na palabas.

Ang init na naramdaman niya ay mas dumoble pa dahil wala ng bubong ang tumatakip sa kanyang ulo. Pero kahit na nasa isang disyerto sila, nakakapagtaka ang matataba at malusog na mga halaman sa labas. Kahit saan siya lumingon may mga halamang nakatanim. May mga maliliit din na mga bahay na gawa sa kawayan na nakahilira sa daraanan nila.

How did this happen? Sa pagkakaalala niya kagabi, wala siyang nakitang halaman pero may nasagap siya. Ito ba ang mga iyon?

Nakasunod lang siya kay Lucas. Hula niya isang Desert Fae ang sumugod sa kanila kagabi.

Pumasok sila sa isa sa mga buhay. Ang pinagkaiba lang nito sa mga bahay na nakita niya kanina ay ang sukat at laki. May tatlo itong silid at sa salas naroroon ang tatlo niyang kasama. Walang kahit anong upuan at sahig lang na gawa rin sa kawayan.

"Hibi!" Kaagad na tumakbo papalapit sa kaniya si Violet at niyakap siya nang mahigpit ngunit agad ding napabitiw nang mapagtanto na wala siyang kahit anong saplot pang-itaas. "Ay, s-sorry."

Namumula ang pisngi nito at hindi makatingin sa kaniya nang diretso.

"Oh! The twisted chief is up!" bati ng isang Desert Fae na nakaupo sa sahig katabi ni Aster.

Mapaglaro ang mga ngiting binitiwan nito.

Naglakad na pabalik si Violet sa direksyon nina Aster at Aryl kaya sumunod naman siya at umupo rin. May dalang pamaypay si Aryl, si Violet naman dumikit kay Aryl upang masali siya sa pagpaypay nito. Aster, on the other hand, looked unbothered.

Perks of being a Sun Dragon.

"I'm Hon, the owner of this house," pakilala ng lalaking may mapaglarong ngiti at inilahad ang kamay. "Nice to meet you, twisted chief."

"Stop calling me that," sita niya pero nakipagkamay pa rin. "My name is Lisianthus."

"Why do you keep calling him like that? Kanina ka pa," nagtatakang tanong ni Violet habang nakakrus ang mga braso.

"Right. He's clearly insulting master," Aster seconded with looks of contempt running through his eyes.

Kaagad na pinigilan ni Lis ang kaniyang butler bago pa ito magpaulan ng mga spell sa Desert Fae na kaharap nila.

"Whoa! Calm down there, Mister Butler." Hon grinned. He brushed his white-shoulder length hair with his hand. "You are on our turf."

"Is this still the Desert Region?" tanong niya.

"Yes." Sinenyasahan nito si Lucas dahilan para pumasok ito sa isang silid. Pagbalik may dala na itong maliit na lamesa at nilagay ito sa pagitan nila.

"Papaano? Wala naman 'to kagabi, ah?"

"We'll tell you soon enough." He clasped his hand on the table. Pinasadahan sila nito nang makahulugang mga tingin. "If you all will play a game with me."

"I'm not interested," he replied. He had no clue about what the Desert Fae wanted, but it was better not to take the bait at all. "We need to leave."

"You're going to H-district, right? But you won't reach that place unless you'll play with me." He smirked.

Kumunot naman ang kaniyang noo. "What do you mean?"

"This entire place . . ." he trailed off and pointed his finger on the table, "is under the pile of sand."

Napataas ang kaniyang kilay. Why did it feel like he heard this before?

Just right then, he remembered Zeby's words. It was similar to her pile of snow.

"Should I think literally?"

"Oh no, Chief." Umiling ito. "It means that you're under my control. You're under my illusion. This place is mine. And you can't escape unless you play with me."

"Ang ibig mo bang sabihin, hindi 'to totoo? Gawa-gawa mo lang 'to lahat?" tanong ni Violet.

"I don't know? Maybe yes? Or nah." Nagkibit-balikat ito.

Somehow, Lis felt annoyed how cheeky the A-gene he was talking. Pero imbes na magpadala sa inis ay tumikhim siya. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya nito.

"All faes do a lot of manipulation. For example, being under the pile of snow is being under control of an Ice Fae. And right now, you are under my pile of sand. Do you get it?"

Tumango naman siya kahit nalilito pa rin. Were they under Zeby's manipulation in Blizzard Region before? How does it work, anyway? The Desert Fae was just giving them information while not explaining anything clearly.

"If we played your game, will we be freed from this illusion of yours?"

"Of course. Kami pa mismo maghahatid sa inyo sa border ng H-district dahil kailangan niyo naman talaga kami. Hindi kayo makakaalis sa Blizzard at Desert Region kapag walang tutulong sa inyo na isang fae." His loud, joyous voice echoed around his ear.

Nanatili naman siyang tahimik at inobserbahan ang lalaki. He couldn't sense any malice from him, and he was not even on guard. Bukas na bukas na para bang hindi man lang ito natatakot na baka atakihin nila ito bigla.

Another thing that had been bothering him was the feeling that these faes knew him. They knew them, just like Zeby.

Once again, Hon signaled Lucas on his side. Nilahad nito ang palad at may nilagay si Lucas doon na barya. A Meo.

"Do we have to win?" he asked.

"No."

"What if we'll try to escape?"

"Go on. Magpapaikot-ikot lang naman din kayo kagaya kagabi." Hon just confirmed it was their doing last night.

Concealing his pissed off nature, he smiled at the man. "What are the conditions?"

"Simple lang. We are just going to get to know you." Pinaikot nito ang Meo sa kamay. May lumabas na bola na gawa sa puting liwanag sa kabilang kamay nito. "This is a Lie-Detecting Spell. You're not allowed to ask back. All you need to do is answer my question honestly. If you get to be honest until I'm satisfied, then just like I said earlier, we'll accompany you until you reach H-district."

"What if we lie?"

"The Lie-detecting Spell will sip a year of your life."

"What?" sabay silang tatlo nina Violet at Aryl na napasigaw.

Ngumiti naman si Hon. "Cool, isn't it? Now, you really need to be honest with me."

"Wait. This doesn't make sense. Why would you want to ask us questions that will cost us our life span?" asar na tanong ni Violet.

"Of course, we have to know about our visitors. What if may balak pala kayong masama sa amin?" His eyebrows furrowed with a worried expression, totally acting like a cautious fae. "We need to check some facts."

"Facts, you say . . ." he whispered under his breath. His stomach was unsettled about this game of truth. He didn't even know what type of questions the fae is going to ask them.

"Either way, you don't have any choice but to play with me. Ayaw niyo naman siguro na magpaikot-ikot na lang dito habang-buhay, 'di ba? Mainit pa." He whistled and fan himself with his palm. Though, there wasn't any sweat coming out from his body.

Bumuntonghininga naman siya at nilingon ang kaniyang mga kasama. Sinenyasahan niya ang tatlo kung papayag ba sila o hindi. Tumango si Aster at Aryl. Sumunod naman si Violet pero nayayamot ang mukha nitong nakatingin kay Hon.

"All right," he said and looked straight at Hon.

"Good." Ngumisi ito nang pagkalawak-lawak. Pinakita nito sa kanila ang barya. "Three questions each flip. Head for yes or no questions. Tail for explanation. Who would go first?"

"Ako!" agresibong sigaw ni Violet habang tinaas ang kamay at lumapit sa maliit na lamesa.

"Whoa, calm down, Miss Violet. You should not act like that in front of a handsome man like me."

"You're not my type," diretsong sagot nito dahilan para mapatawa siya.

'Silly Violet.'

"Bilis! Flip the coin already," dagdag pa nito.

Napakamot naman si Hon sa ulo. He threw the coin upward and caught it while still in the air, immediately slapping it on the table. Inalis nito ang palad upang makita ang resulta.

"Head."

"Your question?" Violet asked, impatient.

"Do you find me handsome?" Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis pero mabilis ding nawala sa mabilis na sagot ni Violet.

"No."

"How about Lisian—"

"Yes! Very! Maganda na guwapo pa tapos mahal ko pa," hindi pa nga natatapos ni Hon ang tanong ay nakasagot na ito.

Hindi makita ni Lis ang ekspresyon nito dahil nasa bandang likuran siya ng babae pero alam niyang malaki ang ngiti sa labi nito ngayon.

Mahina rin siyang napatawa, napailing at napaisip. How does love works anyway? They had known each other for less than a week yet this woman was already saying that she loves him.

'No, wait. Let me rephrase that. She's been saying she's in love with me since the day we met.'

How could that be possible? Could someone find love at first glance?

Madali lang natapos kay Violet ang mga tanong dahil nadismaya si Hon sa sinagot nito sa unang tanong pa lang. The fact that it was the truth hurt his pride more.

Sumunod naman doon si Aryl.

"Tail. What's your opinion about me?"

"Annoying."

"What else?"

"Immature."

Napatingin si Hon sa bola, nangungusap ang mga mata nito. "Ahm . . . what else?"

"Annoying again."

Nalukot ang mukha nito dahil walang reaksyon na ginawa ang bola, nangangahulugang nagsasabi ito ng totoo. Nawala na ang pangangamba ni Lis dahil hindi naman pala masiyadong personal ang mga tanong nito. Kadalasan ang mga tanong ay para lang din sa sarili nitong kasiyahan.

But he might be wrong with his conclusion.

"Next, head." Nakasimangot na ang mukha nito. "Will you live with your sister after you will find her?"

Umarko ang kilay ni Lis. How did he know about that?

Mukhang natigilan din si Aryl pero sumagot naman ito. "Yes."

"Will you marry Lis after that?"

"Yes."

Napasingkit ang kaniyang mga mata. Kahit na ang deal nila ay alam ng fae. What was really going on here? How did he get that information?

"What? Marriage?" sigaw ni Violet at mabilis na nilingon siya. Nakanguso ito at masamang nakatingin sa kaniya. "I thought you don't want to get married!"

Napakamot siya at bumulong sa tainga nito. "Let me explain that later."

Nabalik ang kanilang atensyon kay Hon at Aryl nang magsalitang muli si Hon.

"But you don't like Lis. You love that one, right?" Tinuro nito ang lalaking nakaupo sa kanan na boryo lang na nakatingin.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Aster ngunit napalunok ito. Halatang kinakabahan sa isasagot ni Aryl. Si Aryl naman ay natigilan ulit ngunit sa pagkakataong ito ay ilang minuto itong naestatwa.

"Your answer?" nanunuksong tingin ni Hon.

Ito lang yata ang pagkakataong hindi nainis si Lis kay Hon. Gusto niyang makipag-high five dito dahil sa itinanong.

"N-no," sagot ni Aryl at napaiwas ng tingin.

Kaagad na lumiwanag ang bola na nasa kamay ni Hon. Kasabay ng liwanag ang paglabas ng iilang maitim na usok sa katawan ni Aryl. Sinipsip ito ng bola at bumalik na ulit sa dati.

"Oh my, Miss Aryl. You just lied. You just lost one year of your life span."

"Uy, Aryl umiibig," tukso ni Violet. "Umamin ka na lang dapat. Malalaman din naman ni Aster 'yan mapa-yes or no pa sagot mo," nakangising dagdag nito at sinundot-sundot pa ang tagiliran nito.

Hindi rin mapigilan ni Lis na mapangisi nang makita ang namumulang mukha ni Aster. Para na itong kamatis. Pati ang tainga at leeg ay namumula rin.

'Cross, you should have seen this.'

"Shut up," bulong ni Aryl kay Violet.

"Wala na akong tanong pa sa 'yo. Next!"

Bumalik na sa puwesto si Aryl. Magkatabi sila ni Aster ngunit hindi nila magawang tingnan ang isa't isa. Lumapit na si Aster sa lamesa na 'di sinusulyapan ang babaeng naging rason ng pamumula.

"Head," Hon stated.

Sinabayan ni Lis ang pagngisi ni Hon. Mukhang alam na niya kung ano ang itatanong nito.

"Do you love that woman too?" turo nito kay Aryl.

Napaupo nang matuwid si Aster at kagaya ni Aryl kanina, hindi rin ito nakasagot agad. Ilang sandali pa ang lumipas bago nito napagdesisyunan na magsalita.

"Yes."

Mabilis na nasundan ng mga hiyaw ang paligid.

"Sabi sa 'yo, e, dito mo mahahanap pangarap mo!" Kaagad niyang tinapik-tapik nang paulit-ulit ang likod nito bago humalakhak. Hindi niya inaasahang aamin ang kaniyang butler.

"Okay! I now pronounce you husband and wife," pang-aasar din ni Hon na sinundan ng mga tawanan nila.

"Yiee! Si Aryl, oh, kinikilig," tukso rin ni Violet habang nakaturo sa namumulang mukha ni Aryl.

"Uso lingon, Aster." Pilit niya itong pinapalingon sa likuran pero ayaw nitong magpatinag. Siniko nito ang kaniyang braso upang alisin ang pagkakahawak niya.

"Enough," halata sa boses nito ang pagkaasar.

Hindi niya ito pinakinggan at sinundot ang pisngi nito. "Binata ka na talaga, Aster!"

Isang irap lang ginanti nito sa kaniya.

Bumalik na siya sa kaniyang puwesto habang natatawa pa rin.

"Okay, okay. Next question na tayo," sabi ni Hon kaya tumahimik naman sila.

Bumalik ulit ang mapaglaro nitong ngiti, ngunit sa pagkakataong ito, may nag-iba sa mga mata ng lalaki.

"Aster . . ." Pinaglaruan nito ang barya sa kamay. "Did you kill your own lineage?"

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Lis nang marinig ang tanong. Kaagad siyang napatayo at lumapit sa pagitan ng dalawa. "What do you think you're asking? That's too personal." Salubong ang mga kilay niya at nakakuyom ang mga kamao. "Where did you even hear that?"

"You're not allowed to meddle, twisted chief," sagot naman ni Hon sa kaniya at tinapatan ng ngisi ang galit niyang ekspresyon.

"Aren't you going too far?" he warned.

How dare he asked an insensitive question! Ni hindi man lang nito inisip kung ano ang mararamdaman ni Aster.

Nisulyapan niya si Aster na tahimik lang at nakapokus pa rin ang tingin kay Hon. "Aster, you don't have—"

"Yes."

Hindi natapos ni Lis ang sasabihin nang magsalita si Aster.

"Aster—"

"It's fine, master. I'm fine." sagot nito sa kaniya. Kay Hon pa rin ang mga tingin nito. "Yes. I did kill them. All of them."

He sighed in annoyance. Aster says it as if he didn't know how to have an emotion at all. Pero alam niya na nagkukunwari lang ito. Sa nakakuyom pa lang nitong kamao at nanginginig na kamay, alam niyang pinipigilan lang nito ang sariling bumigay.

"If you could turn back the time, do you think you'll still repeat the same thing you did when you were a kid? You know, when you kill all of them?"

Napalunok si Aster at bagsak ang mga balikat na sumagot. "Yes."

And the ball didn't react.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro