Kabanata 26
HOTTEST KIND
PAPALAPIT nang papalapit, palaki rin nang palaki ang bundok sa kanilang tanawin. They reached the Drit Town with ease, where the end of the mainland lies. Next to it lies their destination before H-district.
The Desert Region.
"Nandoon sila." Turo ni Violet sa paanan ng bundok.
Nakatingala sina Aster at Aryl sa kanila. Aryl's forehead creased, but Aster's remained bored, though deep inside, he was curious as well as to why he was carrying another companion.
Sinenyasahan niya ang dalawa na lumipad na at sumunod sa kanila. Sumunod naman kaagad ang mga ito. Pinantayan ng dalawa ang kanilang lipad at sabay nilang sinisid ang tuktok ng bundok.
"Can you fly?" tanong niya kay Violet na karga-karga pa rin niya.
Tumango ang babae. "Oo pero ayoko. Kargahin mo lang ako."
"Ikaw 'di ba 'yong pumunta sa shop namin kahapon?" singit ni Aryl. Binagalan nito ang paglipad upang bigyan ng sulyap si Violet.
"Oo. Hi! I'm Violet, the mayor's daughter," masiglang pakilala ni Violet habang kumakaway pa. Sinasapawan ng hunos ng hangin ang boses nito.
Kaagad na napalaki ang mga mata ni Aryl at halos mabasag ang kaniyang tainga sa lakas ng sigaw nito. "Ano? I-ikaw ang a-anak ni Mayor Cortez?"
Napatawa naman si Violet. "Yes! Correct! Ako nga. The one and only!"
"Violet, throw your bag to that man," singit niya sa usapan at tinuro si Aster na nasa kaliwang bahagi, katabi lang ni Aryl.
Ginawa naman ng babae ang utos niya at namangha pa ito nang mawala na parang bola ang bag matapos itong ibato.
"What just happened?" Nakatingin ito kay Aster ngunit ang isang kamay ay abalang pisilin ang kaniyang pisngi.
"It's his spell. We call it the Invisible File," taas-noo niyang paliwanag. Of all of Aster's spells, the Invisible File was his favorite. "He's my butler, by the way. His name is Aster."
Lumingon si Aster sa direksyon nila at bahagyang yumuko. "Pleasure to meet you, Miss Violet."
"Hello, Aster!" bati nito pero agad ding napakunot ang noo nang may maisip. Tiningnan siya nito. "You have a butler?"
Tumango siya. "I came from—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang magsalita si Aryl.
"Hoy, Lisianthus! Bakit dala-dala mo ang anak ni Mayor? Huwag mong sabihing dinekwat mo siya?" Bakas sa mga mata nito ang pagkataranta.
"Do I look like someone who would do that?" sagot niya at umiling. "She came with us voluntarily, okay?"
"Bakit?"
"Long story short, I was imprisoned in the tower, and I wanted to escape," paliwanag ni Violet.
Dahan-dahan namang tumango si Aryl bilang sagot pero nagtatanong pa rin ang mukha nito.
"We're almost there," sabi niya habang nakatingin sa taas dahilan upang maputol ang usapan. Binilisan pa nila ang paglipad sa taas.
Nang makatungtong sa ibabaw, may binulong si Violet sa kaniya.
"Does your butler like that woman?"
"It's obvious, isn't it?" bulong niya rin pabalik.
Tumango si Violet. "Uh-huh. Ilang beses ko nakitang sumusulyap kay Miss Black Magician."
Mahina siyang napatawa bago binaba ang babae.
Madilim ang buong paligid ngunit klarong-klaro pa rin ang lawak ng Desert Region. Nagmistulang isang lugar na walang hangganan ang disyerto dahil walang kahit anong puno ang makikita at purong kapatagan lang.
Hindi na sila nagsayang pa ng oras at nag-umpisa nang maglakad. Ang tahimik ng buong lugar. Nang makaabot sila ng tamang distansya kung saan sila nanggaling kanina ay nakaramdam na sila ng matinding lamig.
Lis remembered what was written in Yeyi's book.
The desert region is hot as boiling water in the morning, but cold as ice in the evening.
Napakapit si Violet sa kaniyang braso. Ang kaninang matigas na lupang tinatapakan nila ay naging malambot, lumulubog ang kaniyang mga paa.
"It's sand," Violet said with awe. Yumuko ito, kumuha at hinayaang mahulog ang mga butil ng buhangin sa pagitan ng mga daliri. "By the way, Lis, you said you're going to tell me the reason why we are going to the H-district," dagdag nito.
Pinaliwanag naman niya ang pakay nila. Sinabi niya ang tungkol sa kapatid ni Aryl at halata sa mukha nito ang pagiging walang alam sa mga nangyayari sa Faegika. Sunod-sunod ang tanong nito tungkol sa kidnapping at tungkol sa mga Shadow kaya inisa-isa rin ni Lis itong ipaliwanag.
"I can't believe it! How come Father just let this happen?" salubong ang mga kilay nitong saad. Napahigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.
"Exactly," sang-ayon niya at tumango-tango pa.
Hindi niya muna pinaalam ang tungkol sa kung ano siya at hinayaan muna ang babae na maghumyaw tungkol sa ama nito. Nayayamot pa ito kaya hindi niya muna dadagdagan ang sakit nito sa ulo.
"All I know there are suspicious magicians going around in Faegika, but I didn't expect it would be this terrible! What a useless mayor!" Kulang na lang murahin nito ang ama dahil sa panggigigil. Ramdam din ni Lis ang humihigpit nitong paghawak at kahit na makapal ang kaniyang roba, dama niya ang kuko nitong unti-unting bumabaon sa kaniyang balat.
Patuloy lang sila sa paglalakad. Ilang oras na ang lumipas at pakiramdam niya'y hindi man lang sila umusad. Hindi niya maipaliwanag kung nasa kalagitnaan ba sila o malapit na sa dulo dahil wala siyang ibang makita kundi ang lawak nito.
"Master," tawag ni Aster sa kaniya na nasa kanilang unahan. "Don't you think we have been in this area earlier?"
Napakunot naman ang kaniyang noo. There was no way to tell because he couldn't distinguish the difference.. Nasa malawak silang disyerto at wala siyang ibang puwedeng maging palatandaan sa kanilang dinadaanan.
"I'm not sure." Inalis niya muna ang pagkakaangkla ni Violet at lumuhod.
Nilapat niya ang kamay sa buhangin upang damhin kung may masasagap ba siyang buhay ng mga halaman. Ilang sandali pa kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib.
The aftereffects of not having a Dragon Stone was getting more frequent.
Muling siyang nagpokus nang maging normal ulit ang tibok ng kaniyang puso.
Napasingkit ang kaniyang mga mata. Hindi niya inakala ang dami ng buhay na nasagap niya. And he knew where they all came from.
"I can sense the plant's life form in the entire area," he said.
They were surrounded by Flora but he couldn't see any of them nor he could hear them, as if they had been told to stay quiet. He tried to communicate with them but none answered him.
Luminga-linga naman sa paligid ang kaniyang mga kasama pero kagaya niya wala siyang nakitang kahit isang uri ng halaman.
"Let's move on for now." He released some of his energy and planted it on the sand. That would be their trace. Even if the wind would change the placement of the sands, his spell had sipped though.
"Aster, you watch from above."
Mabilis naman itong sinunod ni Aster at lumipad paitaas.
Muli silang tumuloy sa paglalakad. Patagal nang patagal, padilim din nang padilim. Malapit nang maghatinggabi.
He was about to request a light from Aster, but a white glow had already appeared, shading them.
'Indeed. A very useful butler.'
Napatigil si Lis sa paglalakad nang may enerhiyang biglang pumasok sa kaniyang kamay.
"Anong problema?" tanong ni Violet sa kaniyang tabi.
Yumuko siya at sinulyapan ang buhangin na tinatapakan nila. Tama nga si Aster. Bumalik na sila rito. Ang enerhiyang pumasok sa kamay niya ang enerhiyang iniwan niya kanina. Hindi lang iyon ang kaniyang napansin dahil ang tinatapakan nila ay unti-unting tumataob at lumalalim.
Napunta ang tingin niya kay Aryl na nasa unahan nila nang bigla itong maglabas ng kakaibang malice. A smoke enveloped around her hand as she summoned her black axe.
"May umaaligid sa atin," saad nito.
She was right. May iba pang enerhiya ang umaaligid sa paligid. It was quite similar to the plant's energy that Lis wasn't able to distinguish at first, as if it was hiding.
There were no shadows, and their coming from different directions.
Binaling niya ang tingin sa taas upang tawagin sana si Aster ngunit nagulat na lang siya nang biglang nawala ang ilaw at bumagsak ang katawan nito.
"Aster!" Kaagad nilang nilapitan si Aster.
"Aster," tawag ni Aryl habang marahang tinatapik ang pisngi nito ngunit hindi nagising ang lalaki.
What just happened?
Mabilis siyang napalingon sa likuran nang papunta sa kaniya ang enerhiya. Handa na siyang magpakawala ng isang suntok ngunit lumutang lang sa ere ang kamao niya. Madilim ang paligid kaya lalong nahirapan siyang makita kung sino man ang nagtatago sa itim ng gabi.
"Li—" Isang pagsinghap ang narinig niya sa kaniyang tabi. Nakita niya na lang si Violet na nakahundusay na katabi ni Aster at wala ring malay.
"Who are you?" asar niyang tanong. The thing had been attacking them one by one.
"Yuko!" Aryl slashed her black axe above them, but nothing had been sliced. "Ano bang—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang may biglang pumitik sa leeg nito. Kagaya ng nangyari kanina, bigla na lang ding nawalan ng malay ang babae. Her black axe returned into a smoke as she collapsed on the ground.
He cursed under his breath.
He was about to cast a barrier spell, but a hard and precise attack reached his neck, causing him to lose consciousness as well.
VOICES. Lis was surrounded by loud noises as if they were celebrating. Bukod sa mga ingay ay ramdam niya rin ang init na unti-unting lumuluto sa kaniyang balat. Nanaginip ba siya? O baka minumulto na siya ni Cross? Pero magkaiba naman ang apoy nito sa init na lumuluto sa kaniya ngayon.
"Ha!" Napamulat siya sabay ng paghigit ng kaniyang paghinga. Bubong ang sumalubong sa kaniya. Nakahiga siya sa isang maliit at matigas na kama.
Dali-dali niyang niluwagan ang kaniyang roba, hinubad ang ibabaw na bahagi upang pakalmahin ang init na nararamdaman niya ngunit wala pa ring nangyari. Napapaliguan pa rin ng pawis ang kaniyang katawan. Basang-basa rin ang kaniyang buhok na animo'y kakaligo niya lang.
'Ang init! Pati ang hangin mainit!'
Sumilay ang liwanag sa bintana na gawa sa pinagtagpi-tagping kawayan. Katabi lang ito sa kaniyang kama kaya bumangon siya at sinilip ang labas. Habang pinapaypay ang manggas ng kaniyang roba, napaawang ang kaniyang bibig sa nakita. He brushed his wet hair away from his forehead to see them clear.
The voices he heard, and still hearing, were the Flora. Napuno ang kaniyang mga mata ng nagagandahang mga halaman sa labas. Ang makulay nitong mga bulaklak na animo'y nagtatatalon, binibigyang buhay ang paligid. Hindi lang bulaklak, may mga gulay rin, kagaya na lang ng kalabasa na mayabong na pumupulot sa ginawang akyatan ng tangkay nito. Umabot ang tangkay nito sa bintana kung saan siya nakasilip.
"Where am I?" And where are his friends?
Inalis niya muna ang tingin sa mga bulaklak at inilibot sa loob ng . . . Hindi siya sigurado kung bahay ba ang tawag dito dahil para itong maliit na kuwarto. Sa sobrang liit ang nagkasya lang ay ang kama na hinihigaan niya. Gawa sa kawayan ang buong paligid pati na ang kama kaya naglilikha ito ng nag-aalburotong tunog. Ang tanging sahig lamang ay walang iba kundi ang buhangin.
Wala ang kaniyang sapatos kaya naman nanunusok ang init sa kaniyang paa pagkatapos niyang bumaba.
"Ah!" Ilang beses siyang napatalon bago nakapag-adjust sa temperatura.
Handa na siyang lumabas sa pintuan na walang pinto pero napatigil sa bagay na biglang pumasok. Kumurap lang siya ng isang beses ngunit may pigura nang nakatayo sa harapan niya.
"Twisted chief."
The man standing in front of him had a deep voice. They were of the same height, but the man's muscle was bigger than him in an inch. He wasn't wearing anything on top, exposing his toned body and tanned skin.
Napakunot ang noo ni Lis dahil pamilyar ang deskripsiyon nito. Saan niya nga ba ito nabasa?
"Glad that you're awake," the man spoke again. Habang pinagmamasdan niya ito, pumasok sa isipan niya ang libro ni Yeyi.
Golden hair like the sun, long pointy ears, and thick eyebrows with eyes deeply carved in perfect shape of his sculpture-like face; none of his features were soft. His beauty was the total opposite of Lis. It was tough and sharp. Strong and hot. Mature and handsome.
He was a Desert Fae, the guardian of the Desert Region.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro