Kabanata 23
THE VIOLET MAGICIAN
LIS couldn't sleep after his conversation with Pahima. Masiyadong maraming katanungan ang nabuo ng kaniyang isip kaya napagpasyahan niyang na lang munang lumabas at maglakad-lakad.
Napunta ang atensyon niya sa Aena Tower kaya lumipad siya patungo roon. He was always drawn to the tower—to the biggest and glass-like window on the top floor—making him question his feelings.
Muli siyang naupo sa barindilya at pinagmasdan ang buwan. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan niya ang pagkawala ni Cross. Nandoon pa rin ang pagsisisi at galit niya sa sarili. Things might turn out different that day if only he was stronger like he used to be.
Pinagmasdan niya ang kaniyang mga kamay. Doon lang siya namulat na naging mahina na siya. The more he used energy, the more he was destroying his body. Damn Dragon Stone. If only he could make his body invincible.
Isa pang pinoproblema niya ang pagpapakasal niya kay Aryl. Hanggang ngayon, wala pa siyang naiisip na solusyon. Paano niya makukuha ang kaniyang Dragon Stone nang hindi papakasalan ang babae?
Naputol ang kaniyang pag-iisip nang makarinig siya ng kaluskos. Napalingon siya sa malaking bintana sa kaniyang likuran. Nakahawi ang kurtina na kaninang nakasara at unti-unti ring bumubukas ang bintana.
Napalayo siya sa barandilya habang 'di inaalis ang tingin sa babaeng naging dahilan ng pagbukas ng bintana.
"Freedom! Finally!" Tumalon ito at tumuntong sa barandilya na inupuan niya kanina.
Biglang hindi nakagalaw si Lis. Ang mga ngiti nitong sobrang tingkad ang naging dahilan ng kaniyang pagkatulala. Tumapat ang liwanag ng buwan sa mahaba at maalon nitong itim na buhok. Nagkasalubong ang kanilang tingin at pakiramdam niya'y naging mabagal ang oras.
There was something in her eyes that caught him. Her purple orbs were like a sea of comfort, making him yearn to look at it more.
"Violet," he muttered unknowingly.
"Huh?" Nakatitig din ito sa kaniya na puno ng kuryosidad. "Who—ah!" Biglang itong nadulas kaya mabilis siyang lumipad papalapit at sinalo ang babae.
Nakayakap ito sa kaniya. Amoy na amoy niya ang halimuyak na nagmumula sa buhok nito.
Inangat nito ang tingin at muling siyang tinitigan.
"Are you okay?" he asked.
"Ang ganda mo."
Nagulat naman siya sa sinagot nito. Ilang saglit pa ay mabilis din siyang natawa. "Thanks."
Inupo niya ang babae sa barandilya. Bibitiw na sana siya pero bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay. "May asawa ka na ba? Kung wala, ako na lang."
Muli siyang natawa. "Are you planning to jump down?"
"Yeah. Pero hindi ko inaasahang sa 'yo pala ako mahuhulog." Ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"What's with you?" He smiled as well and while tilting his head. "And what's your name?"
"I'm Violet. I'm a violet magician." Nakahawak pa rin ito sa kamay niya at niyuyugyog ito na parang nag-shake hands sila. "And you are?"
"Lisianthus Hibius Crimson. A red magician. Pleased to meet you, Miss Violet. You can just call me, Lis."
"Lisianthus? Your name really suits you." She giggled and pointed his hair. "Is your hair color real? Can I touch it?"
"Yes, and yes." Bahagya siyang yumuko upang maabot nito ang kaniyang buhok. "Do you like the Lisianthus flower?"
Tumango naman ito habang inilapat ang kamay sa kaniyang buhok. Namamangha itong hawakan ang ilang hibla. Naupo siya sa tabi ng babae at hinayaan itong paglaruan ang kaniyang buhok.
"Bakit ka nandito sa labas? Curfew na kaya."
"At ikaw? Bakit ka rin lumabas?" tanong niya rin pabalik.
Hindi naman ito sumagot at napaisip. Tumigil ito sa paghawak sa kaniyang buhok at pinunta ang tingin sa kalangitan. Ilang sandali, nagsalita ito. "I'm sneaking out."
"Why?"
Mapaglaro siyang sinulyapan ni Violet. "Secret. Pakasalan mo muna ako."
Napatawa naman siya. Bakit ba ganito na lang ang mga salita nito? "That's so unnecessary. Can you stop hitting on me?"
"Hindi puwede dahil nabihag na ako ng kagandahan mo." Napahawak pa ito sa kaniyang dibdib na animo'y natusok ng palaso. "Mahal na yata kita, Lis."
Humalakhak siya sinabi nito. Napapadyak pa ang paa niya sa ere dahil hindi niya kinakaya ang lumalabas sa bibig nito. Why was he getting a confession now?
"Okay ka lang ba?" Marahan niyang pinitik ang noo nito habang natatawa pa rin. "Kulang ka yata sa tulog."
"Sus. Kinikilig ka lang, e," sagot naman nito habang nakangisi.
Napataas naman ang kilay niya. 'Oh-ho? Is she trying to tease me?'
"How could I not?" Ginantihan niya rin ang ngisi nito.
Natigilan naman ito. Hindi nagtagal ay namula ang mukha nito at dahan-dahang napangiti. "Stop!" Isang sapok ang natanggap niya mula sa babae. Kamuntikan na siyang mahulog sa barandilya dahil sa lakas ng hampas nito sa kaniyang braso.
Ang bayolente pala nitong kiligin.
"You're really going to marry me now, Lis." Pinulupot nito ang kamay sa kaniyang braso at hiniga ang ulo sa kaniyang balikat.
"You should get inside now and sleep," sagot naman niya.
Lumingon siya sa nakabukas na bintana dahilan upang masulyapan ang loob nito. Mukhang kuwarto ito ng babae.
"Do you live here?"
She nodded.
"Go back inside now. I'll be leaving as well."
"Huh? Teka, 'wag muna. Hindi puwede," mabilis nitong sagot at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa braso.
"It's eleven. I need to go back."
"Isama mo na lang ako total papakasalan mo naman ako, e."
Mahina siyang napatawa sabay iling. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. "I didn't say I will marry you."
Napasimangot naman ang babae. Bagsak ang mga balikat nitong tinitigan siya. At some point, he found it impressive how her eyes spoke to him. The way her eyebrows followed her sad expression made him want to stare at her more.
"Ako na nga 'tong nagpro-propose, ayaw mo pang um-oo." Bumuntonghininga pa ito.
"You just met me today. You can't marry me."
"So, 'pag ilang araw na kitang kilala puwede na kitang pakasalan?" Her lips curved into a smile again.
Muling gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at marahang inilapat ang kaniyang kamay sa ulo nito. "No."
Magaan ang pakiramdam niyang makita ang bawat ekspresyon ng babae. Hindi niya mapigilang maaliw sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw niya pang umalis pero kailangan. Baka mapansin na ni Aster ang kaniyang pagkawala.
"I'm going to go. Good night, Miss Violet."
Tumalikod na siya at handa nang lumipad paalis pero hinawakan nito ang kaniyang braso. "Wait. Saan ka nakatira?"
"Why? Pupuntahan mo 'ko?" He crossed his arms, eyebrows arching.
"Yes!" mabilis nitong sagot.
Napailing na lang siya habang 'di pa rin nawawala ang ngiti. "Cortez's flower shop in Riko Town. You'll find me there."
He waved his hand goodbye and left. Hanggang sa makauwi siya, 'di pa rin nawawala sa isipan niya ang imahe ng babae. Her voice was quite familiar to him, but he couldn't remember where he heard it. Seeing her smile made him smile as well, and for a while—even just for a little while—he was able to forget the burden in his heart, rendering it peaceful.
He tilted his head as he sat on his bed. Resting his body, he closed his eyes as the warmth of the woman still lies heavily on the back of his hand. Why did he feel like he forgot something?
Doon niya lang naalala ang sinabi ni Zeby sa kaniya nang dinalaw na siya ng antok.
"Never try to get the attention of a violet magician, they're very clingy."
IT WAS the usual not too cold and not too hot day in Faegika. Magaan ang pakiramdam ni Lis habang pinagmamasdan ang mga magician na dumadaan. Nakaupo siya sa kaniyang usual stool sa labas ng shop.
Tomorrow would be the last day he would be working here. Kahit na maliit lang ang oras na tinagal niya rito, mamimiss niya pa rin ang flower shop ni Cortez.
Sinukbit niya sa likod ng kaniyang tainga ang rosas. Tumayo na siya at papasok na sana sa loob nang may tumawag sa kaniya. Ang boses na kagabi pa bumabagabag sa kaniya.
"Lis!" sigaw nito pero hindi muna siya lumingon. Naghintay siyang lumapit ito sa kaniya habang gumugulo sa isipan ang mga sinabi ni Zeby tungkol sa violet magician.
He didn't mean to catch her attention, though.
"Hibi!" Napamulagat si Lis nang marinig ang katagang iyon. Mabilis niyang nilingon ang babae na tumatakbo na papalapit sa kaniyang direksyon.
Her arms were open to give him a hug, and he was ready to accept it, but the woman suddenly froze just in front of him.
"Can I hug you?" she asked, her arms still on the air.
Tumango naman siya. Just after he nodded, Violet threw herself at him and gave him a crushing hug; her arms around his neck and his on her waist. He could smell her perfume, like lavender, sweet and alluring. Her delicate body pressed against his made him wonder about the calm and peaceful moment of his life. It was so comfortable that he ended up resting his head on her shoulder.
"Have we met before?" he whispered against her ear. This familiar feeling couldn't be something that he should overlook. He was too comfortable to call it the first time.
"Yes. We meet last night, right?" Humiwalay ito sa kaniya. For a moment, he felt a sense of regret. He wanted to hug her more. "Hindi mo na ba ako naaalala? Ako 'to, si Violet, ang mapapangasawa mo," dagdag pa nito dahilan para mapailing siya habang pinipigilan ang labing ngumiti.
"How could I forget a woman so remarkable as you?" Right. There was no way he could have forgotten her if they had met before. "Anyway, what did you call me?"
Ngayon niya lang nasilayan nang maigi ang kutis nitong singputi ng niyebe at ang nunal nito sa ilalim ng kanang mata.
Imbes na sagutin siya ay mapaglaro siya nitong nginitian. "Will you marry me?"
Mabilis na gumuhit ang ngiti na kanina niya pa pinipigilan. "Why did you call me Hibi?"
"Lisianthus Hibius Crimson. Hibius. Hibi," paliwanag nito. Hanggang balikat lang niya ang babae kaya nakatingala ito sa kaniya. Her face asserted the face of an innocent woman, looking like a shy person who would never initiate any conversation, but her personality spoke otherwise.
And he liked that about her. He now figured out where did she hear her voice. It was from his dream. The sweetest voice that had been calling to him.
"Did you purposely showed up in my dream?" he asked.
Gulat naman siya nitong tiningnan. "Did you dream of me? Ikaw ha!" Pinulupot naman nito ang kamay sa kaniyang braso. "Para sa 'yo talaga ako, Lis. Ako na magsasabi, nakatadhana tayo para sa isa't isa."
Why did he feel like someone was taking revenge on him? Bakit siya ngayon ang inaasar? Is this what it felt like to taste your own medicine?
Tiningnan niya si Aster at Aryl na nasa loob sabay napangiti.
'I guess so.'
"And why is that?" sagot niya sa babae at ginaya papasok ng tindahan.
"Hindi mo ba alam? Kapag napanaginipan mo ang isang tao, kayo raw ang magkakatuluyan sa huli."
"Sinong may sabi sa 'yo?"
"Ako."
Napatawa siya nang mahina. Sa daming banat nito, hindi na siya nagulat pa sa sinagot ng babae.
"Good morning, miss. What would you like to have?" salubong ni Aster habang nakaturo sa mga nakahilirang bulaklak.
"Lisianthus," sagot nito.
"Bouquet or—"
"Isa lang gusto ko." Hinigpitan nito ang kapit sa kaniyang braso.
Mukhang alam na niya yata kung saan 'to patungo.
"Right away, miss. Kindly—"
Hindi natapos ni Aster ang sasabihin nang magsalita ito ulit. "Nakuha ko na." At tinitigan siya.
Kumunot naman ang noo ng kaniyang butler. Ilang sandali pa ay mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ni Violet. Makahulugan siyang tiningnan ni Aster. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti.
"I'm not for sale, though," sagot niya.
"Okay lang. Hindi naman kita kailangang bilhin para sa sumama ka sa 'kin," sagot nito at ngumisi. What was she thinking?
"Sino in-charge sa shop na 'to?"
"Ako po, miss." Napalingon sila kay Aryl na nasa counter.
"Hi there! Kunin ko muna ang bulaklak na 'to, ah? Balik ko mamaya." Turo nito sa kaniya.
Kumunot naman ang noo ni Aryl at Aster at napatingin sa isa't isa. Ngayon lang napansin ni Lis na hindi na naiilang pa ang dalawa. Hindi niya mapigilang magdiwang sa tuwa.
'An improvement. Yes. Finally.'
"Ahm, I think si Lis yata ang kailangan niyong tanungin diyan," sagot ni Aryl. Her face still looking confuse.
"Nice!" she said with excitement and closed her palm as if she won something. "Let's go, Lis."
Hinila na siya nito palabas.
"Wait. You haven't asked me out yet. Where are we going anyway?"
"Am I pretty?"
"Uh—yes?"
"Then let's go."
"Saan?"
Nilingon siya nito. Her violet eyes sparkled while looking at his pink ones. Her tiny, soft-looking lips formed a curve, ready to spout some crazy nonsense proposal, making him feel a little dizzy inside.
"We're going to get married."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro