Kabanata 18
MISSING
"CONGRATULATIONS, Chief."
"I'm not yet the chief." Tumayo na si Lis at pinagpag ang kaniyang damit.
"Not yet?" sagot ni Cross.
Inalalayan niya itong tumayo at pinaupo sa stool.
"What do you mean 'not yet'?" tanong nito ulit.
"You told me about your reason, I guess I have to tell mine as well," he said and sat down.
Nilingon niya muna si Aster na nakatalikod pa rin sa kanila. Tatawagin na niya sana ito nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto.
"Iwan ko muna kayo rito, ah? May kukunin lang ako sa Cell," sabi ni Aryl. Napansin naman niya si Cross. "Anong nangyari sa 'yo? Ano 'yan?" Sabay turo sa leeg at tainga na may marka ng Tarantula.
Imbes na sagutin nito ang tanong, ngumisi si Cross at sinabi, "Aster is sulking. Take him with you."
Kumunot ang noo ni Aryl. Handa na sana siyang dagdagan ang pang-aasar ni Cross pero sumabat si Aster.
"I'll come with you," sabi nito at naunang maglakad. Ni hindi man lang sila nito nilingon.
"Leave the shop to us. Go." He gestured his hand for Aryl to leave.
Kahit na nagtataka, tumango naman si Aryl at umalis na. Sila na lang natira ng Phoenix. Inabot nito ang kaniyang Vege Sal habang hinihintay siyang magsalita.
"The reason why I came here is because of my Dragon Stone," simula niya. Hindi ito sumagot kaya nagtuloy-tuloy siya sa pagsasalita. "Someone stole it the day before my coronation."
"Fucking clumsy. How the hell will it be stolen to you? It's inside your fucking heart."
"I was drunk. I didn't even fully remember what happened that night." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Your brother found out it was stolen by a black magician."
"And did you find out who?"
"Yeah. It's Aryl."
Napaubo si Cross matapos niya iyong sabihin. "Fuck! Aryl stole your stone?"
"Wait," pigil niya. "It's kind of a yes and a no. Ang sabi niya may lalaki raw na nagbigay ng Dragon Stone ko sa kaniya para gumaling siya. She took it and since she doesn't know about protection spells, it's now engraved in her heart."
"Gumaling naman siya?"
"You know about her condition?"
He nodded.
"Well, yeah. That's what she says. She said my stone is the Heart of the Dissolving—what was it again?" Napaisip siya.
"Dissolving Flower?"
"Yes! That's it. You know about that?"
"I think I heard it from Pahima. Anyway, who's this guy who gave her your Dragon Stone?"
Nagkibit-balikat si Lis. "That's what I want to know."
Muli itong napamura sabay lagay ng bowl sa mesa nang may biglang mapagtanto. "If I remember correctly, the conditions to have your stone back . . ."
"Yeah. I know. She agreed to be married to me." Bumuntonghininga siya.
"Fuck! You fucking bastard!" Isang sapok ang natanggap niya kay Cross matapos niyang magsalita. "The fuck are you saying? What about Aster's feelings? And isn't it allowed to marry other genes?"
"Coming from someone who's in a relationship with an A-gene," sagot niya habang napapahimas sa kaniyang ulo. "What do you want me to do then? Kill her? If that happens, I'll be hurting Aster's feeling either way. And besides, we made a deal. I'll help her find his sister in exchange for my Dragon Stone. She's the one who decided to get married with me."
He received a death glare from Cross. "So? Are you going to fucking marry her then?"
"Of course not," nakahalumbaba niyang sagot. "I don't want to get married."
"What's your plan?"
"I'm thinking, Cross. I'm still thinking." He had been trying to come up with ways to get his stone back without the marriage, but the only option popping his head was to kill her. Damn frustrating.
Hindi sumagot si Croissant at pinagkrus ang mga braso. Pilit din itong nag-iisip ng paraan pero ilang minuto ang lumipas, napakamot ito sa kaniyang leeg, ibig sabihin, wala rin itong naisip. Siya naman ay napatingin na lang sa mga magician na dumadaan.
"We're going to H-district soon," he uttered.
"Huh? Why?"
"I heard the Shadows might be living there." He lips curled upward. Just by thinking of going to another district, he couldn't help but be swept with excitement.
"The Shadows . . ." Kumunot ang noo ni Cross. Ilang sandali pa ay nagdilim ang mukha nito. "Don't tell me, this is what you talked about with Pahima?"
"Yes. What about it?"
"Crimson, you—" Handa na siyang tanggapin ang isa pa nitong sapok pero pinigilan nito ang sarili at bumuntonghininga na lang. "Don't ask her about that again."
Ngayon, siya naman ang napakunot ng noo. "Why?"
"Just don't."
"If you're not going to tell me, I won't stop bothering her about it."
"Fucking annoying." He rolled his eyes. "Let's just say she was traumatized by the Shadows."
Imbes na tumigil ay lalo lang siyang naintriga. "Are you saying that she saw them?"
Tumango si Cross. "Yeah." Napababa ang tingin nito sa pulso upang tingnan ang oras. "I'm going home. It's noon."
Tumayo na ito. Inubos muna ang kaniyang Vege Sal bago tumalikod sa kaniya.
"Wait!" sigaw niya pero kumaway lang ito sa kaniya at lumipad na paalis.
ISANG araw ang lumipas at naghihintay si Lis sa pagdating ni Pahima. Nais niyang marinig ang desisyon nito. Nasa labas siya ng Cell, nagpapahangin at pinagmamasdan ang Faegika. Hanggang ngayon, namamangha pa rin talaga siya kung gaano kadaling tumahimik ang buong lugar alas syete pa lang ng gabi. Napakadisiplinado ng mga magician na hindi na kailangan pang magkaroon ng mga guwardiya para mag-round.
Tinakpan niya ang dibdib sa kaniyang roba nang sumuot sa kaniyang balat ang lamig ng hangin. Napunta ang kaniyang tingin sa Aena Tower. Hindi niya maipaliwanag pero palaging nakukuha ng tore ang kaniyang atensyon, lalo na sa malaking bintana na nasa pinakataas na palapag.
"Why is she still not coming?" He checked the time, and it was almost 7:45. Did Cross stop her?
He sighed. Sa tuwing naiisip niya ang kalagayan ng kaibigan, nag-aalala siya. Dalawang taon na nitong iniinda ang lason at hindi niya alam kung kailan ito kakalat at sakupin nang buo ang katawan nito.
'Is there something I can do?'
Tumalikod na siya at napagpasyahang bumalik sa loob. Kakausapin niya muna si Aster na hanggang ngayon, hindi pa rin siya pinapansin simula pa kahapon. Ewan niya nga ba't siya nadamay, e, hindi niya rin naman alam ang situwasyon ng Phoenix.
Hahawakan na sana niya ang doorknob pero napatigil siya. Napunta ang atensyon niya sa kaniyang kanan nang may maramdaman na malakas na enerhiya. Papunta ito sa direksyon niya.
"Cross—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang siyang sinunggaban ng kaibigan. Bumagsak siya sa sahig habang nakahawak ang nag-aapoy na kamay ni Cross sa kaniyang leeg.
"Where is she?" Nanginginig ang boses nito sa galit.
Mariin niyang hinawakan ang pulso nito upang alisin ang pagkakasakal sa kaniya ngunit lalo lang nitong hinigpitan. Hindi na nga siya makahinga, naluluto pa ang kaniyang leeg sa nagliliyab nitong kamay.
"C-Cross, l-let go . . ." He tried to remove his hand while absorbing the life near him—the life of the plants. When he accumulated enough energy, he didn't think twice to summon the giant roots from underground up to where they were fighting. Mabilis niya itong ipinalibot sa katawan ni Cross at winaksi palayo sa kaniya. Tumilapon ito at bumangga ang katawan sa barindilya.
Malalim ang binitiwan niyang paghinga habang tinitingnan ang situwasyon ng kaibigan. Hinawakan niya ang kaniyang leeg pero kaagad ding inalis nang maramdaman ang hapdi.
"What's your problem?" iritang tanong niya.
"Where is she! Where's Pahima? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi?" sigaw nito habang nilalamon na ng apoy ang mga ugat na nakakapit sa katawan nito.
"Hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw, e." Tumayo na siya.
"What? Fuck! Where the fuck is she then?" Napahilamos ito sa mukha. "She left early in the morning because he wanted to talk to you and until now, she hasn't returned."
Taka niyang tiningnan si Cross. "There's no Pahima who showed up to me earlier."
"Damn it!" He brushed his long, red hair. Palaging nakatali ang buhok nito pero sinadya yatang 'wag magtali ito ngayon upang takpan ang mga marka nito sa gilid ng leeg at tainga.
"Maybe she went somewhere."
"No. Pahima isn't the type to go around different places except for the flower shop."
"What's happening here?" Napunta ang tingin nila sa dalawang pigura na lumabas mula sa pinto.
"Pahima is missing," sagot niya at muling binaling ang tingin kay Cross. "Did something like this happen before? Or maybe she—"
"Fuck!" Hindi niya natapos ang sasabihin sa biglaang pagmumura nito na para bang may biglang napagtanto. Pabalik-balik ang lakad nito at hindi mapakali. "No. No. This can't be them."
"Who?"
Napahinto ang lalaki at napunta ang tingin sa kaniya—sa kanila. Nakatingin silang tatlo kay Cross at naghihintay na magsalita.
Nagdalawang-isip pa ito pero sinabi rin nito sa kanila. "It's . . . the Shadows."
Muling nabuhay ang kuryosidad ni Lis at itinuon ang pokus sa bawat salita ni Cross.
"Pahima is actually one of them." Hindi ito makatingin nang diretso sa kanila.
"Ano?" 'di makapaniwalang sigaw ni Aryl habang sila naman dalawa ni Aster ay tahimik lang.
Kahit siya mismo ay nagulat pero pinili niya munang manahimik at hinayaan si Cross na magsalita.
"Listen 'cause I'm only gonna be telling this once." Napakuyom ang kamao nito. "The Shadows are hybrid beings. They have the genes of an A-genes, S-genes, and H-genes."
"There are more genes living in this country?" Gulat ngunit bakas sa boses niya ang pagkamangha.
Umiling si Cross. "No. The Shadows are experimented. Their bodies are originally magicians. I don't really understand, but Pahima, she is one of those experimented. The scars of her body are the proof of it. She told me that there was a lot of fucking painful stuff injected on her when she's still in H-district."
"The district of humans." Kumunot ang kaniyang noo. "A-are they the one who created the Shadows?"
"Yes." Nangibabaw ang galit sa boses ni Cross. "They're fucking making new genes for I don't know what reason, but I don't really feel good about it."
"Nakatakas ba si Pahima sa kanila?" tanong ni Aryl.
"No. She was sent back here to spy on this place. P-Pahima, she's . . ." Hindi nito matapos ang sasabihin habang 'di makatingin nang diretso kay Aryl. "She's . . . she was involved on the kidnapping."
Wala pang isang segundo matapos sabihin iyon ni Cross ay sinugod na siya ni Aryl. "Anong sabi mo? Huwag mong sabihin na siya rin ang dahilan sa pagkawala ng kapatid ko?"
"She already stopped cooperating with the Shadows. The new cases happening in the past two years were not here doing. And it was only recently that she had been receiving threats from them."
"Ang kapatid ko ang unang nabiktima! Siya ang may pakana sa pagkawala ng kapatid ko!" Mariin na hinawakan ni Aryl ang kuwelyo ni Cross. "Sabihin mo sa akin, nasaan ang kapatid ko!"
"Aryl!" Pinigilan ito ni Aster nang mag-ambang susuntukin si Cross.
"Wala kang makukuha sa akin kahit pa basagin mo ang mukha ko dahil hindi ko alam," sagot ni Cross. "Pahima never told me. And now she's fucking missing." Napasabunot ito sa buhok. Halata sa mukha nito ang pag-aalala sa kasintahan.
Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang paligid bago niya napagdesisyunang magsalita.
"Let us separate and find her." Tiningnan niya si Cross. "Croissant, go back to your Cell. You said the Shadows were sending threats, right? You might find a clue there, so go back for now. Send me a message if you find something." Tinaas niya ang kaniyang mga daliri upang ipakita ang kaniyang Dissemination Spell.
"And to us three, let's separate our ways. I'll be in charge on the north and east, Aster on the west and Aryl on the south. If you find her, tell us right away," patuloy niya. Nakakonekta rin sa mga daliri nito ang kaniyang spell.
"Understood, master," sagot ni Aster.
Tumango naman si Aryl bilang sagot kahit na salubong pa rin ang mga kilay nito dahil sa galit.
"I'll leave first." Kaagad na lumipad paalis si Cross.
Handa na rin silang umalis tatlo ngunit may narinig silang malakas na kalabog mula sa taas.
Dumungaw siya paitaas upang makita kung anong mayroon sa ibabaw. Nagtayuan ang mga balahibo niya likod nang makaramdam ng kakaibang enerhiya.
It was familiar to him.
Kilala niya ang enerhiya nito ngunit bakit hindi buo? Bakit parang may nakahalong ibang enerhiya?
Napalingon siya kay Aster at salubong ang mga kilay nito. Mukhang naramdaman din nito. Ang enerhiya ay katulad ng kaniyang butler.
"What—" Nahigit niya ang hininga at mabilis na napaatras nang may bagay na muntik nang tumama sa kaniyang mukha. Ilang hibla sa dulo ng kaniyang buhok ang naputol sa matulis na bagay na dumaan.
What was that? A sword? A dagger? He couldn't see it clear. It was swift and fast enough for him to only see the afterimage.
"That's quite regretful," said a voice that he wasn't familiar with.
Napako ang kaniyang tingin sa lalaking nakatuntong sa barindilya. Puti ang mga buhok nito habang ang mga mata ay bughaw. Hindi niya maaninag ang buong mukha dahil may telang nakatakip sa bibig ng lalaki. Hapit na hapit sa katawan ang suot-suot nitong tela at may nakakabit din sa mga tuhod at siko nito na parang mga bakal na hugis bilog.
"A blue magician?" Aryl said, unsure of her words.
Magician? But he could feel a blood of an S-gene from him.
Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Cross kanina at gulat na tiningnan ang gawi ng lalaki.
"A Shadow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro