Kabanata 17
THE TRUTH BEHIND THE PHOENIX'S ESCAPE
"DO you really have to stare at me like that? Baka pagselosan pa ako ni Pahima nito." Lis clicked his tongue while eating his favorite Vege Sal.
Hindi naman sumagot ang kaibigan na nakaupo sa kaharap na stool na inuupuan niya. Tinaasan lang siya nito ng kilay at inabot ang bowl ng Vege Sal na nasa maliit at pabilog na lamesa.
"What the hell did you say to her?" Kumuha si Cross ng piraso ng lettuce habang 'di pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
"Not telling." He gave him a smile he used to annoy people. "And I never said you can have some of my Vege Sal." Tinampal niya ang kamay nito at hinila ang bowl palapit sa kaniya.
Kanina pa siya 'di nilulubayan ng Phoenix kakatanong tungkol sa pinag-usapan nila ni Pahima kagabi. Hindi pa nga nagbubukas ang tindahan, nakita na niya kaagad ito sa labas na naghihintay at minumura na siya sa tingin. Wala itong ginawa kundi na manood lang sa kanila habang inaayos ang mga bagong dating na mga bulalaklak kaninang umaga.
Croissant sighed. "If that's something that can harm her—"
"It's not, okay? You're being overprotective. How did you become like this, huh, Cross?" Taas-baba ang kaniyang kilay at mapanuksong tiningnan ang lalaki.
"Fucking nosy," Cross whispered and crossed his arms.
"Pakipot pa 'to. Ano nga nangyari sa 'yo? Anong pinaggagawa mo rito sa loob ng dalawang taon? Paano kayo nagkakilala ni Pahima?"
"It just happened." Umiwas ito ng tingin.
Bumuntonghininga na lang siya. Wala talagang kuwenta mga sagot nito. Ano ba kasing tinatago nitong kaibigan niya at 'di masabi-sabi sa kaniya.
"What about you?"
"Not telling."
"Fucking annoying," rinig niyang bulong nito pero 'di na siya sumagot pa at nagtuloy-tuloy na lang sa pagkain.
Bakit kaya walang masiyadong mga customer ngayon? Siguro dahil nandito ang kaibigan niyang lukot na lukot ang mukha na kaunti na lang at mayuyupi na sa pagkakasimangot. Salungat na salungat sa maaliwalas at maganda niyang mukha.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan sa kakatitig mong 'yan?" Napangiwi siya. "Imbes na sa akin, ba't 'di mo pag-aksayahan ang tingin mo ro'n?" Tinuro niya ang direksyon nina Aster at Aryl na sakto namang nag-uusap sa loob.
Hindi nila marinig ang usapan ng dalawa pero kita nila ang ekspresyon ng kanilang kaibigan. Hindi man halata ang nakaangat nitong mga labi, pero dahil sanay sila sa walang kaemo-emosyon nitong mukha, kaagad nilang napansin ang kaunting pagbabago sa ekspresyon nito.
"Damn fucking miracle," bulalas ni Cross, bahagyang nakaawang ang mga labi at titig na titig sa tinuro niya.
He released a silent laugh.
Nagulat pa ito, e, para namang hindi nakagugulat ang pagkahulog nito kay Pahima.
"Parehas lang kayong dalawa." Napailing siya. "Kung alam ko lang na dito niyo pala makikita ang babaeng gugustuhin niyo, matagal ko na sanang binitbit kayong dalawa rito."
"Tawagin mo nga si Alpas dito." At inuutusan pa talaga siya. Hay! Ano pa nga bang aasahan niya sa kaibigang ito.
"Why?"
Cross looked at him with a what-else look, making him raised his eyebrow.
"Are you fucking serious, Crimson? Do you think I will fucking shut up about this? Fucking no!" he shouted, voice full of excitement. Nang sumilay ang malademonyo nitong ngisi, doon niya lang naunawaan ang nais nito.
They exchanged meaningful looks and released tiny evil laughs.
"You really are my friend."
Kagaya ng sabi ni Cross, tinawag niya ang kaniyang butler.
"What is it, master?" As usual, he always wore that emotionless expression on his face.
Hindi siya sumagot at hinayaan ang Phoenix na akbayan si Aster.
"Dude, I'm fucking proud. You're a one whole fucking grown ass man now!" sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang ngisi sa labi. Tinapik-tapik pa nito nang ilang beses ang dibdib ni Aster dahilan para mapakunot ang noo ng kaibigan.
"Can you stop?" Bakas sa boses nito ang pagkairita. "What are you saying?"
"Binata ka na raw!" hirit niya. "Uy, Aster. Kita namin 'yon kanina. Ikaw ha! Gumagalaw ka na."
Aster sighed—a sigh of annoyance—and whispered, "Not again."
"What do you like about her, Alpas?" Nilapat ni Cross ang kamay sa ulo ng kaniyang butler at ginulo ang naka-slick back nitong buhok. "Come on, fucking say something! I'm more than damn fucking willing to listen. Let's hear your miraculous feelings, shall we?"
Hindi mapigilang magdiwang ang isip ni Lis dahil sa 'di mapintang inis ni Aster. It had been a while since the three of them were gathered. Na-miss niya ang mga ganitong araw. Cross was the youngest of the Sol siblings while he was an only child. They were of the same age while Aster was fifty years younger than them. Kaya naman no'ng dumating si Aster sa kanila, pakiramdam nila'y nagkaroon sila ng kababatang kapatid. And they always had been treating him since that day.
"I said stop!" Winaksi nito ang kamay ni Cross. "I don't like her."
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Cross at sabay na napatawa.
"Mali naman kasi ang tanong mo, Cross. Dapat yata, 'What do you love about her?'"
"Oh? Is it love already?"
Muli silang nagtawanan dalawa. Napapadyak ang kaniyang paa sa lupa habang si Cross naman ay napapahampas sa mesa. Kapag talaga sa kalokohan, maaasahan niya ang Phoenix.
"Will you two shut up?" nangangalaiting saad ni Aster kaya napabalik ang atensyon nila. Sinubukan nilang pigilan ang tawa ngunit nang makita nila ang namumulang mukha ng kaibigan, napahalakhak ulit sila.
"Aw! Our baby is fucking shy."
Hindi nila tinigilan na tuksuhin si Aster na halatang nagtitimpi lang sa kanila. Buti na lang talaga at walang masiyadong customer kaya malayang-malaya silang magdaldalan nang hindi sinisita ni Aryl.
Aliw na aliw si Lis sa dalawa habang kumakain ng kaniyang Vege Sal pero natigilan na lang siya nang biglang mapaluhod si Cross. Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita itong nahihirapang huminga.
"Cross!"
"Sol!"
Mabilis silang napalapit ni Aster upang tingnan ang situwasyon ng kaibigan. Hawak-hawak nito ang leeg na para bang may nakabara doon. Paulit-ulit din nitong sinusuntok ang dibdib dahil sa paninikip.
Hindi niya mapigilang mag-alala. Kasabay niyon ang pagtataka sa nangyayari sa kaibigan. Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa leeg upang tingnan.
Natigilan siya. Marahas niyang pinunit ang damit nito sa may bandang leeg hanggang sa balikat upang mas makita niya pa lalo ang mga markang nakaungkat sa balat ni Cross.
Nang makilala kung ano ito, napabagsak siya sa lupa.
Hindi maaari.
Ang buong balikat nito ay natatakpan ng itim na mga ugat. Mga ugat na nagmistulang mga sapot at ngayo'y umaakyat na sa tainga ng kaibigan. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang linya ng Tarantula, isa sa mga pinakadelikadong lason na matatagpuan lang sa Mythria at gawa galing sa Serpent Lineage.
"C-Cross . . . you're . . ." Hindi niya natapos ang sabihin nang umubo ito at sumuka ng dugo.
Natalsikan ang cloak niya at ganoon din kay Aster ngunit hindi niya iyon pinansin.
Napakuyom ang kaniyang kamao. "You're poisoned."
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Hindi sumagot si Croissant at nanatili lang na nakayuko sa harapan niya.
"What happened to you?" He gritted his teeth. "Sumagot ka!" Hinila niya ang kuwelyo nito at sinalubong ang mapungay nitong mga mata. Umakyat ang inis niya nang makita ang mukha nitong maputla pa sa kaniyang balat.
"Master, stop—"
"Do not interfere!" He silenced Aster by glaring at him. Binalik niya ang tingin sa nanghihina niyang kaibigan. "Why did you kill someone? Why did you flee? What have you been doing here for the past two years, Croissant Sol? Answer me!"
A nerve carved out on his forehead as his fist was shaking due to his tight grip. Galit siya. Hindi dahil kay Cross kundi dahil hindi niya kaagad nakita ang situwasyon ng kaibigan. Bakit ang bulag niya? Bakit hindi niya kaagad napansin ang pamamayat nito? Bakit hindi niya kaagad inisip ang dahilan ng pangingitim sa ilalim ng mga mata nito? Ang akala niya'y kaya hindi katulad ng dati ang init ng apoy nito dahil hindi lang tinodo ni Cross na puruhan siya, pero mali. Nagkamali siya.
'I thought I know my people.' Especially his friends. But this event proved him otherwise.
"Why did you not return?" Lowering his voice, he loosened the grip of his collar.
"Para saan pa?" Inalis nito ang pagkakahawak niya. "Like I told you before, it doesn't matter anymore."
"It does matter to me! It matters to the people who cared for you."
"It won't change anything, Lis." He wiped the blood on his lips before continuing. "You're right. I was poisoned. My fucking envious cousin poisoned me."
Nagkatinginan si Lis at Aster matapos sabihin iyon ni Cross. Mukhang may ideya na siya kung saan ito patungo.
"It was before the day I would inherit the Phoenix Lineage. Bibisitahin ko sana sila sa guest room, but I fucking overheard my two cousins talking about how they would stir up my ceremony." Nasapo nito ang noo habang inaalala ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. "They fucking bought two vials of Tarantula's Line just to fucking put it on our damn dishes—to poison me and my brother. To fucking kill us both because they want the damn inheritance. Damn fucking envious Phoenixes!"
Napamura din si Lis sa isipan. He couldn't believe it. Phoenixes were never labeled greedy because none of them never care much about fame, money, and most of all, inheritance. They were a lineage of pride; they never resort to those underhanded doings.
"And you took all the poison?" Aster spoke.
"Not all. I confronted them and tried to fucking talk their senses out, but they wouldn't listen. They tried to kill me instead." Napatiim-bagang ito. "They were fucking scared that I might tell my brother and ruined their fucking plan, so they gang up on me. Akala ko dalawa lang sila, but no, auntie and my uncle showed up as well. They fucking beat me up that I had no choice but to fight back until they decided to open the vial. I thought the poison was in a form of a liquid, but it's powder. They opened the vial and threw it on my face, and I ended up inhaling it. I was so mad. Fucking mad that I burst out." Napahilamos si Cross sa mukha. "I never wanted to kill one of them, but I was lost in my senses. The moment I realized . . . I already killed my cousin."
"Nin . . ." Lis uttered. Nin was the cousin Croissant killed. He encountered him often before but they were never been close.
"Kung ganoon, ba't ka umalis? You should've stayed there. My mom would probably going to pardon you if you had just told them the truth."
"It's not because of the punishment that I escaped." Cross gave him a weak smile. "If I have stayed, all of you will find out about the truth. And my brother will never forgive them. Yeyi will surely going to exile them, and knowing mom, she will probably be against it. You know Auntie is mom's favorite, right? It will just complicate things. Mom and brother will end up fighting. And I will end up dying either way."
Lis sighed with a hint of annoyance. He didn't like the last thing he said. "Trying to be a good boy now, huh? Since when did you care about such things?"
"What do you take me for?" Napatawa ito nang mapakla.
"Kahit na, Cross. We could have heal—"
"You can heal me?" He cut his words. "Crimson, you're no healer. Even the Serpents couldn't provide any antidote. Ikaw pa kaya."
"They should've made one on the first place," Aster said as he stood up. Nakakuyom ang mga kamao nitong tumalikod sa kanila.
Kahit na siya rin ay nainis. The Serpent Lineage were known to make poisons. Gumagawa sila ng mga lason hindi para sa kapahamakan ng iba kundi para sa sarili nila. They had weird appetites. Their bodies always seek poisons. Kapag hindi sila nakaiinom ng lason, manghihina ang katawan nila kahit pa gaano pa kamasustansiya ang kinakain nila. And the more lethal poisons they ingest, the healthier they get. Kaya naman hindi na sila nag-atubili pang gumawa ng antidote dahil para lang naman iyon sa kanila.
Kapag ang isang S-gene na hindi galing sa Serpent Lineage ang makakatikim kahit kaunti, maliit lang ang posibilidad na makaliligtas pa ito nang buhay.
Mahigpit na ipinagbabawal ang ano mang uri ng transaksyon ng mga lason sa ibang lineages at eksklusibo lang ito para sa mga Serpent. To think that Cross' cousins were able to get two vials, there was someone who clearly backed them up.
Gustong sambunutin ni Lis ang sarili dahil sa lumulubo niyang galit. He should've been a better master. He should've paid more attention like a curious person he was. Sana mas tinuunan niya ng pansin ang paglisan ni Cross dati. Sana inisa-isa niyang kinausap lahat ng nasa Phoenix Lineage. Sana hindi niya tinigilan si Yeyi sa pagtatanong. Sana hinanap niya kaagad si Cross matapos itong umalis.
Sana may ginawa pa siya.
Napabalik siya diwa nang may sumapok sa kaniyang ulo. Ngayon lang niya napansin na dumudugo na pala ang kaniyang palad dahil sa higpit ng kaniyang pagkakakuyom. Kita ang hulma ng kaniyang kuko pagkatapos niyang buksan ang kaniyang mga kamay.
"Can you stop? I never ask you to fucking blame your annoying self." Cross was glaring at him. "This is why I don't want you to know."
Umiwas siya ng tingin. "You're dying." Puno ng pagsisisi ang kaniyang boses.
"I know. But at least I'm happy." Mahina itong tumawa. "Pahima. I'm happy to meet her."
Napabalik ang tingin niya sa maputla at pagod nitong mukha.
"Stop looking at me with that pitiful face," kunot-noong sabi nito sa kaniya at binaling ang tingin kay Aster na nakatalikod. "And you. Stop sulking!"
Hindi siya sumagot. Ganoon din si Aster. How could they act like everything's okay when their friend was clearly suffering?
"Does Pahima know about this?"
"She was the one who took care of me after I reached Faegika. She knew about the poison, but she thought I've already healed. Don't you fucking tell her about this, okay?" Bahagya siya nitong sinipa sa tuhod.
Nakaupo pa rin silang dalawa sa lupa. Umirap lang siya at nanatiling tahimik.
"Your birthday was last week, correct?" pag-iiba nito. Cross formed a smile on his face, not a threatening one but a sincere one as if he was proud of him. "Congratulations, Chief."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro