Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

BERRIES

ISANG linggo. Isang linggo na ang lumipas simula nang makarating sila sa Faegika. Isang linggo na ring tinitiis nina Aryl at Aster ang walang tigil na panunukso niya sa dalawa.

Pabalik na si Lis sa Cell habang dala-dala ang kaniyang binili. Ginamit niya ang Meo (Rise's currency) na sinuweldo ni Cortez sa kanila kahapon.

It was late in the afternoon when he arrived. Walang tao sa sala kaya naman hinanap niya kung nasaan ang dalawa. Hindi na siya magtataka kung wala si Cortez dahil palagi naman talagang wala ito. Iniwan niya muna ang binili sa ibabaw ng kama bago nagtungo sa kusina.

"Ako na r'yan."

Mabilis pa sa alas kuwatrong napaatras siya at nagtago sa isa sa mga pader na naghihiwalay sa kusina at salas upang 'di maisturbo ang dalawa. Dahan-dahan niyang sinilip kung anong ginagawa nina Aster at Aryl.

"It's okay. I can manage."

Aryl was trying to help Aster in cleaning the dishes.

Palihim siyang napangiti. Nakatalikod si Aryl sa anggulo kung nasaan siya habang si Aster naman ay nakatagilid at naghuhugas ng pinagkainan nila kanina. Oh, how he was so tempted to push Aryl into his butler. Subalit baka masira ang eksena kaya manonood na lang siya.

"Hindi ko alam na marunong ka pa lang maghugas ng pinggan," sabi ni Aryl.

"Am I not supposed to know how?" sagot naman ni Aster.

"Well, your master doesn't seem to know about house chores. Kaya I assume na baka hindi ka rin marunong."

"We are not of the same quality," sagot naman nito dahilan para matawa si Aryl.

Napanganga naman siya habang nakikinig sa dalawa.

'How could they backstab me!'

Siya na nga 'tong tinulungan silang mapalapit sa isa't isa tapos ito pa ang matatangap niya? Mga walang utang na loob, hindi man lang binigyang importansiya ang mga ginawa niya.

'That's not what you should say to your master, Aster.' Ang lakas pa nitong pagbantaan ang sinumang mangbastos sa kaniya tapos ganito rin pala ang bibitiwan nitong mga salita. Well, hindi naman sa 'di siya makapaniwala. Kahit palaging kalmado itong kaibigan niya, alam niya namang nagpipigil lang itong murahin siya sa mukha.

"Are you a dragon, too?"

Tumigil muna ito sa paghuhugas at nilingon si Aryl. "Yes."

"Anong klaseng dragon?"

"I'm a Sun dragon."

She nodded. "Si Lis, ano siya?"

"He's . . ." He trailed off. Binalik nito ang tingin sa mga plato na pinapatuyo na. "He can talk to the plants and make them grow faster."

"So, ano nga siya?"

"The most beautiful flower." Pasok niya sa usapan ng dalawa at naglakad na parang siya ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa.

Nginitian niya ang dalawa na nagulat sa biglaang pagsulpot niya. "Kayo ha, sa dami-dami ng puwede niyong pag-usapan, ako pa talaga." Napunta ang tingin niya kay Aster at pinaningkitan ito. "You better run 5000 laps later."

"Why?" Kumunot naman ang noo nito.

Hindi niya sinagot ang tanong nito at nagsalita ulit. "Come to the living room after you two are done with the dishes. We'll have a meeting."

Naunawaan ni Aster ang nais niyang iparating at tumango. Si Aryl naman, napataas ang kilay. Hindi niya nga pala ito nasabihan.

"We're going to get some information about the Shadows," sabi niya sapat na para maliwanagan sa pagpupulong na sinasabi niya.

Tumalikod na siya at bumalik sa salas. Kinuha niya ang binili sa kama at prenteng naupo sa pinakamahabang sofa. Ito na ang napili niyang paboritong upuan. He leaned backward with both arms on the sofa.

When he heard footsteps, he focused his mind on his plan.

Pahima and Croissant didn't show up after that incident. Kung pagbabasehan niya ang reaksyon ni Cross, hindi siya sigurado kung alam ba ng babae na isa itong S-gene. Bukod pa roon, mukhang ayaw yata nitong ipaalam sa babae ang parusang ipinatong dito.

"Master," bati ni Aster sa kaniya at naupo sa sofa na nasa gilid ng inuupuan niya. Sumunod naman ang pagdating ni Aryl.

"What plan did you come up?"

"Pahima and Cross," panimula niya at makahulugang tiningnan ang dalawa. He crossed his legs. "I'll get straight to the point. Aryl told me that this woman knows something about the Shadows, so we need her to speak to us."

"Pero ayaw naman niyang magsabi."

"When I said we need her to speak to us, I meant . . ." He paused for a moment. Pinasadahan niya ng tingin ang dalawa. "By any means possible."

Nanatili lang kalmado ang mukha ni Aster ngunit si Aryl ay napataas ang kilay.

"Are we going to use force on her?" Kung pagbabasehan sa boses nito, hindi ito payag sa gusto niya.

"If it needs to, then, yes," mabilis niyang sagot. Hindi pinansin ni Lis ang pagkunot ng noo nito. She was ready to protest but he cut her off. "You want this, too, right? After all, this is for your little sister."

"Oo, pero hindi sa ganitong paraan. Ayokong saktan si Pahima."

"It's not for you to decide. I'm doing this for our deal. I'm not planning on staying here for long, so I must make the deal fast." Although, he wanted to spend more time and socialize with other magicians, he had more things to do first. And that was to become Chief.

He could just come back here after achieving his greatest ambition.

"At bakit wala akong karapatang magdesisyon?" Tumaas ang boses nito. "Ako ang gumawa ng deal. Kasali ang kapatid ko sa usapan kaya dapat lang na maging parte ng desisyon mo ang gusto ko."

"And what are you planning to do?"

"Kakausapin ko siya."

"Ginawa mo na 'yan." He looked at her, voice sounding impatient. "Stop repeating things that had already been proven ineffective."

"An—"

"Stop." Raising his hand, he cut her sentence again. "Just stop and listen to me first. I'm not yet finish."

Nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa sinabi niya. Nakakuyom ang mga kamao at halatang nagpipigil na sigawan siya. "I'm not going to agree in this! Hindi ako papayag sa gusto mo. Hindi ako papayag na saktan mo si Pahima!"

"Who says I'm going to hurt her? Sinagot ko lang naman ang tanong mo kanina. I said if it needs to. If. It. Needs. To." Ginantihan niya rin ang tingin nito. He didn't like to be interrupted when speaking. "I haven't laid out my plan yet so don't glare that eyes on me," he added with a voice holding all the authority in the room, warning her to stop and shut up for a moment.

Napaurong si Aryl dahil sa inakto niya.

"What do you want us to do, master?" sumabat si Aster sa kanila para pigilan ang pagtatalo nila.

Inalis naman niya ang tingin kay Aryl at tumikhim. Kinalma niya muna ang sarili at muling binalik ang tingin sa dalawa.

Nahuli niyang nakatingin si Aster kay Aryl at kung wala lang sila sa ganitong situwasyon baka kanina niya pa nginudngod ang pagmumukha ng dalawa sa isa't isa.

I swear I'll make you two kiss, he thought. Pinigilan niya ang sariling ngumisi at nagsalita ulit.

"In order for Pahima to speak to us, obviously, we need to get her attention first. But it's hard to do it when that Phoenix is around." It was safe to assume that Croissant would be guarding Pahima every minute. Based on what Aryl and Aster said, the possibility of Croissant being Pahima's side day and night would be greater than 90.

And Croissant was well aware of how his personality work. Alam nitong hindi niya ito lulubayan hanggang sa 'di niya nalalaman kung ano man ang tinatago nito sa kaniya. Siguro nga'y nagtataka na ito ngayon dahil wala pa siyang ginagawang aksyon at alerto ito sa kung ano man ang pinaplano niya.

"We need to get rid of him first. And I'll be leaving that task to you both, Aster and Aryl." Tinitigan niya ang dalawa. "Get him away from Pahima, as far as possible. It's not easy so I brought something."

Inabot niya ang kahong binili niya kanina at nilagay sa maliit na lamesa na nasa harapan nila.

"Berries?" takang tanong ni Aryl.

"Yes. Berries." He smirked. "Do you know? Phoenixes love berries. Once you offer them one, they will not be able to say no."

"Do you think this will be enough to lure him out?" Aster asked.

"Of course." Kumuha siya ng isa at nginuya. Sweet. "Alam natin pareho na hindi makahihindi si Cross d'yan. Kahit pa isigaw mo sa mukha niya na plano ko 'to, hindi pa rin 'yan aayaw."

"I'm talking about the amount," sagot ulit ni Aster habang hawak-hawak ang isang kahon ng mga berry.

"Ah." Napaisip naman siya. "I think that will be enough. Once he takes the bait, keep him away as far as possible."

"For how long?"

"Less than half an hour will do. Can I trust you two on this?"

His butler bowed his head. "Makaaasa ka, master."

"Good." Pinasadahan niya ng tingin si Aryl at tumango naman ito.

"I'll do my best as well," saad ng babae. "But what about Pahima?"

"Leave her to me," he replied.

"Hindi mo siya sasaktan, 'di ba?"

He sighed. "Hindi nga."

"At least sabihin mo sa amin kung anong gagawin mo."

"I'll talk to her."

"Akala ko ba don't repeat—"

"With some crucial things in line. A life, for example. I'm going to bargain, Aryl."

Muli siyang tiningnan nito na para bang hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Gusto pa yata nito na magtanong ngunit pinili na lang nitong bumuntonghininga. "Okay. Basta 'wag mo siyang saktan."

"Why?" He crossed his arms. "Why are you so obsessed about not hurting her?"

"Sino ba naman kasi ang gustong manakit ng iba? At saka ano . . ." Napaiwas ito ng tingin at parang nagdadalawang-isip na ituloy ang sasabihin. "Uh . . . Nakita ko lang ng isang beses ang mga braso niya na . . . na puno ng mga peklat."

Napakunot ang noo ni Lis.

"She may not—"

"She might have had a hard life, huh? I see. I understand."

Mabilis niyang naunawaan ang nais nitong iparating. Dahil kahit siya, nakitaan niya din ng peklat si Pahima. No'ng biglang lumakas ang hangin at nalipad nito ang bangs ng babae, hindi siya puwedeng magkamali na isang malaking peklat ang nakita niya sa ibabaw ng kilay nito.

It was too early to conclude about her life, but it was best this way. He knew he needed to be careful. Hurting her would be the last thing he would do.

Tumayo na si Lis. Inayos niya muna ang kaniyang kulay gintong roba bago nagsalita.

"Tomorrow night. After the shop closes, we'll execute this thing that we have just talked about. That's all. Puwede niyo nang solohin ang isa't isa." Ngumisi siya at kumaway sa dalawa.

Hindi na niya hinintay pang bigyan siya ng masasamang tingin at naglakad na papuntang kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro