Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

UNFOLDING

NAIWAN si Lis sa loob ng opisina. Pagkatapos lumabas ni Croissant, mabilis na sumunod si Aster. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya habang napapaisip sa huling sinabi ng Phoenix.

What did he mean by that? Ano bang iniiwisan nitong malaman niya?

Tumayo na lang siya at inayos ang posisyon ng hood ng kaniyang balabal at sumunod na palabas.

"Anong puwede kong gawin para pumayag ka lang? Please, Pahima, kailangan ko talaga ang tulong mo."

Napasingkit ang tingin ni Lis sa ingay na nagmumula sa labas. Nag-uusap sina Aryl at ang brown magician, ngunit hindi niya masiyadong marinig ang usapan ng dalawa. Pinanood niya na lang na makarating si Cross sa labas kung saan naroroon ang dalawang babae.

"Ayoko sabi!" Kaagad na tumayo ang brown magician at tumakbo paalis.

"Pahima!" Pinandilatan naman ni Cross si Aryl at mabilis na sumunod sa brown magician.

Napailing na lang si Lis. Hindi pa nga siya tapos pero umalis na ang loko.

Sumunod naman si Aster at saktong paglingon ni Aryl sa pintuan ang pagbungad din ni Aster.

Napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang dalawa.

"Excuse me," Aster said.

May naisip naman siyang kalokohan. Nakangisi siyang naglakad papunta sa direksyon ng dalawa. Pagbukas niya sa pinto, sinadya niyang banggain si Aster dahilan para mas mapalapit pa ang dalawa. Napalakas yata ang pagkabangga niya dahil pati si Aryl ay muntik nang matumba, mabuti na lang at mabilis ang kaibigan at nahapit nito ang baywang.

'Nice!'

Nagdidiwang ang sistema niya sa tuwa dahil sa ginawa. Perfection! Kung puwede lang sumigaw at tapikin nang paulit-ulit sa likuran ang kaibigan niya, ginawa na niya dahil sa saya.

"I'm sorry. Are you okay?" rinig niyang sabi ni Aster. Siya naman ay nakatalikod sa dalawa at nagpanggap na hinahanap kung nasaan na ang Phoenix at ang brown magician ngunit ang kaniyang tainga ay nakapokus lang sa kanila.

"I'm . . . I'm . . ."

Pigil na pigil siya ang pagtawa dahil sa 'di matapos-tapos na salita ni Aryl. They were sailing. And it was all because of the great flower, he, the pretty Lisianthus.

Abala siyang pigilan ang tawa nang mapansing natahimik ang dalawa. Lumingon siya para tingnan ang situwasyon pero hindi na ito kagaya ng kanina. Nakatayo na nang maayos ang dalawa at halatang iniiwisan ang tingin ng isa't isa.

Tinabihan niya si Aster. "Uy, Aster, may pangarap ka na." Bahagya niyang sinundot ito sa tagiliran na kaagad niya ring pinagsisihan dahil sa dilim ng mga tingin nito. Hindi lang si Aster kundi pati na si Aryl.

Napangisi siya.

"So sa akin niyo itutuon ang tingin niyo dahil 'di kayo makatingin sa isa't isa?" Pinagkrus niya ang dalawang braso at umiling.

"Master, what were you thinking?" Aster asked while using the calmest voice he had. Halatang nagpipigil na sigawan siya sa inis.

Hindi niya ito pinansin at humalakhak lang bilang sumagot. Ilang mura na kaya ang sinaulo nito sa isipan dahil sa kaniya? At ilang kamatis na rin kaya ang nilunok ni Aryl dahil sa pula ng mukha nito? Napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil sa sakit. Ilang minuto rin siyang tumatawa habang ang dalawa ay mariin lang na nakatingin sa kaniya.

"Oh, please, I'm very flattered. Tunaw na tunaw na ako sa mga tingin niyo," he wheezed, removing some tears on each sides of his eyes.

Umirap naman si Aryl at aalis na sana pero hinawakan niya ang braso nito.

"Saan ka pupunta?" pigil niya. Nakatalikod na ito sa kanila at handa ng buksan ang pinto para pumasok sa loob, pero dahil dakila siyang loko-loko, pinigilan niya ito at pilit na pinapalingon sa direksyon nila.

'Tumingin ka rito. Tingnan mo kaibigan ko.'

"Bitiwan mo nga ako!"

Napaigtad naman siya sa sigaw nito. Malakas nitong winaksi ang kamay niya sa pagkakahawak at dali-daling pumasok sa loob ng tindahan.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Hindi naman niya aasarin 'yon, e. Well, maybe a little? But jokes aside, he was supposed to ask her about the brown magician and Croissant. Mukhang magkakilala sila ni Aryl at nais niyang kausapin ito kung anong mayroon sa dalawa.

Binalik niya na lang ang tingin kay Aster na nakatayo sa kaniyang tabi. Salubong ang mga kilay nito at pilit na iniiwasan ang mga tingin niya. Napansin niya naman ang namumula nitong tainga kaya muli na naman siyang napatawa.

This sight of Aster was new to him. Tuwang-tuwa siyang makita ang kaibigang mamula dahil sa isang babae. Wala siyang pakialam kung mainis man ito sa kaniya dahil sapat na ang nakita niya kanina para lalo pang paglapitin ang dalawa.

Napangiti siya nang palihim.

"Aster."

"What!" mabilis nitong sagot habang masama ang tingin sa kaniya.

Napahawak naman kaagad siya sa kaniyang puso at kunwari'y nagulat sa inakto ng kaibigan. "How could you shout at your master like that? 2000 laps right now!"

He sighed. "Seriously, what's with you? Kahapon ka pa ganiyan."

"Huh? Anong kahapon? Anong ganiyan? Ano bang ginawa ko?" maang-maangan niya.

"You keep on bumping me to her."

"What are you saying? You're just bound to get bumped at. It's fate, Aster. Fate!" he said, emphasizing the last word. Hindi niya pinansin ang buntonghininga nito at ngumisi sa harapan ng kaibigan.

"Why am I stuck with you?" bulong pa nito.

"Sus! Reklamo ka pa. I know you liked what I did."

"W-what? What are you—" Mukhang nagulat ata ito sa sinabi niya dahil napaatras ito at 'di makatingin nang diretso sa kanya.

"Ssh!" Pinigilan niya na itong magsalita pa. "Let's not dwell on that anymore and listen to what I'm about to order you."

Tumikhim muna siya at inalis ang mga ngisi sa labi. "I want you to follow Croissant. I tailed him with my spell, so you don't have to worry about finding him." He snapped his finger. Right after that, a green thread wrapped around Aster's wrist. The thread would only be visible to the finder. "Follow that thread and you'll find him. Find out what he is up to and what's he's relationship with that brown magician."

His verdict about Croissant's case was still onhold. And Aster's report would help him come up with the right decision. He needed to know what was going on with his rival, what he had been doing here for two years of being a runaway.

"Masusunod, master." Halata pa rin sa boses nito ang inis pero mabilis naman nitong sinunod ang utos at umalis na.

Pumasok na siya sa loob para puntahan ang nakasimangot na si Aryl.

"Ano na naman!" salubong nitong sigaw.

"Whoa! Kalma. I just want to ask about that girl earlier."

Napahinga naman ito nang maluwag sa sinabi niya. "Si Pahima, mukhang may alam siya tungkol sa mga Shadow," diretsong sabi nito.

"Really? That's great! She might be able to help us locate them then," natutuwang sabi niya.

"Ang problema ayaw niyang sabihin sa 'kin." Aryl sighed as she put her hand on the counter's table.

"Why?"

"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko parang may kinakatakutan siya," sagot nito at tiningnan siya nang seryoso. "The more you know, the more you engage yourself in danger. Nagsimulang umiwas ang ibang mga magician sa mga usapan-usapan pagkatapos dumating ang mga Shadow dito sa Faegika. Bukod sa mga batang kinukuha nila, pinapatay rin nila ang ibang mga magician na may higit na kaalaman tungkol sa kanila. 'Yan din siguro ang rason kaya hanggang ngayon nanatiling misteryoso ang mga Shadow."

"And Pahima was keeping it for the sake of her safety?"

"Siguro." Nagkibit-balikat naman si Aryl.

Dahil sa sinabi ni Aryl, lalong lumalim ang kuryosidad niya tungkol sa mga nangyayari sa Faegika. Naunawaan na niya kung bakit pinagbawalan sila nitong makialam sa mga usap-usapan. Alam na niya kung bakit delikado. Dahil sa mga Shadow.

Who were these Shadows? What was their purpose? Where did they come from? And more questions kept piling on his head. Despite the risks, he wanted to know more. He was thirsty for information. Too intrigued and deep enough to feel a flush of excitement on his palms. Most people would choose to stay out of this but not Lis.

And that's just how he is.

"Do you know Croissant?" Napabalik ang atensyon niya kay Aryl nang magsalita ito.

"Do you know him?" balik niyang tanong.

Tumango naman ito. "Hindi siya A-gene, 'no?"

"Nope. He's an S-gene. A Phoenix to be exact."

Phoenix was third in the ranking of most feared lineages in Mythria or S-district. Croissant was supposed to represent the Phoenix Lineage on the day of his coronation, but due to that murder incident, Yeyi, the oldest and the master of the house of Phoenix, took over instead. Si Croissant na rin dapat ang mamumuno sa lineage nila kung hindi lang iyon nangyari.

"Sabi na, e. Iba talaga kutob ko sa kaniya," sagot ni Aryl.

"Are they close? Pahima and Cross?"

"Oo, palagi kaya 'yang nakabuntot kay Pahima."

"Oh-ho?" Napangisi siya. Interesting, indeed. Bukod kay Aryl at Aster, mukhang may madadagdag pa sa listahan niya ng aasarin. Pikon pa naman si Croissant.

Hindi niya mapigilang isipin kung paano ang magiging reaksyon nito. Mahihiya? Nah. Makapal mukha ng kaibigan niyang 'yon. Malaki ang posibilidad na manlisik ang mga ugat sa mata nito, bugahan siya ng apoy at walang tigil na sisigawan siya. Puwede rin namang sakalin siya nito at hamunin sa patayan.

'The third one will most likely gonna happen.' Tumango-tango pa siya habang naiisip iyon.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Aryl dahil sa inakto niya.

"Just talking to myself," sagot niya naman habang 'di pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi. Hindi nagtagal, napalitan ito ng malakas na tawa. Sabik na sabik na talaga siyang makita ang buwisit nitong pagmumukha.

Oh, how he just loved to piss everyone. Iba ang kasiyahang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang mga mukha nilang handa na siyang kitilin sa inis.

"Baliw," rinig niyang sambit ni Aryl pero hindi niya iyon pinansin at patuloy lang sa paghalakhak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro