Kabanata 12
HIS RIVAL, THE RED-HEAD
"COME again-ka!" Lis waved at the customer with his lips smiling wide. A new Rose tucked on his left ear as his new medium.
"Itigil mo nga 'yang kaka-ka mo, Lis," said the Daisy beside the door.
He looked at the pot of Daisies. "Why?"
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yan, e."
"Really?" sagot niya at napanguso.
"Dati kasi hindi pa ganito ang mga kasuotan nila kaya mahirap makilala kung anong klaseng mga magician sila kaya gumagamit sila ng mga salita na makapagbubukod sa kanila sa ibang mga magician," paliwanag ng Daisy. "Pero dahil 'yong si ano, hindi ko kilala kung sinong mayor 'yon, wala pa ako no'n, e. Nagpatupad daw ng patakaran na gumawa ng damit sa ganiyang disenyo at obligado silang suotin 'yon para hindi mahirapan ang isa't isa na alamin kung anong magician sila. 'Yong iba nakasanayan nang gumamit ng ganiyang mga salita kaya nagsasalita pa rin sila ng ganiyan. 'Yong iba naman wala na."
"Ah. I see." He nodded. Kaya pala hindi nagtaka ang mga nakausap niyang magician kahapon dahil okay lang pala. Akala pa naman niya kailangan talagang magsalita ng ganoon.
"That's a really good information, Flora," dagdag niya sabay thumbs-up.
Tumayo muna siya sa kinauupuan at pumasok sa loob para kunin sa Invisible File ang Vege Sal na pinadala niya kay Aster kanina. Nagugutom na siya. Pagkatapos niyang kunin iyon mula sa kaibigan, naglakad na kaagad siya sa palabas. Nakangiti siyang bumalik sa kaniyang puwesto habang kumakain nang mapansin ang isang babae na nakaupo sa isa sa mga stool ng flower shop.
Dalawang stool ang espasyo nilang dalawa. Magkaharap sila ngunit hindi yata siya napansin ng babae. Nakayuko ito at abalang magsulat sa dala-dalang maliit ngunit makapal na kuwaderno. Hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil sa makapal na bangs. Mahaba at matuwid din buhok nito.
His eyes scanned the color of her cloth.
A brown magician.
"Ah, hi?" bati niya sapat lang para marinig ng babae.
Napatigil naman ito sa pagsusulat pero hindi tumingin sa kaniya.
Nilapitan niya ito at pormal na binati ang babae, ang mga kamay sa likod at bahagyang yumukod. "Good morning, miss. Can I help you with something?"
Hindi sumagot ang babae.
"Do you want to look at our shop? Or you're here to buy something?" 'Or maybe you just wanted to sit by?' Idadagdag niya sana pero baka masiyadong straight forward ang mga salita niya.
Napangiwi naman siya dahil hindi pa rin sumagot ang babae at nanatili lang na nakayuko. Was she mute? Baka mahiyain o baka naman snob lang at ayaw talaga siyang kausapin?
"What are you writing?" usisa niya. Sinubukan niyang silipin ang kuwaderno.
The woman reacted, hugging it and preventing him from seeing the contents. Umangat ang tingin ng dalaga at doon niya lang naaninag ang nababahala nitong mukha.
She looked anxious, so he distanced himself, but he refused to look away. Hindi mawala ang tingin niya sa mga mata nito. The other eye was a normal brown. Pero ang kaliwang mata nito ay napalibutan ng kulay abo.
"S-sorry. Bawal ba ako u-umupo rito?" She stuttered and almost whispering.
Parang naiiyak ang boses nito kaya mabilis siyang umiling.
"Oh, it's fine. You can sit there." Flashing his smile at the girl, he tried to leave a friendly impression. That he was harmless and she didn't need to be afraid.
"T-thank you," sagot nito at muling yumuko. Umupo si Lis sa stool na kaharap ng babae at saka inobserbahan ito. Nagsimula na ulit itong magsulat habang siya naman ay nagsimula na ring kumain ulit sa kaniyang Vege Sal.
Hawak-hawak niya ang bowl nang mapansin niyang sinulyapan siya nito. Ngumiti naman siya at inilahad ang salad. "You want some?"
Umiling naman ito. "B-bago ka ba sa shop na 'to?"
"Yes." He nodded. "How 'bout you? Do you use to sit here?"
Tumango rin ang babae. Mukhang magpapalipas lang ito ng oras at walang planong bumili ng bulaklak nila. Tiningnan ulit siya ngunit sa pagkakataong ito, nasa tainga na niya ang mga tingin nito. She was looking at his Rose.
Kinuha naman niya iyon at iniabot. "Do you want this? Here."
"T-thanks." She reached for the Rose.
He witnessed how her lips formed a slight curved. There was a flush of satisfaction in his veins when he witnessed it. He made her smile.
"So, what's that you're writing?" he asked once again. "Is it a story? Are you a writer?"
The girl hesitated at first but then, proceed to nod.
"I want to be one." Her voice rose higher, as if she was excited. He couldn't help but form a smile while looking at the magician. Her tiny voice fit so well with her cute and plump face.
"Cool! I'll be rooting for you then!" He matched the hype on her tone. "All the good luck to you, miss."
The girl smiled once again, but this time, it was curved higher than earlier, enough for her eyes to squint. And that made her look cuter. Eventually, her smile turned into a giggle. Buti naman at mukhang hindi na ito natatakot sa kaniya. She looked more relax now.
"Can you move a little over there?" She gestured her hand for him to move sideways to the right. "So I can see you properly."
Sinunod naman niya ang sinabi nito. "Hindi ba nakakikita 'yong . . ." Tinuro niya ang kaliwa nitong mata at tumango naman ang babae.
Biglang humangin nang malakas kaya napapikit si Lis. Pagmulat niya, umuubo na ang babae dahil sa alikabok. May tumuntong din na dahon sa buhok nito. Aabutin na sana niya iyon pero may kamay na mabilis na tumampal sa kaniyang palad.
"Don't lay your hand on her."
Isang pamilyar na boses ang nagsalita dahilan para mapalaki ang kaniyang mga mata.
Sinulyapan niya ang kamay niyang napaso. Sinadya talaga ng dumating na tampalin ang kaniyang kamay sa nag-aapoy nitong mga daliri.
Mabilis na napaangat ang kaniyang tingin sa lalaking nakatayo katabi ng babae. Salubong ang mga kilay nitong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Mahaba at nakatali ang mga buhok nitong ipininta sa kulay ng apoy. Kabisadong-kabisado niya ang peklat nito sa kutis nitong moreno. Ang peklat sa leeg nito na siya rin ang may gawa.
Kahit na nakasuot ito ng kagaya niyang kasuotan. Kilalang-kilala niya kung sino ang nasa harapan niya.
The Red-head Phoenix. Yeyi's younger brother. His rival.
"Croissant . . ." Napatayo siya sa kinauupuan. Umaktong nangungulila, napatakip siya sa kaniyang bibig at pilit na pinapaluha ang sariling mga mata. "It's been a while. How have you been?"
"Crimson," Croissant said, almost growling. "Your face is annoying as usual. What are you doing here?"
Hindi niya pinansin ang tanong nito. Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran upang itago ang nakakuyom niyang kamao. "It's nice to see you again."
Sumilay ang pinakamatamis niyang ngiti. Umakto siyang nananabik na yakapin ang lalaki kaya kumunot ang noo nito.
"What the fuck are you trying to pull?"
"I missed you, Cross!" Hinigpitan niya ang pagkakakuyom habang papalapit sa direksyon nito. Ramdam niya ang nginig sa kaniyang kamay habang nakangiti pa rin. Nang tuluyang makalapit, doon na niya pinakawalan ang kamao at buong puwersang binigyan ng suntok ang pagmumukha nito.
Kasabay ng pagsigaw ng brown magician ang pagbagsak din ni Croissant sa lupa.
That felt good, Lis thought. Damang-dama niya sa kaniyang kamao ang buto nito sa mukha.
Nawala na ang matamis niyang ngiti at napalitan ng mapanuyang tingin. Hindi niya nilingon ang babae at nakapokus lang kay Croissant na nakasalampak sa lupa. It was unexpected to see his rival this soon. But thanks to that, he was able to fulfill his promise to Yeyi.
All that was left to do is to bring him back.
"Do you miss me too, Cross? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin matapos mong tumakas." Mabigat ang mga yabag niyang lumapit kay Croissant at hinila ito pataas gamit ang kuwelyo ng balabal nito. "You don't have the right to look at me like that, runaway phoenix." Pinantayan niya ang dilim ng mukha nito. He was done playing. "You have lots of explaining to do."
There were too many things he wanted to ask Croissant. After he killed his own relative, he just suddenly disappeared, living him clueless about what exactly happened.
"I don't need to explain anything to you." Hinawakan nito ang kaniyang pulso at 'di man lang nag-abalang punasan ang dumudugo nitong ilong.
"Oh, believe me, you do." Hindi pinansin ni Lis ang init na pumapaso sa kaniyang kamay at hinila ito papasok sa tindahan.
"Let me go!"
Napasinghap siya dahil sa nanunuot na sakit pero 'di niya pa rin ito binitiwan.
"Ah, mister, can you p-please let h-him go?"
Napunta ang tingin niya sa babaeng brown magician na nakahawak sa kaniyang braso. Nanginginig ang kamay nito at bakas sa mukha nito ang takot sa kaniya.
"Pahima," ani ni Croissant.
Nag-iba ang tono ng boses nito. Mabilis ding nawala ang salubong nitong mga kilay at napalitan ng mahinahong ekspresyon.
Pinagmasdan ni Lis ang dalawa. Maingat ang bawat tingin na binibigay ni Croissant sa babae. Halos hindi siya makapaniwala na kaya palang magmukhang maamo nitong kaibigan niya. Ang kaibigan niyang bugnutin at palaging galit sa mundo ay kayang magmukhang inosente at maamo? That's new.
"It looks like you two know each other." Binitiwan niya si Croissant.
"What is it to you?" Nabaling ang atensyon ni Croissant sa kaniya at galit na naman ang mukha nito. Namangha siya sa bilis ng pagbabago ng ekspresyon nito.
"Ikaw pa talaga may ganang magalit, ha?"
May mga yabag na papalapit sa direksyon nila. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Wala pang isang segundo, nasa gilid na niya si Aster at Aryl.
"Pahima?" salubong ni Aryl. Mukhang kilala niya ang babae. "Anong nangyayari dito?"
"Sol?" Aster muttered as he saw Croissant. Pinasadahan naman nito ng tingin si Aster.
"We need to talk, Cross," he said.
"No," mabilis nitong sagot.
Napapikit naman siya dahil sa inis. "I don't need your answer. It's a command, so you better do as I say. Have you forgotten your sentence—"
"Shut up!" Bahagya siyang natigilam dahil sa biglaang pagsigaw ni Croissant. Para bang pinipigilan siya nitong ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. Mabilis naman niyang nakuha ang pahiwatig nang itago nito sa likuran ang brown magician.
"Let's talk inside," he said one more time. "Hindi singhaba ng sinulid ang pasensiya ko, Cross. If you are still going to be stubborn, you know what will happen to you. And I have that power to make it happen," dagdag niya patukoy sa death sentence na pinatong sa kaibigan.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan nila nang hindi sumagot si Croissant. Ilang sandali pa, nilingon nito ang babae at maingat na hinawakan ang mga pisngi. "Wait here. I'll be back."
Oh-ho? Mabilis na napataas ang kaniyang kilay dahil sa inakto ni Croissant. Hindi na bago ang pagiging bugnutin ng kaibigan pero ang umaktong maging malumanay at napakaamo?
Napangisi siya sa naisip. Kung tama man ang hula niya, hindi niya talaga titigilan ang kaibigang tuksuhin kahit na maisipan pa siya nitong patayin.
"Let's go." Tumalikod na siya at naglakad na papasok. Sumunod naman ang dalawa sa kaniya. Si Croissant at Aster.
Pumasok sila sa isang pinto na nasa likuran ng counter. Sumalubong sa kanila ang isang lamesa at maliit na upuan. At sa harapan ng lamesa ay isang couch.
Hugis parihaba ang opisina.
Walang ibang kapansin-pansing bagay sa loob ng kuwarto bukod sa kulay puti nitong pader. Ito ang opisina ni Cortez, pero wala naman dito ang may-ari.
Naupo siya sa couch. Nakapandekuwatro ang mga paa habang ang mga braso ay nakakrus. Nakatayo namang tumabi si Aster sa kaniya sa kanang bahagi habang si Croissant ay nasa harap niya, nakatayo rin na animo'y naghihintay sa kaniyang hatol.
"You really made the effort to break the treaty just to find me, huh? I guess you really want me dead," said Croissant with a hint of annoyance running through his voice.
He snorted. "Kailan ka pa naging assuming? The last time I checked, masungit ka lang, e. I didn't come here to find you. I came here for other reasons."
Napakunot naman ang noo nito sa sinagot niya. "What reasons?"
"None of your business."
"What's the reason for this talk then?"
"You." He pointed him; eyes fixed on him. "Tell me, why did you flee?"
"Because I killed someone? And because I killed my relative, I'll be sentence to death? So, I flee because I don't want to die?" Croissant replied with a hint of sarcasm, acting as if it was the most obvious thing.
"Croissant, you know what I'm talking about." That wasn't the answer he wanted to hear. Alam na niya iyan. Ang nais niyang malaman ay detalye. He wanted to know more. More about that story.
Croissant maybe a hot-headed S-gene, but he wouldn't kill someone for no reason.
"I don't know, and I don't care." Boryo siya nitong tiningnan. Akmang aalis na pero napatigil nang magsalita siya.
"Tell me more of the truth."
"That's the truth." Tumalikod na ito at naglakad palabas. Pipihitin na nito pabukas ang busol.
"There's more to it, isn't it?" Tumaas ang kaniyang boses at binagsak ang mga paa sa sahig.
Before Aster came, Lis and Croissant had been together since kids. And since they were of the same age, the two had a strong sense of rivalry for being the best to everything. They compete almost anything and even at the pettiest things. And now that they were grown-ups, they had tried to test their strength to each other many times. Too many times that their battles had left them scars of different depths.
No'ng marinig ni Lis ang balita na pinatay nito ang pinsan dahil lang sa isang alitan, hindi kaagad siya naniwala. Balak niyang kausapin ito no'ng araw na 'yon pero nahuli na siya, tumakas na ito bago pa niya maabutan.
"You're hiding something from me."
Kung may nakakikilala man kay Croissant nang maigi sa kuwartong ito, siya iyon.
Napahigpit ang hawak nito sa busol. "And? What are you going to do?"
"I might excuse you from your sentence."
Sa katunayan, ayaw niyang mamatay ang kaibigan. Kahit na palagi silang nagkukumpetensya sa lahat ng bagay, tinuring na niya itong parang kapatid. Bukod kay Aster, isa ito sa pinagkatitiwalaan niya sa kaniyang mga pangarap.
He cared, and he would do anything for his friend to be rescued from death. Nakadepende na lang ito sa isasagot ni Croissant.
Nilingon naman siya nito. Nagbago ang ekspresyon nito at isang maliit na ngiti ang binitiwan. "It doesn't matter anymore, Lis."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro