Kabanata 11
THE FLOWER WHO LIKES TO SHIP
PUMASOK na si Lis sa loob ng flower shop. Magsasalita na sana siya nang mapansin ang mga tingin ni Aryl. Huminto siya sa pintuan at sinundan ang mga titig nitong nakapokus sa kaniyang kaibigan—kay Aster na abalang pumutol ng mga bulaklak na tinuturo ng customer.
'Oh-ho? What is this?'
Palihim siyang ngumiti at saka dahan-dahang nagpunta sa counter. Tinabihan niya si Aryl at bumulong, "Kung titingnan mo lang, walang progress na mangyayari."
Napaigtad si Aryl matapos niyang magsalita. Halatang ngayon lang siya napansin dahil sa nagtataka nitong mga mata. Sinalubong niya ng ngisi ang babae.
"Ikaw ha!" Mahina niyang siniko ang braso nito.
"W-what? Anong ako?" kabado nitong tanong, 'di makatingin nang diretso sa kaniya. Parang magnanakaw na nahuli sa akto at nag-iisip ng puwedeng palusot.
"Kalmahan mo lang, Aryl. Baka biglang matunaw kaibigan ko kakatitig mo."
"Hindi ako nakatitig sa kaniya!" Itinulak siya nito. "Huwag ka ngang dumutdot. Ba't ka ba kasi pasok nang pasok dito? Doon ka sa labas."
Napahagalpak siya ng tawa dahil sa reaksyon nito. Lalo tuloy siyang ginanahan na asarin ang babae dahil namumula na ang noo at mga pisngi nito. Nilingon niya si Aster ngunit mabilis ding binalik ang tingin kay Aryl. Kay Aster tapos kay Aryl ulit.
Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa naisip. "May potensiyal."
"Ano bang pinasok mo na naman dito?" Halata sa boses nito ang pagkairita.
"Gusto kitang makausap," sagot niya. Inalis niya muna sa isipan ang plano niyang tuksuhin at paglapitin ang dalawa. "I heard rumors."
Mabilis na kumunot ang noo ni Aryl. "And? Huwag mo sabihing nangialam ka?"
"How can I not? I heard your name." He trailed off. "And about your sibling." He looked at her with a straight face. "Tell me about it."
"No," mabilis nitong sagot at tinalikuran siya. Ngunit pansin niya kung paano tumaas ang balikat nito. He hit some facts.
"Tell me."
"Sabi ng ayoko nga! Bakit ba napakapakialamero mo?" Humarap ito sa kaniya. Salubong ang mga kilay at nakakuyom ang mga kamao. Muli niyang naramdaman ang kakaibang enerhiya na naramdaman niya kagabi. Malice. Pure malice. She was warning him to stop.
Pero imbes na makinig ay ngumisi lang siya. Nanatili lang siyang kalmado. "Don't snarl at me, miss."
"Then don't interfere with my life." Mariin ang bawat salita nito.
He pouted. "Hindi mo talaga sasabihin?"
"Hindi ka ba talaga titigil?" Muling tumaas ang boses nito. "You're invading my privacy!"
"Okay," sagot niya. "Hindi na kita pipilitin."
Kita niya sa mukha ng babae ang pagkalito sa biglaang pag-atras niya. Pinagmasdan siya nito nang may pagtataka. Ngumiti naman siya. Ang pinakamatamis na ngiting kaya niyang ibigay. Matamis ngunit may halong pang-aasar. Wala pang isang segundo, napalitan agad ng ngisi ang kaniyang ngiti.
Pinagkrus niya ang mga braso bago nilingon ang gawi ni Aster. "What can you say about my butler?"
Hindi niya sinulyapan si Aryl sa kaniyang tabi pero ramdam niya ang nagtataka nitong tingin.
"At bakit napunta sa kaniya ang usapan?"
"Sabi mo ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa kapatid mo kaya si Aster na lang. Total naman nahuli kitang nakatitig sa kaniya kanina," mapaglaro niyang sabi habang hindi pa rin inaalis ang ngisi sa mga labi.
"Hindi ako nakatitig sa kaniya."
"Really, Aryl? Sinong niloloko mo?" Sinundot niya ang braso ng dalaga. "Ikaw ha! Ayaw mo pa umamin. May pagtingin ka sa kaibigan ko, 'no?"
"Wala akong gusto sa kaniya," mahinahon nitong sagot. Or rather, she tried to sound calm.
"Really?"
"Oo."
"Okay," he replied with a playful tone and turned to look at Aster. "Aster!"
Napalingon naman si Aster sa kanilang direksyon.
"Hoy! A-anong binabalak mo?" bulong ni Aryl sa kaniya pero 'di niya ito pinansin.
He gestured his hand for Aster to come.
"What is it, master?" Naglakad ito palapit sa kanila.
"Hoy, ano sabi binabalak mo!" Kinurot siya ng babae sa tagiliran pero 'di niya pa rin ito pinansin.
"May sasabihin ako sa 'yo, Aster. Hindi ako sigurado kung matutuwa ka ba rito pero for sure, matutuwa ka," sabi niya habang may pagdiin sa mga salita. Kumunot lang ang noo ni Aster sa sinabi niya habang si Aryl naman sa kaniyang likuran ay 'di na mapakali.
Napakagat si Lis sa loob ng kaniyang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling humagalpak ng tawa. Ano kaya magiging reaksyon ni Aster kapag nalaman niyang may nakatitig sa kaniyang babae? He was excited to find out.
"What is it?" tanong nito nang makarating.
"Aster, do you know—"
"Oo na! Sasabihin ko na!" sigaw ni Aryl sa kaniyang likuran dahilan para 'di niya matapos ang sasabihin.
"Heh." Napatawa siya nang mahina. Tawa ng tagumpay.
'Hindi pala gusto, ah! Pero kung makapigil sa akin . . .'
"Sasabihin ang alin?" Aster asked with a confused tone.
"Ah, wala, wala. Mamaya na lang. Balik ka na ulit doon, naghihintay 'yong customer mo." Turo niya sa lalaking red magician na nakatingin sa kanilang direksyon.
Hindi naman sumagot si Aster at naglakad na paalis. Nang tuluyan na na makalayo ang kaibigan, saka nagsalita si Aryl. Pumunta ito sa kaniyang harapan at dinuro siya. "Huwag na huwag mo sasabihin sa kaniya ang nakita mo!"
"Bakit naman? Akala ko ba hindi mo siya gusto?" Umiling muna siya bago tinuloy. "Nako, Aryl. Na-love at first sight ka ba? Sabihin mong oo at tutulungan kitang magkalapit kayo."
Umirap naman si Aryl. "Puwede bang tumigil ka na? Sasabihin ko na sa 'yo ang tungkol sa kapatid ko kaya kung puwede, 'wag mong ipagsasabi ang nakita mo kanina lalo na sa kaibigan mo."
"You will really do that just for the sake of stopping me from telling Aster how you crazily stared at him?" he said, though the word 'crazily' was a little exaggerated, he included it for the sake of drama.
"I wasn't staring at him crazily, assumerong S-gene!" Kaunti na lang at masasakal na siya ni Aryl. She even tiptoed to increase her height and glared at his smuggling face. "At isa pa," she paused. Lumayo ito sa kaniya at pinakalma muna ang sarili. Nagdadalawang-isip itong ituloy ang sasabihin ngunit ilang saglit, napagpasyahan na nitong magsalita.
"I might give you my decision today."
PAUWI na silang tatlo. Siya, si Aster at Aryl. Tiningnan niya ang kaniyang wrist upang silipin ang numero na nakasulat doon. 7:34 na ng gabi. Si Cortez ang naglagay ng spell na ito sa kanilang pulso. This was how the magicians track the time. Unlike them, they only used the sun's movement.
Habang naglalakad silang tatlo ay pinagitnaan niya ang dalawa. Isang mabigat na hininga ang narinig niya mula kay Aryl. Siguro'y naubos na ang lakas nito kakasigaw sa kaniya kanina. Hindi niya kasi ito tinantanan kahit pa mabuwisit ito sa kaniya. Ang rason kung bakit ayaw niya itong tigilan ay dahil sa payo ng kaniyang ama dati. Kapag may gusto ang isang tao, asarin mo at paniguradong magkakatuluyan sila.
Unang araw pa lang at mukhang epektibo na ang ginawa niya. Saktong nahuli niya itong lumingon sa direksyon ni Aster. Titig na titig ito sa kaniyang kaibigan na para bang wala itong makitang iba. Para bang inaaral nito ang kabuohan ni Aster.
'Whoa! So, this is how someone looks when they like someone.'
Hindi mapigilan ni Lis na ngumisi. Kating-kati na siyang tuksuhin ito pero pinigilan niya muna ang sarili. Alam niyang mapapansin ni Aster ang mga titig nito kaya hindi muna siya umepal.
'Sige lang. Tunawin mo ang aking kaibigan.'
He walked a little slower from the two, and there, he witnessed how his friend glanced at the woman. Aster always carried a boring look on his face, one that didn't want to show any emotion. Sa tagal nilang magkasama, alam na alam niya kung may pagbabago sa ekspresyon nito. Even the slightest bit of it, he could see it.
Pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa habang hindi namamalayang umabot na pala sa tainga ang mga ngiti niya. Tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. At kanina pa siya nagpipigil ng tawa para hindi sirain ang pagkakataon ng dalawa. It was quite a sight. Kung nandito lang ang kaibigan niyang bugnutin, dalawa sana silang nanunukso kay Aster.
Lis was busy cheering for the both when Aster nodded at the girl and broke their eye contact. Gusto niyang batukan ang kaibigan sa ginawa. What kind of greeting was that? For Dragon's sake! He at least should've said hi. Palibhasa kasi walang alam 'tong kaibigan niya na dumiskarte sa babae.
Well . . . not that he knew too.
Tumikhim naman siya bago nagsalita. "Tingin sa daan, baka mabangga kayong dalawa . . . sa isa't isa." Sinigurado talaga niyang marinig ng dalawa ang panghuli niyang mga salita.
Binaling niya ang tingin kay Aster at sinundot-sundot ang braso nito. "Uy, Aster. Nako kang bata ka, binata ka na."
"Will you stop that? What's wrong with you today?" His tone sounded annoyed, but his face remained emotionless. Trying to look emotionless rather.
"Nothing!" He chirped. "Oh! Look at these Flora!"
Umalis siya gitna nila at pumunta sa kabilang side ni Aster. Sinadya niyang banggain ang braso nito upang mapadutdot kay Aryl. At nagtagumpay nga ang kaniyang plano. Magkatabi na ang dalawa.
"Ah. I'm sorry," sabi ni Aster nang magkadikit ang mga braso.
"Okay lang," sagot naman ni Aryl habang nakatuon ang tingin sa daaan.
Nakangiti lang siya ngunit humahagalpak na sa tawa ang loob-loob niya. Kung puwede lang gumulong sa daan ginawa na niya. He liked teasing, but he never imagined teasing while shipping someone at the same time could be this fun.
Aliw na aliw siyang tingnan ang dalawa, lalo na si Aryl na parang tuod maglakad. Hindi ito makalingon sa kanila na para bang nagkaroon ng stepped neck. Tuwid na tuwid ang mga lakad nito at hula niya'y minura na siya nang paulit-ulit sa isipan.
Si Aster naman ay kalmado. Pero ang totoo, paniguradong minumura na rin siya nito. Sadyang magaling lang talaga itong magkunyari.
Nang makarating sila sa Cell ni Cortez, patakbong pumasok si Aryl sa kuwarto. Siya naman ay inutusan muna si Aster na maghanda ng vegetable salad. Siya na lang ang naiwan sa salas kaya sinamantala niya ang pagkakataong ito para magbihis. Nagpalit siya ng itim na roba bago tuluyang umupo sa sofa.
Ang luwag ng pakiramdam ng mga braso niya. Mahigpit kasi ang manggas ng balabal ng mga magician kaya naman naninibago pa siya.
"Here's your vegetable salad, master."
Mabilis niya iyong kinuha. Habang kumakain, hinintay niya si Aryl na lumabas.
"Where's Cortez?" tanong niya nang mapansing wala ang matanda. Ang tanong iyon ay para kay Aster ngunit iba ang sumagot.
"Hayaan mo 'yon, naglalakwatsa lang 'yon." Bumukas ang pinto kung saan pumasok si Aryl kanina. Naglakad ito sa direksyon niya at umupo sa sofa na kaharap. Isang maliit na lamesa ang pagitan nilang dalawa.
He leaned in and whispered, "Tingin ka sa likuran mo. I promise you; you won't regret it."
Kumunot naman ang noo nito pero sinunod pa rin naman ang kaniyang sinabi. Lumingon ito sa likuran pero wala pang isang segundo ay binalik kaagad nito ang tingin sa kaniya.
"Buwisit ka talaga." Pinandilatan siya nito.
Napatakip si Lis sa kaniyang bibig upang pigilan ang sariling matawa sa namumulang pisngi ni Aryl.
Si Aster lang naman ang nasa likuran nito, nakatalikod at nagpapalit ng roba. Nasa salas lang kasi ang mga gamit nila pati na ang kama na ginawa ni Cortez sa kanila.
"So? What's your opinion?"
Sinamaan naman kaagad siya nito ng tingin. "Tigil-tigilan mo 'ko!"
"Huh? Anong tigilan?" maang-maangan niya habang ngumunguya. "I am asking about your decision. Bakit, Aryl? Ano ba iniisip mo?"
Kung nakakikita lang siya ng isipan, hula niya'y pinagpira-piraso na siya ni Aryl gamit ang palakol nito.
"So? What did you come up with?" saad niya ulit, 'di pinapansin ang nakamamatay nitong tingin.
Huminga muna ito nang malalim at tila ba nag-iisip kung ito ba talaga ang tamang gagawin.
"Bago 'yon, I want to make a deal with you, Lis," panimula nito.
He squinted his eyes. "Spill the details."
"Huwag kang mag-alala dahil ang deal na ito ay parehas nating mapakikinabangan. Makukuha mo ang Dragon Stone mo at mababawi ko naman ang kapatid ko," saad nito at doon na nagsimulang magkuwento tungkol sa kapatid. "My sister was only fifteen years old when she went missing. Ang mga Shadow ang kumuha sa kaniya. At ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin siya nahahanap. Hindi ko alam kung okay ba siya ngayon o kung ano na ang situwasyon niya. Napuntahan ko na lahat ng sulok ng Faegika pero hindi ko pa rin siya mahanap."
"What are they?" He picked a piece of lettuce and chewed it. "The Shadows?"
"Wala pa kahit na sino ang nakakikita sa mga mukha nila. Kagaya ng pangalan na binansag sa kanila, tanging mga anino lang ang nakikita ng mga saksi sa tuwing lalabas sila. Wala rin akong ibang impormasyon sa kanila bukod sa kakaiba sila sa mga magician. O baka nga hindi sila magician, e. It was only recently when someone told me about their hideout. Baka raw wala sa Faegika at nasa H-district."
"The land of humans," he muttered, excitement ran through his voice. Nilagay niya ang bowl ng vegetable salad sa table at itinuon ang atensyon sa kausap. "Kung taga H-district ang mga Shadow na sinasabi mo, could they be violating the treaty as well?"
Tumango si Aryl. "Pero hindi ako sigurado kung totoo nga na taga H-district sila kaya gusto kong pumunta ro'n." Tiningnan siya nito. Bakas sa mukha nito ang sinseridad. "Kahit na ayaw kong humingi ng tulong sa 'yo, kailangan ko ito ngayon."
Kaagad namang naunawaan ni Lis ang nais nitong mangyari. Nais nitong magpunta sa ibang distrito pero wala itong lakas ng loob na baliin ang treaty. She had no idea about the creatures behind the kidnapping. It might be a part of a huge and dangerous group, the reason why she was trying to cut a deal with him. She needed an ally brave enough to break the treaty and strong enough to fight side by side with her if by all possibility, it would involve the council.
And they met all the qualifications.
S-genes were labeled as the strongest among the three genes in the country. And they had broken the treaty. Asking for a favor would be a safe choice. After all, hindi lang siya isang basta-bastang S-gene. She was sliding an appeal to the future chief of S-district.
"Are you sure?" He crossed his legs. "I might betray you."
"No. Hindi mo gagawin 'yon dahil hawak ko ang bagay na mahalaga sa 'yo," she answered, pertaining to his Dragon Stone.
He lips curved into a smirk. "Very well. Spill it."
"Help me find my sister and get her back. In return, I will give your Dragon Stone back by marrying you."
"I thought you don't want to get married?"
"I don't really like the idea of marrying you, but I can't choose to die as well. Sino na lang ang mag-aalaga sa kapatid ko kung mawawala ako?"
"I see." He nodded. Ilang segundo pa bago siya nagsalita ulit. "Are you really sure?"
Napaiwas naman ito ng tingin. Malalim ang hiningang binitiwan nito at nang tumingin ulit ito sa kaniya, bakas ang lungkot nito sa mukha. "If this deal will increase the possibility of getting my sister back, then I'm willing to sacrifice my marriage."
Siya naman ang napabuntonghininga. What should he say? He didn't like it at all. Ayaw niyang magpakasal. Gawin na niya ang lahat pero huwag lang ang kasal. Kagaya ng sinabi niya, ayaw niyang itali ang sarili.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid nang hindi siya sumagot. Nakatingin lang si Aryl sa kaniya at naghihintay sa kaniyang sasabihin. She was anxious, nervous for his answer.
Napunta ang tingin niya kay Aster na nakatuon ang atensyon sa kanilang dalawa. Lalo tuloy siyang naguluhan sa isasagot niya. Kung magpapakasal siya kay Aryl, paano na ang dalawa? Hindi naman siya makapapayag doon.
'My ship. Hindi puwedeng hindi kayo magkatuluyang dalawa.'
Pero kung hindi siya papayag, hindi rin naman maganda ang isang opsyon. It was even worse. Sino ba kasing gumawa ng mga kondisyon nito at bakit napakawalang kuwenta?
"Okay. I understand. I'll accept the deal." He sighed in defeat. Wala siyang makitang ibang paraan kaya sa ngayon, papayag muna siya.
He had to break this deal somehow.
"Can I ask a few more questions?"
Tumango si Aryl.
"Did your leader report this to the council? If this is happening for years now, the council would've made a move."
"Kung oo, hindi na sana ako hihingi ng tulong sa inyo," sagot nito. Mabilis naman niyang naunawaan ang nais nitong iparating.
The council was very private. Just like how he had little information to the other districts, he didn't know much about what was going on in the council. It was one of the things he wanted to know. Why was the council so secretive? They didn't even know who the other leaders. Even his father never told him about the council before he went missing.
"Where are your parents? Bakit ikaw lang ang mag-isang naghahanap sa kapatid mo?" pag-iiba niya.
Napataas ang kilay nito ngunit napabalik din sa dati na para bang may napagtanto ito. "When we, the eldest children, reached the age of 100, we will no longer be able to call our parents, parents. We are no longer theirs and they're no longer ours. Kakalimutan namin ang isa't isa na para bang hindi namin sila naging ama at ina. Kasama na roon ang pag-alis sa tahanan. At ang mga sumunod na kapatid namin ay obligadong sumama sa amin at obligado rin kaming buhayin sila hanggang sa umabot sila ng isang daang taon. And the cycle continues."
Napanganga siya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya o matutuwa. It must be painful being away from their parents. Kahit siya nga miss na kaagad niya ang kaniyang ina kahit ilang araw pa niyang hindi ito nakikita.
"It must be hard. Don't you miss them?"
"Sino?"
"Your parents."
"No."
Muli siyang napanganga dahil parang wala lang ito sa babae. Siguro nga'y normal na ito sa mga A-gene.
"May tanong ka pa ba? Matutulog na ako."
Umiling siya at sinenyasan itong puwede nang umalis. Kinuha niyang muli ang vegetable salad at nilamon ito habang hindi pa rin nawawala sa isip ang nalaman niya tungkol sa tradisyon ng mga A-gene.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro