Kabanata 10
THE SHADOWS
LIS woke up with a heavy head. Late na ng umaga siya nagising kaya naman lutang siyang nakinig kanina sa mga direksyon ni Cortez. Direksyon kung paano sila magtratrabaho sa flower shop. Malapit lang sa town square—kung saan sila naglaban ni Aryl kagabi— ang flower shop ni Cortez. At ngayo'y nakaupo siya sa isa sa mga upuang nakabalandara sa labas ng tindahan habang pinaglalaruan sa kamay ang bagong pitas na rosas. Kasama nila si Aryl na magtratrabaho at ito ang tumulong sa kanila kung paano ang mga galawan sa tindahan. Ito rin ang nagpaalala sa medium na gagamitin nila Aryl at ang tangkay ng rosas ang kaniyang napili.
Last night was a little careless. Buti na lang tulog na ang lahat at walang nakakita sa kanilang iba. Kung mayroon man, paniguradong dinadakip na siya ng mga magician na dumadaan sa kalsada ngayon imbes na tingnan nang may pagtataka ang sira-sirang lupa ng town square.
Hanggang ngayon nalilito pa rin talaga si Lis sa mga materyales na ginamit sa pagbuo ng mga gusali. Kagaya na lang ng tindahan ni Cortez, hindi ito kagaya ng mga gusaling nakita niya. The insides were visible. Kita niya si Aryl na abalang mag-arrange ng bulaklak sa counter. Si Aster naman ay may kinakausap na customer habang tinuturo ang mga nakahilarang bulaklak sa loob. Siya? Nakatunganga lang sa labas. Hindi naman sa ayaw niyang tumulong pero si Cortez ang nagdesisyon na ilagay siya sa labas upang makakuha raw ng customer.
"Bagay ang mukha mo sa flower shop-ka. Siguradong marami kang mahihilang customer kahit na umupo ka lang at walang gawin-ka." Iyan ang sinabi ni Cortez kanina at mukhang epektibo nga ito.
Napapatingin ang lahat ng mga magician na dumadaan kaya naman binabati niya rin ito. Kagaya ng sinabi ni Zeby sa kaniya, palaging ilagay sa likuran ang kamay sa tuwing babatiin ang mga magician. Wala naman siyang reklamo sa itinalaga sa kaniya. Sa katunayan ay natuwa pa siya dahil nagagawa niyang makausap ang ibang mga magician. Sa tulong na rin ng suot na ginawa ni Cortez sa kanila, para na rin siyang isang red magician.
"Good afternoon-ka," Lis greeted the green magician walking on his direction. Ginaya niya rin kung paano magsalita si Cortez.
"Good afternoon-kaki!" masiglang bati nito. Napatingin si Lis sa dala-dala nitong walis. She was familiar. Ito ang babae sa gusali na tinalunan niya. "Ngayon lang yata kita nakita rito. Bago ka ba-kaki?"
He nodded. "Yes."
"Wow! Ang ganda mo-kaki! You look like a flower!" puri nito habang nakatingin sa buhok niyang ipininta sa kulay ng rosas at ube.
"Thank you," he replied, smiling. He gestured his hand on the yellow Tulip beside him. "This flower will likely fit your pretty green eyes, miss."
Bahagya pang natigilan si Lis dahil nakalimutan niyang magdagdag ng "ka" sa hulihan ng kaniyang mga salita. Pinagmasdan niya ang babae pero mukhang hindi naman nito napansin dahil nakapokus na ang tingin nito sa Tulip na tinuro niya.
May iba pang nakahilirang bulaklak sa labas na nakalagay sa malalaki at maliit na paso. They sale flowers in single, bouquet, and in pots.
"As if!" Nagsalita ang yellow Tulip na tinuro niya kanina. Hindi naman niya iyon pinansin nang ngumiti ang babae at naglakad papalapit sa transparent na pinto, bahagyang unahan niya lang. Mukhang nahikayat niya naman ang babae kaya tumayo siya at pinagbuksan ito.
"It's my birthday today at naghahanap ako ngayon ng bulaklak na ireregalo ko sarili ko-kaki. So, I guess I'll heed your suggestion," the girl said before entering.
"Oh." Muli siyang napangiti. "Then I guess it's your lucky day today, miss." Itinaas ni Lis ang kaliwang kamay niya na may hawak na rosas. Hawak niya ang tangkay, habang ang bulaklak naman nito ay tinutok niya sa ibabaw ng ulo ng babae.
"Hmm?" Nagtataka itong pinagmasdan ang rosas.
"You will be blessed." Creating dust of emerald light, he snatched the remaining life of the Rose and sprinkled it over the girl's head. A dragon's blessing secured good fortune and future, and Lis just gave her one. "Happy birthday!"
The green magician exclaimed in awe while trying to catch the sparkling dust. Pumasok pa ang iilan sa ilong kaya napabahing ito. "Free ba 'to o may bayad-kaki?"
"It's a free service." He winked at the girl.
Tuluyan na niyang pinagbuksan ang babae. Sumunod naman siya sa loob. Sinalubong ni Aster ang babae habang siya naman ay dumiretso sa counter kung saan naroroon si Aryl. He touched his fingers on the Daisies lying below the counter, snatching some time and speeding the growth of the flowers. He wanted them perfectly blooming.
"Huh? What's that?"
"Anong ginawa mo sa amin?"
"Don't you like it? You're perfectly blooming now," sagot niya nang magsalita ang mga ito.
"Oh? Anong ginagawa mo rito sa loob?" tanong ni Aryl nang mapansin siya nito.
"Nagbabakasali lang baka nakapagdesisyon ka na," he said with a sly smile on his lips.
"Wala pa ngang two days. Huwag kang atat," sagot nito habang 'di siya tinitingnan. Gamit ang isang spell, itinali nito nang maayos ang mga bulaklak na in-arrange kanina.
"Yeah, but I'll be perfect in a few days anyway, why would you rush it?" Biglang sumabat ang Daisy at sinagot ang kaniyang tanong. Now he was having two conversations at once. He didn't need to move his mouth to talk to the Flora, so he could just multi-task.
"Just because," sagot niya sa bulaklak.
"About your condition, gumaling ka ba?" tanong niya naman kay Aryl.
Tumango si Aryl. "Oo kahit 'di ako makapaniwala. Pagkatapos pumasok ng Dragon Stone mo sa puso ko, pinuntahan ko agad si Aniara. Sabi niya nawala na raw 'yong sakit ko. Kahit siya, 'di nga rin makapaniwala, e. Akala ko baka nagkamali lang si Aniara pero hindi na ako nagkakaroon ng palpitations gabi-gabi at gumaan na din ang pakiramdam ko kaya sigurado akong gumaling na nga ako."
Lis didn't answer and just observed the woman. Her green hair, short and curled in spirals were covering half of her eyes. The frickles that he just noticed earlier felt like constellations, containing many secrets, story perhaps, that the woman could only tell. Thin and fair, Lis still couldn't understand how she got those incredible strength last night. The fact that she was still able to wield a giant axe was already impressive. She was sick yet she was still able to perfect a spell that required strength.
"Do you always have that strength?" tanong niya patukoy kagabi.
"I trained."
"Then why are you so thin?"
"This is just my body. Siguro dahil na rin sa sakit ko."
A persistent and hardworking woman. The words he could think of about Aryl. Hindi tuloy mapigilan ni Lis na maintriga. Anong mayroon at bakit kailangan niyang hasain ang sarili sa labanan kahit na may iniinda itong sakit? Was it a part of her nature as a black magician? Or there could be something more to that.
"Why don't you just die?" Lis blurted. "I mean, I can perfectly see how eager you are to live. What could be the reason for that?" he added immediately, rephrasing his words when she glared at him. Ang blunt naman kasi ng tanong niya. It was like asking a person to cease his existence.
"I don't have a reason. I just want to live."
Lie. He could completely tell. There was no way she wanted to continue living without a cause. Lis believed that a reason, whether small or big, was what drives a person to continue life. It was a needle to a thread. A map for a destination. A starting point. A push.
"A dream? Goal? Maybe a promise to someone?" Guessing, he plucked the petals one by one from his lifeless Rose.
"Sabi nang wala nga. Labas. Bumalik ka sa posisyon mo," pagtataboy nito sa kaniya.
"You're not going to tell me? Baka matulungan pa kita," sabi niya ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin. Bakit ang hilig mandilat nito? Hindi naman siya nang-aaway, e.
"Wala kang pakialam! Hindi ako hihingi ng tulong sa isang kagaya mo."
"Ano ba ako?" takang tanong niya.
"An S-gene."
"What so wrong about an S-gene trying to help an A-gene?" he asked, nonchalant.
"It already feels weird talking to you, tulong pa kaya? Hindi ka dapat nandito. Hindi ka dapat nakikipag-usap sa amin. Hindi dapat magkaroon ng ugnayan ang bawat genes."
Bumuntonghininga naman si Lis. She was talking about the treaty. Hindi dapat ganoon, hindi dapat ganiyan. Oh, spells of the mighty broken tree! Ang daming hindi dapat.
"Kung nasa ibang situwasyon lang tayo baka pinatay na kita," dagdag nito.
"You can't. Hindi mo ko kaya. Why do you even have a law legalising to murder us, anyway?" He snorted, half annoyed and half intrigued.
Inirapan siya nito. "Ang usisero mo masiyado. Ba't 'di ka na lang manahimik d'yan?"
"Nagtatanong lang, e. Ang sungit-sungit," sagot naman niya at ginantihan din ito ng irap. Naglakad na lang siya paalis dahil pakiramdam niya'y walang patutunguhan ang usapan nila. Baka mauwi pa sa away kaya babalik na lang siya sa puwesto niya.
Muli siyang umupo sa labas kung saan siya nakaupo kanina at pinagmasdan ang fountain sa gitna ng town square. Ang daming magicians. Red, green, yellow, blue, and brown. Ang iba pa ay nakalutang sa himpapawid. But what caught his attention were the kids playing on the fountain.
The noises that the kids made made Lis smile. He was reminded back in Mythria. When he was still a kid. Him, Aster, and his rival used to play in the Merman's castle.
They were like that, too. Smiling and laughing—just him and his rival though—because Aster never smiled.
Napunta ang tingin ni Lis sa isang maliit na kariton na kulay pink na nasa katabi lang ng fountain. A brown magician owned it. He watched how he played with his wand, creating a cloud-like, soft looking thing. Pagkatapos, binigay nito sa batang dumaan. Nagulat pa si Lis dahil mabilis itong kinain ng bata.
"It's edible?" mahina niyang sambit. Hindi siya nagdalawang-isip na tumayo at nagtungo sa direksyon ng brown magician. He was drowned with curiosity. Gusto niyang malaman kung ano iyon at gusto niya rin itong matikman. Ano kaya ang lasa? Maasim? Matamis? Mapait? O baka naman matabang?
Malapit nang makarating si Lis ngunit napatigil siya sa narinig. Sinundan niya ng tingin ang dalawang babaeng dumaan.
"May bago na naman daw kinuha-chi?"
"Hindi ko alam pero 'yon daw usap-usapan, e."
"Hay! Sana naman mahanap nila 'yong bata-chi."
"Malabo na yatang mangyari 'yon. Kapatid nga ni Aryl, e, 'di na nakita. Baka nga patay na 'yon."
"Excuse me," he interfered.
Lumingon naman ang dalawa. Isang yellow at isang black magician.
"Yes?" sagot ng black magician sa kaniya, may dala itong espada.
"Ah, I happen to hear my friend's name. Care to explain about her—uh—sibling?" tanong niya habang napapakamot sa batok.
"Si Aryl ba? Ah, 'yong kapatid niya nakuha raw ng mga Shadow. Hindi ko alam kung kailan 'yon pero hanggang ngayon 'di pa rin nila nahahanap ulit," paliwanag ng black magician habang ang yellow magician naman ay tumango lang.
"Kidnapping?"
Both of them nodded.
"Anong . . . anong Shadow?" tanong niya na may bahid ng pag-alinlangan.
"Shadows ba! 'Di mo ba alam 'yon? Usap-usapan 'yon dito, e. Nangunguha sila ng mga bata. Taon-taon mahigit sa limampu ang nawawalang mga bata rito sa Faegika at wala pa ni kahit isa ang nahanap-chi," sabi ng yellow magician sa mababang boses.
"Bakit nangunguha raw?"
Nagkibit-balikat ang dalawa.
"Malay. Sabi nila para daw sa eksperimento. May iba rin na pinapatay raw. Ewan ko," sabi ng black magician at tumalikod na. Ginaya rin ng yellow magician ang kasama niya at tumalikod din. Naglakad na ang dalawa paalis.
Pagkatapos ng usapang iyon, tuluyang nawala sa isip niya ang brown magician at mabilis na nagtungo pabalik sa flower shop.
Mukhang may ideya na siya sa rason ni Aryl.
Ngunit bago pa siya makapasok sa loob, napatigil siya. Sumagi sa isipan niya ang bilin ni Zebrion at Cortez—huwag na huwag ipasok ang sarili sa mga usap-usapan.
Napalunok siya. Hindi naman niya ito nakalimutan, naalala niya ito habang kinakausap niya ang dalawang magician kanina. He just couldn't help himself. There was something going on. And he was afraid that a crucial event might slip between his fingers if he would ignore them.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro