
Epilogue - Simula
The Devil's Wrath
@MyJaff
Thank you torturers! This is how I want to end their story. I know mabibitin kayo pero sana makuha niyo iyong essence ng kwento :)
~
"SINABI mo iyon sa kanya?! Bobito ka ba Rocky?! My God! Ilang taon pa ba ang gusto mo? Kapag sixty nine years old ka na? This is your chance na, pinakawalan mo pa! Kaninis!" Gigil na gigil ang panenermon sa kanya ng matalik na kaibigan.
Umiling siya kay Aiszel. "Hindi ganon iyon Aiszel. Masakit man aminin pero alam kong minahal niya ng totoo iyong Timothy Tianco. Hindi kayang ipilit ang sarili ko sa kanya. Masyado siyang nasaktan at tagos sa puso ko ang pakiramdam niyang iyon."
"Duwag ka!" Sigaw ni Aiszel sa kanya. "Hindi mo ba naisip na kaya lang siya minahal ni Zera dahil siya iyong nandyan noong mga panahong wala ka? And that's eww no! I wonder kung finuck din ng lalaking iyon si Zal dahil obvious naman na may nangyari na sa kanila ni Zer--ooppsss, realtalk iyon Rocky boy kaya huwag ka sanang ma-hurt."
Tss. Bahaw siyang ngumiti. "Handa akong maghintay sa kanya kahit sa pangalawang buhay ko pa."
"Corny!" Sangkala ni Aiszel. "Baka kamo kapag masyado ng mahina ang tuhod mo para ikama siya. Gosh! Tigang ka na forever!" Parang mas nai-stress pa talaga ito sa kanya. "You know, you can start naman na to chase her again Rocky. Wala namang masama kung mamadaliin mo diba? I mean, ilang taon na ang nasayang sa inyo dadagdagan mo pa ba iyon ng ilang taon pa? Zera maybe hurt or confuse now but you need to move Rocky, time is gold and her heart is cold, don't let another season will ruin the two of you again."
"Aiszel you're being annoying!"
She scoffed. "I'm a bitch and I'll annoy anyone I want." Inirapan pa siya nito at humalukipkip. "Pwede naman kayong magsimula ulit. Pwede mo namang gawin sa kanya iyong mga ginawa mo noong highschool pa tayo. Mahaba ang panahon pero mabilis ang oras, pwede mong gawin iyon habang minamahal mo siya." She winked at him.
Tumayo na siya sa kinauupoan at bumalik sa Quarters nila. Tss. Lahat ng sinabi ni Aiszel sa kanya may punto pero ayaw niyang gawin. Natatakot kasi si Rocky na kapag pinilit niya si Zera ay mas lalo lang itong lumayo sa kanya.
At may punto rin si Zera, hindi na maibabalik ng pagmamahal niya iyong mga buhay na nawala dahil sa kanya. May sakit man siya o wala, katawan niya ito kaya kasalanan niya.
Nakakapagod rin. Nakakapagod ring isiping wala ng pag asa kahit na ang totoo, patuloy siyang aasa. Para saan pang minahal niya kung hindi siya aasang mapapasakanya ulit diba? Sabi nga nila, kung hindi pa okay ang lahat, hindi pa tapos ang storya.
"Daddy?" Tawag sa kanya ni Rizzi. "Hindi pa rin ba nakauwi si Mommy?" Tanong nito.
It's been a week at hindi pa ulit nagpapakita si Zera maging sa pamilya nito. Alam naman niyang walang suicidal tendencies ang babae pero nag aalala pa rin siya. And about what happen to Timothy Tianco, it's his story to tell.
At dahil siya naman ang naging puno't dulo ng paghihiganti nito, ginawa niya ang sa tingin niyang tama. Nagsisi siya sa mga nagawa niya noon at ginawan ng "garden of beauty" ang mga namatay na babae dahil sa kanya. Naalala niya kasi na pinabaon niya lang ang mga bangkay na iyon sa malayong lupain ng torturers. Si Rocky mismo ang nagtanim ng mga magagandang bulaklak doon. Hindi sapat pero parte iyon ng paghingi niya ng tawad. Isa isa niyang pinuntahan ang pamilya ng mga babaeng iyon, hindi man siya nagpakita pero nagbigay siya ng tulong kasabay ng iba't ibang ani ng bulaklak. It represents their decease daughters.
Hinayaan niya na lang ang anak na makipaglaro muna. Siya naman ay pupunta sa the Leon's quarter para makibalita tungkol kay Zera.
"Good Afternoon po Tita," Bati niya sa ginang ng salubongin siya nito. "Itatanong ko lang po sana kung may balita na po kung nasaan si Zera."
Marahan itong umiling bakas sa mukha ang pag aalala. "Wala pa, hijo."
Nag aalala na rin pati si Rizzi. Siguro nga ay kailanyan na niyang kumilos. Huminga siya ng malalim. "Ako na pong bahalang maghanap."
Magalang siyang umalis pero nagmamadali namang sumakay sa sasakyan niya. Wala siyang alam kung saan siya magsisimula dahil posibleng wala na sa bansa ang dalaga pero susubok siya.
Ganoon naman dapat hindi ba? Kahit na hindi sigurado kailangan pa ring sumubok.
He drove to their old house, wala doon ang dalaga. Nagpunta rin siya sa kung saan naiisip niyang nagpunta ang dalaga pero wala doon. Mahirap maghanap ng taong ayaw magpahanap pero hindi uubra iyon sa mga taong naghahanap. Mapagpursigi.
While driving, he can't help but to think their past. Since childhood, then highschool up to their college. Si Zera na ang pinakamamahal niyang babae. Sabi nga niya, si Zera ang puso niya hindi ito titibok kapag wala ito sa kanya.
Red light.
He stops. Hindi niya alam kung bakit napalingon siya sa labas at tumitig sa mga dalagang nakasuot ng university uniform. Parang bombilya ang mga estudyanteng iyon na nagbigay sa kanya ng ideya. Nagbabakasakali lang siya pero baka naroon ang dalaga.
FOUR HOURS, apat na oras siyang bumiyahe papunta sa probinsyang iyon, halos malapit na din ang paglubog ng araw pero hindi iyon naging dahilan kay Rocky para tumigil sa paghahanap. Pinarada niya ang sasakyan sa may kanto dahil hindi na ito makakapasok pa sa mabatong daan paakyat sa H.A.V.E.N ang lugar kung saan nag recollection ang dalaga noong college, ang lugar kung saan siya nag propose.
Maybe, just maybe she's here to recollect herself again.
Pinunasan ni Rocky ang pawis niya ng matanaw ang unang bungalow na sumalubong sa mga mata niya. Isang madre ang lumabas para salubongin siya.
Malambot ang ngiti nito sa kanya. "Anong maipaglilingkod namin hijo?"
Palinga linga siya sa paligid para hanapin ng mga mata ang pakay niya.
"Sabi ko na nga ba't pamilyar ka." Muling nagsalita ang madre kaya napalingon siya roon.
"Ho?"
"Ikaw iyong lalaking nagpropose noon dito sa Haven's. Di ko makakalimutan iyon dahil ikaw lang ang gumawa niyon dito."
Ah! "Opo, ako nga ho iyon."
"Narito siya." Nakangiting saad nito na nakapagpatalon ng puso niya. "Halika, dadalhin kita sa kanya."
Tumango siya sa madre at sinundan ito sa paglalakad. Habang naglalakad sila ay nagku-kwento ito.
"Noong nakaraang linggo, nagpunta siya rito. Hindi namin halos mamukaan dahil mukha siyang gusgusin at panay ang pag iyak. Kinupkop namin siyang mga madre pansamantala at tinutulongan naman niya kami rito. Hindi naman siya nagsabi kung anong nangyari sa kanya o ano ang naging problema pero dama naming lahat na mabigat ang pinagdadaanan niya." Kwento nito.
Nakikinig naman ng maigi si Rocky.
"Hindi madali ang pag aasawa sabi nga nila pero mas hindi madali ang kalimutan na lang ang pinagsamahan at umabot kayo sa puntong ganito. Kung hindi ako nagkakamali, eight years ago pa ang proposal na iyon," Tumango siya bilang sagot. "Kung sakaling may hindi man kayo pagkakaunawaan, ibalik niyo lang ang sarili niya sa nakaraan bago kayo umabot sa puntong ganito. Isipin niyo lahat ng ginawa niyong masasaya ng magkasama, lahat ng memories ka nabuo niyo at saka niyo iyon ikumpara sa sakit na nararamdaman niyo ngayon, doon niyo lang masasabi kung kaya pa bang simulan ulit o hindi na. Nasabi ko na rin ito sa kanya at naiyak lang siya. Mukhang malubha ang pagkakadurog ng puso niya hijo."
Nagyuko siya ng tingin. "Kasalanan ko ho iyon."
"Ang pag amin sa kasalan ay kakambal ng pagpatawad. Masaya ako na alam mo ang naging pagkakamali mo at nagtungo ka rito para itama ang pagkakamaling iyon. Pag amin, pagpatawad, makakamit iyan ng pusong may malinis na hangarin." Tumigil ito sa paglalakad at nilingon ang open hall ng lugar na ito.
Sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito. Doon niya nakita ang babaeng isang linggo ng pinaghahanap ng pamilya nito.
"Tuwing hapon, narito talaga siya tahimik na nakaupo at malalim ang iniisip."
"Salamat po, sister." Tumango lang ito sa kanya kaya naglakad na siya papalapit sa dalaga.
Sa hindi malamang dahilan, bawat hakbang na tinatahak ni Rocky ay kalakip niyon ang ala alang magkasama sila ni Zera. Ngayon pa lang hindi na niya maiwasang paluha. The memory of them, being happy together is not like it's easy to let go. Kumpara sa mga pagsubok na pinagdaanan nila, mas matimbang kay Rocky ang nakaraang binuo nila ng sabay kesa sa kasalukuyang nasira ng sakit niya. Sana ganoon din ang nararamdaman ni Zera.
"Zera..." Tawag niya sa dalaga. Hindi ito umimik sa halip ay napahagulgol lang. Tuloyan na siyang lumapit at lumuhod para pantayan ang dalaga. "Umuwi na tayo..." Iyak ito ng iyak na yumakap sa kanya. "Let's go home hon..."
Mas lalo itong umiyak sa balikat niya, ang lakas ng pag iyak nito at ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya, God! He missed her so much.
"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit ulit na sinabi nito. "I'm sorry..." Paos na sa pag iyak ang boses ng dalaga.
He cupped her face, pinunasan niya ang mga luha nito. "Mahal na mahal kita."
Pahikbi hikbi ito. "I'm sorry for forgetting you, I'm sorry for choosing a new life without you. I'm sorry for pushing away our memories together. I'm sorry Rocky for burning into ashes the love that I have for you."
Walang perpektong pag ibig, kung mayroon man, iyon ay ang pagibig ng lumikha sa atin. Lahat tayo'y may pagkakamali.
The best form of love are forgiveness and acceptance.
It is really hard to do it, but we must carry them with us until the last breathe of our life. Wala namang madali sa buhay, lahat pinaghihirapan at aminado naman si Rocky naging parte niya kaya nasira ang relasyon nila ni Zera. Tama iyong sinabi nung Madre, kailangang timbangin kung ano ang mas nakalalamang sayo. Iyong mga ala-alang nabuo niyo magkasama o iyong mga ala-alang naging dahilan kung bakit kayo nasira.
Everyone deserves a second chance, maybe third chance but it's going to be a different story, he needs to prove how sorry he is and promised that he will never mess it up again.
Kung may time travel lang siguro, lalabanan niya ang sakit niya para hindi na umabot ang lahat sa ganito, kung may time travel lang, hindi niya hahayaang mangyari ang lahat ng ito.
"Simulan ulit natin mula sa umpisa. Papatunayan ko sayong mahal kita kahit hanggang sa huling araw pa ng buhay ko, Zera." Kung kinakailangan na araw araw na lumuhod si Rocky sa harapan ni Leon Chui para payagan siyang muli kay Zera, gagawin niya. "Simulan ulit natin, Zera and this time I will assure that it's going to be a different ending."
"Rocky..." She whispered, hinawakan nito ang mga palad niya. "If we're going to start again, hold me tight and don't ever let me split away."
Hinawi niya ang mga takas na buhok nito sa mukha. "I..." Hinalikan niya ito sa noo. "...will never," sa tungki ng ilong. "...ever." Sa pisngi. "...let you go again, my Zera Lavinia."
And finally in her lips.
No more Devil inside his body and no more wrath to control his life.
Simulan ulit nating bumuo ng masasayang ala-ala ng magkasama - Zera Lavinia x Rocky Costalles
- E N D -
A/N: Hooorayyy! Thank you so much torts for supporting the journey of Rocky and Zera's love story. This is how I want to end it, not rush because I am giving my characters a chance to find their own ending, it's an open yet happy ending for me.
There is no book two of The Devil's Wrath. I hope you understand na kapag ginawan ko pa ito ng book two, another conflict at baka tumanda na talaga sila ng bonggabells! Hahaha!
Maraming salamat ulit torturers! Long live!
- Empress Jaff *finger fuck este heart pala. Lol*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro