Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19 - War

The Devil's Wrath
@MyJaff

~

HANGGANG sa makabalik si Rocky sa ETHQ ay parang binuhol buhol ang utak niya. Si Zal ba talaga iyon o si Zera? But he knew who's who. Oo may pagkakahawig ang dalawa at malilito ka talaga kapag malayuan mo itong nakita but he knows Zera well, alam niyang hindi si Zera iyon lalo na kung pagbabasehan ay ang katawan. Mas matangkad si Zera sa bunso nitong kapatid but why... Oh fuck! Its making him crazy.

Maraming tanong ang nabuo sa utak niya, paano? Bakit? Ano? Hindi niya lang talaga alam kung ano ang uunahin dahil parang sasabog ang utak niya. Fuck! What the hell is that?

Totoo ba talaga iyon o panaginip lang?

“Daddy! Ang tagal mo po, nakatatlong barbie movies na kami. May bago nga sa powerpuff girls si Bliss pero mas gusto ko pa rin si Blossom. Daddy? Bumili kang ice cream?”

If si Zal nga iyon what is her relationship with her sister's husband? Nag iisip pa ba ang babaeng iyon? Bakit ito pumatol sa asawa ng kapatid? Damn! Sumasakit na ang ulo niya.

“Wow! Is that a stuffed toy? Yay Daddy kamukha niya si Ticka nga Barbie as the Island Princess. Is that for me? I will name her Ticka na ha? Okay lang po ba? Dad? Daddy? Granny si Dad tulala po!” Malakas na tawag ni Rizzi sa kanyang ina, bigla siyang napapitlag at nilingon ang anak hawak na nito ang animal stuffed toy na binili niya.

“Hello baby... Sorry natagalan si Daddy.” Ngiting bati niya.

Kumunot ang noo nito. “Natagalan din po kayong sumagot, kanina pa po ako nagsasalita e. Ayaw niyo po ba sa akin?”

Mabilis siyang nagsquat sa harapan ng anak. “Of course not! You're my baby, siyempre gusto kita. Masaya nga ako kasi inaccept mo kaagad ako bilang Daddy mo.” Ginulo niya ang buhok nito.

“Ticka is so cute Daddy!” Mabuti na lang at naiba na nito ang usapan.

“Ticka?”

Iminuwestra nito ang animal stuffed toy na binili niya. “She's Ticka na because she looks like her. Elephant!”

Pakiramdam ni Rocky may humahaplos sa puso niya. Bago ang pakiramdam na ito sa kanya, tulad ng paninibago niyang isa na siyang ama at wala na si Zera sa bu... Haist! He need to stop thinking about her, but how?!

“Daddy, maglaro na lang po tayo para di ka po natutulala dyan.” Hinila siya ni Rizzi papunta sa entertainment room nila.

“How about the Ice cream?”

“Later na lang po after nating mag lunch para po nakakain muna ako ng rice bago po ice cream rocky road.” Humagikgik ito at umupo sa carpeted floor. “That's my favorite flavor kasi po kapangalan po ng tunay kong Daddy. Kapag nagkaroon ako ng baby brother, Road naman po ang ipangalan niya ha? Para Rocky Road po kayong dalawa.” Humaba bigla ang nguso nito. “Kaso that's impossible na po kasi galit si Mommy Zera sayo tsaka may Daddy Tim na ko.”

Parang may kung anong kumurot naman sa puso niya. C'mon Rocky, the emotional torture, you can handle it. Isipin na lang niya na mas matindi pa ang dinanas ni Zera sa kanya kesa sa nararamdaman niya ngayon.

Sa halip na mag isip ng kung ano ay tinabihan na lang niya ang anak at sinamahan itong naglaro. They played a lot. Bumuo sila ng mga domino's na inabot ng halos dalawang oras at tuwang tuwa si Rizzi ng mabuwag iyon. Nag laro pa sila ng uno cards, chess, snake and ladder at kung ano ano pa. All in all nakalimutan ni Rocky ang nakita niya sa mall kanina at inenjoy niya ang oras niya para sa anak. Natutuwa nga siya at hindi gadgets ang nilalaro nito. Iba na kasi ang mga bata sa henerasyong ito, akala niya ganoon na rin si Rizzi but no, alam niyang maganda ang pagpapalaki ni Zera sa anak nila bagay na ikinatuwa niya.

“Nakatulog na si Rizzi, Dad.” Sabi niya sa ama ng maabutan niya ito sa kusina at nagtitimpla ng kape. “Kumusta ho si Rochette? Si Rum? Okay na po ba ang problema sa kanya?”

“Oh that bastard!” He gritted his teeth but then he just sighed. “May lalaking nasa labas ng ETHQ kanina, he was looking for your sister. Damn! Parami na ng parami ang nakakaalam ng lugar natin and Demon didn't want that.”

Sumandal siya sa counter tops at nakinig lang sa ama. “Yeah, we need to secure our group Dad. Ano po bang plano ni Grand Master Demon?”

“He build a barrier, hanggang sa pinakadulo bago makapasok dito sa tarangkahan ng ETHQ. Inutusan niya si Jaguar na gumawa ng mga high techs na patibong. It will never be easy to come even at the gate of our headquarters if that'll happen.”

Yeah. Maganda na rin iyon para ma-secure ang safety nila. Marami ng nangyari ng mawala siya sa grupo. Hindi naman masama na higpitan pa nila ang seguridad para sa kaligtasan nila lalo na ngayon na may mga bata ng involve dito.

“Dad, pupunta muna ako sa Queen Demontic Trio Quarters, may itatanong lang ako kay Aiszel.” Paalam niya. “Pakitignan tignan na lang po si Rizzi baka hanapin ako pagkagising.”

Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. “Okay son, don't worry.”

Tumango siya sa ama at magalang na umalis sa quarters nila at lumipat sa kabila. Ang laki ng pinagbago ng ETHQ, literal na malaki dahil lumaki talaga ang headquarters nila. At sa ilalim ng main hall nila, doon nakalagay ang yaman ng walong legends na naipundar nila sa grupo bukod pa iyong para sa mga sarili nila. He wonders kung gaano na karami ang nasa ilalim ng mainhall. Mapapailing ka na lang talaga dahil for sure mamangha ka kapag nakita mo iyon.

Nakarating siya sa tower ng tatlong demonyitang Reyna. Dumiretso kaagad siya sa parte ni Aiszel. Naglalakad pa lang siya papalapit doon, naiiling na siya dahil sa nakahilerang mga taohan sa hallway. Aiszel is so fucking royalty!

“Please wait Master Rocky, I'm going to inform Queen Helen Aiszel for your arrival.” Salubong sa kanya ng butler. Geez!

Hinayaan na lang ni Rocky na gawin nito ang trabaho nito. Baka mabully pa ito ni Aiszel kapag nagkataon. Di naman nagtagal ay pinapasok na siya sa double doors na iyon, lumingon siya sa kanang bahagi ng lugar at nakita niya ang matalik na kaibigang tahimik na umiinom ng tsaa sa kulay puting eleganteng sofa.

“Did I disturb you?” Humakbang siya papalapit sa kaibigan at umupo sa kaharap nitong sofa. Maging ang mga gamit sa lugar na ito, pangmaharlika talaga. “I have a question to you.”

“I really expecting your surprise visit to me Rocky.” Sumimsim ito ng tsaa.

Kaya pala may nakahanda na ring tsaa para sa kanya. “I saw something kaninang umaga sa mall Aiszel. Its making me, ugh! Just tell me about Timothy Tianco.”

Isang pitik lang nitonay may lumapit sa kanila at may inabot itong envelope sa kaibigan niya. Aiszel handed it to him. Tinaggap niya naman iyon at kaagad na tiningnan ang nasa loob.

“Timothy Tianco is married to a Chui but not to Zera Lavinia Chui.”  Malamig na sabi nito. “He married Zia Larraine Chui nine years ago.”

“What the fuck is this?!” Halos mapunit niya ang mga papeles na iyon.

Nilapag ni Aiszel ang tsaa nito sa mesa. “That's the proof of his foolish acts. Timothy's long lost sister is one of your victims Rocky and he's doing it for revenge. Hindi lang si Zera ang nasisira pati ang bunso niyang kapatid at ang samahan ng dalawa.”

“Bakit hindi mo ito sinabi kaagad kina Leon Chui?!”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Why would I?! Hindi kami close!” She hissed in a bitchy attitude. “Honestly, I was waiting for you to comeback, ikaw ang gusto kong sumupalpal niyan kay Timothy Tianco!”

“Galit na galit ka kay Tim? Why? Is he your ex?”

Nanlalaki ang mga mata ng kaibigan niya sa sinabi niya. “Yuck! Si Azil lang ang naging ex ko no! What the hell Rocky! Can I just get my thank you? Hampasin kita ng teacup dyan! Bwesit!” Irap nito sa kanya. “Umalis ka na nga! Go to Zera or to Zal or to their family and spread the news! That is going to be a huge bomb.”

Halos hindi na niya nasagot pa si Aiszel dahil nagmamadali na siyang lumabas. He needs to fucking teach that fucking bastard a lesson! At talagang si Zal at Zera pa ang kinalanti! Bakit hindi na lang ito dumiretso sa kanya?! Putangina talaga! Siya lang ang dapat na masisi sa sinapit ng magkapatid.

Mabilis na sumakay si Rocky sa motorbike niya at pinaharurot iyon palabas ng ETHQ, papunta kina Zera at sa asawa nitong gago! Putangina talaga! Parang puputok ang mga litid ni Rocky sa galit. He was mad! So mad that he wanted to put the law in his hands like before.

Bumaba si Rocky ng motor at walang atubiling inakyat ang mababang gate nina Zera, nagmamadali siyang kumatok sa pinto nito, malakas at gigil na gigil. Tama naman na si Timothy ang nagbukas sa kanya ng pinto kaya sinalunong niya itong ng suntok dahilan para mapatumba ito, hindi pa siya nakuntento dahil sinabayan niya pa iyong ng sipa. Pinagsisipa niya ang tyan nito hanggang sa sumka ito ng dugo. Doon lang napansin ni Rocky na inaawat na pala siya nina Zaj at Zendrix, naroon pala ang dalawa hindi lang sila dahil naroon din si Leon Chui at madalim ang mukha nito sa kanya.

“What the hell are you doing Rocky?! We had a deal!” Malakas siya nitong sinuntok sa panga. “Bakit nanggugulo ka na naman?!”

Iyak ni Zera ang halos dumurog sa puso niya pero ng makitang ang iniiyakan nito ay ang putanginang Timothy Tianco na iyon, nagnigas na naman ang galit niya para sa lalaki.

“Our deal was null and void Master Leon, like what Zera's marriage to that fucking bastard!” Good thing at narito din si Zal.

“What the hell are you talking about?!” Si Zendrix iyon.

Marahas niyang binawi ang magkabilang kamay sa magkapatid at hinugot ang nakatuping papeles na binigay sa kanya ni Aiszel, sa bulsa. Binuklat niya iyon at pinakita sa lahat.

“The marriage is fake, from the priest in Czech Republic because they thought that it was just a pre-wedding celebration. The marriage is not registered because that man is already married nine years ago.”

“What?!” Hinugot ni Leon Chui ang hawak niyang papel, halos mabuwal naman si Mrs. Chui sa kinauupoan nito samantalang si Zal ay tahimik lang sa tabi, ngunit kaagad na napapitlag ng lingonin ito ng ama. “What the hell is this Zal?!”

“A-anong mayroon?” Naglandas na ang mga luha ni Zera. “Anong nangyayari? Anong peke?!” Now, sumisigaw na ito.

Hirap na umupo si Timothy. “T-this is all your fault C-costalles.” He hissed. “I married Zal legally because she is the bridge for me and your beloved Zera, I managed to ruin your relationship with her like how you ruin and killed my sister. Kulang pa ito Rocky! Tangina mo! Kung di ka lang nagkasakit ako na mismo ang papatay sayo!”

“Timothy...” Bulong ni Zal.

“Gago ka palang tarantado ka e!” Si Zaj ang unang sumugod at sinipa ang mukha nito na parang soccer ball.

Sumumod naman si Zendrix ang pinagtulongan si Timothy. Si Zera ay iyak ng iyak habang yakap ng ina.

“Tama na! Tama na! Kuya asawa ko siya!” Dinalohan ni Zal ang lalaki. “Tumigil na kayo! Please lang!”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya Zal?! Umalis ka dyan sa lalaking iyan at ako ang papatay sa kanya!” Zendrix hissed.

“Mahal ko siya!”

“Tanginang pagmamahal 'yan! Nakakamatay yan Zal!”

“Zera...” Tawag niya sa babaeng mahal.

“Leave Rocky boy! Ako ng bahala sa pamilya ko.” Madilim ang boses ni Leon Chui.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro