Chapter 13 - Mental Illness
The Devil's Wrath
@MyJaff
~
ZERA decided to go back in ETHQ. She actually didn't accept Rocky's apology. She actually didn't know how. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito para mas mag isip pa siya. Nakakatawa lang isipin na ang buong akala niya ay okay na sila ng asawa pero sa huli, niloloko pa rin pala siya nito. Sa huli, siya pa rin ang dehado't umiiyak.
Bumaba si Zera sa taxi. Malayo pa lang ang ETHQ, susundoin kasi siya ng kapatid niyang si Leo Zaj dito, nagpasundo siya sa kapatid. Hindi naman pwedeng magpahatid siya sa taxi papasok sa loob.
She just sighed. Waiting for Leo Zaj to come. Nilalaro niya ang maliliit na bato sa kalsada, sinisipa niya iyon habang mahigpit ang hawak sa luggage niya. Maraming tanong na nabuo sa isip niya pero isa lang ang nangingibabaw, kaya niya kaya na wala si Rocky sa buhay niya? Halos mula pagkabata ay minahal niya na ito kasabay ng pagmamahal niya sa sarili niya kahit na ngayon ay halos wala ng natira.
“Ate Zera!”
Nag angat siya ng tingin. Tipid siyang ngumiti nang makita ang kapatid sakay ng Mustang nito. Bumaba ito para tulongan siya sa mga dala niya, ito na mismo ang naglagay ng luggage niya sa likod ng sasakyan nito. Siya naman ay tulalang pumasok sa passenger's seat.
Wala siyang imik, tahimik lamang siyang umiiyak sa mga nangyayari sa buhay niya. Sobrang bigat ng dibdib niya at parang nadudurog ang puso niya, bakit kailangang umabot ang lahat ng ito sa ganito?
“I have something to tell you Ate Zera, Blue and I discovered about this a few days ago. Dad doesn't know about this but we think that you should.”
“What is it?” She ask her brother.
Eksakto namang tumigil ang sasakyan at nauna ng bumaba ang kapatid. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Dinig niyanh inutusan ni Zaj ang mga taohan na ayusin ang mga gamit niya.
Sumunod lang siya sa kapatid hanggang sa makarating sila malapit sa chamber ni Rocky. Kumunot ang noo niya, bakit naman sila nandito? Mukhang napansin ng kapatid niya abg pagtatakha sa kanyang mukha pero nagkibit balikat na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may mga nakasalubong sina Zera na mga taohan ni Rocky at may dala dalang kulay itim na sako. Dalawang tao ang bumubuhat kada isang sako at pansin niyang marami iyon.
“What the hell is that?!” Usisa niya lalo na ng maamoy niya ang hindi magandang amoy. Pansin din ni Zera na hindi papunta sa main exit ang mga ito, may hidden exit pa dito sa chamber ni Rocky? “Ang baho naman dito Zaj! Ano ba ang mga iyan?!” asik niya.
Hindi talaga kinakaya ni Zera iyong amoy na iyon. Masangsang at parang patay na daga. Nagulat siya ng lapitan iyon ng kapatid niya. Akmang aalma siya ng sabihan nito ang mga taohan na ilapag ang isang sako. Zaj squatted in front of the black sack. Zera gulped, geez! Ang baho talaga pero nanlaki ang mga mata niya ng buksan iyon ng bahagya ni Rocky at makita abg hubad na babaeng halos pira-piraso na ang katawan.
Pakiramdam ni Zera ay tinakasan siya ng dugo. Namumutla siya habang hindi nakapaniwalang nakatingin sa naturang bangkay. Parang binaboy iyon at pinaglaroan ng hayop. Laking pasasalamat niya ng isara ni Zaj ang sako at muling lumapit sa kanya.
“B-bakit may ganyan dito Zaj?!” Lakas loob na tanong niya. “Don't tell me... Lahat ng laman ng mga sakong iyan ay tulad rin sa una?”
“Let me show you something, naghihintay na si Blue doon.” Nauna na itong humakbang muli.
Muling napalunok si Zera at panaka panakang tumitingin sa mga taohang may mga buhat na sako. Hindi niya maiwasang mapapikit ng mariin at mag isip ng kung ano ano hanggang sa makarating sila sa isang double doors na silid. Binuksan iyon ni Zaj at anuna itong pumasok sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ni Zera na humakbang papasok 'don.
She's not feeling well actually, mula siguro ito ng makita niya iyong babaeng bangkay kanina. “What's this place?”
“You're finally here.” Seryosong sabi ng pinsan nilang si Blue.
Nakaupo ito sa may apat na palapag na hagdan habang kandong ang ulo ng napakalaking lobo. Nang makita siya ay nilabas nito ang pangil at handang atakihin siya pero sinuway iyon ni Blue.
“Its so hard to tame this beast. He was train to eat a woman.” Blue said. “Just like Sugo, he was train to fuck a woman. Geez! I dunno what's with the Costalles siblings. This is so fucking weird.”
“What are you talking about Blue Onyx?!” Kinakabahan na siya sa totoo lang dahil hindi naman tanga si Zera, kaya niyang pagtagpi tagpiin ang mga nangyayari. “What is the meaning of this? Si Rocky ba ang may kagagawan ng mga babaeng nakalagay sa itim na sako? And this room, it is his...”
“...torture and pleasure chamber Zera.” Dugtong ni Blue. “He's been releasing his hidden desires here, he's fucking and killing those young girl with Sugo and Jalko.” Tapik nito sa ulo ng hayop sa kandungan nito.
Pakiramdam ni Zera ay nahilo siya sa mga narinig. Napakapit siya ng mahigpit sa matipunong braso ng kapatid bilang suporta dahil pakiramdam niya anytime ay babagsak siya. Masyadong masakit iyong mga nalaman niya, para bang kakaposin na siya ng hininga. Iniisip niya kung ano pa bang kagagohan ang tinago ni Rocky sa kanya?! Ano pa?! Tangina! Pinagmukha siya nitong tanga. Tanga sa nararamdaman niya para sa asawa. Ngayon ay hindi na alam ni Zera kung tama pa ba ang pagmamahal na iyon.
“Ilabas niyo na ako rito.” Nanghihinang aniya.
Sinunod naman siya ng kapatid. Nanginginig ang kalamnan niya pagkalabas sa silid na iyon. Sa totoo lang gustong sumabog ni Zera dahil sa mga nalaman niya.
“How many...” Halos hindi na niya matuloy ang tanong na gusto niyang itanong sa kapatid.
“At least eight to dozen teenagers Zera, his parents and ours doesn't know about this but we think that they should. Rocky may be suffering in mental illness.”
“Hindi baliw ang asawa ko, Leo Zaj!” Asik niya sa kapatid.
“Then how do you explain this? Pati iyong nangyari sa inyo? Rocky is literally insane, Zera. We're just being careful for your sake. Blue already told this matter to Uncle Jaguar, he made sure that Tito Ross will know it.”
“Zaj gusto ko munang mapag isa.” Malamig na sabi niya.
“Are you sure? Ihahatid ba kita sa chamber mo. Mom didn't know that you're already back do you want me too—”
“I need to be alone for a moment.” Sansala niya sa simasabi nito.
“Alright.” Pagsuko nito. “I will leave you then, careful Ate Zera.”
“I do, hindi naman ako lalabas ng ETHQ.”
Tinangoan siya nito at tuloyan na siyang iniwan, siya naman at nanghihinang napaupo sa sahig at binuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Ang sakit ng puso niya, parang unti unting nadudurog, para bang humihiwalay ito sa katawan niya. Kung pwede lang sana ay ginawa niya dahil kahit na ano pa man ang nalaman niya ngayon, mahal niya pa rin ang asawa. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga iyon at iniisip niyang pawang panaginip lamang.
Rocky is her first love.
Rocky is her childhood sweetheart.
Rocky is her forever.
Nakatatak na sa isip ni Zera iyon at masyado ng malalim ang pagmamahal na binigay niya sa asawa. Wala na ngang natira sa sarili niya kaya sige nga, paano siya maniniwala kung bulag na bulag siya sa pagmamahal para sa asawa?
Nanginginig ang kanyang kamay na humanap ng alalay sa mga pader upang makatayo at makalakad. Pigil na pigil ang mga paghikbi ni Zera pero iyong luha niya, parang sapa na walang tigil sa pagragasa.
Hindi niya alam pero sobrang sakit na, kaya niya pa ba? Gusto niyang itanong sa sarili pero hindi niya magawa dahil baka ang maisagot niya ay hindi na. Sa paglalakad ni Zera ay naulingan niya ang boses ng asawa, kausap nito si Rochette kaya bagya siyang nagtago sa may gilid ng pasilyo.
But then she clearly heard them, Rocky likes his own sister? He even hugged her, tama nga ba iying sinabi nina Leo Zaj at Blue Onyx? Rocky is suffering from a mental illness?!
Nakita niyang tumakbo si Rochette sa gawi niya, hindi niya na napigilan ang sarili at pinunasan ang mga luha. Sinalubong niya ang hipah at hinila ito papunta sa kung saan. She doesn't even know why she's doing this? But clearly, she's hurt and she need someone to blame. Rochette is here, righttiming because of what she heard.
Sinakay niya ito sa sasakyan niya.
“Saan mo ako dadalhin? Ate Zera, nag awat ba kayo ni Kuya Rocky?” Kinakabahang tanong nito. “Ate Zera...”
“Shut up! Tama na iyong isang babae, huwag ka ng dumagdag pa!” Sabi na lang niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan, di malaman kung saan sila tutungo.
Gosh! Kinain na ng sariling sakit si Zera, she was looking for someone to blame and then... Hanggang sa makalayo na sila sa ETHQ ay panay pa rin ang pakiusap sa kanya ni Rochette na itigil ang sasakyan, hanggang sa napansin niyang nahihirapan na itong huminga. Damn iyong asthma ni Roch umaatake!
“A-are y-you okay Roch?” Hirap itong sumagot sa kanua kayamabilis niyang minaiobra ang sasakyan pabalik sa nalagpasan nilang Hospital, sa Ramirez Hospital. Kaagad naman silang inasikaso roon.
Si Zera naman ay napaupo sa waiting area at nahimasmasan na ang sarili.
“God! What did I do?” Mibilis niyang kinuha ang cellphone niya para ipaalam kay Mrs. Rheabelle Costalles ang nangyari. Matapos iyon ay tinawagan naman niya ang asawa.
ISANG araw ang nakalipas ngunit hindi pa rin nilisan ni Zera ang Hospital na iyon, hindi niya kasi alam kung saan siya kukuha ng lakas. Rocky on the other on hand is inside the room. Kanina ay inaya siya ng mother-in-law sa loob pero hindi niya naman gustong pumasok at mukhang hindi naman siya sinisisi ng Ginang sa nangyari, aksidente lang daw ang pag atake ng amsakit ni Roch at nagkataon lang na siya ang kasama, lingid sa kaalaman nito na halos patayin na niya sa takot si Rochette.
Pinagsisisihan naman iyon ni Zera, hindi niya sinasadya ang nangyari. Sa puntong iyon kasi, hindi na alam ni Zera kung ano ba dapat ang mararamdaman niya. The pain is too much to handle and that leads everything to where they are right now.
Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang asawa niya. His green eyes were bloodshot kaya napatayo siya, kailangan niyang harapin ang galit ni Rocky at the same time kailangan niya itong komprontahin.
Nagulat siya ng bigla siya nitong isinandal sa pader. Malakas ang impact niyon kaya nasaktan ang likod ni Zera.
Kinuwelyohan siya nito. “YOU! WHAT THE FUCK DID YOU DO TO HER?!!” Galit na galit na tanong nito, akmang susuntokin pa nga siya nito nang may humablot na kay Rocky paalis sa kanya.
Si Timothy Tianco.
“Ikaw na naman?! Hanggang ngayon hindi mo pa rin tinitigilan ang asawa ko?!” Sinuntok ito ni Rocky.
“Gago!” Asik ni Tim at nakipagpambunoan sa asawa niya.
Hindi naman alam ni Zera at ng Doctor na kasama ni Tim kung ano ang gagawin pero sa huli ay naawat niya ang asawa.
“Rocky tama na! Hindi ko siya kilala remember?” Sabi na lang niya at hinila palayo ang asawa niya.
Gustong maiyak pa ni Zera pero hindi niya alam kung may luha pang lalabas sa mga mata niya. Nahatak niya nag asawa hanggang sa parte ng hospital na walang tao. Galit na galit pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.
“Sabihin mo nga sa akin! Nakikipagkita ka pa rin ba sa lalaking iyon?!” Akusa nito sa kanya.
Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. “Sabihin mo nga rin sa akin kung may gusto ka ba sa kapatid mo?!”
If he say yes, maybe Leo Zaj and Blue is right. Rocky is really insane.
Ilang minuto itong hindi nakasagot sa tanong niya. Natigilan ito bagay na ikinangiti niya ng mapait. Silence means yes.
“Maghiwalay na tayo, Rocky. Hindi ko na kaya.”
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro