Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Cocktail Dress

Chapter 9: Cocktail Dress

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking mansion. Ang mansion na ito ay malaki ang pagkakaiba sa bahay ni Landon. Makikita ito sa gitna ng kakahuyan. Madilim ang paligid maliban sa maliliit na ilaw sa gilid ng daan na parang airport runway.

Walang makikitang nakabukas na ilaw sa mga bintana o sa entrance door. Pero may naaninag akong liwanag sa bandang likod ng mansion. Bumaba si Landon nang mabuksan ang pintuan sa bahagi ko.

I was so confused and alarmed in this horrid place. Mas madilim pang tingnan ang mansion sa harapan ko kesa sa grayish na langit sa itaas kung saan natatakpan ng ulap ang mga bituin.

Pumasok si Landon sa main door nang hindi man lang kumakatok. Hawak niya ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko mapigilan na magisip ng hindi maganda. My imagination is on its peak again.

This is the Monaghan's mansion. Landon Monaghan's family. A family of vampires! Napakatahimik sa loob nang pumasok kami. Tahimik at madilim. Walang bumati sa amin. Hindi ko alam kung may tao ba dito.

"Shit. Will you stop stepping on my shoes?"

"Malay ko ba?" asik ko bago inalis ang paa mula sa pagkakatapak sa leather shoes niya. "Nakikita ko ba ang dinadaanan ko?"

I heard him muttered. "Humans."

I rolled my eyes at him. Sure, maybe he can see through the dark or something. Maybe they can all see through the dark. Who knows? Terror started to sip into my system. Now doubled.

"You're trembling." natatawang sinabi ni Landon.

It was the first time I heard a hint of humor in his voice mula noong umalis kami sa university. Kaya sa halip na sumagot, hinayaan ko nalang. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng madilim na mansion.

Once in a while nakakakita ako ng liwanag. Miniature balls of light in mid-air, like floating candles. Pero baka nakapatong lang ang mga ito sa muwebles na hindi ko makita dahil masyadong madilim.

Maya maya pa ay unti unti ng lumiliwanag ang paligid. May hinawi si Landon sa harapan namin. It gave me the impression na isa itong makapal na kurtina o tela. Nasilaw ako sa liwanag na bumati sa amin.

Kinailangan na mag adjust ng paningin ko dahil sa liwanag. Nang magawa ko yon, bumungad din sa akin ang mga boses. Nang buksan ko ang mga mata ko ay napagtanto ko na nasa likod na bahagi na kami ng mansion.

Ang una kong napansin ay ang tuktok ng mga puno sa madilim na kakahuyan di-kalayuan sa amin. Nakasabit ang mga paper lamp size lights sa mga tali mula sa mansion hanghang sa bungad ng kakahuyan.

It reminds me of summer bonfire parties. Pero instead sa beach, nasa likod kami ng isang mansion sa gitna ng kakahuyan, and instead of summer, we're in the middle of September.

It was indeed a party. A small gathering. With people— gorgeous, stunning, graceful people, wearing tuxedos and elegant cocktail dresses, smiling and talking with each other— all while exposing their gleaming white fangs. Holy shit.

"Whoa! What do we have here—"

Napalingon agad ako sa lalakeng papunta sa amin. He was wearing a white tux; his brownish hair quite messy, he grinned amiably and I can see a hint of his dimples. Dimples and there's the fangs.

Natigilan siya nang magtama ang paningin namin. He squinted his brown chinky eyes as if assessing me. Maya maya pa, napa awang ang labi nito na tila hindi makapaniwala. He has the same thin captivating lips like Landon. Pero sa halip na ngisi, ngiti ang nangingibabaw sa kanya.

"The fuck, Landon?" asik nito sa katabi ko. "What the hell are you thinking in your airhead of a brain?"

"Shut the fuck up, River." kalmado na sagot nito. Pero hindi nakuntento dito ang lalakeng may pangalan na River.

"Dude, you brought a human. You're crazy!" Hinila kami ni River pabalik sa likod ng kurtina or tela or whatever.

"Dude, iba na ito." sambit niya. Napansin ko na nakatago na ang mga pangil niya. "Kung gusto mong masira ang gabi ni Tito Nicholai, hwag mo namang idamay 'tong chic."

Bumuntong hininga si Landon. "Look, River." tila nagtitimpi na sinabi niya. "It was supposed to be Roselyn—"

"Roselyn's family is out of town this week, dude." Napahawak sa batok si River. "How the hell could you not know?"

Bumitaw na ako sa pagkakahawak ni Landon. Kung mag usap sila parang wala ako dito, ah. So I was in great danger in this place. Maybe I can go home now? Lumingon ako kay Landon.

"Uuwi na ako."

Tiningnan niya lamang ako nang mabuti. He was about to open his lips to speak up subalit biglang nahawi ang tela na naghihiwalay sa aming tatlo at sa party sa labas. Isang babaeng may maikling buhok— kung hindi ako nagkakamali, it's called a bob cut— ang bumungad sa amin.

"Oh! You're here!" masiglang bati niya. Nakasuot siya ng black, pixy like dress. May hawak din siyang baso ng blue cocktail drink sa isang kamay. "Cousin, what's your surprise this time?" nakangising tanong niya kay Landon.

"Last time you had a... what? A stripper for a girlfriend? Then the event before that, a ho dancing on the pole beside the swimming pool. My gosh, where the hell did you even get those kinds of—"

Naputol sa sunod sunod at almost automatic na pagsasalita ang babae. He tipped her cute head beneath the air at may inamoy sa hangin. Maya maya pa nagtama ang paningin namin. Napakurap ito.

"Human." she muttered while staring directly at me. Bigla niyang tinago ang mga nakalitaw niyang fangs na tila nagtitimpi. Masama ang tingin na bumaling siya kay Landon. "You brought a fucking human?!"

"Yllona, not now." sighed Landon.

Halata ko ang pagpipigil ng babaeng si Yllona na lumapit sa akin. Bahagya itong lumayo. Her neck was stiff as if having a hard time to retract her fangs. "Landon, are you insane?" she exclaimed. "God, mabuti hindi siya naaamoy sa labas. Iuwi mo na siya. This is not the right time for prank, Landon."

"She has my mark."

Natahimik ang babae sa narinig. I have to give it to Landon for being so damn calm. Because seriously, this two people in front of me are in near hysterics. Kamag anak niya ba ang mga ito? Ganito ba talaga sila kaingay?

"Wait, did you say your mark?" asked the girl. Ngayon ay mas kalmado na ito. Pinagmasdan ako ng babae. "Like the real one?" she confirmed. "The blood contract? You did it. Again?"

Hindi ito makapaniwala. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Landon. Kaya bakit ba ganyan nalang ang reaction niya? The gorgeous girl stared at me from head to toe.

"She's a... clerk?"

Na-conscious ako sa suot ko. Compare to her and her dazzling outfit, fair complexion, expressive eyes, and red pouty lips, mukha akong basahan. Muli inamoy ang hangin. She shakes her head.

"Landon, you know it'll not work. I can still smell her human stench."

"Ikaw ang may pinakamatalas na pang amoy dito. So obviously, maaamoy mo siya." retorted River.

"Shut up, you loser of a twin!" asik niya. She reminds me of a black cat in crazy disarray. So they are twins.

"Landon, iuwi mo na siya."

Tahimik akong sumang ayon. Mukha naman akong hindi sasaktan ng dalawang vampires na nasa harapan ko. Pero ibang usapan na ang mga taong nasa labas. Isa pa, hindi naman dapat ako ang nandito, hindi ba?

"Come on, Yllona, it's not like they could touch her." sagot ni Landon. Bakit ba napakaconfident ng hayop na ito sa lahat ng bagay? "No one in this goddamn place could touch my date."

Uh, what? Hinila ako ni Landon sa braso para muling pumunta sa labas. Pero bigla akong hinila pabalik ni Yllona. "Wait." she exclaimed. "Okay. Nandoon na tayo." she sighed. "We can't touch her. But you missed something here, Landon. She can still be under hexes."

Hexes? "So kung gusto mong nasa tamang pag iisip pa ang date mo pag uwi niyo, mabuti pang sumama siya sa akin. And oh please, look at her. Don't you have any audacity to get her a proper dress, Landon? Napaka ungentleman mo talaga. You sucked at this."

Natawa si River sa sinabi ng kambal. Binigyan lamang siya ng masamang tingin ni Landon. Mukhang maging siya ay napapagod na sa lahat ng tao. Good for you. Kasalanan mo ang lahat ng ito.

Hinila ako sa braso ni Yllona. Halos mapa-atras ako dahil sa nangyaring contact. There's something eerie with their touch. Kahit kay Landon ay napapansin ko yon— Like touching something unreal, unearthly.

Napalingon ako kay Landon habang hinihila ako ni Yllona pabalik sa madilim na mansion. 'What the fuck is this?' I mouthed to Landon. Yllona snickered beside me. "I heard that."

Natigilan ako. Why the rotten hell am I here? Hindi ito kasama sa contract. I'm not obliged to do this! "Oh come on, Denise. I can't touch you, blood wise. But honestly, your scent is not helping."

"How did you know my name?"

"Hindi mo ba naririnig?" she asked in her perky voice. Naramdaman ko na pa-akyat kami sa isang hagdan. Halos masobsob ako sa pangalawang step nito. "Nag uusap ngayon si River at Landon."

Nakarating kami ng maayos at buo sa second floor sa tulong ng liwanag mula sa kandila sa sala. I was not dreaming. They are indeed floating! Sinubukan itong pagtakpan ni Yllona telling me it's just strings attached to the ceiling. Subalit hindi na ako naniwala.

Pumasok kami sa isang kwarto. Sumindi agad ang ilaw pagtakap namin doon. The golden light of the room overwhelmed me. Pakiramdam ko hindi ko dapat itapak ang mumurahin kong sapatos sa carpeted at mamahaling sahig nito.

Hinila ako ni Yllona papasok. She's wearing killer heels and all pero mas graceful pa siyang gumalaw kesa sa akin. The way she almost glides at the surface reminds me of the swift movement of a feline.

"What an ass, that Landon is." I heard her mutter.

May binuksan siyang pinto. Isang cabinet. The room we're in is a bedroom, with soft cream colored gigantic bed, hardwood furniture, brick accented wall, carpet on the floor and gleaming crystal chandelier on the ceiling.

May kinuha siya mula sa loob ng cabinet at hinagis ito sa kama. Umupo siya at may kinuha din sa ibaba nito. It was a silver strapped sandals with a five inch heels. Gusto ko sanang magsalita tungkol sa choices niya pero patuloy lamang siya sa monologue niya tulong kay Landon.

"I can't believe he's my cousin." she muttered. "I mean, yes, there are times that his surprises are hilariously entertaining. Especially that woman who went cracked crazy when Landon invited her to our wine party. Come on, there's no better wine than blood. And the stripper. Oh God, the stripper. You should see the stares on my Aunts and Uncles faces."

Pinagmasdan niya ang dress na napili niya. It was a silky black fitted high slit gown. "But this!" she continue to exclaimed in a sophisticated sweet voice. "This is a Monaghan's family gathering. He can't just bring a human in this place."

Lumapit siya sa akin at ini-lahad ang dress sa harap ko at tila sinusukat ito. "Tito Nicholai is here. Aunt Madela is here. Uncle Utsaah is here. Everyone is here. It's like offering a chicken to a pack of hungry lion on the premises of their territory. Outrageous."

"Uhm, excuse me?"

Tinulak niya ako sa loob ng isang pintuan. It was a bathroom. Hindi niya man lang pinakinggan ang sasabihin ko. Inabot niya sa akin ang damit at ang sapatos. "Hurry up and get dress." she instructed.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. I know she's just trying to be civilized at di-hamak na mas comfortable ako sa presence siya kesa kay Landon. Pero hindi ko parin maiwasang mangamba sa pinasukan ko.

"Get dress, Denise." ulit niya habang naghihintay sa tapat ng pintuan.

"Can you just spare me so I can home?" tanong ko, umaasa na mas maintindihan niya ako kesa kay Landon.

"Too late, Denise. They are already here." Who?

Balak ko sanang muling magtanong nang may marinig akong pumasok sa kwarto. Narinig ko ang familiar na boses ni Landon. Shit.

"Where is she?" he asked.

"Oh, shut up." asik ni Yllona.

Bago pa maisipan na mangialam ni Landon. Nagbihis ako at sinubukang isiksik ang sarili ko sa fitted dress na binigay ni Yllona. Halos hindi ko na magawang huminga noong matapos ako.

Landon is my only way out of this place. Siya ang nagdala sa akin dito at siya ang magbabalik sa akin. Kapag may nangyari sa aking masama, the contract will be breached at makakalaya ako. Sinuot ko ang sandals at tinali ang manipis na strap nito sa ankle ko. The slit of the dress it too high, umaabot ito sa upper part ng legs ko. Nagmukha akong nagsuot ng punit na tela.

"God, can you smell her? She's divine." narinig kong sinabi ni Yllona. "This is downright torture, Landon."

"Cut it out, Yllona." Landon warned. "Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina mo pa siya gustong sungaban mula noong pumasok kayo sa kwartong ito?"

"Oh, come on, Landon. Can you blame me? At least I tried my best to be civilized and direct my blood lust into a more preoccupying topic."

"She's mine." Landon muttered seriously. "Humanap ka ng mamarkahan mo."

Pakiramdam ko masusuka ako sa usapan na naririnig ko. Hindi ko na gustong lumabas sa banyong yon.

"I know, duh. I'm not a cheat." Yllona retorted. "As if I could touch a drop of her blood." Maya maya pa ay natigilan ito. "Gaano na ba siya katagal? Siya palang ba ang sumunod kay Hel—"

Nakarinig ako ng nabasag na kung ano sa sahig. It sounds like a vase or glass. What the hell is happening there?

"Fine!" exclaimed Yllona afterwards. "Geez!" she breathed. "I will not elicit the name again. Calm your tits."

I can feel Landon sighing in frustration. "She's a day under the contract." he said. "Eight months since the mark."

Natahimik si Yllona. "Seriously?"

Maya maya pa nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto. "Denise, get the fuck out of there." See? Napaka civilized niya talagang kausap. Walang kwenta. "Get out or I will destroy this fucking door—"

Binuksan ko bigla ang pintuan. Nasa gitna siya ng malakas na pagkatok kaya naman napapikit ako nang akmang tatama sa akin ang kamao niya. Pero wala akong naramdaman kundi ang katahimikan sa paligid. Binuksan ko ang mga mata ko at napansin na nakatitig siya sa suot ko lalo na sa slit nito.

"I know, I know." Yllona mused. "You're turn on and you want to bang her right at this room, but I still have to make her hair."

Napansin kong binigyan ng masamang tingin ni Landon ang kanyang pinsan. "Bakit ganyan ang pinasuot mo sa kanya?"

"What's wrong with that?" inosenteng tanong nito. "Gusto mo ikaw lang ang nakakakita ng ganyan sa kanya?"

This conversation is making me nauseous. "She'll acquire too much attention." asik ni Landon.

"Exactly." Yllona shrugged unconcern. "You wouldn't want to take her away from your gaze. She's a human in a household full of vampires. Makalimutan mo lang siya ng isang segundo siguradong mag isa kang aalis sa lugar na ito."

I severely wanted to wave my hands at them. I'm here! Please don't talk about the various ways I could be killed for the second time in front of my face. Humarap si Yllona sa akin.

"Now, go." utos niya kay Landon. "She still needs to look presentable."

Pinagmasdan ko si Landon. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa lugar na ito. Bumuntong hininga si Landon bago lumabas ng kwarto. I never saw him that frustrated. He is not his calm and usual arrogant self.

Is it that bad that he brought me here?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro