Chapter 8: Black Tuxedo
Chapter 8: Black Tuxedo
Pinagmasdan ko ang pag alis ng itim na sasakyan hangang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Binuksan ko ang maliit na gate ng apartment namin ni Elyse at dumerecho sa loob.
Hapon na at hindi ko na nagawang bumalik pa sa school. Hindi ko na din kayang bumalik pa. Masyado nang mahaba ang araw na ito para sa akin. Pabagsak akong umupo sa sofa sa sala.
Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ko. Hangang ngayon, bahagya paring nanghihina ang mga binti ko. Pumayag ako. Pumayag ako sa gusto ni Landon Monaghan.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at nag bihis. Kailangan kong puntahan si Elyse. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nag aalala ako na nadala lang ako.
--
Dumating ako sa Hospital, alas kwatro ng hapon. Tahimik akong pumasok sa loob ng kwarto. Tulad ng dati ay napakatahimik dito. Walang tao. Tanging ang tunog ng heartbeat monitor ang maririnig sa buong sa kwarto. Kung tutuusin, normal ang heartbeat niya.
Umupo ako sa silya malapit sa kanyang bed. Nakabukas ang mga mata niya at maaaring naririnig niya ako. Bumuntong hininga ako. Elyse, hindi ko alam kung tama ba ang decision na ginawa ko. I had faced the deal I tried hard to escape so I can save you.
Naisandal ko ang aking ulo sa malambot na kama. Starting tomorrow, I'll be under the blood contract. Hindi parin ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. I was just another university student until the night I sold myself to the devil. After that, everything went downhill.
Ayon sa contract, kailangan kong maging source of blood ni Landon sa mga susunod na tatlong buwan. The sentence itself doesn't sound proper to my ear. Pero yon ang napagkasunduan namin.
Tatlong buwan lang.
He said I don't have to worry. Madali siyang magsawa. Baka wala pang tatlong buwan, palalayain na niya ako sa contract. I really hope so. Pero ibig sabihin din nito ay susunod na si Elyse. I groaned just by thinking about it. Bakit ba kami nasangkot sa mga tulad nila.
--
Kinabukasan nang pumasok ako sa Lecture Hall, napansin ko ang mga mata na nakatingin sa akin. Nang umupo ako sa silya, hindi ko maiwasan na marinig mula sa mga bulungan nila ang pangalan ko.
Yeah, I was with Landon Monaghan yesterday. Big deal. You don't even know half of the story so shut up! Pero sa halip na sumagot, tumahimik nalang ako. They are the least of my concerns right now. I have a lot of bigger concerns than their pathetic gossips.
Nang mag lunch na, lumabas ako mula sa Lecture Hall at halos mapatili nang maramdaman ang mga kamay na kumapit sa braso ko. "Girl, you have a lot of explaining to do."
Napalingon ako kay Justin na hawak ang braso ko. Nakasunod si Daniela at Clomil na akala mo ay mga secret agents na tiningnan muna ang paligid bago naglakad sa tabi namin at hinila ako palabas ng building.
Geez, these people!
Nakarating kami sa quadrangle kung saan umupo kami sa loob ng isang shed. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na ngayon ay nakatitig sa akin na para bang hindi makapaniwala.
"Spill, Denise!" exclaimed Daniela.
"Spill, what?" I asked.
"What we don't know."
I know they are referring to the chaos at the gym yesterday. But I can't help my silent retort. There are a lot of things you don't know, guys. And it's better if it will stay that way.
"Hindi mo sinabi na kilala mo si Mr. Sexy Devil." muttered Justin. Yeah, he's a devil. I couldn't agree more with that. "I mean, Denise, kainis ka naman eh." Justin whined like a girl. "I called dibs on him the other day."
Kung hindi lang tungkol sa seryosong bagay ang usapan na ito, siguro natawa na ako. But it's slowly sinking in my system. This life I had right now is not mine. And as long as I'm bind with the blood contract, hawak ako ni Landon Monaghan.
"I-" Hindi ko magawang maituloy ang sasabihin ko. Inside my head I was thinking of lies para may maisagot sa kanila. Stringing some random words to create a convincing story.
"I work for him."
Natahimik ang mga kasama ko. Si Daniela napa-paused sa tangkang pagsipsip sa straw ng dala niyang iced coffee. "What?"
"I work for him." ulit ko.
"What? Like a tutor or something?" nakakunot ang noo na tanong ni Justin. "Baka nga mas matalino pa sa atin yon, girl. Financial Management ang major."
Clomil gave Justin an incredulous look. "Ano ang tingin mo sa atin bakla, hindi matalino? We choose the creative side. Doon tayo matalino." she said with a huff.
Inawat sila ni Daniela na ini-angat ang hawak na coffee cup. Kakaiba din ang magkakaibigan na ito. "Paki-clear, please." kalmado na pakiusap ni Daniela.
"I'm one of his maids." puno ng dedication na sagot ko.
Muli, natahimik sila. "Maid?" asked Clomil. "Like sa house nila?"
"Uh huh." sagot ko. Hindi nila malalaman ang totoong nangyayari kaya hindi ko kailangang mag alala. Isa pa, medyo malapit yon sa kailangan kong gawin, hindi ba? So I'm not exactly lying.
"Sa house as in?" ulit ni Justin. "How come? Paano ka nag apply?" Sa intensity ng tanong niya, naisip ko tuloy kung may balak ba siyang mag apply kung sakaling totoo ang sinasabi ko.
"Not exactly." maingat kong sagot. Daniela stared at me suspiciously. "Part time lang."
"Part time?" Clomil pondered. "Like every time na kailangan ka, doon lang?"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Yep. Exactly."
"Kaya pala kung kaladkarin ka niya kahapon akala mo wala ng bukas." she said as if thinking deeply.
"Baka naman iba na yan, Denise, ah." Justin said playfully. "Maid? Baka ibang serbisyo na ang binibigay mo sa kanya." Halos masamid si Daniela sa ini-inom niya dahil sa sinabi ni Justin.
Pinalo niya si Justin sa braso. "God, Justin, pwede ba gandahan mo ang tyempo ng mga sinasabi mo." asik niya. Kinuha niya ang kanyang panyo mula sa bulsa at pinunsan ang patak ng coffee sa palad niya.
Hindi na ako magtataka na mabangit nila yon. I mean, come on. This is Landon Monaghan we are taking about. The guy who'll bang any woman with alluring vital stats who are tragically caught in his seduction game.
Bumalik ang attention nila sa akin. Nakataas ang mga kilay nila as if asking the same question. I snorted. "Of course not." confident na sagot ko. "I'm not even attracted to him that way. This is purely business."
Maingat ako sa naging sagot ko. Alam kong attracted ang dalawa sa kasama ko sa hayop na yon. Kahit paano hindi ko sila gustong maoffend. After all this is a free country. Kalayaan mong pumili kung kanino ka magpapakatanga.
"You sure?" inquired Justin. "Naku, Denise, ah. Hangang tingin lang tayo. Parang painting lang yan sa museum. For your eyes only." biro niya. I bit my lips to hide my smile. Baliw talaga 'tong si Justin.
"Ipangako mo, girl. Kapag yong gwapong nilalang na yon, may ginawa sayong hindi maganda, naku-" Pinagmasdan ako ni Justin. "Ipamigay mo sa akin. Switch place tayo."
Daniela rolled her eyes at her friend's antics. "Ito, seryoso, Denise." she stated. "Alam mo naman siguro na hindi tayo papasa sa standards ng isang Landon Monaghan." I heard Justin mumbled something like 'aray beh, masakit yon ah.' Pero nagpatuloy lang si Daniela sa pagsasalita.
"But that doesn't mean na kapag may ginawa ang gwapong nilalang na yon na hindi maganda, hahayaan nalang natin." Gwapong nilalang talaga? "Naging magka-klase tayo sa Judo last summer. Alam mo na ang gagawin."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pagiging seryoso ni Daniela. Hindi ko inaasahan ang pagiging concern nila. And I couldn't deny the fact na na-appreciate ko yon.
"I know." sagot ko.
"Pero girl, seriously, how did you get in?"
--
Halos tapos na ang lunch nang matapos ang pag uusap namin nina Daniela. Kaya naman kumuha nalang kami ng take-outs at kinain habang naglalakad kami. Sa ngayon, ang alam nila ay nagta-trabaho ako kay Landon bilang maid.
Hindi na ako nagsabi ng madaming details. Ang importante ay may idea sila sa nangyayari kung sakaling bigla nanaman akong kaladkarin ni Landon Monaghan. Speaking of which, ay nasa harapan ko ngayon.
Katatapos lang ng trabaho ko sa Library at pauwi na sana ako nang madatnan ko siyang naghihintay sa tapat ng Library Building. Nakasandal siya sa hood ng itim na sports car habang humihithit ng sigarilyo.
Tumigil agad ako sa paghakbang at halos bumalik sa loob ng building. Hindi niya naman ako kailangan ngayon, hindi ba? I mean he gave me a few days to get ready. Hindi pwedeng magbago ang isip niya.
Maingat akong lumapit sa kanya. Sinigurado ko muna na walang masyadong nakapansin sa nangyayari dahil madilim na din sa campus at ilan nalang ang may pasok na pang gabi.
"What?" tanong ko.
Inalis niya ang sigarilyo mula sa bibig at inapakan yon sa lupa. "I need you." Napantig ang tenga ko sa narinig. No. Hindi pwede ngayon. He promised me bibigyan niya ako ng time para maghanda.
"Pero sinabi mo-"
I was cut in nang hinila niya ako papasok sa loob ng sasakyan niya. "Just get in." utos niya.
Napanganga ako. Hindi. Mali ito. It's against the contract. Nagpumilit akong lumabas mula sa sasakyan.
"Calm down, Denise. I won't do it now."
Napahawak ako ng mahigpit sa edge nang upuan nang humarurot siya paalis sa campus. "Geez, Landon! Nasa school campus tayo for fuck's sake!" singhal ko nang halos masagasahan namin ang isang grupo ng nagba-bike sa madilim na bahagi ng campus.
"Kasalanan ko ba na wala silang warning light?"
Natigilan ako nang mapansin ang mabilis na pagkapikon niya. What's up with him? Derecho siya sa pagmamaneho at hindi ito papunta sa direction ng apartment. Lumingon ako sa kanya.
"Where are we going?" Sinubukan kong maging kalmado pero may bahid ng pagdududa at pag aalala ang boses ko.
"Somewhere."
Hindi man lang siya lumingon nang sagutin ako. "Somewhere what?!"
"Can you shut up?!"
He had my life in the palm of his hand. Pero may contract din kaming sinusunod. I fucking need to know. "Just tell me. Damn it!"
Mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. Nasa highway na kami. Saan kami pupunta? Hindi na familiar ang daan na ito. It's not even on the way to his huge ass mansion.
"Where are we going?!" asik ko.
He gave me a gaze coated with impatience. "Shut up, will you?"
Balak ko sanang muling sumagot nang bigla niyang hininto ang sasakyan. Masyado ng madilim sa labas para makita ko kung nasaang lupalop na kami. Napipikon na nahampas niya ang manibela ng sasakyan. Bigla akong natahimik. Oh. Nagalit ko ba siya?
Maya maya pa, may kinapa siya sa bulsa niya. Doon ko lang napansin na nagri-ring ang phone niya. He runs his fingers through his soft dark hair as if deeply frustrated bago ito sinagot.
"What?" asik nito. "We're on our way- No-" Landon scoffed. "Another surprise for sure- Fuck you, too, River." Tinapos niya ang tawag saka halos ihagis ang phone sa dashboard.
"Fuck." bulong niya bago muling pina-andar ang sasakyan. Mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. What the hell is happening?
Hindi ko nagawang magtanong pa dahil nakakatakot ang aura ni Landon. Parang makakapatay ng tao. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Tumahimik lamang ako. I'm fully aware I'm wearing my pale blue clerk uniform while he is in a sexy black tuxedo. This is bad. This is so bad.
Lumipas ang ilang minuto o isang oras, I don't exactly know, bago huminto ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong oras na. Maybe eight or nine in the evening? Nasa tapat kami ng isang mataas na gate. Nasa Coventry pa kaya kami?
Bumukas ang gate at bumungad sa amin ay isang-kakahuyan? I was frozen in my seat. Isang makitid na daan ang nasa gitna ng masukal at mataas na kakahuyan. Pinaliligiran ang daan ng maliliit na ilaw na para bang runway ng isang airport.
"Where are we?" tanong ko sa unang pagkakataon matapos ng halos isang oras na pananahimik.
"Monaghan Mansion."
Wait, what? Napanganga ako sa sinabi niya. "Monaghan Mansion? Hindi ito ang pinuntahan ko last time."
Landon rolled his eyes in a manly way. "Mukha ba 'tong bahay ko?" asik niya. "This is my Family's mansion."
Pinagmasdan ko ang madilim na daan na binabaybay namin. My mind is in chaotic disarray. Family mansion. The Monaghan's. A household full of vampires. Napamura ako nang mahina.
This is bad.
***
Author's Note:
Hey, guys. Just wanna say thank you for giving this story a chance. It means a lot to me, especially the comments and messages. I read them from top to bottom so please don't hesitate.
How's the story? Cause so far, I really enjoy writing this. I hope you can drop your comments below so I would know if the feeling is mutual. Don't be silent readers, please?
Are you afraid of me? I don't bite. Usually. I have laws I need to abide. Lol. But seriously tho, thank you again for sticking with the story. Stay awesome, sexy vampires.
@april_avery
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro