Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Take You Down

Chapter 5: Take You Down

Patuloy ako sa pag atras habang siya naman ay papalapit sa akin. Narinig ko ang halakhak niya na para bang natutuwa sa kanyang nakikita. Napatayo ang babaeng kasama niya kanina at galit na lumabas ng kwarto. Pinagmasdan ko ito habang nagmamadaling dumaan sa likod ko.

"Don't get any closer." banta ko kay Landon. Halos gusto kong sabihin sa babaeng kaaalis lang na hwag niya akong iwan kasama ang lalakeng ito.

Muli siyang natawa. Nag taas ito ng dalawang kamay, nang iinsulto. "Okay, then." Umatras siya at kinuha ang damit niya mula sa sahig. He raised the black t-shirt over his head at sinuot ito. I noticed how the muscles on his arms and chest flexed as he does so.

"You sure you don't need me?" nakangising tanong niya. Hinawakan niya ang kanyang labi as if assessing me. Bigla kong naalala ang rason kung bakit ako nandito.

"I— I need to talk to you." sagot ko.

"Just talk?" amused na tanong niya. Lumapit siya ng isang hakbang sa akin. "We can do something better."

Halos gusto ko na siyang suntukin dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Napaka walang kwenta talaga niyang kausap. Whore. Man slut.

"It's about my best friend, Elyse." Sinalubong ko ang titig niya. I need to be brave. Kapag nakita niya akong naintimidate sa presence niya mas lalo lang niya akong pagtitripan. "You know her, don't you?"

Kumunot ang noo niya, pero agad din itong napalitan ng kanyang usual conceited expression. "Give me a reason why it concerns me." aniya.

"Just answer me, damn it!" Nauunahan na ako ng kaba. Kapag nagtagal pa ako dito baka bigla nalang akong tumakbo palabas ng kwarto. Kailangan ko ng malaman. Para hindi na humaba ang usapan na ito.

Muli siyang humalakhak. Humakbang siya— the next thing I knew magkatapat na ang mga mukha namin. Nanlaki ang mga mata ko nang magkatitigan kami. Paano niya nagagawa yon? Napaatras ako at umiwas subalit hinablot niya ang chin ko para titigan siya.

"Watch your mouth, Denise, or should I shut it for you?"

Automatic na tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi siya natinag pero kusa siyang umatras. Napatingin siya sa wrist watch niya bago binalik ang tingin sa akin. "May aasikasuhin pa ako. I can't talk to you right now." Nagsimula siyang maglakad palabas ng kwarto.

Napakurap ako. "But you told me you can stop whatever you're doing!"

Sumakit ang lalamunan ko dahil sa ginawa kong pag sigaw. My nerves are getting the best of me. Wala na akong control sa mga sinasabi ko. It's just my mere reflexes doing the work dahil wala ng pumapasok sa utak ko.

Tumigil siya sa paghakbang at pumihit para humarap sa akin. Pinagmasdan niya ako na para bang gustong malaman ang eksaktong ini-isip ko. "Hindi ko nakakalimutan yon." aniya. "All you need to do is ask, Denise."

"I'm asking you to stay." Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Stay here with me. I need to talk to you."

He made a slow devilish smirk. Tumaas ang kilay niya na para bang nang aasar. "Anything, babe." Sandali siyang napatingin sa wrist watch niya. It seems hindi siya nagbibiro na may kailangan siyang puntahan. Subalit automatic na bumalik ang attention niya sa akin. "I'm all yours."

Napakalas ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito. Nararamdaman niya ba ang kaba ko?

"Alam ko na may kinalaman ka sa nangyari sa best friend ko." I started. "Just tell me— tell me— the whole truth."

Natigilan siya sa sinabi ko. Saka siya humalakhak. "You know the goddamn truth, Denise. You know what I am."

Tinitigan ko siya. Muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari noong gabing yon. Napakurap ako and within seconds ay nasa likod ko na siya. Napalunok ako nang maramdaman ang hininga niya sa leeg ko. His face was on the side of my neck, as if breathing my scent.

Ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang paghinga ko. "Alam ko din na ikaw ang kasama niya bago nangyari ang insidente." mariin kong sinabi. Lumayo ako bago hinarap siya. "Nagkita kayo, hindi ba? Walang ibang makakagawa ng mga bagay na yon kundi ang mga tulad niyo!"

He seems fairly entertained by this conversation that it annoys me. "What are we exactly, Denise?" nakangising tanong niya.

Umiling ako. Hindi ko kailangan na bangitin pa ang salitang yon sa harap niya. Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na pintuan just to make sure na makakaalis ako kung kailangan. Subalit bigla itong sumara. The door close with a loud bang that almost shocked my whole system. Bumalik ang tingin ko kay Landon. He's still smiling his infamous devil's smirk.

"What are we? What am I?" nanghahamon na tanong niya. Humakbang siya papalapit sa akin. "Say it, Denise."

Kung sa tingin niya natutuwa ako na malaman ang sekreto niya, nagkakamali siya. Nagsisisi ako na nagkrus ang landas namin noong gabing yon. Araw araw kong pinagsisihan ang bagay na yon.

Umatras ako palayo sa kanya pero hindi ko inalis ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Nakikita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya kasabay ng akin. Para bang nag aagawan kami ng hangin sa maalikabok na kwartong ito.

"Vampire." sagot ko, halos pabulong.

Napangiti siya at inabot ang chin ko. Tinabig ko agad ang kamay niya. Umatras ako. Isang malaking French horn ang nasagi ng mga paa ko at bumagsak sa sahig na nagdulot ng nakakabinging ingay.

Hinawakan ni Landon ang magkabilang balikat ko dahilan para bumalik ang aking attention sa kanya. He was staring at me, amused; na para bang isa akong bata na naturuan niya ng bagong salita.

"Again." utos niya.

Umiling ako. Sinandal niya ako sa pader na nasa likod ko. Napapikit ako dahil sa tindi ng impact na dulot nito. "Again." utos niya. Malumanay pero nagbabanta. The urge to obey him overwhelmed me. Balak ko sanang muling umiling subalit naramdaman ko ang bahagyang pagdikit ng labi niya sa leeg ko.

"Fucking vampire!"

A triumphant smile made its way into his lips. Lumayo siya sa akin. "Good." aniya. "Madali ka naman palang turuan." Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Tiningnan ko siya ng masama. "You animal—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang nakarinig kami ng marahas na katok mula sa pintuan. Malakas ito na para bang gusto itong sirain.

"May tao ba dyan? Ang Dean ito. Mr. Monaghan, alam kong nandyan ka."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Dean ng College of Business and Accountancy. Bigla akong nagpanic. Hindi nila pwedeng malaman na nandito ako, considering hindi ako taga dito, at kasama pa ang hayop na ito. Bumuntong hininga si Landon na para bang napikon sa gumambala sa kanya.

Humarap ito sa akin. "Still want to talk?"

Hindi ako nakapag salita. Ano ang gagawin ko? May tendency na mapahamak ako dahil dito. Naghanap ako ng ibang exit sa kwarto pero wala akong nakita maliban sa pintuan. It was a Music Room after all. Enclosed ang buong kwarto at walang mga bintana.

"Mr. Monaghan!"

Halos nang gagalaiti na sa galit ang Dean. Napatingin ako kay Landon. Hindi ako pwedeng mapahamak sa school authority.

"Don't leave until I said so."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Napakurap lamang ako. Biglang namatay ang ilaw sa kwarto. Maya maya pa nawala siya sa paningin ko. Napanganga ako. Iniwan niya ba ako?

"The fuck are you doing there?"

Natigilan ako nang marinig ang kanyang boses. Pero wala na siya sa loob ng kwarto. Nasa labas na siya at mukhang kausap ang Dean nila. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Lumapit ako sa pintuan para marinig ng mabuti ang usapan nila.

"A-Akala ko ba nasa loob ka at—" Hindi nakapagsalita ang Dean. Maya maya pa nag sink in sa kanya ang sinabi ni Landon. "Abat! Anong sinabi mo?" Tila hindi ito makapaniwala sa walang filter na bibig ni Landon. "SUSPENSION!"

Narinig sa buong hallway ang galit na sigaw nito. Padabog na naglakad ito paalis. Mukhang may kasama ito dahil narinig ko ang kanilang yapak na sumunod sa Dean. Isang mahinang 'tss' ang narinig ko. Naghintay ako ng susunod na mangyayari.

"Leave."

Ilang minuto ang lumipas bago ko nagawang buksan ang pintuan at umalis tulad ng sinabi niya. Wala ng tao sa hallway nang lumabas ako. Madilim na din ang langit sa labas at halos abandunado na ang hallway na nasa harapan ko. Tanging mga ingay nalang ng mga classrooms sa lower floors ang naririnig ko. Linibot ko ang tingin sa paligid. Wala na talaga siya. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko yon. Malamang hindi. Dahil ibig sabihin lamang nito ay hindi ito ang magiging huling pag uusap namin.

--

Lumipas ang mga araw na hindi ko nakikita si Landon Monaghan sa University. Magkalapit lamang ang mga Buildings namin, kung dati isa yong nakapalaking kamalasan, ngayon nagpasalamat ako dahil kahit paano ay madali ko siyang nahahanap. Pero nitong mga nakaraang araw, wala talaga siya.

It's maybe because of the suspension. Sino ba siya sa tingin niya para magmura sa harap ng isang Dean. Nababaliw na siya. Alam kong hindi siya isang ordinaryong estudyante sa paaralan na ito. Kamag anak niya ang isa sa mga nagmamay ari ng Saint Mathews. Pero masyadong malaki ang university para mauso ang special treatment.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang pagtapik ni Daniela sa balikat ko. Humarap ako sa kanya na nagtataka. Nasa locker room kami at kasalukuyang naghahanda para sa PE. Nakasuot kami ng PE uniforms para sa game which is volleyball— maikling maroon shorts at puting t-shirt.

"Tagal mong magbihis. Nag wa-warm up na yong iba."

Pinagmasdan ko siya. Maganda talaga siya. Matangkad, makinis, naka braids ang kanyang mahabang buhok, at magaling din siya sa larong ito. Halos kami nalang ang nasa locker room noong mga oras na yon.

I put my hair in a high pony tail at nagmadaling lumabas kasabay siya. Dumerecho kami sa loob ng gym. Halos lahat ng block mates namin ay nandoon na. Ang ilan ay nagsisimula na ng mini game nila.

Kumaway si Clomil at Justin nang makita kami. "Team mates tayo ah." nakangiting sabi ni Clomil nang makarating kami sa kanila.

"Mabuti nang may kasama akong magagaling para may sasalo ng bola para sa akin." ngisi niya.

Just like Elyse, hindi mahilig sa larong ito si Clomil. Lagi silang natatamaan ng bola tuwing volleyball game. Kabaliktaran namin nina Daniela at Justin na makikipag patayan para sa larong ito. It was our department's pride na kahit social outcasts ang mga turing sa amin dahil sa nature ng course namin, madalas kaming manalo sa university-wide sports fest.

"Bring it on." muttered Daniela while stretching her neck. Ito rin ang dahilan kaya sinundo niya ako sa locker room. Hindi magiging maganda ang laban kapag hindi makakasama ang isa sa amin sa game.

Nagtawag na ang class president namin na bumuo ng grupo. Automatic na magkakasama kaming apat. Magtatawag sana si Daniela nang pwede pang sumama sa amin nang tumigil ito sa gitna ng pagsigaw.

"Hey guy, kulang pa kami ng—!" Napanganga niyang pinagmasdan ang lalakeng kapapasok lamang sa gym. Derecho itong naglakad papunta sa direction namin sa gitna ng court. "Oh— si Mr. Sexy Devil." halos bulong ni Daniela na kami lang apat ang nakarinig.

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Hindi naman kaya ako ang kailangan niya? Bumalot ang kaba sa dibdib ko tulad ng lagi kong nararamdaman kapag nakikita siya. Napaatras ako. Hindi. Hindi naman siguro.

"Hindi ba taga CBA siya?" tanong ng isang block mates namin.

"Business Administration Mayor. Anong ginagawa niya dito?"

Kampante siyang naglakad sa gitna ng mga blockmates ko, napangisi siya sa nakikitang expression sa mga mukha nila. He loves instilling dread and alarm to anyone. He's like a walking danger sign. Don't get close or else.

Bumaling ang attention ng lahat sa direction ko nang abutin ni Landon ang kamay. Hinila niya ako at muling naglakad palabas ng gym na parang walang nangyari. Napanganga ako. Shit.

"Sandali, bitawan mo ako." Nagpumiglas ako. Lumingon ako sa mga kasama ko at nakitang napanganga sila sa nangyari. Maging sina Daniela. Wala silang kaide-idea na magkakilala kami.

"Ano ba?!" asik ko habang pilit tinatangal ang pagkakaka hawak niya sa akin.

"Silence, Denise." kalmado at balewalang sagot niya habang naglalakad kami.

Nagsimula kaming pagtinginan ng mga taong nadadaanan namin. Nakarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang itim niyang sports car. Siya lang yata ang estudyante na may ganyang klase ng sasakyan sa university na ito.

Binuksan niya ang pintuan at halos ihagis ako sa loob nito. I immediately scramble on my seat to leave pero sinara niya ang tinted na pintuan sa harapan ko at nilocked ito gamit ang remote na hawak niya. Fuck.

Umikot siya sa harap ng kotse para pumunta sa driver's seat. Nang buksan niya ang pinto, gusto kong suntukin siya at magmadaling umalis. Pero alam kong imposible yon. Ano bang kailangan niya sa akin?

"Saan mo ba ako dadalhin?" asik ko.

My hands resting on my lap are trembling so I hid it from his view. Napansin niya ang munting pag galaw na yon kaya napatingin siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa mga binti kong hindi magawang takpan ng maikling PE shorts. Napa iling siya pero ramdam ko ang humor doon.

"If I were you, I wouldn't wear flimsy piece of crap if you wouldn't want me to take you down right here in this goddamn car."

Napanganga ako sa sinabi niya. Pilit kong inadjust ang shorts ko at narinig ko ang halakhak niya. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan. Nagpapanic na pilit kong binuksan ang pintuan.

"I'm kidding, Denise."

"The fuck you are!"

"Your filthy mouth turns me on." nakangiting sinabi niya habang derecho ang tingin sa daan. Halos maitulak ako sa upuan dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya nang makalabas kami sa school campus. "I just thought you should know."

Nag ngitngit ako sa inis. Alam kong sinasabi niya lang ang mga yon para inisin ako. Damn him! Itinuon ko ang attention sa labas ng bintana. Halos mga kulay nalang ang nakikita ko dahil sa bilis ng patakbo niya.

"Saan ba tayo pupunta?" kalmadong tanong ko. Gusto ko bang pareho tayong mamatay sa ginagawa mo?

"My house."

Biglang bumalik ang kabang nararamdaman ko at mas dumoble ito.

"We still have unfinished business, Denise." Bahagya siyang napalingon sa akin. "O baka naman hindi mo na gustong pag usapan ang bagay na yon? I will willingly bring you back."

"N-No." mabilis na sagot. Kung ang tinutukoy niya ay si Elyse, hindi ako aalis hangang hindi niya sinasabi kung paano siya gagaling.

Napangisi ito. "Good. Habang tumatagal mas mabilis kang natututo." Pinilit kong hindi sumagot sa sinabi niya. May inabot siya sa likod ng kanyang upuan. Isang itim na jacket. Hinagis niya ito sa lap ko.

"Cover yourself up. Baka hindi ako makapag pigil." he smiled playfully. Ikinuyom ko ang mga palad ko na ngayon sana ay naglalaro na ng volleyball sa gym kasama sina Daniela. I need to calm down.

"It's so easy for me to take you down right here right now. Denise." Ngumiti ito at bahagyang lumingon sa akin. "But, we need to be patient, don't we? After all, it's time for you to return your part of the deal."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro