Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44: The Devil

Chapter 44: The Devil

Landon held my hand as we run into the hallway toward the back exit of the mansion. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa ginagawa naming pagtakas. But there's no greater feeling that to see ourselves free from any restrains.

Nakalabas kami sa mansion at agad na tumungo sa dock kung nasaan ang mga yate. Nagsisimula na ang engagement announcement pero hawak ko ang kamay ni Landon sa tabi ko habang nilalakbay namin ang daan paalis sa lugar na ito.

Nagsimulang magkagulo ang mga tao sa mansion habang palayo kami nang palayo. Napatigil kami nang makarating sa dock kung saan naghihintay si River sa yate.

Noong una, natigilan siya nang makita kaming hinihingal. Saka siya napangiti nang nagsimula kaming umakyat sa yate. It's was a rush I never expected to feel. Hindi ako natatakot sa pagkakataong ito. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa paglaya.

Sandaling nag-usap si Landon at River. Bumaba si River mula sa yate at iniwan kami. "Someone has to pick them up before the monster gets to them."

Napakurap ako sa sinabi niya saka naalala si Miss Van at si Yllona na nasa loob pa rin ng mansion. Napahakbang ako upang sundan si River pero hinawakan ni Landon ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang umiling habang pinagmamasdan si River na bumalik sa loob ng isla.

"Don't."

"Then what should we do? Hindi natin sila pwedeng iwan dito."

Humarap si Landon sa'kin. "I trust the twins enough to know they could make it out without scratch. Pero hindi ako nagtitiwala sa kakayahan kong protektahan ka."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"My grandfather won't let us out alive. But as long as you're with me, I could guarantee your safety over mine."

Pumunta agad si Landon sa steering wheel upang imaneho ang yate. He did know how to sail. Nakita ko na siya minsan na ginawa ito. Umandar ang yate at unti unti kaming nakalayo sa isla.

Nakaupo ako malapit sa kanya habang pinagmamasdan siya sa ilalim ng madilim na langit at liwanag ng yate.

"Are you scared?"

Nanatili si Landon na nakatanaw sa dagat nang tanungin ako.

"Yes."

"Where do you want us to go?

"Far away from here."

Nagpatuloy kami sa gitna ng tubig. Tinanaw ko ang maliwanag na isla mula sa yate. Everything seems glowing dimly in the still night sky. Napakapayapa kung titignan. I hope they are all okay.

Bumaling ako kay Landon. "Can I take my mom with us?"

"Of course. Susunduin natin siya bago tayo umalis sa bayan."

I stared at Landon wearing a tuxedo while maneuvering the yacht's steering wheel. Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Marahan kong hinawakan ang kanyang beywang at mahigpit na niyakap.

What I wanted was to have three days with him. Pero habang nasa yate kami pakiramdam ko hindi ko 'yon matutupad.

Bahagya akong lumayo sa kanya. Landon set the rudder of the yatch in autopilot so he can face me.

"You're beautiful, especially tonight." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakas dahil sa hangin.

"No matter what you wear, or who you look like, I always see you as someone who lights so bright, Denise. You're incandescently beautiful."

Napangiti ako nang mapait. I always thought I was the moon, dark, sad, and distant. But to some people, I'm indeed the sun.

"Landon, can I dance with you?"

Natigilan siya sa sinabi ko.

"It seems like I didn't get the chance to properly dance with you. We are always in parties, both of us. Pero hindi pa kita nakasamang sumayaw nang walang gulo o alitan."

I remember the first time I danced with him. We're in the family mansion and I hated Landon so much for dragging me in the lion's den. You and I came a long way, Landon. And it's ironic for our lives used to be interconnected all this time.

Landon stared at me. We're wearing dress and suit fit for a party, in a yacht on a calm water, standing under the same silver moonlight who witnesses everyone's deepest secret. Landon held my hand to dance. "Miss Limerick, can I have this dance?"

I smiled, leaving the situation behind us. "Mr. Monaghan, I've been waiting for you all this time."

I held Landon's hand with mine and embraced him with the other. He placed his on my waist as we dance slowly to the rythm of our own hearts.

I love him so much that it hurts.

He twirled me lightly as I giggled and I rested my head on his chest as we slowed down once more.

"Denise?"

"Hmm?" I asked as I looked up to him.

"I need something to hold on to when the time comes."

Nagtaka ako sa sinabi niya. But Landon was staring intently at me as if I was the only person who matters to him.

"Will you marry me?"

Napakurap ako sa sinabi niya.

"Right now is the only thing that matters to me. Tell me your answer Denise and whatever happens, I will hold on to it and would fight for it."

Tinitigan ko si Landon. At kahit alam kong mali ang pagkakataon at sitwasyon namin, isang bagay lang ang alam ko. I'm deeply in love with him.

"Yes," I said. "Yes, Landon."

Dumaong ang yate sa pier at nagmadali kaming bumaba upang umalis sa lugar. Naghanap kami ng masasakyan papunta sa Saint Judes kung nasaan si Mama.

Halos madaling araw na pero nanatili kaming gising sa pangamba. Hindi ko gustong isipin ang susunod na mangyayari o kung saan ito magtatapos. Ramdam kong nalalapit nang matuldukan ang lahat.

Natagalan kami sa paghahanap ng sasakyan na magdadala sa'min sa Saint Judes. Nagaalala ako para kay Mama. Hindi ko siya gustong madamay sa gulong ito. Tapos na ang apat na taon ng kanyang paghihirap at ayoko ng maulit ito. Baka hindi niya kayanin. Baka hindi ko kayanin.

Sa wakas ay nakarating kami sa Saint Judes. Agad akong umalis sa taxi at sumunod si Landon. Tahimik ang center noong pumasok kami sa building. Isang guard ang tanging gising.

Noong una hindi ko napansin na may kakaiba. Masyadong tahimik. Kadalasan kasi kahit ganitong oras may ilang ingay akong naririnig mula sa mga kwarto ng center.

Tumungo ako sa front desk pero walang nagta-tao dito. Kaya nagdecide ako na dumerecho sa kwarto ni Mama. Habang naglalakad sa corridor isang nurse ang nasalubong namin. Nilapitan ko siya upang tanungin pero nang hawakan ko siya, halos impit siyang nagmakaawa upang makaalis agad sa lugar.

Natigilan ako at napatingin kay Landon na nasa likod ko. Bumakas ang parehong takot sa kanyang mukha.

"Si Mama..." tanging nasabi ko bago napatakbo papunta sa kwarto.

Nang makarating kami doon, nakita kong bahagyang bukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Mula sa labas, naririnig ko na may kausap siya sa loob.

Agad kong binuksan ang pintuan at nakita siya. Sa harapan ko. Kasama si Mama. Lumingon ang Lolo ni Landon na may nakakasolasok na ngiti sa labi.

"Come have a seat, both of you. Kanina pa kami nagku-kwentuhan tungkol sa inyo."

Nangilabot ako at gustong sumigaw. Lalo na nang makita ko ang mukha ni Mama. In my mom's face was full shock while staring at the old Monaghan. Ano ang mga sinabi niya? Bakit natulala si Mama nang ganoon?

"I will kill you," ramdam ko ang pagtitimpi sa boses ni Landon nang sabihin niya ito sa kanyang Lolo.

"See?" Tanging sinabi ng matandang Monaghan sa aking ina. "That boy... is a devil."

Biglang napalingon sa'min si Mama. Nanghina ako nang makitang muling nawala ang expression sa kanyang mga mata. Lumapit ako at agad hinawakan ang kanyang mga kamay. "Mama... nandito ako."

"Gusto bang malaman ang nalaman ng iyong ina, Althea Denise?" Nakangiting sinabi ng matandang nakaupo sa wheelchair.

Sa isang iglap halos sakalin ni Landon ang kanyang Lolo dahil sa puot.

"Bakit mo ginagawa sa'kin ito?" Nagtitimpi na singhal ni Landon habang pilit kong pinapakalma si Mama sa tabi ko.

Dalawang bodyguard mula sa labas ang agad pumigil kay Landon. The Monaghan's guard were trained to contain such angry beast like Landon. Pero nagpumiglas siya upang saktan ang sarili niyang kadugo.

"No one dared to break my rule, child," said the old man to Landon. Mahinahon siyang lumapit sa nagpupumiglas na si Landon. "You should know it by now. I could ruin your most trasured possession in front of you if this is what you want."

Humarap ang matandang Monaghan sa'kin. Pilit kong prinotektahan si Mama sa aking likuran habang nakaharap sa matanda.

"This boy you fell in love with, how much you know about him, Denise?" Tanong niya na tila nakikipaglaro sa akin. Isang mapanganib na laro.

"Did you know that at a very young age, Landon Monaghan killed a man in front of his very eyes without wavering?"

Natigilan ako sa narinig. Bumaling ako kay Landon na tumigil sa pagpupumiglas at nakatitig sa'kin. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang panghihina sa mukha niya. Is it true, Landon?

"And you know who's that man was?" Ngumiti ang matanda at dahan dahang sinabi ang katotohanan. "That man was his trusted servant. Your father, Althea Denise."

Tuluyang akong bumagsak sa sahig sa narinig. Hindi... hindi maaari.

"Have you wondered where he is, Denise? Have you found him? You won't, because he was killed by the man you fell in love with."

Umiling ako habang sunod sunod na bumabagsak ang aking luha. Nagsisinungaling lang siya, hindi ba? Gusto niya lang sirain ang meron kami ni Landon.

"Even Landon's cousins knew the story of why he's searching for his servant's daughter. It wasn't the father's request as you know. It was guilt."

Naalala ko si River at Yllona at lahat nang naitulong nila sa'kin. Was it... was it planned all along?

"Denise..." sinabi ni Landon. "Wala silang kinalaman..."

"Kung ganoon, totoo ba ang lahat, Landon?" Tahimik kong tanong habang unti unting nanghihina.

"I did it for his sake."

"You... did?"

"I killed him."

Pakiramdam ko mababaliw ako sa narinig. Unti unti akong nawawasak at tila hindi na makakabangon pa.

"Bakit? Akala ko pinagkatiwalaan mo siya? Akala ko naging kaibigan mo siya? Was this a story that River and Yllona made up? What is the truth in your identity, Landon? Sino ka ba talaga?"

Ngayong alam ko na ang katotohanan, hindi na nagpumiglas pa si Landon. Wala na ding dahilan ang Lolo niya upang pigilan siya dahil sa ilang salita lang tuluyan niyang nasira ang ano man ang meron kami.

"Are you really the devil I knew of you from the start?"

Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Landon sa binitawan kong mga salita. Pero hindi ko maintindihan. Sobra na akong nasasaktan.

"I... I just want you to trust a devil like me, Denise. Just this time... please trust me."

Hindi ako sumagot. Ang sakit na nararamdaman ko ay namamayani. Ang pagkasira ng buhay ko at ni Mama... ang ama na matagal kong hinanap... lahat ng ito ay umiikot sa kamay ni Landon Monaghan.

"Please... please trust me..." pagmamakaawa ni Landon. Halos lumuhod siya sa harapan ko. "I'm holding on to your words, Denise, to our promise."

But I can't... this pain is too much for me. I can't...

Hinawakan ni Landon ang kamay ko ngunit napapitlag ako at agad na lumayo mula sa kanya. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata pero hindi ko siya kayang lapitan... hindi ko siya kayang tingnan man lang.

Mataman na nakatingin sa'min ang matandang Monaghan. Ngayon alam ko na kung bakit ganito na lang kami pinaglalayo ng tadhana. Because maybe we're never meant for each other because we'll just cause each other pain in the end. It wasn't destiny that pulled us together. It was a sin.

"Denise... please..." patuloy ang pakiusap ni Landon habang nakayuko siya sa sahig at lumuluha.

"I'll hold on... I'll hold on to you until you can forgive me... even if it will take years... Denise, even if it will take forever."

***

Author's Note:

The next chapter will be the last chapter that serves as the epilogue. Thank you for reading this story and being part of Landon and Denise's journey.

If you're Denise, how much are you willing to forgive Landon, or would the pain of their love be too much? I'd love to hear your opinions!

Until the last chapter, my brave readers! I wish you happiness this Christmas!

- April

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro