Chapter 4: Evidence
Chapter 4: Evidence
Patapos na kaming kumain nang magsalita si Daniela. Nakatingin ito sa akin. "So, Denise. I hope we can talk about it now?" hesitant na tanong niya. "What really happened to Elyse?"
Napakurap ako. Naibaba ko ang mga kubyertos na hawak ko. Alam kong kahapon pa nila ito gustong malaman. After all, tama si Justin. They have the right to know. Bahagya akong natigilan habang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noong gabing yon.
"Denise! Hindi ka ba talaga sasama? Magiging masaya yon for sure." sabi Elyse habang naglalagay ng lipstick. Nakaharap siya sa full length mirror sa kwarto ko. Nandoon siya para yayain ako for the nth time na sumama sa kanya.
"I'm not in the mood for extreme noise and grinding sweaty bodies, El." sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagta-type sa laptop niya. "Isa pa kailangan ko pang tapusin itong inventory na pinagagawa sa akin para maipasa bukas."
Nag pout si Elyse. Inalis ko ang tingin sa monitor ng laptop at pinagmasdan ang suot niya. Kumunot agad ang noo ko. "Hindi ba masyadong maikli yang dress na suot mo?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Kumurap ang pilikmata niyang may mascara. "Really?" tanong niya. Hindi naman siya sanay magsuot ng ganyan. Kadalasan at least close to knee length ang mga suot niyang dress.
Mas lalo akong nag duda. "Anong meron? Makikipag kita ka ba sa kung sino sa Bar na yon?"
Natawa siya sabay sara ng bag matapos ilagay ang ginamit na lipstick. Her medium curly hair was styled with a ribbon in a girly way. Isang lilac color summer dress ang suot niya. She loves pastel colors.
"No. But I heard he's going to be there tonight." nakangising sagot niya.
Humarap ito sa akin at excited na umupo sa bed sa tabi ko. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Isang familiar at masamang pakiramdam ang bumalot sa sistema ko. "Who?" tanong ko. Kahit alam ko na ang magiging sagot niya.
She rolled her eyes. "Duh. Sino pa nga ba? Si Landon Monaghan, of course." Halos mapatili siya nang sabihin ang pangalan nito. Pakiramdam ko nag-palpitate bigla ang sintido ko.
"El, mabuti pa hwag ka nalang pumunta." casual na sabi ko.
"Why?" she almost whined. "It's Friday! Hwag kang masyadong magpaka sobsob sa trabaho mo. It's not even part of your job description anymore. Loosen up a little, Denise."
Pinagmasdan ko ang laptop pero tuluyan ng nawala doon ang attention ko. I know Elyse has this thing for that guy. Almost every girl has a thing for that guy. Masyado silang attracted dito. Elyse once described him as dark, mysterious, and sexy as hell. It's as something is pulling her towards him. Gusto niyang malaman kung ano ang tinatago nito sa mga nakamamatay nitong titig at sexy nitong mga ngiti.
"El, seriously." I warned. "Hindi mo ba nabalitaan ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan? Baka kung anong mangyari sayo." That exact time gusto ko na siyang samahan.
"Oh, it's just random rumors. Isa pa nangako tayo, hindi ba? Hindi tayo magiging biktima ng mga yon. Kaya nga nag aral tayo ng judo last summer." Tumayo na siya mula sa kama para umalis. "I will be safe."
Humarap ako sa kanya. I was already contemplating kung sasama ba ako. Siguro naman matatapos ko ang trabaho ko mamayang madaling araw. "El, I think sasama nalang—"
She cut me off. "No no. It's okay." Nakatingin siya sa phone niya nang sabihin yon. Nanlaki ang mga mata niya na tila ba gustong mapatili sa kung ano man ang nakita doon. Humarap siya sa akin. "Mauna na ako. See you later!" Malapad ang ngiti na paalam niya.
Pumunta siya sa pintuan ng kwarto ko. Pero bago tuluyang makalabas, lumingon siya sa akin. "Don't worry, Denise. I'll be fine." saka niya sinarado ang pintuan. Yon ang huling beses na nakita ko siyang nakangiti at may buhay.
Pagkatapos ng gabing yon, nabalitaan ko nalang na natagpuan siyang walang malay sa isang iskinita malapit sa bar kung saan siya pumunta. Nakabukas ang mga mata niya pero wala siyang malay. Pumunta agad ako sa Hospital kung saan siya dinala. Halos manghina ako ng makita ang kalagayan niya. Naging biktima siya tulad ng kinakatakot ko. She was the 13th victim.
"So, ginusto niya talagang pumunta sa Bar na yon ng mag isa?" maingat na tanong ni Daniela matapos akong mag salita.
"Niyaya niya ako para sumama." tahimik kong sagot. "Hindi sana nangyari yon kung sumama ako."
Clomil held my hand na kinabigla ko. "Hindi mo kasalanan, Thea." Tumango si Justin at Daniela.
Pero kahit anong sabihin nila alam kong may kasalanan din ako. Hindi na ako magtataka kung bakit ako ang sinisisi ng mga magulang ni Elyse. I'm the best friend. Hindi ko dapat hinayaan ang kaibigan ko na pumunta sa isang Bar ng mag isa. Lalo na kung sunod sunod ang mga nababalitang krimen na may kinalaman sa mga tulad namin. Ako dapat ang nakakaalam ng maaaring mangyari. Dapat hindi ko hinayaan si Elyse.
Noong hapon na yon, matapos ng trabaho ko, sumakay ako ng bus para pumunta sa Hospital kung saan naka-confine si Elyse. Sinadya kong hindi magpaalam sa mga magulang niya para hindi nila ako mapagbawalan. Wala na silang magagawa kung nandoon na ako.
Pumasok ako sa kwarto niya. Walang tao maliban sa kanya. Patuloy ang pagtunog ng heartbeat monitor. Ganoon din ang pagtulo ng IV na nakakabit sa kamay niya. Pinagmasdan ko siya. Walang expression na makikita sa kanyang maputlang mukha. Pero gumagalaw ang mga pupils ng mga mata niya. Parang nakikipag usap. Pero walang lumalabas na salita sa mga bibig niya. Ganyan siya maghapon. I wonder kung nakakatulog ba siya. Dahil mula noong natagpuan siya sa iskinitang yon, hindi na muling sumara ang mga mata niya.
"Don't worry, Elyse. Gagawa ako ng paraan para gumaling ka. Babalik ka sa dati." pangako ko habang nakatingin sa kanya. Gagawa ako ng paraan. Kailangan niyang bumalik sa dati. Hindi ko hahayaan na maging katulad siya ng ibang mga biktima na tuluyan ng nawala sa sarili o hindi na gumaling.
Kailangan ko lang ng proweba na magpapatunay na tama ang hinala ko. Hindi ako pwedeng magturo nalang ng may sala base sa pakiramdam ko. Kailangan ko ng malalim at konkretong dahilan para makipag usap sa kanya. Dahil sa ngayon nauunahan pa ako ng takot ko. Hindi ko pa kaya.
Isang phone ang nag vibrate sa mesa na kinagulat ko. Napalingon ako dito at nakita ang phone ni Elyse sa loob ng isang resealable clear plastic bag na nakapatong sa mesa. Kasama nito sa loob ang wallet niya. Maging ang lipstick na gamit niya noong gabing yon.
Pinagmasdan ko ang screen nito. Halos nag wa-warning na ang battery nito. Wala sa sarili na hinawakan ko ito habang nasa plastic. Tinap ko ang screen. May locked pattern. Alam ko ang pattern na ginagamit niya. Sinubukan ko ito at mabilis na nag unlocked ang screen. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako dahil sa ginagawa ko.
Pumunta agad ako sa inbox niya. Madami ang mga hindi pa naopen na messages. Merong messages doon na galing kay Justin, Clomil, Daniela, at iba pang kablock namin. Ini-scroll ko pababa hangang sa makarating ako sa mga nabuksan na messages. Mga messages na huli niyang nabasa. Tiningnan ko kung sino ang huling kausap niya. Isang number. Walang nakaregister na name. Binuksan ko ito nang may nanginginig na daliri.
From: Unknown Number
Go outside.
Binalikan ko ang mga conversation nila.
Elyse: Hi, are you going to Brenton tonight?
Number: Who are you?
Elyse: It's not important. Are you free?
Number: No.
Elyse: Can you just spare a part of your time?
Number: Why?
Elyse: I wanted you so badly.
Number: Okay.
Halos manlaki ang mga mata ko sa kasalukuyang binabasa. Tiningnan ko ang oras. Halos eight o'clock ng gabi. Nasa apartment pa si Elyse ng eight o'clock noong gabing yon. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit nag iba bigla ang mood niya bago siya umalis?
I wanted you so badly. The fuck?Elyse, ano bang nangyayari sayo? Ganito na ba kalalim ang attraction mo sa lalakeng ito? Muli kong binalik ang attention ko sa binabasa.
Elyse: I'm here.
Elyse: Where are you?
Elyse: Isang oras na akong naghihintay.
Number: Go outside.
Yon na ang huling message. Walang nakalagay na kahit anong pangalan ng lalake. Pakiramdam ko nanlamig ako bigla sa mga nabasa. Lumipas ang ilang minuto na nakatitig lamang ako doon.
Siguradong hinahanap na ito ng mga authority ngayon. Kung kanino mang number ito. Biglang bumalik sa akin ang naging usapan namin ni Elyse bago siya umalis ng apartment.
Makikipag kita ka ba sa kung sino sa Bar na yon?
No. But I heard he's going to be there tonight.
Who?
Landon Monaghan, of course.
A sinking feeling erupted from the pits of my stomach. Natatakot ako sa nalaman ko pero galit ang lubos na nangibabaw sa akin. This is enough evidence for me. I need to talk to that devil.
—
Kinabukasan, matapos ang lahat ng klase ko, pumunta ako sa CBA Building para makita si Landon. Pinagtanong ko siya sa mga taga roon. Subalit pinagmasdan lang nila ako na para bang isang akong baliw.
"Bakit mo siya hinahanap?" tanong ng isang lalake na tinawag na class president ng mga kasama niya.
Kumunot ang noo ko. Ano bang pakialam nila? "May kailangan lang ako sa kanya." sagot ko.
"Mukha kang matino para magkaroon ng kailangan sa lalakeng yon." Siniko ng class president ang kasama niya na nagsalita.
"Hanapin mo nalang siya sa Music Room. Madalas siyang tumambay doon kapag walang klase."
Nagpasalamat ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago yon narinig ko ang bulong nito. "Ingat ka nalang, Miss."
Nasa third floor ang kwartong tinutukoy nila. Doon din matatagpuan ang sarili nilang Library at Student Council office. Pumasok ako sa pintuan na may kulang kulang na sign. Musi(c) Ro(o)m. Mukhang walang masyadong mahilig sa music sa college na ito kaya napapabayaan.
Padabog kong binuksan ang pintuan. Halos mabigla ako sa dilim ng paligid. Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang kumikislap na drum set sa gilid at surface ng isang piano. May ilan pang musical instrument na nakahilera sa pader. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Until I heard a strange noise.
"Gaaad, Landon, you're so good at this."
Napakurap ako. I heard shuffling and body movement, kind of slow, pero malinaw na nasa surface sila ng isang smooth leather sofa or something. Pakiramdam ko naestatwa ako sa kinatatayuan ko. I should have known. Ano ba sa tingin ko ang ginagawa niya dito? Tumutugtog ng instrument? Natutulog? Of course he's doing his favorite past time.
Napaatras ako pabalik sa pintuan. My head started palpitating again. My breathing ragged. Ito nanaman. Nangyayari nanaman. Balak ko na sanang tumalikod palayo sa kanila nang marinig ko ang boses niya. Boses na nakakapanghina.
"Aah, you're here." he breathed in a mocking tone.
Para bang kasalukuyan pa siyang nakikipaghalikan kaya hindi masyadong naging malinaw ang pagkakarinig ko. Gusto kong masuka sa sinabi niya. Hindi ko pa siya nakikita pero alam kong nakangisi siya. Isang impit na reklamo ang kumawala sa bibig ng babaeng kasama niya.
"Wait, where are you going?"
"Shut up." I heard new shuffling noises. Parang umaalis na sila mula sa pwesto nila kanina.
"We're not done yet, Landon."
I heard the sound of a zipper, clothes and shoes being picked from the floor. Kumalma bigla ang sakit ng ulong nararamdaman ko. Maya maya pa bumukas ang ilaw. Halos masilaw ako nito.
Ngayon malinaw ko ng nakikita ang lahat. Tulad ng una kong napansin, ilang instruments ang nakalagay sa kwarto. Pero karamihan dito ay sira na o di naman kaya ay puno ang alikabok. Napatingin ako sa pinang galingan ng ingay kanina. Dalawang itim na sofa ang nakalagay sa sulok. Isang babaeng halos half naked ang nakaupo doon, nagmamadali siyang magbihis ng blouse na pang itaas. Nakapalda din ito ng maikli.
Tumama ang paningin ko sa matangkad na lalakeng nakatayo malapit sa wall. Nakahawak parin ang palad niya sa switch ng ilaw habang nakatitig sa akin. Tanging itim na pants ang suot nito. Kitang kita ko ang magulo niyang buhok at ang kanyang matikas na katawan. Hindi nagsisinungaling sina Justin noong sinabi nila na isa itong sexy devil.
Isang malapad na ngisi ang sumilay sa labi niya. "You need me?" interesadong tanong nito.
Isang nakakakilabot na pakiramdam ang bumalot sa akin. "N-No." I stammered. "Babalik nalang ako. Mukhang busy kayo—"
"You know I can stop whatever shit I'm doing just for you." Pinagmasdan niya ako na para bang sinusubukan ako. Nagpipigil. Pinag aaralan ako. "All you need to do is ask, Denise."
Nagpalipat lipat ang tingin ng babae sa akin at kay Landon. Saka ito hindi makapaniwalang nagsalita. "Come on, Landon! Her?!"
Natigilan siya nang mapalingon sa kanya si Landon. Ngumiti si Landon. A warning smile. "You're here to satisfy my thirst for this woman." Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Ganoon din ang naging reaction ng babae. "So, please, shut up." seryosong banta nito.
Lumapit sa akin si Landon. Napaatras ako. What am I doing? Hindi na dapat ako lumapit sa kanya. Tama ang mga sinabi niya. I can never escape him. And now I'm about to beg for it. Pinlano niya ba ito mula pa noong una? Nahuhulog na ba ako sa bitag niya?
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro